LOGINBianca Rivera’s Point of View
Parang tumigil ang oras sa garden ng Montemayor Grand Hotel dahil sa sinabi niya.
Mahigpit ang hawak ni Sebastian sa kamay ko habang nakatayo na kami sa gitna ng aisle na dapat sana ay para sa kasal ko kay Adrian.
Ngunit ngayon—ang tiyuhin na niya ang nasa tabi ko.
At ito na ang pakakasalan ko at ang magiging asawa ko.Sunod-sunod ang bulungan ng mga bisita, halos lahat hindi makapaniwala.
“What the hell is happening?!”
“Is this a joke?!”“Gosh, I can’t believe he actually agreed to marry her.”“Damn! How did she even convince Sebastian Alejandro Montemayor?”“Isn’t she scared?”“There’s no way I could marry a man like him.”“Bianca, what are you doing?!”Ngunit wala akong pakialam sa mga bulungan. Wala akong pakialam sa kanila. Kahit ang tumatawag sa akin, kahit ang mga kaibigan at mga kamag anak ko—hindi ko sila pinansin.
Ang tanging tinitingnan ko lang ay ang mukha ni Adrian.
Namumutla siya.
Ang lalaking minsang nangakong pakakasalan ako ay ngayon ay parang nakakita ng multo habang nakatingin sa akin.
“Bianca… what the hell are you doing?” galit niyang tanong habang mas lumalapit sa amin.
Nakasunod naman sa kanya si Daniella na akala mo isang aso na laging nakasunod sa kanyang amo.
Suot pa rin niya ang dress na halatang may ginawang kababalaghan dahil gusot-gusot ang dulo nito. Halatang nagmadali sila pareho.
Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Huh, para saan ang galit na ’yon? Hindi ba dapat matuwa siya dahil hindi na ako ikakasal kay Adrian? Masosolo na niya ang lalaking gusto niya.
“Stop this nonsense, Bianca,” sabi ni Adrian, sabay tingin kay Sebastian.
“Let go of her, Uncle.”
Ang salitang uncle ay parang lason sa hangin.
Tahimik lang si Sebastian.
Hanggang sa tumawa siya ng sarkastiko, sapat para patahimikin ang lahat.
“Let go of her?” ulit niya.
Ang boses niya ay kalmado… pero may halong babala.
“Adrian,” banggit niya sa pangalan nito, “you seem to misunderstand something.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Siya ang nag-propose sa akin,” sambit niya sabay tingin sa akin.
Napalunok ako at bahagyang kinabahan.
Dang.
Muling nagsinghapan ang lahat na akala mo ay hindi nila nasaksihan ang ginawa ko kanina.
“Yes,” dagdag pa niya. “Ms. Rivera just asked me to marry her, right now.”
“Bullshit!” sigaw ni Adrian.
Napalingon ang lahat sa kanya.
“Bianca, tell him to stop this!” sabi niya sa akin.
Ngumiti naman ako.
Hindi iyon ang ngiting nakasanayan niya. Ito ang ngiti ng isang babaeng wala nang pakialam sa kanya—ang babaeng nasaktan at pinagtaksilan.
“Why?” tanong ko. “Bakit kita susundin? Bakit ko siya pipigilan? Hindi ba ito naman ang gusto mo?”
Natigilan siya.
“Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ba dapat masaya ka?” patuloy ko. “Hindi mo na kailangang pakasalan ang babaeng ayaw mo. Ang babaeng hindi mo naman talaga mahal.”
Naramdaman kong napatingin ang lahat kay Adrian. Hindi makapaniwala.
At doon ko nakita ang takot sa mukha niya.
Hindi dahil sa akin.
Kundi dahil sa tiyuhin niya na seryosong nakatingin sa kanya.Of course, isang rebelasyon ’yon at kasiraan sa kanilang pamilya. Kaya takot siya.
“Bianca—” sabi niya, pero hindi na niya natuloy nang biglang sumingit si Daniella.
“Enough of this drama, Bianca,” malamig niyang sabi habang lumalapit.
Ang mga mata niya ay puno ng pagmamataas at tapang.
“Bianca, stop embarrassing yourself.”
Napataas ako ng isang kilay.
“Embarrassing myself?” ulit ko.
Tumawa siya.
“Everyone already knows Adrian loves you, and he is already marrying you. What is this drama?”
Wow. Ang kapal talaga ng mukha niya. Parang kanina lang nahuli ko silang may ginagawang kababuyan tapos sasabihin niya na mahal ako ni Adrian? Saka bakit pinipigilan nila ako? Don’t tell me gusto pa rin ni Adrian na makasal kami matapos ng lahat? Napaka-tarantado naman talaga niya.
Ngumisi ako saka lumapit sa kanya ng dalawang hakbang.
“Oh, really? Everyone knows Adrian loves me? The question is—is it true that he really loves me?”
Nagtaas siya ng kilay. Kung akala niya hindi ako lalaban, nagkakamali siya.
“Because if he really loves me, bakit ka niya pinatulan? Bakit may kayo? Bakit niya ako pinagtaksilan? Can you explain that?”
Malakas na singhapan ang narinig sa buong paligid.
“What?!”
“Did she just say pinatulan—”Namula ang mukha ni Daniella.
“Watch your mouth! Stop this nonsense!”
Ngunit hindi ako tumigil.
“For over a year,” sabi ko.
Tumingin ako kay Adrian.
“Right?”
Tahimik siya, tila hindi pa napoproseso ang mga sinabi ko.
At ang katahimikang iyon ay sapat na sagot.
Nagsimulang magbulungan ang mga bisita.
“For over a year?!”
“While he was engaged?!”“Adrian Montemayor cheated on his fiancée?!”“And with his fiancée’s sister, of all people!”Unti-unting namula sa galit ang mukha ni Adrian.
“Bianca, that’s enough!”
“Enough?” ulit ko.
Bigla kong ibinato ang bouquet na hawak ko sa lupa.
Ang mga puting rosas ay nagkalat sa damuhan.
“Enough?! Really?! Why would I stop when I caught the two of you in bed minutes ago, having sex in your suite?!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Muling nagsinghapan ang lahat at nagbulungan.
“IN BED?!”
“On the wedding day?!”“Good lord!”“How disgusting!”
“Well, it makes sense now!”“Hindi ko siya masisisi kung niyaya niya si Sebastian pakasalan.”Namumutla si Daniella.
“Liar!” sigaw niya.
“Really?” sabi ko.
Lumapit ako sa kanya hanggang halos magkalapit na ang mukha namin.
“Should I describe the position?”
Napasinghap ulit ang lahat.
“Bianca!” sigaw ni Adrian.
Pero wala na akong pakialam sa pagtawag niya sa akin. Alam kong kagagahan ang ginagawa ko dahil kasiraan sa akin, sa pamilya ko, at sa mga Montemayor ang eskandalong ito.
Nasaktan ako.
Hindi ko mapaliwanag ang halo-halong emosyon.
So, para fair—pare-parehas kaming mapahiya.
Bumalik ako sa pwesto ko.
Sa gilid ng mata ko, nakita kong nakatingin lang si Sebastian. Tahimik, habang nagmamasid at nakikinig.
“Bianca,” sabi ni Adrian habang lumalapit.
Ngunit biglang humarang si Sebastian.
Isang simpleng hakbang lang. Pero sapat na para pigilan siya.
“That’s enough, Adrian.”
Malalim ang boses niya. Nakakatakot.
“Stay where you are.”
Hindi gumalaw si Adrian.
Alam ng lahat kung sino ang may tunay na kapangyarihan sa pamilya Montemayor.
Hindi siya.
Kundi ang lalaking nasa tabi ko.
“Uncle,” sabi ni Adrian nang madiin. “Stay out of this.”
Bahagyang ngumiti si Sebastian.
“Too late.”
Pagkatapos ay tumingin siya sa wedding coordinator.
“You prepared a wedding today, correct?”
“O-opo sir…”
“Good.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Then let’s not waste it.”
Sa sandaling iyon—naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.
Dahil sa unang pagkakataon mula nang gawin ko ang desisyong ito…napagtanto ko kung gaano kalaki ang ginawa kong desisyon.
Pakakasalan ko ang tiyuhin ng ex ko.
Isang lalaking halos hindi ko kilala.
Isang lalaking mas makapangyarihan kaysa sa kahit sinong nakilala ko.
Ngunit hindi na ako pwedeng umatras.
Hindi ngayon.
“Ms. Rivera,” bulong ni Sebastian sa tabi ko.
Napatingin ako sa kanya.
Ang mga mata niya ay seryoso na ngayon.
“Last chance. Walk away and I will pretend this never happened.”
Huminga ako nang malalim.
Sa harap namin ay naroon si Adrian at Daniella—ang dalawang taong sumira sa akin.
Pagkatapos ay muling tumingin ako kay Sebastian.
“Marry me, Mr. Montemayor.”
Hindi ako nag-alinlangan.
Isang segundo lang siyang tumitig sa akin.
Pagkatapos ay ngumiti siya.
Hindi iyon ang mapanganib niyang ngiti kanina.
Isang totoong ngiti.
“As you wish.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko saka kami humakbang patungo sa paring magkakasal sa amin na halos kinakabahan sa nangyayari.
“Let the wedding ceremony begin.”
“B-but Mr. Montemayor—”
“Now.”
Napaatras ang pari sa takot. Agad niyang binuksan ang notes niya.
“We are gathered here today…”
Ang mga bisita ay hindi pa rin makapaniwala. Ang mga bulungan ay hindi pa rin tumitigil.
Ngunit wala na akong naririnig.
Ang tanging nararamdaman ko ay ang init ng kamay ni Sebastian sa kamay ko.
“Bianca!” sigaw ni Adrian.
Hindi ko siya pinansin.
Hanggang sa marinig ko ang galit na sigaw ni Daniella.
“You can’t marry her!”
Hindi man ako nakatingin, alam kong lahat ay napalingon sa kanya.
“She’s nothing! She’s just a gold-digging nobody!”
Biglang tumahimik ang buong paligid. Dahan-dahang napalingon si Sebastian sa kanya.
At sa unang pagkakataon—nakita ko ang tunay na lamig ng mga mata niya.
“Miss Daniella Rivera,” malamig niyang sabi. “Be careful with your words.”
“Why?” sagot ni Daniella. “Because you’re rich, you think you can talk to me like that?” matapang niyang sabi.
Isang mahinang tawa ang lumabas sa labi ni Sebastian.
“Partly.”
Pagkatapos ay ngumisi siya.
“Because… She is my wife now.” pagpapatuloy niya.
Tumigil ang pari.
“Mr. Montemayor… hindi pa po tapos—”
“In a few minutes, she’ll be my wife,” putol niya.
Tinitigan niya si Daniella.
“And once she’s my wife… the woman you call a nobody will become Mrs. Montemayor.”
Nakita ko ang galit sa mukha ni Daniella.
Ngunit wala na siyang nagawa.
Bumaling na ulit kami sa harap at nagsalita na muli ang pari.
“Do you, Sebastian Alejandro Montemayor, take Bianca Rivera to be your lawful wife?” Tahimik muli ang paligid.
“Yes.” Isang salita lang. Pero ramdam mo ang authority.
“At ikaw, Bianca Rivera—” Huminga ako nang malalim. Ito na ang sandaling babago sa buong buhay ko. “—do you take Sebastian Alejandro Montemayor as your lawful husband?”
Napatingin ako kay Adrian. Ang lalaking minsan kong minahal. Pagkatapos ay kay Daniella. Ang babaeng trumaydor sa akin. Tapos muling bumaling sa harap at ngumiti.
“I do.” At sa sandaling iyon— Tuluyan kong tinuldukan at tinapos ang nakaraan ko.
Sinuot namin ang mga sing-sing ng bawat isa.
“Then by the power vested in me—”
“WAIT!” sigaw ni Adrian.
Ngunit hindi siya pinansin ng pari.
“I now pronounce you husband and wife.”
Tahimik ang buong paligid.
Pagkatapos ay bahagyang yumuko si Sebastian sa akin.
At sa harap ng lahat—hinawakan niya ang baba ko.
“Revenge tastes better with a witness,” bulong niya.
At dahan-dahan…hinalikan niya ako.
Isang halik na sapat para tuluyang sumabog ang eskandalo sa Montemayor family.
At doon magsisimula ang panibagong buhay ko.
***********
Bianca’s Point of ViewIsang linggo ang mabilis na lumipas mula noong araw na nalaman namin ni Sebastian ang tungkol sa aking pagbubuntis. Sa unang linggong iyon, literal na nagbago ang buong takbo ng mundo sa loob ng aming bahay.Si Sebastian, na kilala sa pagiging kalkulado at laging pormal, ay naging triple ang pagiging maalaga. Kahit pagpunta ko lang sa hapag kainan ay gusto pa niya akong buhatin.“Sebastian, kaya kong maglakad. Buntis lang ako pero hindi ako baldado,” masungit kong sabi.“I know, wife. Gusto ko lang asikasuhin ka. At iniingatan ko lang na hindi ka madulas.”“Hindi ako madudulas. Let me walk, okay?”“No.”At iyon na iyon. Wala na akong magawa kundi irapan na lang siya kaysa awayin ko na naman siya dahil sa ganitong eksena.After he found out there was a tiny life growing inside me, he suddenly came up with his own list of things I was no longer allowed to do. He was caring, protective, at minsan ay super OA na.But even though his protectiveness could sometimes be
Bianca’s Point of ViewMakalipas ang dalawang buwan.Nakatayo ako sa loob ng aming banyo, blangko ang isip at nanginginig ang aking kamay habang nakatitig sa maliit na plastic stick na hawak ko.Dalawang malinaw at matingkad na pulang linya ang nakaguhit sa pregnancy test.Dalawang linya.Dalawang linyang ilang minuto ko nang tinititigan, ngunit parang hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko. Hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan.Sa sobrang busy namin sa kumpanya nitong nakalipas na dalawang buwan, hindi ko na napansin kung kailan ang huli kong regla. I mean, nitong mga nakalipas na araw ko lang napagtanto na dalawang buwan na pala akong hindi nireregla.Kaya naisipan kong mag-pregnancy test.And now, this is the result.It’s positive.I’m pregnant.Kaya pala nitong nakalipas na linggo, ramdam na ramdam ko ang pagod. Mabilis akong inaantok tuwing hapon, bigla akong naghahanap ng mga pagkaing bihira ko lang namang kainin, at madalas din akong naiirita kay Sebastian kahit wala naman tala
Bianca’s Point of ViewAfter our wedding celebration, the entire resort was finally enveloped in silence.Lahat ng aming guests ay nagpunta na sa kani-kanilang mga kwarto na inasikaso ng aming staff kanina para sa lahat ng bisita. Hindi na namin sila pinauwi dahil ginabi na talaga ang tapos ng aming selebrasyon ng aming kasal. Masyadong malayo kung uuwi pa sila ng Maynila, at lahat ay pagod na rin matapos ang buong araw. Ang aming pamilya naman ay hinatid sa kani-kanilang private luxury suites na pinili at inihanda ni Sebastian.Habang kami naman ni Sebastian, matapos naming maglakad sa dalampasigan, ay nagpasya na ring bumalik sa aming suite. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng silid, agad na binalot ng katahimikan ang aming paligid.Isinara ni Sebastian ang pinto at ni-lock iyon.Ang tanging ilaw sa aming suite ay ang malalamlam na dim lights na nagbibigay ng banayad na liwanag sa buong silid. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aming kama, saka tumayo muna roon nang ilang se
Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses ng aking Papa.“Can I have the microphone?”Napatingin ako sa kanya. Agad akong napangiti nang makita siyang tumayo mula sa kanyang upuan. Habang papalapit siya sa amin, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.My Papa. The man I had always known to be strong. The man who rarely ever cried.But tonight, I could clearly see him holding back his emotions.Pagkahawak niya ng microphone, saglit siyang tumingin sa akin.“My princess…” Napangiti ako. “Congratulations, anak.”Simple lang ang mga salita binitiwan ni papa, pero sapat na iyon para tuluyan nang mamuo ang luha sa aking mga mata.“I have watched you grow up. I have watched you become the woman you are today. And as your father, there is nothing more I could ask for than to see you standing here tonight… happy.”Huminga siya ng malalim.“Not just beautiful. Not just married.” Ngumiti siya. “Super Happy.”Napayuko ako sandali, pilit pinipigilan ang aking mga l
Bianca’s povSamantala, agad kong hinanap ang aking dalawang matalik na kaibigan kasama ang glam team na naghihintay din naman sa akin.Sinabi nilang kailangan ko munang magpalit ng dress bago pumunta sa reception, at i-retouch ang aking makeup at baguhin ang style ng aking buhok, kaya dumiretso kami sa isang private room na inihanda para sa akin.Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob, huminto muna ako. Hinarap ko muna ang aking dalawang kaibigan at pinauna na sa loob ang glam team.Nakapamewang ako habang nakatingin kina Giovanna at Bernadeth, kunwari seryoso pero bibiruin ko lang naman sila, Sobrang laki ng itinulong nila sa kasal namin ni Sebastian. Yes, sinabi sa akin kanina ni Sebastian na ang tumulong sa kanya sa lahat-lahat ay ang dalawang best friends ko. At honestly, sobrang grateful ako sa kanila.“So, you all knew all along, huh?”Sinadya kong gawing masungit ang tono ng boses ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na silang yakapin.Pareho silang nanahimik.Nagkati
Continuation...Nang turn ko na para magbigay ng sarili kong vows, huminga ako nang malalim.Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Ang mga matang minsan ay tila napakalayo o walang emosyon.Ngayon, sa akin na nakatingin.Sa akin lang.I smiled through my tears again dahil nagtuluan na naman ang mga ito.“Hubby, first of all…”Napahinto ako at natawa nang bahagya.“I’m not ready for this. I mean, my vows.”May ilang natawa sa mga bisita.“You surprised me. Hindi ako handa. I was supposed to have a very long wedding vow prepared, because yes, mahaba talaga iyon. Marami akong gustong sabihin sa’yo— from the first time we got married until now.”Napailing ako habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.“But how am I supposed to say all of that right now?” Natawa ako nang mahina. “Sobra akong kinakain ng emotions ko ngayon.”Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.“You were ready.” I shook my head. “I wasn’t. You know.” Mas lalong napangiti ang mga bisita sa paligid namin. “But ready ma
Bianca Rivera’s Point of ViewHindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Kanina lang isa akong bride na niloko at pinagtaksilan ng fiancé ko.At ngayon… kasal na ako. Ako na si Mrs. Bianca Dahlia R. Montemayor. Ang asawa ng tiyuhin ng ex-fiance ko. As crazy as it sounds, I married a Mon
Bianca's Point of View Mainit pa ang labi ko mula sa halik ni Sebastian nang tuluyan kaming maghiwalay. Tapos may lumapit sa amin para ipa-pirma ang Marriage Contract namin. Parang huminto ang paligid ng ilang segundo. Tahimik ang garden. Walang nagsasalita.Lahat ng tao ay nakatitig s
Bianca’s point of view Pagbaba ko, walang pakundangan akong naglakad patungo sa garden kung saan sana gaganapin ang kasal namin ni Adrian. Ramdam ko ang tingin ng ibang staff pero wala akong pakialam. Pagdating ko doon, punong-puno ng tao ang garden ng Montemayor Grand Hotel. Hindi basta-bast
“The day that was supposed to be the happiest day of my life… turned out to be the day that would completely shatter me.” — Bianca Dahlia Rivera Nakasuot ako ng puting wedding gown habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa bridal suite ng Montemayor Grand Hotel. Ang mahabang laylayan ng gow







![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)