LOGINBianca’s point of view
Pagbaba ko, walang pakundangan akong naglakad patungo sa garden kung saan sana gaganapin ang kasal namin ni Adrian. Ramdam ko ang tingin ng ibang staff pero wala akong pakialam.Pagdating ko doon, punong-puno ng tao ang garden ng Montemayor Grand Hotel. Hindi basta-basta ang bisita dahil mga malalaking tao sa business world ang inimbitahan nila.
Kumikislap ang mga palamuting nilagay sa mga puno, at ang mahabang aisle na napapalibutan ng puting rosas ay nangingibabaw ang ganda na naghihintay sa paglalakad ng bride.
Sa akin—dapat.
Ngunit wala akong balak sundin ang plano nila, No one will be walking down this aisle anymore dahil may sarili akong plano.
Marahas kong binuksan ang pinto ng garden. Napalingon ang lahat.
“Here comes the groom!”
Ngunit agad ding natahimik ang lahat ng hindi groom ang pumasok kung hindi ang bride agad.
Napansin na ng lahat na may mali.
Dahil naglalakad na ako.
At walang kasamang groom.Walang music.
At wala rin ang ngiti ng isang babaeng ikakasal.
Mahigpit ang hawak ko sa bouquet habang mabilis na naglalakad sa gitna ng aisle. Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin.
Ang mga matang nagtatanong. Ang mga bulungan.
Pakiramdam ko, huminto ang oras sa bawat hakbang ko.
Sa gilid ng venue ay nakaupo ang pamilya Montemayor—kilala bilang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa.
At sa gitna nila…
Nandoon ang hinahanap ko.
Si Sebastian Alejandro Montemayor.
Ang tiyuhin ni Adrian. Ang lalaking kilala sa buong business world bilang malamig at mapanganib na billionaire.
Tahimik siyang nakaupo, nakasuot ng itim na suit.
Habang ang ibang bisita ay naguguluhan, siya lang ang mukhang kalmado. Parang nanonood lang ng palabas.
Huminto ako sa harap niya. Biglang tumahimik ang buong garden.
“Ma'am Bianca?” tanong ng wedding coordinator mula sa likod ko.
Hindi ko siya pinansin. Ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa lalaking nasa harap ko.
Matangkad siya kahit nakaupo.
Malapad ang balikat. Matalim ang mga mata. At ang presensya niya ay sapat na para patahimikin ang buong paligid.Hindi ko alam kung ilang taon ang tanda niya sa akin. Ako’y 26, at sa tingin ko ay nasa 35 o 36 na siya.
Huminga ako nang malalim para kumuha ng lakas ng loob. Ito na.
“Mr. Montemayor,” sabi ko nang malinaw.
Tumaas ang kilay niya. Parang interesado.
“Let's get married,” walang pag-aalinlangan kong sabi.
Napasinghap ang lahat ng marinig ang sinabi ko.
“What?!”
“Did she just—?”
“Is she crazy?!”
“What’s going on?”
“Wait, wait, what’s happening? Isn’t she supposed to marry Adrian Montemayor? Bakit niya niyayaya ng kasal si Sebastian?”
“Has she lost her mind?”
“Where is Adrian?”
Samut-saring bulungan ang narinig ko, pero wala akong pakialam. Hindi ako aatras, hindi ko babawiin ang sinabi ko.
Diretso lang akong nakatingin sa kanya. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinag-aaralan ang mukha ko. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti. Isang ngiti na parang may tinatagong panganib.
“Sigurado ka ba, Ms. Rivera?” tanong niya.
Malalim ang boses niya.
“I'm very sure,” mabilis kong sagot.
Tumayo siya. At doon ko mas nakita kung gaano siya kataas. Mas matangkad pa siya kaysa kay Adrian. At mas nakakatakot.
Lumapit siya sa akin. Halos magkalapit na ang mukha namin. Tila nahihirapan akong huminga dahil sa lapit namin.
“Do you even know what you're asking?” mahina niyang tanong.
“Oo,” matatag kong sagot.
Hindi ako umatras. Wala ng atrasan ‘to.
“Marry me, Mr. Montemayor,” ulit ko pa.
Tumahimik siya sandali,
Pagkatapos ay yumuko siya nang bahagya at bumulong sa tainga ko.
“If you want to take revenge…”
Nagtaasan ang balahibo ko sa batok.
“…you made a good choice coming to me.”
What? Anong ibig niyang sabihin? Don’t tell me alam niya…
Napasinghap ang ilang bisita nang makita kung gaano kami kalapit sa isa’t isa.
“Handa akong tulungan ka, Ms. Rivera,” dagdag niya pa.
Pagkatapos ay bahagya siyang umatras. At sa harap ng lahat—
Kinuha niya ang kamay ko.
“Let's get married then.”
Nagkagulo ang mga tao sa buong venue.
“What the hell!?”
“Is he serious? He’s going to marry his nephew’s fiancé?”
“Sebastian!?”
“Sebastian, what do you think you’re doing?”
“Are you insane?!”
Rinig kong angal ng mga kamag-anak niya, pero tinignan lang niya ang mga ito na parang wala silang magagawa sa naging desisyon niya.
Habang ako wala akong pakialam sa iisipin o sasabihin nila. Mahalaga sa akin ang makapaghiganti kay Adrian. At alam kong matutulungan ako ng lalaking nasa harap ko.
Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang komusyon.
Dahil sa mismong sandaling iyon..
Biglang bumukas ang pinto ng garden.
At pumasok si Adrian. Kasama si Daniella.
Pareho silang nagulat at namutla nang makita ang nadatnan na eksena.
“Bianca!” sigaw ni Adrian at mabilis na lumapit sa amin.
Pero huli na. Dahil mas humigpit ang hawak ng tiyuhin niya sa kamay ko at bahagyang nilapit sa kanya.
Saka tumingin ito kay Adrian na parang isang leon na nakakita ng biktima.
“Adrian,” malamig niyang sabi.
“Meet your new aunt.”
******
Bianca’s Point of ViewIsang linggo ang mabilis na lumipas mula noong araw na nalaman namin ni Sebastian ang tungkol sa aking pagbubuntis. Sa unang linggong iyon, literal na nagbago ang buong takbo ng mundo sa loob ng aming bahay.Si Sebastian, na kilala sa pagiging kalkulado at laging pormal, ay naging triple ang pagiging maalaga. Kahit pagpunta ko lang sa hapag kainan ay gusto pa niya akong buhatin.“Sebastian, kaya kong maglakad. Buntis lang ako pero hindi ako baldado,” masungit kong sabi.“I know, wife. Gusto ko lang asikasuhin ka. At iniingatan ko lang na hindi ka madulas.”“Hindi ako madudulas. Let me walk, okay?”“No.”At iyon na iyon. Wala na akong magawa kundi irapan na lang siya kaysa awayin ko na naman siya dahil sa ganitong eksena.After he found out there was a tiny life growing inside me, he suddenly came up with his own list of things I was no longer allowed to do. He was caring, protective, at minsan ay super OA na.But even though his protectiveness could sometimes be
Bianca’s Point of ViewMakalipas ang dalawang buwan.Nakatayo ako sa loob ng aming banyo, blangko ang isip at nanginginig ang aking kamay habang nakatitig sa maliit na plastic stick na hawak ko.Dalawang malinaw at matingkad na pulang linya ang nakaguhit sa pregnancy test.Dalawang linya.Dalawang linyang ilang minuto ko nang tinititigan, ngunit parang hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko. Hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan.Sa sobrang busy namin sa kumpanya nitong nakalipas na dalawang buwan, hindi ko na napansin kung kailan ang huli kong regla. I mean, nitong mga nakalipas na araw ko lang napagtanto na dalawang buwan na pala akong hindi nireregla.Kaya naisipan kong mag-pregnancy test.And now, this is the result.It’s positive.I’m pregnant.Kaya pala nitong nakalipas na linggo, ramdam na ramdam ko ang pagod. Mabilis akong inaantok tuwing hapon, bigla akong naghahanap ng mga pagkaing bihira ko lang namang kainin, at madalas din akong naiirita kay Sebastian kahit wala naman tala
Bianca’s Point of ViewAfter our wedding celebration, the entire resort was finally enveloped in silence.Lahat ng aming guests ay nagpunta na sa kani-kanilang mga kwarto na inasikaso ng aming staff kanina para sa lahat ng bisita. Hindi na namin sila pinauwi dahil ginabi na talaga ang tapos ng aming selebrasyon ng aming kasal. Masyadong malayo kung uuwi pa sila ng Maynila, at lahat ay pagod na rin matapos ang buong araw. Ang aming pamilya naman ay hinatid sa kani-kanilang private luxury suites na pinili at inihanda ni Sebastian.Habang kami naman ni Sebastian, matapos naming maglakad sa dalampasigan, ay nagpasya na ring bumalik sa aming suite. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng silid, agad na binalot ng katahimikan ang aming paligid.Isinara ni Sebastian ang pinto at ni-lock iyon.Ang tanging ilaw sa aming suite ay ang malalamlam na dim lights na nagbibigay ng banayad na liwanag sa buong silid. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aming kama, saka tumayo muna roon nang ilang se
Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses ng aking Papa.“Can I have the microphone?”Napatingin ako sa kanya. Agad akong napangiti nang makita siyang tumayo mula sa kanyang upuan. Habang papalapit siya sa amin, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.My Papa. The man I had always known to be strong. The man who rarely ever cried.But tonight, I could clearly see him holding back his emotions.Pagkahawak niya ng microphone, saglit siyang tumingin sa akin.“My princess…” Napangiti ako. “Congratulations, anak.”Simple lang ang mga salita binitiwan ni papa, pero sapat na iyon para tuluyan nang mamuo ang luha sa aking mga mata.“I have watched you grow up. I have watched you become the woman you are today. And as your father, there is nothing more I could ask for than to see you standing here tonight… happy.”Huminga siya ng malalim.“Not just beautiful. Not just married.” Ngumiti siya. “Super Happy.”Napayuko ako sandali, pilit pinipigilan ang aking mga l
Bianca’s povSamantala, agad kong hinanap ang aking dalawang matalik na kaibigan kasama ang glam team na naghihintay din naman sa akin.Sinabi nilang kailangan ko munang magpalit ng dress bago pumunta sa reception, at i-retouch ang aking makeup at baguhin ang style ng aking buhok, kaya dumiretso kami sa isang private room na inihanda para sa akin.Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob, huminto muna ako. Hinarap ko muna ang aking dalawang kaibigan at pinauna na sa loob ang glam team.Nakapamewang ako habang nakatingin kina Giovanna at Bernadeth, kunwari seryoso pero bibiruin ko lang naman sila, Sobrang laki ng itinulong nila sa kasal namin ni Sebastian. Yes, sinabi sa akin kanina ni Sebastian na ang tumulong sa kanya sa lahat-lahat ay ang dalawang best friends ko. At honestly, sobrang grateful ako sa kanila.“So, you all knew all along, huh?”Sinadya kong gawing masungit ang tono ng boses ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na silang yakapin.Pareho silang nanahimik.Nagkati
Continuation...Nang turn ko na para magbigay ng sarili kong vows, huminga ako nang malalim.Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Ang mga matang minsan ay tila napakalayo o walang emosyon.Ngayon, sa akin na nakatingin.Sa akin lang.I smiled through my tears again dahil nagtuluan na naman ang mga ito.“Hubby, first of all…”Napahinto ako at natawa nang bahagya.“I’m not ready for this. I mean, my vows.”May ilang natawa sa mga bisita.“You surprised me. Hindi ako handa. I was supposed to have a very long wedding vow prepared, because yes, mahaba talaga iyon. Marami akong gustong sabihin sa’yo— from the first time we got married until now.”Napailing ako habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.“But how am I supposed to say all of that right now?” Natawa ako nang mahina. “Sobra akong kinakain ng emotions ko ngayon.”Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.“You were ready.” I shook my head. “I wasn’t. You know.” Mas lalong napangiti ang mga bisita sa paligid namin. “But ready ma
“The day that was supposed to be the happiest day of my life… turned out to be the day that would completely shatter me.” — Bianca Dahlia Rivera Nakasuot ako ng puting wedding gown habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa bridal suite ng Montemayor Grand Hotel. Ang mahabang laylayan ng gow
Bianca Rivera’s Point of ViewHindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Kanina lang isa akong bride na niloko at pinagtaksilan ng fiancé ko.At ngayon… kasal na ako. Ako na si Mrs. Bianca Dahlia R. Montemayor. Ang asawa ng tiyuhin ng ex-fiance ko. As crazy as it sounds, I married a Mon
Bianca's Point of View Mainit pa ang labi ko mula sa halik ni Sebastian nang tuluyan kaming maghiwalay. Tapos may lumapit sa amin para ipa-pirma ang Marriage Contract namin. Parang huminto ang paligid ng ilang segundo. Tahimik ang garden. Walang nagsasalita.Lahat ng tao ay nakatitig s
Bianca Rivera’s Point of View Parang tumigil ang oras sa garden ng Montemayor Grand Hotel dahil sa sinabi niya.Mahigpit ang hawak ni Sebastian sa kamay ko habang nakatayo na kami sa gitna ng aisle na dapat sana ay para sa kasal ko kay Adrian.Ngunit ngayon—ang tiyuhin na niya ang nasa tabi ko.







