Share

Chapter 11

Author's Pov:

Mabilis na pinarada ni Waylen ang kanyang sasakyan sa harapan ng kanyang pinagawang interrogation office. Bababa na sana siya sa kotse pero natigilan nang masagi ng kanyang mga mata ang sariling daliri.

Naroroon ang wedding ring nilang dalawa ni Scarlett. Wedding ring na napilitan silang isuot sa isa't-isa.

Sa isang iglap, bigla na lamang ulit niyang naalala ang pangyayari kahapon ng gabi sa gitna ng kanilang pagbabakasyon. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya matapos niyang makita si Scarlett na lumuhod sa harapan ng kalaban para lamang magkaawa na h'wag siyang saktan. Hindi niya makakalimutan kung papaano napiling magpakumbaba ni Scarlett sa pinakamabilis na oras para lamang magsumamong h'wag ituloy ang dapat na gawin sa kanya na masama.

Iyong mga luhang nakikita niya sa mga mata nito na para bang handang gawin ang lahat h'wag lang siyang masaktan ay siya ring luhang hindi niya kailan man nakita sa mga mata ng kanyang mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status