로그인Puno ng halimuyak ng libu-libong puting rosas at sampaguita ang hangin. Ramdam ni Aria ang banayad at maligamgam na sikat ng araw sa kanyang balat, kasabay ng malamig na simoy ng hangin na nagpapagalaw sa mahaba niyang belo.Wala siyang makita, ngunit alam niyang pinalamutian nang napakaganda ni Paulo ang pribadong hardin ng ospital para sa araw na ito. Hindi pumayag ang Alkalde na makansela ang kanilang kasal. Kung hindi na kaya ni Aria na maglakad sa isang malaking simbahan, dinala ni Paulo ang simbahan at ang buong Nueva Esperanza sa kanya."Napakaganda mo, anak," basag na boses ni Mang Karding ang narinig ni Aria sa kanyang kanan. Naramdaman niya ang magaspang ngunit mainit na kamay ng matanda na maingat na humawak sa kanyang braso."Parang isang tunay na anghel ang alaga namin," umiiyak na dagdag ni Nanay Pacing mula naman sa kanyang kaliwa. Naramdaman ni Aria ang malambot na kamay ng matanda na marahang humagod sa kanyang buhok bago pumulupot sa kanyang kabilang braso. "Sigurado
Tahimik ang buong VIP room. Ang tanging naririnig ni Aria ay ang mahinang ugong ng aircon at ang pamilyar at malalim na paghinga ni Paulo sa kanyang tabi. Gabi na. Wala nang mga nars na nag-iikot at tanging ang init ng katawan ng Alkalde ang nagsisilbing kumot niya sa gitna ng malamig na silid.Nakahiga si Paulo sa kanyang tabi, yakap-yakap siya nang mahigpit. Pinakinggan ni Aria ang regular na tibok ng puso sa malapad na dibdib ng lalaki. Ipinatong niya ang kanyang kamay doon. Ramdam niya ang bawat pagtaas at pagbaba nito, isang patunay ng buhay at lakas na unti-unting nawawala sa kanyang sariling sistema.Natatakot si Aria. Sa bawat araw na lumilipas sa loob ng walang hanggang kadiliman, nararamdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan. At sa gabing ito, ayaw niyang matulog. Ayaw niyang magising kinabukasan na baka mas malala na ang kalagayan niya. Gusto niyang maramdaman na buhay siya. Gusto niyang maramdaman si Paulo, hindi bilang tagapag-alaga niya, kundi bilang lalaking nag-a
Ang mundo ni Aria ay tuluyan nang nilamon ng isang walang hanggang gabi. Wala na ang mga aninong pilit niyang inaaninag. Wala na ang silaw ng araw na madalas tumagos sa bintana tuwing umaga. Ang tanging natira sa kanya ay ang mga tunog, ang mga amoy, at ang pakiramdam ng mga bagay sa kanyang paligid. At higit sa lahat, ang presensya ng nag-iisang lalaking hindi siya iniwan.Sa loob ng malawak na VIP room ng ospital, dinig na dinig ni Aria ang mabilis na pagtipa sa isang keyboard. Sumusunod dito ang tunog ng paglipat ng mga pahina ng papel at ang malamig na boses ng Alkalde ng Nueva Esperanza."Hindi pwede iyan. Sabihin mo sa engineering department na kailangan tapusin ang tulay bago magsimula ang tag-ulan. Hindi ako pipirma ng panibagong pondo kung hindi nila maipapaliwanag kung bakit na-delay ang proyekto nang isang buwan," matigas at pormal na utos ni Paulo mula sa kabilang banda ng silid."Masusunod po, Mayor," boses iyon ni Kiko mula sa speaker ng telepono.Nakahiga lang si Aria s
Ilang araw ang lumipas matapos ang matinding pagtataboy ni Aria. Sa isip ng dalaga, tuluyan na niyang napagod ang Alkalde. Wala siyang narinig na boses nito simula noong gabi ng kanilang pag-aaway. Ang tanging nag-aasikaso sa kanya ay ang mga nars na tahimik na nagpapalit ng kanyang swero at nagbibigay ng gamot.Ngunit isang umaga, habang nakahiga si Aria sa kanyang kama at pilit na kinakapa ang kanyang paligid, may narinig siyang pamilyar na tunog. Tunog ng mga pahinang inililipat, mabilis na pagtipa sa isang laptop, at mahihinang boses na nag-uusap."Siguraduhin mong nakarating na ang relief goods sa Barangay San Isidro bago magtanghali," isang mababa at pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob ng kwarto. "At sabihin mo sa konseho na hindi ko pipirmahan ang budget proposal na iyan kung hindi nila aayusin ang pondo para sa public hospital natin."Natigilan si Aria. Hindi siya maaaring magkamali. Boses iyon ni Paulo."Masusunod po, Mayor," sagot ng isa pang lalaki na nakilala ni Ar
Tatlong araw na ang lumipas mula nang kainin ng kadiliman ang buong mundo ni Aria, ngunit pakiramdam niya ay isang buong dekada na siyang nakakulong sa loob ng isang kabaong. Ang tanging naririnig niya sa loob ng mamahaling kwarto ng ospital ay ang mahina at paulit-ulit na tunog ng heart monitor, at ang mabibigat na paghinga ng lalaking nakayuko sa gilid ng kanyang kama.Alam niyang hindi pa umuuwi si Paulo. Ramdam niya ang magaspang na tubong-balbas sa mukha nito tuwing hinahalikan siya nito sa pisngi. Amoy na niya ang halong kape at puyat mula sa Alkalde. Ayon sa usap-usapan ng mga nars na madalas niyang marinig, hindi daw ito umaalis sa tabi niya, hindi kumakain nang maayos, at patuloy na sinisigawan ang sinumang doktor na magsabi na wala na siyang pag-asa.Dahan-dahang kinapa ni Aria ang buhok ni Paulo na ngayon ay nakasubsob sa kanyang kamay habang natutulog. Puno ng awa ang kanyang puso, hindi para sa sarili niya, kundi para sa lalaking ito.Tatlong taon. Tatlong taong nagdusa s
Puti at malamig. Ito ang dapat na sumalubong kay Aria nang dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. Ngunit hindi puting kisame o malamig na ilaw ng ospital ang kanyang nakita, kundi isang purong kadiliman na tila lumalamon sa kanyang buong pagkatao.Sinubukan niyang kumurap nang ilang beses, umaasang may magbabago, umaasang babalik ang liwanag. Ngunit wala. Ang huli niyang natatandaan ay ang pagbagsak niya sa bakeshop habang kasama si Paulo."Paulo..." paos na tawag ni Aria. Ang kanyang mga kamay ay nangapa sa gilid ng kama. Naramdaman niya ang malamig na bakal ng hospital bed at ang nakakabit na swero sa kanyang likod-kamay.Wala pang isang segundo, naramdaman niya ang mahigpit at nanginginig na hawak ng malalaking kamay. Ang pamilyar na pabango ni Paulo na humalo sa amoy ng medisina ay pumuno sa kanyang ilong."Nandito ako, Aria. Nandito lang ako," mabilis na sagot ni Paulo. Ang boses nito ay basag, malayo sa matapang na Alkalde na kilala ng lahat. Naramdaman ni Aria ang pagl







