Share

Kabanata 96

last update Last Updated: 2025-05-28 19:55:11

Khaliyah POV

Buong hapon akong naglalakad paikot-ikot sa kuwarto ko. Sa bawat sulok ng bahay, may mga tauhan ni Papa. Kahit saan ako sumilip—mula sa mga bintana, sa may likod-bahay, sa maliit na balkonahe—may nakabantay. Nakasando lang sila pero kitang-kita ang baril na naka-holster sa baywang nila. Para akong nakakulong. At talagang may pa-baril pa, mukhang handa rin talaga si papa na ipabaril ako, huwag lang akong makatakas.

Sinu-sure nilang hindi talaga ako makakatakas, para sure na sure na ligtas na rin si papa sa pagkaka-utang niya, tang-ina.

“Shit talaga,” bulong ko sa sarili ko habang napapatingin sa doorknob. Kumakabog ang dibdib ko sa inis at galit. “Hindi ako hayop para ikulong nang ganito.”

Narinig ko mula sa ibaba ang boses ni Papa Khalix. Nasa sala siya, pero sa lakas ng boses niya, rinig ko kahit nasa taas ako. May kausap siya sa telepono.

“Yes, Boss Amedeo. Tonight. He should come tonight. Para makapag-set na tayo ng date. The sooner, the better,” sabi niya. Tumigil ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 100

    Larkin POVPagkapasok ko pa lang sa condo ko, parang ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Ilang ulit kong kinumbinsi ang sarili kong ayos lang ang lahat, pero kahit anong pilit, hindi ako mapanatag. Paano nga ba magiging maayos ang lahat e, hawak na ni Nolan ang Khaliyah ko.Si Khaliyah, mukhang kalmado at hindi takot pero alam kong sa loob-loob nito ay malungkot siya. Sa mata palang niya na mugto ay kita na. Kanina, puro ka-plastic-an lang naman ang pinapakita niya kay Nolan. Sa nakikita ko ay tila pinapakita niyang panatag ang loob niya para walang maging problema.Sa totoo lang, magaling siya sa mga sinabi niya kanina. Matalino siya sa pagsabi na saka na ang kasal at saka na sila magtabi sa kama. Hindi kasi puwede. Hindi maaaring magpakasal agad sila dahil sa papel, tiyak na makikita ni Nolan na kami ang mag-asawa. Makikita niya ‘yun sa record. At kapag nangyari ‘yun, lagot na. Tiyak na malalagay ako sa alanganin.Tahimik ang gabi. Tahimik ang condo. Pero ang isip ko—punong-puno ng mar

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 99

    Khaliyah POVPagkapasok namin sa loob ng mansion ni Nolan, pinilit kong ngumiti. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng malawak na sala, ang chandeliers na kumikislap, ang magarang sahig at ang mga antigong kagamitan na animo ay galing pa sa panahon ng mga haciendero. Napakaganda ng bahay, para kang nasa ibang mundo—pero kahit ganoon, hindi maalis ang lungkot at takot sa dibdib ko. Takot na baka isang gabi, bigla na lang mamilit si Nolan na ikama ako. Kadiri, hindi ko kaya. At hindi ako papayag.“Wow,” sabi ko habang umiikot sa gitna ng sala. “Your house is really beautiful. I didn’t expect it to be this grand,” sabi ko na umaastang parang hindi takot. Sure akong takang-taka na rin si Larkin sa kinikilos ko at kung paano na rin ako magsalita. Lumabas tuloy ang dating ako, mukhang maarte at pala-english.Ngumiti naman si Nolan. “I’m glad you like it. This will be your home too, soon.”Um-acting akong masaya. Kailangan, e. Kailangan kong magkunwaring interesado, na parang masaya ako sa lahat

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 98

    Khaliyah POVNang hilahin ko si Nolan palabas ng bahay namin, halatang hindi niya inaasahan ang gagawin ko. Tinutukan pa nga ako ng baril ng mga tauhan niya, pinigilan lang sila ni Nolan. At ang nakakatawa, todo-ganap din si Larkin. Pati siya, handa akong atakihin dahil sa ginawa ko sa amo nila.Nanlalaki ang mga mata niya, habang ako, seryoso lang. Tutal, wala naman nang silbi ang mga tao sa bahay na ‘to at mukhang wala na rin naman silang balak na hindi ituloy ang plano nila, sige, aalis na lang ako at susundin ang gusto ng mga magulang ko. Pero sa pag-alis kong ‘to, asahan nila na mas malamig pa sa yelo ang magiging pakikitungo ko sa kanila. O asahan nilang hindi ko na sila ituturing pang mga magulang.“Let’s end this conversation here,” seryoso kong sabi. “I’m coming with you,” sabi ko kay Nolan.Nagkatinginan ang mama at papa ko, kapwa hindi makapaniwala sa ginawa ko. Gulat na gulat sila, pero wala silang nagawa. Kahit si Nolan ay tila hindi makapagsalita sa una, pero dahil halat

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 97

    Khaliyah POVPagkabukas ng pinto, narinig ko ang boses ni Mama Natalia. Halos nakatulog na rin pala ako. “Khaliyah, bumaba ka na. Dumating na sina Amedeo at Nolan Salvatore. Tanggapin mo na ‘to. Huwag ka nang gumawa ng pag-angal, please lang, para makahinga na kami ng maluwag.”Ang galing. Sila makakahinga na ng maluwag, habang ako, parang sinasakal dahil mapupunta na ang buhay ko sa Nolan na ‘yon.Tumigil muna ako sa paglalakad. Hindi agad ako gumalaw. Ilang segundo akong nakatayo sa harap ni mama bago ako nagsalita.“Once I marry Nolan, you all better prepare yourselves,” mariing sabi ko. “I’m going to destroy every business you all have. You, Papa, and everyone who agreed to sell me off like I’m some kind of payment. You’re all my enemies now.”Wala na. Tuluyan na nilang ginising ang natutulog na demonyo sa loob ko. Tuluyan na nilang pinalabas ang sungay ko.Nanatiling tahimik si Mama. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang inaabot niya ang kamay ko, pero mabilis ko iyong tina

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 96

    Khaliyah POVBuong hapon akong naglalakad paikot-ikot sa kuwarto ko. Sa bawat sulok ng bahay, may mga tauhan ni Papa. Kahit saan ako sumilip—mula sa mga bintana, sa may likod-bahay, sa maliit na balkonahe—may nakabantay. Nakasando lang sila pero kitang-kita ang baril na naka-holster sa baywang nila. Para akong nakakulong. At talagang may pa-baril pa, mukhang handa rin talaga si papa na ipabaril ako, huwag lang akong makatakas.Sinu-sure nilang hindi talaga ako makakatakas, para sure na sure na ligtas na rin si papa sa pagkaka-utang niya, tang-ina.“Shit talaga,” bulong ko sa sarili ko habang napapatingin sa doorknob. Kumakabog ang dibdib ko sa inis at galit. “Hindi ako hayop para ikulong nang ganito.”Narinig ko mula sa ibaba ang boses ni Papa Khalix. Nasa sala siya, pero sa lakas ng boses niya, rinig ko kahit nasa taas ako. May kausap siya sa telepono.“Yes, Boss Amedeo. Tonight. He should come tonight. Para makapag-set na tayo ng date. The sooner, the better,” sabi niya. Tumigil ako

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 95

    Khaliyah POVPagkababa pa lang namin ng sasakyan sa harap ng malaki naming bahay, agad akong sinalubong ng mukha ng mama Natalia ko. Nakaka-miss ‘yung bahay namin pero ‘yung mga tao dito, ewan ko.Tinignan ko si Mama Natalia, halatang puyat ito, nakakunot ang noo at pulang-pula ang mga mata sa pag-aalala. Totoo kayang nag-aalala siya? Mabilis siyang lumapit sa akin, para bang yayakapin ako, pero hinarang ko ang kamay niya. Hindi ako pumayag na magawa niya ‘yun. Baka kasi part lang ‘yun nang pagiging plastic niya. Gumaganito lang siya ngayon kasi alam niyang maliligtas ko na si papa.Umiling ako at dumiretso sa loob. Naupo ako sa gitna ng sala, sa malambot na puting sofa na hindi ko na halos maalalang ginamit ko noon. Magkasalubong ang kilay ko. Gusto kong umiyak pero mas nangingibabaw ang galit sa dibdib ko.“Everyone out,” utos ng papa ko sa mga armadong tauhan niya. Isa-isang lumabas ang mga ito sa sala, hanggang sa kaming tatlo na lang ang natira.Tahimik na sa loob. Tanging tiktak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status