Share

Chapter 15

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa opisina. Nasa loob na ako ng office ko nang may kumatok.

“Come in,” sagot ko.

Pumasok naman si Mrs. Apostol na may hawak na folders.

“Good morning, Ma’am. Meron na po si Sir Kyle, pinapasabi po sa akin na pumunta daw po kayo sa office niya.” Pagkasabi niya ay nagpaalam na agad ito at naglakad na papunta sa pintuan.

“Bakit daw po?” tanong ko sa kanya. Napatigil naman ito sa pagbukas ng pinto at humarap ulit sa akin.

“Wala po siyang sinabi, Ma’am,” sagot niya.

“Ah, okay. You may go,” sambit ko. Lumabas naman na ito at sinara ang pinto.

Ano naman kaya ang kailangan nito? Akala ko ba nasa kanya na ang schedule nito? Or yung kahapon lang ba iyon? Hindi ko na matandaan.

Tumayo na ako at inayos ang damit ko bago naglakad palabas sa office ko. Kumatok pa muna ako sa pintuan ng office niya at nang marinig ko ang boses nito ay pumasok na ako.

“Good morning,” bati ko sa kanya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status