Share

Kabanata 3

Author: sofi_mym
last update Last Updated: 2025-06-26 20:00:24

Kabanata 3

Sumilip si Amara mula sa bintana ng silid habang pinagmamasdan ang kagubatan sa labas. Madilim pa rin ang langit, ngunit ramdam na ramdam niya ang kilabot sa paligid. Hindi iyon ordinaryong takot—parang may mabigat na enerhiya na bumabalot sa buong paligid. Ang mga alitaptap na kanina'y lumilipad sa labas ay bigla na lang naglaho. Tahimik ang lahat. Kakaibang katahimikan.

Tumalikod siya at naupo sa kama, nanginginig ang mga daliri habang nakayakap sa sarili. Bawat tibok ng puso niya ay tila ba’y sinasalubong ng sigaw mula sa kanyang kaluluwa.

“Hindi ka sa kanya… sa akin ka…”

Hindi niya makalimutan ang boses na iyon. Parang pamilyar, pero walang mukha. Isang boses na malamig gaya ng gabi, ngunit may apoy ng pagkagahaman.

Napalingon siya sa may pinto nang biglang bumukas ito. Si Lucian, seryoso ang mukha, nakatayo sa may pintuan.

“Kael told me to check on you,” aniya.

Tumango lang si Amara, pero agad ding tumayo. “Ano bang nangyayari? Sino sila? At bakit ako hinahabol?”

Lumapit si Lucian, at sa unang pagkakataon, nawala ang lamig sa mga mata nito. Naupo siya sa silya sa tabi ng kama, saka nagsimulang magsalita.

“Matagal na kaming may giyera ng mga Warg. Sila ang mga lobo na itinakwil ng Buwan. Nabahiran sila ng dilim, ng sumpa. At simula nang malaman nilang ang Loba Luna ay muling isinilang, naghahanap na sila ng paraan para agawin ka.”

“Bakit? Ano ba’ng meron sa akin?” tanong ni Amara, halos pabulong.

“Ikaw ang susi sa kapayapaan. O sa pagkawasak,” sagot ni Lucian. “Depende kung kanino ka papanig. Kapag ikaw ay naagaw ng Warg at nagising ang iyong kapangyarihan sa ilalim ng kanilang impluwensya, mapapasa kanila ang lakas ng buwan. Wala nang makakatalo sa kanila. Pero kung sa amin ka… kung kay Kael ka…”

Hindi na niya tinapos. Sapat na ang mga salitang iyon para maunawaan ni Amara na siya mismo ang pinagmumulan ng kapangyarihan.

“Ilang araw na lang, Amara. Blood Moon na. Kailangang magdesisyon ka bago pa sila makalapit nang lubusan.”

“Pero… paano kung hindi ako handa? Paano kung… wala akong kakayahan?” takot niyang tanong.

“Hindi ito tungkol sa kakayahan. Ito ay tungkol sa desisyon. Kapag pinili mong lumaban, lalabas ang lakas mo. Kapag pinili mong tumakbo, kakainin ka ng takot—at ng dilim.”


Sa ibaba, si Kael ay nasa gitna ng mga miyembro ng kanyang pack. Nasa war room sila, isang bilog na silid na may mga ukit ng mga lobo sa dingding. Sa gitna nito ay isang malaking mesa na may ukit ng mapa ng buong kagubatan.

“Dalawa ang nakapasok sa barrier,” ulat ni Silas, ang Beta ni Kael. “Mukhang scout lamang, pero matitindi. Isa sa kanila ay may dalang black mist.”

“Witchblood,” sagot ni Kael. “May kasangga na silang mangkukulam.”

Tumango si Silas. “Tama ka. At kung may mangkukulam silang kasama, ibig sabihin hindi lang si Amara ang target nila. Tayo na rin.”

Umigting ang panga ni Kael. “Hindi tayo papayag. Pagtibayin ang perimeter. Magtalaga ng tig-dalawang bantay sa bawat panig. Ilayo ang Loba Luna sa sentro ng laban.”

“Kael,” sabat ni Silas, “mas lalong maghihinala ang Konseho kung patuloy mong tinatago ang babae. Hindi ba’t dapat isuko natin siya sa Moon Council para sa ritual?”

“Hindi,” mariing tugon ni Kael. “Hindi ko siya isusuko. Hindi nila siya pag-aari. Hindi siya sandata. Isa siyang tao. Isa siyang babae—at siya ang mate ko.”

Nagkatinginan ang mga lobo sa paligid. Walang nagsalita, ngunit ramdam ang tensyon. Bihira ang isang Alpha na piliin ang damdamin kaysa sa batas. Ngunit si Kael—mula’t simula—ay hindi sumusunod sa batas kapag puso na ang pinag-uusapan.


Kinagabihan, bumaba si Amara at nadatnan si Kael na nag-iisa sa sala. Nakaupo ito sa harap ng fireplace, hawak ang isang baso ng alak.

“Hindi ka makatulog?” tanong niya.

Tumango lang si Kael. “Hindi ko mapigilan ang pakiramdam na may paparating.”

Umupo si Amara sa tabi niya, tahimik lang. Ilang saglit ng katahimikan ang lumipas bago niya muling nagsalita.

“Alam mo, Kael… hindi ako sanay sa ganito. Sa giyera. Sa kapangyarihan. Sa… tadhana.”

Tumingin si Kael sa kanya, seryoso. “Hindi mo kailangang maging sanay. Nandito ako para sa’yo. Sa bawat hakbang, ako ang magiging lakas mo.”

“Bakit mo ginagawa ‘to?”

“Dahil ikaw ang mate ko. Hindi mo man maramdaman pa ngayon, pero konektado na tayo. Hindi lang sa katawan—pati sa kaluluwa.”

Tumingin si Amara sa mga mata niya. Sa likod ng mabangis at malamig nitong mukha, may init. May pag-aalala. May pagmamahal.

“Kael…”

Hindi na siya nakapagsalita pa. Hinalikan siya nito, mas malalim ngayon. Mas totoo. Hindi na ito halik ng pagkakagusto—ito ay halik ng pangakong hindi siya iiwan. Hinaplos ni Kael ang kanyang pisngi, habang ang kanyang kamay ay dahan-dahang gumapang sa baywang ni Amara.

Hindi siya tumutol. Sa halip, yumakap siya rito at pinikit ang mga mata. Doon, sa gitna ng malamig na gabi at ng apoy sa harapan nila, lumambot ang kanyang puso. Kahit pa puno ng panganib ang bukas, ngayon—dito—ligtas siya.

Ngunit sa labas ng kanilang mundo, sa kadiliman ng gubat, isang anino ang gumagapang. Nakasilip ito sa bintana, at sa mga mata nitong pula, bakas ang pagkauhaw.

“Hindi pa siya sa’yo, Alpha. Sa akin siya mapupunta.”

At ang laro ay nagsisimula na.

Nang maramdaman ni Kael ang bahagyang kilabot na gumapang sa batok niya, agad siyang napalingon sa bintana. Walang tao. Walang anino. Pero ramdam niya ito — ang malamig at mabigat na presensyang nagmamasid sa kanila mula sa dilim. Agad siyang tumayo, sinamahan si Amara sa likod at tinakpan ng kanyang katawan.

"May nanonood," bulong ni Kael, mababa ang boses pero matalim. Kinuha niya ang telang nakatabing sa upuan at isinuot ang kanyang balabal, saka binuksan ang pintuan at lumabas.

“Kael—” tatawagin sana siya ni Amara pero pinigilan ni Kael sa pamamagitan ng isang tingin. Hindi iyon tinging galit. Kundi babala.

Pagkalabas ni Kael, agad itong nagbago ng anyo. Sa isang iglap, muli siyang naging dambuhalang lobo na may itim na balahibo at mapusok na gintong mga mata. Mabilis siyang lumusong sa kagubatan, tinutunton ang bakas ng enerhiyang kanyang naamoy.

Sa loob ng bahay, naiwan si Amara na hindi mapakali. Gusto niyang sundan si Kael, pero ramdam niyang hindi pa siya handa. Mahina pa rin ang kanyang katawan, at kahit ramdam niyang may kapangyarihan siya, hindi pa niya ito ganap na nauunawaan o mapakinabangan.

“Hindi ako pwedeng maging mahina,” bulong niya sa sarili, habang muling lumapit sa bintana. Tumigil siya roon, pinikit ang mga mata, at sinubukang namnamin ang paligid. Isang malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa kanyang balat, at isang saglit lang — para bang may narinig siyang tinig sa kanyang isipan.

“Dumilat ka, Amara…”

Napamulat siya. Sa labas ng bintana, nakita niya ang isang nilalang — hindi tao, hindi rin hayop. Isang lalaking may maputlang balat, pulang mata, at maitim na balabal. Ngumiti ito sa kanya. Isang ngiting malamig at nakakakilabot.

Napaatras siya, ngunit hindi siya makasigaw. Parang nawala ang kanyang boses. Ang bintana ay biglang bumukas nang kusa, at ang malamig na hangin ay sumalpok sa kanya, halos mapahiga siya sa sahig.

Ngunit bago pa tuluyang makapasok ang nilalang, isang anino ang dumaan sa harap ng bintana — si Kael. Tumalon ito mula sa itaas, binangga ang nilalang at agad itong pinadapa sa lupa. Mabilis ang galaw ni Kael, ngunit ganoon din ang kaaway. Tumilapon sila papasok ng kagubatan, nagkakagatang parang dalawang hayop na hayok sa dugo.

Si Amara, kahit takot, ay napilitan pa ring lumabas. Hindi niya kayang panoorin si Kael na nag-iisa.

Pagkarating niya sa gilid ng kagubatan, kitang-kita niya kung paanong si Kael ay tinamaan ng isang matulis na pulang kuko sa dibdib. Napaatras ito, dumugo. Samantalang ang nilalang, ngayon ay unti-unting nagbabago ng anyo — mula sa tao tungo sa isang lobo, ngunit mas matangkad, mas itim, at may mga pulang ugat sa buong katawan.

“Kael!” sigaw ni Amara.

Nag-angat ng tingin ang halimaw. Tinitigan siya nito. “Loba Luna…” sabi nito, malalim ang boses. “Napakaganda mo, gaya ng inaasahan.”

Dahan-dahang lumapit ito kay Amara, kahit si Kael ay muli nang bumangon. Ngunit sa halip na umatake agad, tumigil ito sa harap ni Amara at ngumiti.

“Hindi mo pa alam ang tunay mong kapangyarihan, ‘di ba? Ipakikita ko sa’yo kung gaano kasarap yakapin ang dilim.”

Itinaas nito ang kamay at isang pulang liwanag ang lumabas mula sa palad nito, papunta kay Amara. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga. Nanginginig ang tuhod niya habang unti-unting pinapaligiran ng enerhiya ang katawan niya.

Ngunit bago pa man tuluyang mapalapit ang pulang liwanag sa kanya, isang alingawngaw ang narinig — AWOOOOOOOO!!!

Isang matinis at makapangyarihang alulong ang pumuno sa kagubatan, at sabay nito, ang buong paligid ay tila yumanig. Tumigil ang pulang liwanag, at napaatras ang nilalang.

Tumingin si Amara sa paligid, at laking gulat niya nang makitang nagsisimula nang magliwanag ang kanyang balat — isang kulay asul na sinag ang bumabalot sa kanya, at ang kanyang pulso ay kumikislap.

“Hindi… maaari!” sigaw ng nilalang, sabay atras.

Si Kael, ngayon ay nakatayo na sa likod ng kalaban, at walang sinayang na sandali — umatake ito mula sa likuran, at sa isang iglap, tumilapon ang nilalang palayo. Nagsimulang masunog ang balat nito sa liwanag na bumabalot kay Amara.

“Imposible… hindi pa dapat siya nagigising…” sigaw ng halimaw bago ito nawala sa dilim.

Humahangos si Kael, duguan pa rin, ngunit agad siyang lumapit kay Amara. “Ayos ka lang?” tanong niya, sabay hawak sa pisngi nito.

Napatingin si Amara sa mga kamay niya — nanginginig, nangingilabot, ngunit may kakaibang liwanag na parang hindi galing sa mundong ito. “Kael… anong nangyari sa akin?”

“Unti-unti ka nang nagigising,” sagot niya, malalim ang boses. “Nag-react ang kapangyarihan mo sa panganib. Hindi mo pa alam kung paano ito gamitin… pero narito na siya. Gising na ang Loba Luna.”

Napakapit si Amara sa kanya, at doon lang niya naramdaman ang bigat ng lahat. Ng takot, ng kaba, ng biglaang pagbabagong hindi niya pinili.

Ngunit habang yakap siya ni Kael, isang bagay ang malinaw:

Hindi na siya makakabalik sa dati niyang buhay.

At simula ngayon, bawat araw ay magiging laban — laban para mabuhay, para lumaban, at para sa isang pag-ibig na hindi pinili… pero itinadhana.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Alpha's Forbidden Mate   Kabanata 4

    Kabanata 4Maaga pa lang ay gising na si Amara. Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Blackmoon territory, tahimik ang paligid. Wala ang malamig na presensya. Wala ring mga alulong ng mga nilalang sa labas. Tanging ang mahinang huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa mga dahon ang kanyang naririnig.Nakahiga siya sa kama, ngunit mulat ang mga mata. Sa bawat pikit niya, muling sumasagi sa isipan ang nangyari kagabi—ang pulang mata, ang kakaibang anyo ng nilalang, at ang liwanag na bigla na lamang lumabas mula sa kanyang katawan.“Nagising na ang Loba Luna…”Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman—takot ba, kaba, o pagkalito. Ngunit isa lang ang malinaw: wala nang atrasan. Laban na ito.“Good, gising ka na.”Napalingon si Amara sa pinto. Si Kael. Suot nito ang itim na long-sleeved shirt at combat pants, mukhang galing sa labas. May dugo pa sa kanyang manggas, pero ang mukha nito ay kalmado.“Anong nangyari kagabi?” tanong niya habang umuupo.“Isa sa mga Warg ang sinubuka

  • Alpha's Forbidden Mate   Kabanata 3

    Kabanata 3Sumilip si Amara mula sa bintana ng silid habang pinagmamasdan ang kagubatan sa labas. Madilim pa rin ang langit, ngunit ramdam na ramdam niya ang kilabot sa paligid. Hindi iyon ordinaryong takot—parang may mabigat na enerhiya na bumabalot sa buong paligid. Ang mga alitaptap na kanina'y lumilipad sa labas ay bigla na lang naglaho. Tahimik ang lahat. Kakaibang katahimikan.Tumalikod siya at naupo sa kama, nanginginig ang mga daliri habang nakayakap sa sarili. Bawat tibok ng puso niya ay tila ba’y sinasalubong ng sigaw mula sa kanyang kaluluwa.“Hindi ka sa kanya… sa akin ka…”Hindi niya makalimutan ang boses na iyon. Parang pamilyar, pero walang mukha. Isang boses na malamig gaya ng gabi, ngunit may apoy ng pagkagahaman.Napalingon siya sa may pinto nang biglang bumukas ito. Si Lucian, seryoso ang mukha, nakatayo sa may pintuan.“Kael told me to check on you,” aniya.Tumango lang si Amara, pero agad ding tumayo. “Ano bang nangyayari? Sino sila? At bakit ako hinahabol?”Lumap

  • Alpha's Forbidden Mate   Kabanata 2

    Kabanata 2Basang-basa ang kanilang mga katawan habang tinatahak ang madilim na kagubatan. Ang ulan ay tila walang balak tumigil, ngunit hindi iyon alintana ni Amara. Hawak pa rin siya ni Kael habang tinatakasan ang mga lobo na patuloy silang hinahabol. Ang kanyang puso ay kumakabog, hindi lamang sa takot kundi sa kakaibang koneksyon sa lalaking ngayon ay humahawak ng kanyang kamay.Pagdating nila sa paanan ng bundok, tumigil si Kael saglit. Inamoy nito ang paligid, parang hayop na may matinding pakiramdam sa panganib. Nanatiling tahimik si Amara, pinagmamasdan ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha—mula sa pagiging malamig at seryoso, ngayon ay alerto at mapanganib.“Wala na sila sa paligid. Nawala na ang kanilang amoy,” sabi ni Kael, sabay lingon sa kanya. “Pero hindi ibig sabihin ligtas na tayo. Kailangan nating makarating sa hangganan bago sumikat ang araw.”“Hangganan?” tanong ni Amara habang nililingon ang kagubatan.“May barrier sa pagitan ng Blackmoon at El Cielo. Hangga

  • Alpha's Forbidden Mate   Kabanata 1

    Kabanata 1Malamig ang simoy ng hangin sa tuktok ng bundok El Cielo. Kumakaway ang mga dahon ng puno sa bawat bugso ng hangin habang dumadagundong ang kulog sa di kalayuan. Nakatayo si Amara sa gitna ng kagubatan, nakayapak, at pawis na pawis ang noo. Kumakabog ang dibdib niya, hindi dahil sa takot—kundi sa hindi maipaliwanag na pananabik."Amara!" sigaw ni Lola Sela mula sa paanan ng burol. "Umuulan na, anak! Bumaba ka na!"Ngunit hindi siya gumalaw. Sa halip, tiningnan niya ang kanyang mga palad—mainit ang mga ito, parang may lumalagablab sa ilalim ng kanyang balat. Simula nang maglabing siyam siya dalawang araw na ang nakakaraan, kung anu-anong kakaibang bagay na ang nararamdaman niya. May mga panaginip siyang hindi niya maipaliwanag—mga mata ng lobo, duguang buwan, at isang lalaki na paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan.Sa panaginip kagabi, hinawakan siya ng lalaking iyon—at nang magising siya, may marka sa kanyang pulso, hugis bilog na may kalahating buwan sa gitna."Ano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status