"Wala akong pakialam kung isa kang reporter o isang prostitute, ibigay mo sa akin ang bag mo!" Biglang sumugod si Fidel, umiikot sa likuran niya, at mabilis na inagaw ang kanyang bag.
"Huwag mong kunin ang pera ko sa bag na iyan!" sigaw ni Alyanna habang sumusugod para agawin ang bag niya. "Para sa pagpapagamot ng kapatid ko 'yan! Hindi ka ba man lang naaawa sa kanya, Pa?!” "Lumayas ka rito! Wala kang respeto sa akin!" itinulak siya ni Fidel pagkasabi noon. "Mr. Fidel Suarez! “Tatay ka ba talaga namin? Alam mo, sa mga kinikilos mo ngayon, parang wala lang kami para sa iyo, e.” Ganap nang nawalan ng pag-asa si Alyanna sa ama niyang ang tanging inaalala ay ang makakuha ng pera at hindi ang kalagayan ng kapatid nila. Pinisil niya ang kanyang mga kamao at sumigaw sa kanya nang buong lakas, habang tumutulo ang mga luha, "Bulag talaga sa pagmamahal ang nanay ko para sa iyo nang pinakasalan ka niya! Alam mo, sana hindi ka na lang namin naging tatay!" "Bakit ang liit lang ng perang nandito sa bulsa mo? Ganoon ka na ba kahirap? Ni hindi sapat para ipangpabunot ng ngipin ko!" Binulsa ni Fidel ang laman ng pitaka ni Alyanna at kinuha ang mahigit dalawang libong piso na kulang pa para sa kanya sa sugal. "Alyanna, hindi ba't nagtapos ka ng pag-aaral sa isang sikat na university? Sabi ng Tita Clara mo, limang digit ang sahod mo kada buwan. Nasaan ang pera na iyon? Ibigay mo na sa akin! Ano ba naman iyan, ama mo ako pero pinagtataguan mo ko ng pera?!" Tinadyakan ni Fidel si Alyanna gamit ang matulis niyang leather shoes. Matalim ang tingin ni Alyanna kay Fidel noong mga oras na iyon. "May mukha ka pang banggitin ang university kung saan ako nag-aral. Kung hindi dahil sa’yo, limang taon na ang nakakaraan, hindi sana ako napatalsik sa university na iyon, hindi sana ako nakaalitan ni Clark, at hindi sana ako nag-iisa sa buhay ko ngayon. Kasalanan mo kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon!" "Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay ko sa Manila noong mga panahon na iyon? Well, hanggang ngayon naman ay ganoon ang buhay ko pero wala kang pakialam!” "Araw-araw, bukod sa pagtatrabaho ko para mabuhay, kailangan ko ring kumayod para sa pagpapagamot ng kapatid ko, pambayad ng mga utang mo sa sugal, at sahod ni Tita Clara na in the first place, wala naman sana talaga. Tuwing tatawag ka, lagi kang humihingi ng pera sa akin! Ni minsan hindi mo tinanong kung ayos lang ba ako sa Manila! Kung may kinakain ba ko roon o maayos naman ba ang tinitirhan ko!” Tiningnan lang ni Fidel si Alyanna nang walang pakialam. Hindi siya interesado sa mga sinasabi nito. Ang gusto lang niya ay malaman kung nasaan ang ATM card ni Alyanna para makapag withdraw na siya ng pera. Palapit na sana siya at magsasalita para sabihing tigilan na ang madaming satsat at ibigay na ang ATM card. Nang biglang pumasok ang isang message sa kanyang cellphone. Pagkabasa niya ng message, agad nagbago ang ekspresyon ni Fidel. Ngumiti siya, lumapit kay Alyanna, at ipinatong ang braso sa balikat nito. "O, Alyanna, huwag ka nang magalit. Ako na ang may kasalanan. Sobrang nalulong ako sa sugal kaya hindi kita napansin. Patawad." Itinulak siya ni Alyanna palayo habang takot na takot ang mukha, "Anong balak mong gawin sa akin ngayon?” Sa alaala niya, tuwing ganito ang itsura ni Fidel sa kanya, may masamang mangyayari. Noong huli, ibinenta siya nito sa isang mayamang negosyante. Kahit na dumating si Clark sa tamang oras para iligtas siya, nakuhanan na siya ng picture at muntik nang gahasain. Kalaunan, kumalat ang mga picture na iyon sa internet, at pagkatapos ay pinalayas siya ng university kung saan siya nagtatrabaho sa dahilan na ang magulo niyang pribadong buhay ay nakakaapekto sa reputasyon ng paaralan. Sa pag-alala nito, nanlamig ang buong katawan ni Alyanna, nanigas ang puso niya, at galit na galit siyang tumingin sa ama niyang si Fidel, "May utang ka na naman ba sa sugal at gusto mo akong ibenta sa mga mayayamang manyakis bilang maging sex slave nila?” "Alyanna, huwag mo namang isipin na gano'n kasama ang tatay mo. Nag-sorry na nga ako, hindi ba?" Napangiting nahihiya si Fidel, "Ganito kasi, may nakilalang tao si Clara na gustong pakasalan ka. Mayaman daw 'yung lalaki, at kung papayag kang magpakasal, agad siyang magbabayad para sa bone marrow transplant ng kapatid mong si Ashley. Bukod pa diyan, sinabi rin niyang kung magkaanak ka ng lalaki para sa pamilya nila pagkatapos ng inyong kasal, bibilhan ka niya ng mansion sa isang lugar na sobrang mahal ng lupa." "Hindi ako naniniwala na may ganyang kagandang bagay na mangyayari sa akin. Sabihin mo nga ang totoo, ilang taon na 'yung lalaking 'yan?" Mula nang makipaghiwalay siya kay Clark, hindi na siya muling sinuwerte sa buhay man o sa pag-ibig. Nakapikit si Fidel habang nakangising sagot, "Hindi naman siya ganoon katanda, halos 70 years old lang. Biyudo na siya, walang anak, at gusto nang magkaroon ng tagapagmana. Sabi ni Clara, ayon sa hula, ikaw daw ay nakatakdang magkaanak. Kailangan mong magkaanak ng tatlong lalaki bago ka mamatay. Kaya ikaw ang napili nila para maging asawa niya.” Hindi na nakapagsalita pa noon si Alyanna. "Alyanna, may blind date ka ngayong gabi ‘di ba? Mag-ayos ka na at ihahatid kita mamaya." Nang makita niyang sabik na sabik si Fidel na ipamigay siya sa isang matandang mayaman bilang isang babymaker, namula ang mga mata ni Alyanna sa galit at panlalamig ng damdamin, para bang lumubog ang puso niya noong mga oras na iyon.Hindi inakala ni Alyanna na babalik siya sa dati niyang trabaho bilang isang entertainment reporter at lalong hindi niya naisip na ang una niyang assignment mula sa kanyang boss ay ang makapanayam ang isang artista na si Kim Lee.Sikat na sikat si Kim Lee sa mundo ng showbiz. Katulad ng biglaang pagsikat ni Lou, siya rin ay sumabog ang kasikatan nang magdamag at agad nagkaroon ng napakaraming tagahanga. Kilala rin siya bilang mayabang, mahilig magpasikat, at palaban sa mga bashers niya.Maraming reporter na nakapanayam siya ang umamin na mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa ma-interview siya ulit. Ganito kahirap pakisamahan si Kim Lee.Ang ideya na ito ng kanyang unang assignment ay nagbigay ng matinding sakit ng ulo kay Alyanna.“Miss Suarez, andito na tayo,” tawag ng cameraman habang binubuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.Dahil abala pa si Kim Lee sa paggawa ng bagong drama, sa mismong set gagawin ang interview nila. Si Kira, na sumama kay Alyanna, ay may hiwalay na iniinterv
Walang isa man sa opisina ang naglakas-loob na magsalita. Kita ng lahat na galit na galit ang direktor, at kung sino man ang unang magsasalita, siguradong madadamay sa gulo. Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Alyanna sa opisina ng News Department. "Pasensya na, nalate po ako," hingal niyang sabi habang nakatayo sa may pintuan, magulo ang buhok at pawis na pawis. "Director, siya po ang bagong reporter na kinuha kahapon ng HR department, si Alyanna," sabi ng isa, sadyang malakas ang boses para marinig ng lahat. Kumunot ang noo ni Alyanna at agad na tumingin sa pinanggalingan ng boses. At ayun nga, si Kira, ang mortal niyang kaaway. Talagang kapag minamalas ka, kahit saan ka lumiko, andiyan ang mga taong ayaw mong makita. Tumingin ang director kay Alyanna na may halatang pagkainis. "Bawasan ng sampung puntos ang performance score ng babaeng iyan. Huwag ka nang malelate ulit." Huminga nang malalim si Alyanna at napangiti ng bahagya. Mabuti na lang at hindi siya natanggal. Nap
Nararamdaman ni Alyanna na parang naipit ang ulo niya sa pinto kagabi kaya niya hinamon nang todo ang pasensya ni Clark kaninang umaga. Kahit sa paglalakad ay nanginginig ang kanyang mga binti at paa. Masakit. Argh! Bwisit! Magdamag siyang pinagpuyat, at ngayon, late pa siyang dumating sa TV station. Napatingin siya sa oras sa kanyang relo. Bwisit! Limang minuto na lang ay late na siya. Ayaw niyang ma-late sa unang araw ng trabaho at mag-iwan ng masamang impresyon sa boss niya, kaya kumaripas siya patungo sa elevator na parang rocket. “Sandali lang!” Sigaw ni Alyanna, halos maubos ang boses habang tumatakbo, ngunit dahil parang may sira ang preno ng katawan niya, hindi niya na-kontrol ang sarili at bigla siyang bumangga sa isang tao. “Aray!” sigaw ng taong nasalubong niya. “Sorry, sorry,” mabilis na sabi ni Alyanna, agad niyang inalis ang paa sa natapakan niyang sapatos at magalang na humingi ng paumanhin. “Umalis ka nga riyan!” Isang pares ng kamay ang marahas na nagtul
Si Clark ay nakasuot ng pink na apron na may mga cartoon na disenyo. Hubad ang kanyang mga binti sa ilalim, na para bang nakasuot lang siya ng underwear. Nakakatawa pero sabay na nakakaakit ang itsura niya.Ang ikinagulat ni Alyanna ay ang dalawang plato ng pasta na hawak nito!Marunong palang magluto ang lalaking ito!Ilang taon na niyang kilala si Clark, pero ngayon lang niya nalaman na marunong pala itong magluto!“Ano? Hindi mo na ako nakikilala?” mahinahong sabi ni Clark habang maingat na inilalapag ang pasta sa mesa, saka dahan-dahang tinanggal ang apron at itinapon iyon sa gilid.Tama nga ang hinala niya, underwear lang ang suot nito sa ilalim ng robe. Pero dahil maiksi lang ang robe, hindi nito natatakpan ang mahahaba nitong mga binti. Payat at perpekto ang hubog, walang kahit anong taba, at ang kutis nito’y kasing puti na kayang ikahiya ng maraming babae.Halos lumuwa ang mga mata ni Alyanna habang nakatitig sa napakagandang mga binti nito, pakiramdam niya’y dumadaloy na ang
Sa isang iglap, hindi mapigilan ni Alyanna ang panginginig ng kanyang puso.Para siyang nakuryente, nanigas ang buong katawan, at naglaho ang lahat ng laman ng kanyang isipan.“Ho-honey… a-ako…” pautal-utal niyang bulong, ni hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin.“Gusto mo ba ng halik na ganito?” malamlam ngunit puno ng pang-akit ang tinig ni Clark, habang bahagyang kinakagat ang kanyang mga labi. Ang boses nito’y mababa, paos, at nakakabighani.“Hi-hindi,” iiling-iling na sagot ni Alyanna, halos hindi makatagal sa init ng tingin ng asawa.“Kung gano’n, subukan natin ang ibang paraan.” Mabilis na hinawakan ni Clark ang kanyang dila, at ang mga halik nito’y naging mas mapusok, mas mariin, at mas mapang-angkin.Napayakap siya nang mahigpit sa matipunong likod ng lalaki, tila ba wala na siyang ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng nagbabagang damdamin.Habang magkahinang ang kanilang katawan, ramdam ni Clark ang mabilis na pag-akyat ng kanyang dugo, at hindi na niya map
“Pipilitin mong mahalin ang isang taong hindi mo naman gusto? ’Yan ang totoong pananakit. Hindi lang para sa’yo, kundi pati kay Gilbert. Karapat-dapat si Gilbert sa mas mabuting babae.”“Susubukan ko siyang kausapin mamaya.” Alam ni Clark na matagal na silang magkaibigan ni Gilbert kahit pa magpinsan sila at sabay na dumaan sa hirap at ginhawa. “Wala namang dahilan para tuluyang masira ang pagkakaibigan dahil lang sa pumalpak ang isa sa pag-ibig.”Ngumiti si Lou, malapad ang ngiti na iyon sa kanyang labi. “Advance thank you! Kapag kailangan mo ng tulong in the future, sabihin mo lang.”“Huwag mo na sabihing ‘future’ kasi kailangan ko na ng tulong mo ngayon,” sabi ni Clark, sabay taas ng tingin sa kanya.Kumindat si Lou at kumaway ng parang hari. “Sige, sabihin mo lang sa akin kung ano iyon. Basta kaya ko, walang problema sa akin iyan.”“Hindi naman malaking bagay,” wika ni Clark. “Si Alyanna, gusto niyang magtrabaho. Journalism ang major niya, at since close ka sa mga tao sa TV statio