Share

Chapter 8

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-05-15 11:55:13

Bago pa siya makatutol, tiningnan siya ni Fidel nang masama at sinabi, "Ano? Hindi ka masaya na magkakaroon ka ng blind date?"

Napangiti ng mapait si Alyanna habang nanginginig ang kanyang labi at walang tigil ang pagbagsak ng kanyang mga luha, "Papa, kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko, sasaya ka ba? Halos 70 years old na siya, ilan taon ang tanda niya sa akin. Sa tingin mo ba magiging masaya ako sa pag-aasawa sa ganoong klaseng lalaki?”

"Ano ba ang kaligayahan para sa iyo? Makakain mo ba 'yan?" malamig na sagot ni Fidel. "Alyanna, sinasabi ko sa'yo, kailangan mong tanggapin ang kasalan na ito kahit ayaw mo. Kapag pumalpak ito, hindi lang ang kapatid mong babae ang mamamatay dahil wala tayong pera para ipagamot siya, pati ikaw, mamamatay ka rin!"

Namumuo ang mga luha sa kanyang mata, at naging malabo ang kanyang paningin. Lubos ang pagkapighati ni Alyanna noong mga oras na iyon. Tinitigan niya si Fidel nang punong-puno ng galit, "Papa, kapag natuloy ang kasalang ito at naging asawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 8

    Bago pa siya makatutol, tiningnan siya ni Fidel nang masama at sinabi, "Ano? Hindi ka masaya na magkakaroon ka ng blind date?"Napangiti ng mapait si Alyanna habang nanginginig ang kanyang labi at walang tigil ang pagbagsak ng kanyang mga luha, "Papa, kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko, sasaya ka ba? Halos 70 years old na siya, ilan taon ang tanda niya sa akin. Sa tingin mo ba magiging masaya ako sa pag-aasawa sa ganoong klaseng lalaki?”"Ano ba ang kaligayahan para sa iyo? Makakain mo ba 'yan?" malamig na sagot ni Fidel. "Alyanna, sinasabi ko sa'yo, kailangan mong tanggapin ang kasalan na ito kahit ayaw mo. Kapag pumalpak ito, hindi lang ang kapatid mong babae ang mamamatay dahil wala tayong pera para ipagamot siya, pati ikaw, mamamatay ka rin!"Namumuo ang mga luha sa kanyang mata, at naging malabo ang kanyang paningin. Lubos ang pagkapighati ni Alyanna noong mga oras na iyon. Tinitigan niya si Fidel nang punong-puno ng galit, "Papa, kapag natuloy ang kasalang ito at naging asawa

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 7

    "Wala akong pakialam kung isa kang reporter o isang prostitute, ibigay mo sa akin ang bag mo!" Biglang sumugod si Fidel, umiikot sa likuran niya, at mabilis na inagaw ang kanyang bag."Huwag mong kunin ang pera ko sa bag na iyan!" sigaw ni Alyanna habang sumusugod para agawin ang bag niya. "Para sa pagpapagamot ng kapatid ko 'yan! Hindi ka ba man lang naaawa sa kanya, Pa?!”"Lumayas ka rito! Wala kang respeto sa akin!" itinulak siya ni Fidel pagkasabi noon."Mr. Fidel Suarez! “Tatay ka ba talaga namin? Alam mo, sa mga kinikilos mo ngayon, parang wala lang kami para sa iyo, e.” Ganap nang nawalan ng pag-asa si Alyanna sa ama niyang ang tanging inaalala ay ang makakuha ng pera at hindi ang kalagayan ng kapatid nila. Pinisil niya ang kanyang mga kamao at sumigaw sa kanya nang buong lakas, habang tumutulo ang mga luha, "Bulag talaga sa pagmamahal ang nanay ko para sa iyo nang pinakasalan ka niya! Alam mo, sana hindi ka na lang namin naging

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 6

    "Alyanna, lumala na naman ang kalagayan ng malas mong kapatid. Dahil dyan, dapat mo na akong bayaran sa pag-aalaga ko sa kanya para sa'yo. Bilisan mo at magpadala ka ng 50,000 pesos ngayon din dahil kailangan ko na ng pera! Ang dami-dami kong gastusin!" Diretso pa rin si Clara gaya ng dati, hindi kailanman tinatago ang dahilan kung bakit siya lumalapit sa anak niyang si Alyanna. Ramdam na ramdam ni Alyanna na hindi siya mahal nito. At kahit kailan yata ay hindi na siya nito mamahalin. "Mama, wala po akong gano'ng kalaking pera ngayon. Kakatanggal lang po sa akin ng amo ko ngayong araw sa trabaho ko,” sagot ni Alyanna habang umiiyak. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada, yakap ang kanyang mga tuhod, tahimik na umiiyak habang nakabaon ang mukha sa kanyang mga tuhod, ayaw ipakita sa mga dumadaan ang kanyang kawalan ng pag-asa na makakaya pa niya ang ganitong klaseng buhay. "Ano naman ngayon kung natanggal ka sa trabaho? Aba, gumawa ka ng paraan!" sarkastikong putol ni Clara sa pag-iya

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 5

    Dahil sa labis na takot ay hindi na nagsalita pa si Alyanna. Nakatingin lang siyang maigi sa kanyang boss, kinagat niya ang kanyang labi.Ayaw na rin ni Alyanna na magbigay respeto sa kanyang boss, hindi na siya nagpaalam dito at bigla na lang tumalikod.Paalis na sana siya nang biglang nagsalita ang kanyang boss, “Oops, saglit lang. Hindi ka ba man lang magpapaalam sa akin? Ano iyon, basta mo na lang akong tatalikuran?”Dahil sa narinig ay humarap ulit si Alyanna sa kanyang boss, galit pa rin ang kanyang mga mata at seryoso ang boses, “Para saan pa? E bastos ka namang kausap, hindi ba?”Nang marinig iyon ng kanyang boss ay mas lalong nag-elevate ang galit ng boss ni Alyanna sa kanya. Sumigaw ito.“Aba, at talagang bastos ka nga, ano? Gusto mo bang ma-rape at mamatay ngayon na rin? Kasi, pwede naman!”Lumapit na ang boss ni Alyanna sa kanya at pilit na hinalikan siya sa kanyang labi. Ilang minuto pa ay sa leeg na niya ito hinalikan. Si Alyanna naman ay todo piglas at umiiyak na dahil

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 4

    Sumakay si Alyanna ng taxi papunta sa building ng opisina ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Wala ang receptionist sa front desk kaya walang sinumang pumigil sa kanya. Dumiretso siya sa opisina ng kanyang boss at nagsabi, “Boss, bakit mo ako tinanggal sa trabaho? Anong ginawa ko sa iyo at pinatawan mo ako noon?”Walang kahit na sino ang nasa office. Isang tinig lang ng babae ang narinig mula sa loob ng kwarto sa loob ng opisina, na agad niyang ikinatahimik.“Boss… Nandito na ko.”Si Kira ang babaeng iyon. Kahit nakapikit ang mga mata ni Alyanna ay alam niyang kay Kira nanggagaling ang boses na iyon.Iyon pala, may relasyon sina Kira at ang kanilang boss. Kaya pala si Kira ang may pinakamalaking performance bonus sa mga kasamahan nilang sabay pumasok sa kumpanya.Napakagat-labi tuloy si Alyanna at naupo sa sofa, may kaunting sama ng loob sa dibdib habang naghihintay na matapos ang pag-uusap ng dalawa.‘Niloloko nila ang mga tao rito sa kumpanya. Paano nila nagawang itago ang rel

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 3

    Pagkaalis ni Alfred sa kwarto, muling nanahimik ang paligid. Nakakabingi ito.Nakatayo pa rin si Clark sa harap ng bintana, nakatanaw sa mga taong naglalakad sa kalye sa ibaba.Nasa kanto na noon si Alyanna, iniunat niya ang kanyang braso upang tumawag ng masasakyan, ngunit tuloy-tuloy lang ang pagdaan ng mga kotse. Walang taxi ang huminto para sa kanya. Para bang itinakwil siya ng buong mundo, at napaka-awkward ng feeling para sa kanya kung titingnan.Hindi niya alam kung gaano katagal ang oras na lumipas, pero naubos na ang sigarilyong hawak ni Clark noon bago pa man makasakay si Alyanna ng taxi at tuluyan nang umalis ng building."Mr. Benitez,nahanap ko na po kung sino ang nagpadala ng babae para sa inyo kagabi," muling pumasok si Alfred sa kwarto ni Clark. "Ang babaeng nakatabi mo rito sa kwarto kagabi ay si Alyanna Suarez. Isa siyang hindi kilalang entertainment reporter. Kadalasan, sinusundan niya ang mga celebrity at palihim na kinukuhanan ng ilang pictures ang mga ito.”Sa

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 2

    Biglang may isang makinis at payat na braso na lumitaw mula sa likuran ni Alyanna."Ah——""Gusto mong tumakas pagkatapos ng nangyari kagabi?" galit ang tono ni Clark nang sabihin niya iyon.Hinawakan ni Clark ang likod ni Alyanna na may madilim na mukha at mariing itinulak siya pabalik sa kama. Ang kanyang malamig na mga mata ay singlamig ng yelo. Kitang-kita ang galit sa kanya."Sino ang nagpadala sa'yo rito? Sabihin mo sa akin! Sino?!” sigaw ulit niya."Ahhh.. Hindi ko alam. Wala akong alam! Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa kama, katabi ka,” paliwanag ni Alyanna sa kanya.Nataranta si Alyanna sa malamig niyang mga mata na tila nais siyang kainin ng buhay. Buti na nga lang din at nakapagsalita pa siya.Ang galit na kitang-kita sa kanyang mga mata ay naputol ang dahil sa pagkabigla niya nang malinaw na makita ang mukha ng babae, "Alyanna, ikaw pala ‘yan?!”"Oo... P-pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Nakita ko na lang din ang sarili ko sa kwarto na ito,” nanginginig na tinig n

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 1

    Sa Metro Hotel, sa isang presidential suite.Isang gabi, lasing na lasing si Alyanna Suarez. Nakahiga siya sa malaking kama, init na init ang pakiramdam dahil sa sobrang dami ng alak na nainom niya.Halos wala na siyang saplot, kitang-kita ang makinis niyang balat at ang sexy legs niya. “May tao ba dyan? Ang init kasi! Gusto kong uminom ng tubig! Malamig na tubig!”Habang nagrereklamo siya sa init na kanyang nararamdaman, bigla niyang narinig ang pagbukas at sara ng pinto.Sa sobrang lakas noon ay nagulat siya at napatingin kung sino ang pumasok. Pero dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na niya iyon naisip pa.Ang pumasok sa kwarto niya ay si Clark Denver Benitez. Isa sa pinakamayamang CEO sa bansa. Mayabang at kahit anong sabihin nito ay masusunod, isang salita niya lang ay lalago na ang negosyo.Sa sobrang kalasingan din ni Clark Denver, pagewang-gewang siyang nagtungo sa kama. Sobra rin ang init na nararamdaman niya kaya inalis niya ang kanyang neck tie pagkatapos ay inalis din n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status