Share

Chapter 6

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-05-14 17:01:29

"Alyanna, lumala na naman ang kalagayan ng malas mong kapatid. Dahil dyan, dapat mo na akong bayaran sa pag-aalaga ko sa kanya para sa'yo. Bilisan mo at magpadala ka ng 50,000 pesos ngayon din dahil kailangan ko na ng pera! Ang dami-dami kong gastusin!" Diretso pa rin si Clara gaya ng dati, hindi kailanman tinatago ang dahilan kung bakit siya lumalapit sa anak niyang si Alyanna.

Ramdam na ramdam ni Alyanna na hindi siya mahal nito. At kahit kailan yata ay hindi na siya nito mamahalin.

"Mama, wala po akong gano'ng kalaking pera ngayon. Kakatanggal lang po sa akin ng amo ko ngayong araw sa trabaho ko,” sagot ni Alyanna habang umiiyak.

Nakaupo siya sa gilid ng kalsada, yakap ang kanyang mga tuhod, tahimik na umiiyak habang nakabaon ang mukha sa kanyang mga tuhod, ayaw ipakita sa mga dumadaan ang kanyang kawalan ng pag-asa na makakaya pa niya ang ganitong klaseng buhay.

"Ano naman ngayon kung natanggal ka sa trabaho? Aba, gumawa ka ng paraan!" sarkastikong putol ni Clara sa pag-iyak ni Alyanna sa kabilang linya, "Basta sinasabi ko sa’yo ngayon pa lang, kung hindi mo ako padadalhan ng pera, agad kong paaalisin sa ospital ang kapatid mo at bahala na siya sa buhay niya! Ubos na ang pasensya ko sa inyo!”

"Mama, huwag mo naman po kaming tratuhin nang ganito. Maawa naman po kayo sa amin," humikbi si Alyanna habang nagmamakaawa, "Ina ka namin. Bakit ganyan ka po kung umasta? Hindi mo po ba kami mahal kahit konti man lang?”

"Ina?" ngumisi si Clara sa kabilang linya, "Alyanna, isa kang malas sa pamilya, alam mo ba 'yon? Kung hindi dahil sa’yo sampung taon na ang nakalipas, hindi sana nabundol ng sasakyan at namatay ang Mama mo! Huwag mo nang sabihing magkamag-anak tayo at baka pati ako madamay sa kamalasan mo!"

Malamig at walang pusong winika ni Clara ang mga salitang iyon bago niya biglaang ibinaba ang tawag.

‘Alyanna, isa kang malas sa pamilya!’

‘Kung hindi dahil sa’yo, hindi sana namatay ang Mama mo!’

Parang kutsilyong bumaon ang mga salitang iyon sa kanyang puso, paulit-ulit iyon sa kanyang isip at sa isang iglap, tila umagos ang dugo.

Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi habang umiiyak sa matinding sakit. Hindi pa siya umiyak nang ganoon katindi kailanman.

Minsan, gusto na lang niyang mamatay at tapusin ang lahat sa kanyang buhay, pero ang huling habilin ng kanyang ina bago ito mamatay ay alagaan niyang mabuti ang kanyang nakababatang kapatid.

Hindi siya maaaring mamatay. Walang silbi ang kanyang ama at malamig din ang pakikitungo sa kanila ng kanilang madrasta. Kung mamamatay siya, walang mag-aalaga sa kanyang kapatid.

Hindi niya namalayang tumayo siya at naglakad sa matao at maingay na lansangan, waring tuliro na. Pabulong siyang nagsasalita, “Hindi ako maaaring mamatay. Kailangan kong bumalik sa probinsya. Kailangan kong bumalik para alagaan ang kapatid ko. Kailangan ako ng kapatid ko…”

Pagbalik ni Alyanna sa probinsya, dumiretso siya agad sa ospital. Pagkatapos niyang malaman ang kalagayan ng kanyang kapatid, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagod at kawalan ng pag-asa na maayos pa ang kalagayan ng kanyang kapatid.

Ayon sa doktor, hindi maganda ang kondisyon ng leukemia ng kanyang kapatid at kailangan nitong sumailalim agad sa bone marrow transplant, kung hindi ay bibilis ang paglala ng sakit at maaaring mamatay ito anumang oras.

Halos 300,000 pesos ang halaga ng bone marrow transplant, ngunit ang lahat ng kanyang dalang pera at ipon ay wala pang 30,000 pesos.

Isip na siya nang isip kung saan niya kukunin ang kulang pang pera para sa kanyang kapatid. Halos ikabaliw na niya ito kakaisip.

Sugarol kasi ang kanyang ama at naubos nito ang lahat ng ipon ng kanyang ina mula sa negosyo na tinayo nito.

Ang tanging mahalagang bagay sa kanilang pamilya ay ang bahay, ngunit pinakasalan ng kanyang madrasta na si Clara Perez ang kanyang ama dahil sa bahay na iyon.

Napakakuripot at makasarili ni Clara kaya siguradong hindi siya papayag na isangla sa bangko ang bahay.

Ano ang dapat gawin? Kanino siya hihiram ng 300,000 pesos? Sa dami ng nangyayari sa mundo, meron pa kayang tao ang magpapahiram ng ganoong halaga sa kanya?

Kung meron man, isang mayaman ang taong iyon. Pero, sa sitwasyon ni Alyanna ngayon ay alam niyang wala siyang malalapitan na isang mayaman.

Ilang minuto pa ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang mukha ni Clark Denver, at agad na napailing si Alyanna. Hindi niya napigilang kagatin ang kanyang labi at murahin ang sarili sa inis.

‘Alyanna, kailan ka ba titigil sa masamang ugali mong si Clark Denver ang lagi mong tinatakbuhan kapag may problema ka? Hindi ka na talaga natuto kahit kailan eh!’

Patuloy pa ang pakikipag-usap niya sa kanyang sarili.

‘Galit na galit na si Clark sa'yo ngayon, tiyak na hindi ka na nito pauutangin. Baka pagtawanan ka pa nga niya. Tigilan mo na ang kahibangan mo.’

Bumalik si Alyanna sa silid ng kanyang kapatid na masama ang loob. Pagpasok na pagpasok niya, nakita niyang may lalaking nakayuko sa sahig at pinagtuturnilyo ang kanyang maleta.

“Papa, anong ginagawa mo?!” galit na sigaw ni Alyanna. Tuwing umuuwi siya sa kanilang probinsya, lagi na lang kinakalat ng kanyang ama ang kanyang gamit at wallet para kunin ang pera at ipangsugal.

“Alyanna, buti naman at dumating ka na.” Tuwaang- tuwang lumapit si Fidel Suarez sa kanyang anak.

“Bilisan mo, bigyan mo ako ng 30,000 pesos.Ramdam ko. Swerte ako ngayon. Mababawi ko lahat ng nawalang pera ko. Promise iyan.”

“Umalis ka rito! Huwag mong kukunin ang bag ko! Isa pa, wala namang laman iyan! Wala rin akong mapapautang sa iyo!” Hindi na napigilan ni Alyanna ang sumigaw sa pagkadismaya sa kanyang amang lulong sa sugal.

Pinigilan niyang umiyak at itinulak palayo ang ama niyang pilit kinukuha ang kanyang bag. Ang konting perang natitira roon ay para sa gamutan ng kanyang kapatid, at hindi niya maaaring hayaang makuha iyon ng kanyang ama para ipangsugal lang.

“Paano ka mawawalan ng pera? Hindi ba’t isa kang babaeng bayaran sa showbiz? Gano’n kataas na trabaho, siguradong malaki ang kita mo dahil kung sinu-sinong artistang lalaki ang nagkakandarapa sa iyo!” sunod-sunod na paninisi ni Fidel sa kanyang anak.

“Isa akong entertainment reporter! Hindi ako bayarang babae ng mga artista! Ano ba naman kayo, Pa?!” sigaw ni Alyanna sa galit.

Ama niya ito, ngunit bakit palagi siyang tinutulak nitong ibenta ang kanyang sarili?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 92

    Hindi inakala ni Alyanna na babalik siya sa dati niyang trabaho bilang isang entertainment reporter at lalong hindi niya naisip na ang una niyang assignment mula sa kanyang boss ay ang makapanayam ang isang artista na si Kim Lee.Sikat na sikat si Kim Lee sa mundo ng showbiz. Katulad ng biglaang pagsikat ni Lou, siya rin ay sumabog ang kasikatan nang magdamag at agad nagkaroon ng napakaraming tagahanga. Kilala rin siya bilang mayabang, mahilig magpasikat, at palaban sa mga bashers niya.Maraming reporter na nakapanayam siya ang umamin na mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa ma-interview siya ulit. Ganito kahirap pakisamahan si Kim Lee.Ang ideya na ito ng kanyang unang assignment ay nagbigay ng matinding sakit ng ulo kay Alyanna.“Miss Suarez, andito na tayo,” tawag ng cameraman habang binubuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.Dahil abala pa si Kim Lee sa paggawa ng bagong drama, sa mismong set gagawin ang interview nila. Si Kira, na sumama kay Alyanna, ay may hiwalay na iniinterv

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 91

    Walang isa man sa opisina ang naglakas-loob na magsalita. Kita ng lahat na galit na galit ang direktor, at kung sino man ang unang magsasalita, siguradong madadamay sa gulo. Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Alyanna sa opisina ng News Department. "Pasensya na, nalate po ako," hingal niyang sabi habang nakatayo sa may pintuan, magulo ang buhok at pawis na pawis. "Director, siya po ang bagong reporter na kinuha kahapon ng HR department, si Alyanna," sabi ng isa, sadyang malakas ang boses para marinig ng lahat. Kumunot ang noo ni Alyanna at agad na tumingin sa pinanggalingan ng boses. At ayun nga, si Kira, ang mortal niyang kaaway. Talagang kapag minamalas ka, kahit saan ka lumiko, andiyan ang mga taong ayaw mong makita. Tumingin ang director kay Alyanna na may halatang pagkainis. "Bawasan ng sampung puntos ang performance score ng babaeng iyan. Huwag ka nang malelate ulit." Huminga nang malalim si Alyanna at napangiti ng bahagya. Mabuti na lang at hindi siya natanggal. Nap

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 90

    Nararamdaman ni Alyanna na parang naipit ang ulo niya sa pinto kagabi kaya niya hinamon nang todo ang pasensya ni Clark kaninang umaga. Kahit sa paglalakad ay nanginginig ang kanyang mga binti at paa. Masakit. Argh! Bwisit! Magdamag siyang pinagpuyat, at ngayon, late pa siyang dumating sa TV station. Napatingin siya sa oras sa kanyang relo. Bwisit! Limang minuto na lang ay late na siya. Ayaw niyang ma-late sa unang araw ng trabaho at mag-iwan ng masamang impresyon sa boss niya, kaya kumaripas siya patungo sa elevator na parang rocket. “Sandali lang!” Sigaw ni Alyanna, halos maubos ang boses habang tumatakbo, ngunit dahil parang may sira ang preno ng katawan niya, hindi niya na-kontrol ang sarili at bigla siyang bumangga sa isang tao. “Aray!” sigaw ng taong nasalubong niya. “Sorry, sorry,” mabilis na sabi ni Alyanna, agad niyang inalis ang paa sa natapakan niyang sapatos at magalang na humingi ng paumanhin. “Umalis ka nga riyan!” Isang pares ng kamay ang marahas na nagtul

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 89

    Si Clark ay nakasuot ng pink na apron na may mga cartoon na disenyo. Hubad ang kanyang mga binti sa ilalim, na para bang nakasuot lang siya ng underwear. Nakakatawa pero sabay na nakakaakit ang itsura niya.Ang ikinagulat ni Alyanna ay ang dalawang plato ng pasta na hawak nito!Marunong palang magluto ang lalaking ito!Ilang taon na niyang kilala si Clark, pero ngayon lang niya nalaman na marunong pala itong magluto!“Ano? Hindi mo na ako nakikilala?” mahinahong sabi ni Clark habang maingat na inilalapag ang pasta sa mesa, saka dahan-dahang tinanggal ang apron at itinapon iyon sa gilid.Tama nga ang hinala niya, underwear lang ang suot nito sa ilalim ng robe. Pero dahil maiksi lang ang robe, hindi nito natatakpan ang mahahaba nitong mga binti. Payat at perpekto ang hubog, walang kahit anong taba, at ang kutis nito’y kasing puti na kayang ikahiya ng maraming babae.Halos lumuwa ang mga mata ni Alyanna habang nakatitig sa napakagandang mga binti nito, pakiramdam niya’y dumadaloy na ang

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 88

    Sa isang iglap, hindi mapigilan ni Alyanna ang panginginig ng kanyang puso.Para siyang nakuryente, nanigas ang buong katawan, at naglaho ang lahat ng laman ng kanyang isipan.“Ho-honey… a-ako…” pautal-utal niyang bulong, ni hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin.“Gusto mo ba ng halik na ganito?” malamlam ngunit puno ng pang-akit ang tinig ni Clark, habang bahagyang kinakagat ang kanyang mga labi. Ang boses nito’y mababa, paos, at nakakabighani.“Hi-hindi,” iiling-iling na sagot ni Alyanna, halos hindi makatagal sa init ng tingin ng asawa.“Kung gano’n, subukan natin ang ibang paraan.” Mabilis na hinawakan ni Clark ang kanyang dila, at ang mga halik nito’y naging mas mapusok, mas mariin, at mas mapang-angkin.Napayakap siya nang mahigpit sa matipunong likod ng lalaki, tila ba wala na siyang ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng nagbabagang damdamin.Habang magkahinang ang kanilang katawan, ramdam ni Clark ang mabilis na pag-akyat ng kanyang dugo, at hindi na niya map

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 87

    “Pipilitin mong mahalin ang isang taong hindi mo naman gusto? ’Yan ang totoong pananakit. Hindi lang para sa’yo, kundi pati kay Gilbert. Karapat-dapat si Gilbert sa mas mabuting babae.”“Susubukan ko siyang kausapin mamaya.” Alam ni Clark na matagal na silang magkaibigan ni Gilbert kahit pa magpinsan sila at sabay na dumaan sa hirap at ginhawa. “Wala namang dahilan para tuluyang masira ang pagkakaibigan dahil lang sa pumalpak ang isa sa pag-ibig.”Ngumiti si Lou, malapad ang ngiti na iyon sa kanyang labi. “Advance thank you! Kapag kailangan mo ng tulong in the future, sabihin mo lang.”“Huwag mo na sabihing ‘future’ kasi kailangan ko na ng tulong mo ngayon,” sabi ni Clark, sabay taas ng tingin sa kanya.Kumindat si Lou at kumaway ng parang hari. “Sige, sabihin mo lang sa akin kung ano iyon. Basta kaya ko, walang problema sa akin iyan.”“Hindi naman malaking bagay,” wika ni Clark. “Si Alyanna, gusto niyang magtrabaho. Journalism ang major niya, at since close ka sa mga tao sa TV statio

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status