MasukCeleste Amara Valdez (POV)
Madaling araw, biglang bumigat ang dibdib ko. Para akong nakalutang sa dilim. Hindi ko alam kung saan ako naroroon, walang direksyon, walang ilaw puro echo lang ng mga hakbang at boses na hindi ko makita ang pinagmulan. "Dónde estás…?" "She shouldn’t be here…" "Corre… rápido…" "We will find you." Nanlamig ako. Hindi ko kilala yung mga boses, pero halong Spanish at English yung mga salita nila. Malabo, parang nagmu-murmur lang sa tenga ko pero diretso pasok sa utak. At habang tumatagal, parang palapit nang palapit. Biglang may malamig na kamay na parang humahawak sa braso ko. Napasigaw ako: “Stop! No! Please!” Pagdilat ko ng mata, pawis na pawis ako. Basang-basa ang pisngi ko dahil umiiyak pala ako habang natutulog. Tumayo ako bigla, hinahabol yung hininga ko, hawak ang dibdib na parang sasabog. Buti na lang, hindi nagising sina Mama at Papa, pati mga kapatid ko. Kung narinig nila ako, baka sobra silang mag-alala. Pilit kong inaalala yung panaginip, pero habang iniisip ko, lalo lang sumasakit ang ulo ko. Parang may sumasakal sa sentido ko. Kaya pinilit kong humiga ulit. Hanggang sa sa sobrang pagod at hilo, nakatulog ulit ako. “Ate Celeste! Gumising ka na!” Bigla akong ginising ng dalawang kapatid ko. Pagmulat ko, maliwanag na yung paligid. “Oh my gosh, what time is it?!” napabangon agad ako, gulong-gulo. Pagtingin ko sa labas, ang ingay. May malalakas na tawanan, may kantahan, at ang daming tao sa kalsada. Sumilip ako sa bintana at halos mabingi sa dami ng sigaw at tunog ng sound system. “Wait—what is happening here?!” Sinalubong ko yung tingin ng mga kapatid ko na naka-ngiti lang. “Ate, fiesta po ngayon!” sagot ng bunso kong si Noel, sabay tawa. “What?! Fiesta? As in ngayon? Why didn’t anyone tell me?!” Pumasok si Mama dala yung plato ng pandesal. “Anak, sorry nakalimutan ko sabihin sayo dahil tulog kana kagabi dahil sa pagod. Fiesta natin ngayon sa barangay.” “Fiesta…” bulong ko, parang wala pa ring idea. Ngumiti si Mama. “Opo. Araw ng pasasalamat at selebrasyon. Kaya lahat ng tao busy, lahat nagkakasama-sama. Kahit sino, welcome. Kain, sayawan, tawanan.” Napatango ako kahit medyo lutang. “So… parang one big party?” “Yes, anak,” sagot niya, sabay lagay ng pandesal sa kamay ko. “Kaya kumain ka na, baka abutan ka ni Liza mamaya.” At sakto, dumating si Liza, dala ang isang bayong. Pawis na pawis pero nakangiti. “Celeste! Halika na, tulungan mo kami. Ang daming ginagawa sa labas.” Nagkibit-balikat ako. “Wait lang, girl. Hindi ako prepared. Like, look at me.” Tinuturo ko yung messy kong buhok at crumpled na shirt. “Arte mo talaga. Eh fiesta naman, hindi fashion show!” natatawa niyang sagot. Napatawa rin ako, kahit medyo nahihiya. Pero sa loob-loob ko, gusto ko pa rin kahit papaano presentable. Kaya kumuha ako ng hair clip, inayos konti yung bangs ko, tapos smile. “Okay na ba ‘to? Para akong fiesta-ready na barbie.” “Barbie na pawisin,” tukso ni Liza, sabay hila sa akin palabas. Paglabas ko ng bahay, muntik akong malula sa dami ng tao. May mga banderitas nakasabit sa buong kalsada. May nag-iihaw ng manok, may nagluluto ng pancit sa malalaking kawa, may mga bata nagtatakbuhan hawak ang lobo. May nag-aayos pa ng stage sa may barangay hall. “Grabe, parang ang saya!” bulong ko. “Oo, once a year lang ‘to,” sagot ni Liza. “Kaya lahat todo effort.” Habang naglalakad kami, may mga kapitbahay na kumakaway. “Ay, Celeste! Ang ganda mo, hija!” bati ni Aling Nena. Napangiti ako. “Thank you po!” kahit medyo nahiya ako. Dinala kami ni Liza sa kusina area kung saan andun yung mga nanay. Pinahawak ako ng kutsilyo para tumulong maghiwa ng gulay. At dahil sanay na ako nitong mga nakaraang araw, hindi na ako nag-inarte. Pero bandang tanghali, habang inaayos ko yung mga baso sa mesa, bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Parang bumabalik yung naramdaman ko kaninang madaling araw. “Celeste, okay ka lang?” tanong ni Liza, halatang concerned. “Yeah… I think so. Maybe just tired.” Umupo ako saglit, uminom ng tubig. Buti na lang, after a few minutes, nawala rin. “See? Kaya ko pa,” pilit kong ngumiti. “Hay naku, kung mahimatay ka, sasapakin talaga kita pagkatapos,” biro niya. Napatawa ako kahit medyo weak pa. “Noted.” Pagsapit ng hapon, nagsimula na yung mga palaro. May pabitin, palayok, sack race, at egg relay. Halos tumili ako sa tuwa nung makita si Papa na sumali sa sack race. “Go, Papa!” sigaw ko, sabay tawa nang madapa siya sa gitna. Ang saya saya. Kahit simpleng laro lang, ramdam mo yung unity ng buong barangay. Pagdating ng gabi, nagkaroon ng sayawan sa tapat ng barangay hall. May bandang tumutugtog, may mga ilaw na nakasabit, at halos lahat sumasayaw sa kalsada. “Celeste, tara na!” hila sa akin ni Liza. Nagkunwari akong nag-aalangan. “Wait lang, baka madumihan shoes ko.” “Shoes agad iniisip? Nakaka-tense ka!” Pero in the end, sumayaw rin ako. Tumawa, sumigaw, sumabay sa tugtog. For once, I wasn’t thinking about my nightmare, or about who I used to be. Just… now. Habang nagkakatuwaan, biglang umakyat sa stage yung emcee. “Mga kabarangay, time for the announcement! Sino kaya ang mga magiging kandidata para sa Ms. Barangay Tining bukas?” Nagtilian yung mga tao. At sabay-sabay kong narinig yung pangalan ko. “Celeste! Si Celeste!” “What?! No way!” napahawak ako sa dibdib, nangingiti pero nanginginig. Lumapit agad si Mama, halatang proud. “Anak, huwag ka nang mahiya. Subukan mo lang. Hindi mo naman kailangang manalo, ang mahalaga, makisali ka.” “Yes, Celeste!” dagdag pa ni Liza, halos itulak na ako paakyat. “Pero… I don’t even know how this works! I’ve never joined anything like this!” “Eh di matututo ka. Kaya mo yan,” sagot ni Liza. At ayun, wala na akong nagawa. Tinawag ako bilang nominee. Hindi pa ngayong gabi ang pageant, pero bukas. Kinakabahan ako, pero habang nakatingin ako sa mga ngiti ng mga tao, sa mga palakpak, sa suporta nila Mama at Liza, may kakaibang init akong naramdaman. Maybe… this isn’t so bad after all. Pag-uwi ko, bagsak ako sa papag. Pagod, pero puno ng emosyon. Naalala ko yung masamang panaginip ko kaninang madaling araw, yung sakit ng ulo, yung kaba. Pero naalala ko rin yung saya ng fiesta, yung tawa, yung sayawan, at yung moment na tinawag pangalan ko. Huminga ako ng malalim, at bulong ko sa sarili ko: “Celeste Amara Valdez… nominee ka na. Ready or not, here we go.” At dahan-dahan kong pinikit ang mata ko, umaasang bukas, magiging mas matapang pa ako.Celeste Amara Valdez (POV)Umaga na.Nagising ako sa ingay ng mga yabag sa labas ng kwarto. Ang dami ko pang antok, pero naririnig ko na yung mga pinsan at tita’t tito ko na abala na sa paghahanda. May mga nagbubukas ng maleta, may nag-aayos ng mga gamit sa sala, may tumatawa, may nagsisigawan na para bang ang daming ginagawa pero ang saya pa rin ng tunog.Napahikab ako at bumangon. Pagharap ko sa salamin, medyo sabog pa yung buhok ko. Pero syempre, kahit bagong gising, dapat presentable pa rin ako. Hinawi ko ng kaunti yung buhok ko at ngumiti ng pilit.“Good morning, world. Today is… dramatic day,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang sarili.Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong sinangag ni Mama at yung bagong pritong tuyo. Nakaka-gutom kahit busog pa ako kagabi. Sa mesa, andun na yung iba kong pinsan, kumakain ng pandesal habang nakatayo lang at nagtatawanan.“Uy, gising na si sleeping beauty!” sigaw ng isa kong pinsan.Nag-arte ako ng konti. “Excuse me, hindi a
Celeste Amara Valdez (POV)Pagbaba ko ng sasakyan, ako na ang nauna. “I’ll go ahead,” sabi ko, medyo malamig pero maayos pa rin ang tono ko. May pilit akong ngiti, kasi ayokong mag-alala pa lalo sina Mama at Papa.“Magpapahinga na ako.”Tumango lang si Mama, halatang pagod na rin. Narinig ko pa yung mga pinsan ko sa likod na nag-aayos ng gamit, pero hindi na ako lumingon. Diretso na ako sa kwarto.Pagpasok ko, isinara ko agad ang pinto at humiga sa kama. Ramdam ko ang lamig ng hangin na pumapasok sa maliit na bintana, pero hindi iyon sapat para ma-comfort ako.“Why do I feel so empty?” bulong ko sa sarili.Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na iniisip lahat ng alaala na dapat meron ako—pero wala. Blurry lahat. Parang puzzle na kulang-kulang ang piraso. Parang pelikula na putol-putol.Ano ba talaga ang nangyari sa akin bago yung accident? Sino ba talaga ako?Ramdam ko yung frustration na unti-unting pumipiga sa dibdib ko. Oo, alam ko na si Celeste Amara Valdez ako—anak nina Mama at P
Celeste Amara Valdez (POV)Madilim.Pero sa dilim, may boses akong naririnig. Malambing, parang musika na nakakalma kahit may lungkot sa ilalim.“My daughter…”Parang may ilaw na sumilip sa harap ko. Doon ko nakita ang isang babae mahaba ang buhok, maputi, at may ngiti na pamilyar pero hindi ko maipaliwanag. Suot niya ang isang simpleng dress, pero sa paningin ko, parang anghel siya.“My daughter, Aurelia…”Who's Aurelia???Me?!!Halos lumambot ang tuhod ko sa narinig ko. Who is she? Why does she feel so… familiar?“Mommy?” bulong ko, pero halos wala ring tunog na lumabas.Lumapit siya. Hinaplos ang pisngi ko. “Anak… you’ll be okay. Huwag kang matakot. Mommy is always here.”Pero bago ko pa siya tuluyang makita nang malinaw, biglang lumabo ang paligid. Parang nagmistulang usok ang imahe niya at nag-fade. Sinubukan kong abutin siya, pero wala nawala siya.“Mommy! Wait! Please don’t leave me!” halos pasigaw na ako. Pero huli na.At doon, bigla akong nagising.Pagmulat ko ng mata, puti a
Chapter 14 – Celeste Amara Valdez (POV)Para akong natulala sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko yung tatlong lalaking lasing, parehong nakangisi na parang may iniisip na hindi maganda. Nakaharang sila sa exit ng kuwebang parang kanina lang ay parang paraiso sa paningin ko, pero ngayon… naging parang kulungan. My heart was pounding so fast na para bang gusto nang lumabas sa dibdib ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Excuse me,” sabi ko ulit, this time mas firm yung boses ko. Nag-raise ako ng kilay kahit nanginginig na ako sa loob. “I said move. Like, now.” Pero imbes na umurong, mas lalo silang lumapit. “Uy, English pa oh,” sabi nung isa, sabay tawa. “Parang hindi taga-rito. Ang sosyal.” Napakagat labi ako. Oh my gosh, bakit ba kasi ako nag-English? Nakakainis! Huminga ako nang malalim. “Please, let me pass. Hindi ako nakikipagbiruan dito.” Pero yung isa, sinubukan hawakan braso ko. Agad kong iniwas at umatras. “Don’t touch me!” sigaw ko, this time mas mataas yung pitch
Celeste Amara Valdez (POV)Pagkatapos naming magtampisaw kanina, tuloy-tuloy pa rin ang bonding namin ng mga pinsan ko. Para kaming mga bata ulit na walang iniisip kundi tawanan at kwentuhan habang naliligo sa lawa. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam walang pressure, walang iniisip na responsibilidad, kundi puro kasiyahan lang.“Grabe, Celeste, ang puti mo pa rin kahit naliligo tayo sa araw. Hindi ka ba naiinitan?” biro ni Camille habang nagsplash ng tubig sa akin.“Ay excuse me, darling, hindi ako basta basta iniinitan. Alam mo naman, pang-mayaman ang balat ko. Parang automatic may sunblock kahit wala.” sabay taas baba ako ng kilay na parang model.Nagkatawanan silang lahat. Yung pinsan kong sila kuya Renz at Louie, parehong lalaki, biglang serious mode kasi they notice something.“Uy, napapansin n’yo ba? May mga nakatingin dito sa atin. Lalo na sayo, Celeste,” bulong ni kuya renz sabay wink sa akin.Napalingon ako discreetly at ayun nga may ilang group ng mga lalaki sa hindi kala
Celeste Amara Valdez (POV)Pagkababa namin, halos matulala ako.“Wait… excuse me, is this even real?!” napalakas yung boses ko habang nakataas ang kamay na parang nag-o-audition sa drama.As in, hindi ko kinaya. The lake was sparkling kulay emerald na may touch of turquoise, tapos sobrang linaw ng tubig na parang pwede kang uminom diretso pero syempre hindi, hello, arte ako pero smart pa din.Yung hangin? Fresh! As in legit fresh, hindi yung fake fresh sa air freshener na binibili sa mall. Nakakakuryente sa ilong in a good way.“Like, oh my gosh, Camille… parang Switzerland pero provincial version,” sabi ko, sabay talikod sa kanya with matching flip ng hair.Tawa nang tawa si Camille. “Grabe ka, Celeste, wala pa nga tayo sa mismong lake proper, may comparison ka na agad.”“Excuse me, cousin, kailangan natin i-document ang moment. Hindi pwedeng deadma. Look at that mountain oh my gosh, parang naka-green velvet cover! Tapos yung clouds, parang cotton candy. As in, pwede siyang backgro







