Beranda / Romance / Ang Asawa Kong Artista / Kabanata 02: Nerdy Bride

Share

Kabanata 02: Nerdy Bride

Penulis: Karilxx
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-27 19:38:37

Third Person POV

3 years ago…

“What? Are you freaking serious? That nerd?”

Kalmado ang boses ni Luigi, ngunit mahihimagan ang pagtutol sa kanyang tinig. “Sa dami ng babae sa mundo, bakit siya? Bakit hindi na lang ‘yung mga model o kahit sino sa mga kaibigan ko? Bakit si Nami Ashantelle Santiago?”

“Luigi, this isn’t about what you want. It’s about what’s best for this family.”

“Best for the family?” Luigi scoffed, pinipilit pa ring intindihin kung paano niya napasok ang ganitong sitwasyon. “You’re making me marry someone na hindi ko man lang kilala nang maayos. At worse, isang nerd na parang—”

“Luigi!” putol ni Atissa, ang ina niyang nasa gilid lamang, nanonood sa dalawa. She gave him a sharp glare, warning him to watch his words.

Pumasok sa isip niya ang imahe ni Nami Ashantelle Santiago—ang babaeng pinipilit ipakasal sa kanya. Luigi had met her before, once at a formal family dinner years ago. She was awkward, painfully awkward. Lagi niyang naaalala ang sobrang laki ng salamin nito na halos magtakip na sa kalahati ng mukha niya. Ang buhok niya? Laging nakaipit sa sobrang higpit na bun, na parang nagmamadali siyang pumasok sa isang klase. Ang pananamit nito ay para bang galing sa clearance sale sa department store—oversized blouses at skirts na lampas-tuhod, all in boring, neutral colors pa.

Hindi napigilan ni Luigi ang mapait na tawa. Sana ay nasa panaginip na lang siya at biglang gisingin.

“Mom, you can’t seriously be okay with this.”

“We are serious,” Sergio interjected, his voice calm but firm. “Nami’s family is also influential like us. Kung magpapakasal ka sa kanya, patuloy tayong mamamayagpag sa tuktok. This is a smart move, Luigi. Hindi lang ito tungkol sa’yo.”

“Bakit siya, Dad?” Luigi demanded, his fists clenching at his sides. “Seriously, of all people, bakit siya? Wala na ba talagang ibang babae sa mundo? Marami rin naman mayaman diyan.”

“Anak siya ng matalik kong kaibigan. Kung gusto mong ipagpatuloy ang pagiging aktor mo, fine. But you’re going to marry Nami. That’s my condition. Isa pa, pwede naman nating i-sikreto ang pagpapakasal niyo.”

Wala ng magawa pa si Luigi. Ayaw niya naman na may mangyari na naman sa kanyang ama kapag tumanggi pa siya. Nasabi niya na lang ang mga katagang, ‘bahala na’ sa kanyang isip. Isa pa, pansamantala lang naman ito. Kapag nasiguro niyang magaling na ang Daddy niya ay hihiwalayan niya agad ang babae.

**

The next evening, napilitan si Luigi na sumipot sa dinner na inayos ng kanilang mga magulang. His mood was sour, and his irritation was evident in the way he carried himself as he entered the private dining room.

And there she was.

Nakaupo si Nami sa dulo ng mahaba nilang dining table, abala sa pagbabasa ng kung anong papel na nasa harapan niya. She looked exactly how Luigi remembered her—wearing a plain, ill-fitting blouse tucked into a boring gray skirt. Her hair was in its usual tight bun, at nakapatong sa ilong niya ang salamin na dahil sa laki ay parang pinaliit lalo ang kanyang mukha.

“Seryoso ba siya?” Luigi thought, his annoyance spiking. “Wala man lang ayos? She looks like she’s attending a group study, not a family dinner.”

“Good evening, Nami,” he greeted stiffly, forcing himself to sit across from her.

Nami glanced up, obviously startled. Tinulak niya pataas ang salamin sa ilong niya, at mabilis siyang nagmamadaling tumayo. “Ah, g-good evening,” she stammered, her voice soft and shaky. Nanatili sa ibaba ang mata, hindi makatingin nang diretso sa mga mata ni Luigi.

Hindi mapagilan ni Luigi ang maparolyo ng mata. “God, do you even know how to talk properly? Para kang laging nakakagawa ng kasalanan.”

“W-what?” Nami asked, bahagyang napakirot.

“Never mind.” Luigi waved her off.

Sa magkabilang dulo ng lamesa, ang mga magulang nila, sina Sergio at Atissa Ibarra, at sina Mr. at Mrs. Santiago, ay nagmamasid nang maigi sa dalawa.

“Let’s get to the point,” Sergio finally broke the silence, putting down his wine glass. “Kailan niyo gustong itakda ang kasal?”

Halos mabulunan si Nami sa tanong. She quickly grabbed her glass of water and took a sip, her cheeks flushing red.

Luigi sighed and leaned back in his chair, crossing his arms. “I don’t want a big wedding,” he said bluntly, his tone firm. “Gusto ko, simple at maging sikreto lang ang kasal na ‘to.”

Napatingin si Nami sa kanya, halatang nagulat. Gusto rin niyang maging low-key ang lahat, pero hindi niya inasahang si Luigi mismo ang magsasabi nito. Halatang ayaw talaga nito sa kanya at kinakahiya siya.

“Secret?” ulit ni Mr. Santiago, raising an eyebrow. “Bakit naman, hijo? Hindi ba’t mas maganda kung ipakita natin sa lahat ang pagsasama ninyo? Kaya namin kayong bigyan ng engrandeng kasal.”

Luigi shook his head, his expression hardening. “No. I don’t want this marriage to be a spectacle. Ayokong gawing issue ng media o ng kahit sino pa. Alam niyo naman na artista ako. If this is happening, we’ll do it my way. Private. No cameras, no media, no outsiders. Just family. Period.”

Nagkatinginan si Sergio at Atissa, habang sa kabilang banda naman ay nagpalitan din ng tingin ang mag-asawang Santiago. Kita ang tension sa pagitan nila, ngunit wala ni isa ang nagsalita.

“I think it’s fair,” Atissa finally said, trying to ease the atmosphere. “Kung ‘yan ang desisyon ng mga bata, dapat nating igalang. Tama ba, Sergio?”

Tumango si Sergio, kahit halatang hindi ito sang-ayon. “Fine. Kung ‘yan ang gusto mo, Luigi. But remember, this is still a marriage. You need to take this seriously.”

“Yes, Dad. Alam ko naman,” sagot ni Luigi, kahit halata sa boses niya na wala siyang masyadong interes sa kasal na ito.

Tiningnan niya si Nami, at kahit hindi niya gusto ang ideya ng pagpapakasal, alam niyang kailangang mag-usap sila tungkol dito. “Ikaw? May problema ka ba sa plano ko?”

Mabilis na umiling si Nami, pilit na nilalabanan ang kaba. “No, okay lang sa akin. Mas gusto ko rin na simple lang.”

“Good,” Luigi muttered, leaning back in his chair. “Then it’s settled.”

**

Tahimik sa maliit na simbahan na napili para sa kasal nina Luigi at Nami. Simple lang ang decorations— halos wala nga yata, simpleng mga bulaklak na kulay puti lang ang kinalat sa paligid. Walang media, walang kaibigan, at halos ang kanilang mga pamilya lang ang nandoon. Malayo sa marangyang inaasahan ng iba na kasal mula sa mga maimpluwensyang tao.

Nasa harapan si Luigi, nakasuot ng sleek black tuxedo, sobrang gwapo ngunit hindi maitago ang pagiging iritado. Panay ang tingin niya sa relo at halatang naiinip na.

"Ano ba 'to? Ang tagal naman ng nerd na ‘yon," bulong niya sa sarili.

Biglang bumukas ang pinto ng simbahan, at bumungad si Nami. Suot niya ang isang simpleng puting gown, pero kahit anong gawin, hindi nito naitago ang pagiging nerd. Ang buhok niya nakaipit pa rin sa pamilyar niyang low bun. May konting makeup naman sa mukha niya, pero parang walang pinagkaiba—lalo na’t suot pa rin niya ang malaking salamin niya.

Halos mapangiwi si Luigi sa nakita. Napailing siya, gusto niya nalang maging runaway groom dahil sa ayos ng mapapangasawa niya.

“Seriously? Even on her wedding day, she looks like that?” bulong niya sa sarili, pero napansin ito ng kanyang ama, si Sergio, na nakaupo malapit sa altar.

“Relax,” Sergio muttered habang nilapit ang bibig sa anak. “Matatapos din ‘to agad. Wag kang gumawa ng eksena.”

Kinakabahan at gustong matae ni Nami habang naglalakad siya palapit sa groom. Iniiwasan niyang tignan si Luigi, pero alam niyang tinitingnan siya nito nang masama. Sa bawat hakbang, parang naririnig niya ang boses ni Luigi na nang-iinsulto, kahit tahimik ito.

Nang makalapit si Nami, hinagod siya ng tingin ni Luigi mula ulo hanggang paa. Lumapit pa ito nang bahagya at bumulong sa kanya.

“Kahit sa kasal natin, wala ka man lang ginawang effort? Wala bang stylist ang pamilya niyo?” sarkastikong tanong nito. Halata sa tono ang inis.

Saglit na tumigil si Nami, pero hindi siya nagpatalo. Mahina siyang sumagot habang nakatingin sa kanyang bouquet. “This is me. Hindi ko kailangan magpanggap para lang matuwa ka. Isa pa ay ikaw naman ang may gusto ng hindi bonggang kasal. Kaya anong rason para paghandaan ko?”

“Right. Just perfect,” sagot nito, puno ng sarkastiko ang boses.

Nag-umpisa na ang seremonya. Yamot na yamot si Luigi at gusto ng umuwi habang nagsasalita ang pari. Napataas pa siya ng kilay habang nagsasalita si Nami ng kanyang linya sa mikropono.

“You may now kiss the bride,” anunsyo ng pari.

Parehas silang nag-aalinlangan ngunit parehas din humarap sa isa’t-isa.

Pilit kinukumbinsi ni Luigi ang sarili na acting lang ang ginagawa niya. Tinanggal niya ang belo ni Nami at tumigil para sandaling tignan ang mukha nito. Napatigil siya saglit, lumunok, parang isang kalabit lang sa kanya ay tatakbo na talaga siya at iiwan silang lahat.

Sa huli, dumampi lang ang labi niya sa gilid ng pisngi ni Nami—walang passion, sinseridad, at kahit anong pagmamahal.

Uminit ang pisngi ni Nami, first time niyang mahalikan. Hindi niya pa alam kung kilig ba ang naramdaman niya sa kanyang tiyan. Hindi niya rin maiwasan mapangiti.

Lalakad na sana siya paalis dahil tapos na ang seremonya ngunit bago pa siya makausad ay hinugot na siya sa braso ng lalaki.

“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 24: Desperate

    Third Person POVNanubig ang mga mata ni Nami. Tila isang malamig na kutsilyo ang tumarak sa puso niya. Mabuti na lamang tulog na ang mga kasama nila sa bahay. Dahil hindi niya ata kakayanin kung mayroong makarinig at kaawaan pa siya. Naguilty si Luigi, ngunit hindi niya na iyon kaya pang bawiin, dahil huli na. He already said it, nakasakit na siya. Binuka niya ang bibig para dagdagan pa sana ang sasabihin ngunit nang makita ang nakakaawang mukha ni Nami ay bahagya siyang natigilan. “Ganoon mo ba kaayaw ang mukha ko, Luigi? Bakit labis mo ako kung kamuhian. Alam ko naman na malayo ako sa gusto mo, pero hindi ba pwedeng kahit papaano ay pakitunguhan mo ako ng maayos. Nagawa mo naman na e. Nitong mga nakaraan, ayos na tayo—”“Oh, kaya nag-assume ka na?”Parang sampal ang bawat salitang lumabas kay Luigi. Walang emosyon, walang init, puro talim. Luigi’s words cut deeper than a knife. Nami swallowed, ramdam niya ang bigat na bumabalot sa pagitan nila. Nanginginig ang kamay niyang nakaka

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 23: Harsh

    Third Person POV“Problema mo, dude? “You look like shit today,” tinaas ni Jax ang baso ng alak kay Luigi.Hindi umimik si Luigi ngunit maagap na tinanggap nito ang baso. Mabilis niya itong tinungga bago pumikit nang mariin. Mapakla ang whiskey, parang sinusunog ang lalamunan niya, pero mas gusto niya iyon kaysa maramdaman ang kahit ano pa.Si Jax Anderson ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa industriya. Gaya niya, alaga rin ito ni Kiko. They’ve been friends for years now kaya kilala siya nito—kilala sa lahat ng ugali, kalokohan, pati trip sa babae. Alam ni Jax na may nagiging distraction kay Luigi, kaya pagkatapos ng taping nila ay nag-aya agad ito na uminom.Nagtatawanan ang iba nilang kasama sa VIP area ng elite na bar sa Maynila. Malamlam ang ilaw, puro gold at glass ang interior. Mula sa taas ay tanaw ang city lights na parang mga bituing nakakulong sa lungsod. Ito lamang ang bar na pwede nilang puntahan nang hindi mauuwi sa scandal. The bar was known for its privacy and its

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 22: Script

    Third Person POVHalos manlamig si Luigi sa kinatatayuan. Dinig ang sinabi ng Direktor sa buong production team — beteranong artista, baguhan, cameraman, utility, stylist, lahat. Kiko’s words were true. May ilang napangisi, halatang hinihintay ang araw na madapa ang “golden boy.”“I’m sorry. I’ll take full responsibility for this. I’ll make sure lahat kayo dito will be compensated,” umiikot ang tingin niya sa buong crew bago muling bumalik sa Direktor. “Pasensya na po ulit.”“Go on. Bayaran mo sila. But I’ll refuse your offer.” Malamig ang boses ng Direktor, walang emosyon. “Ang pinaka-ayaw ko ay ‘yung mga taong porket may pera pang-bayad, akala nila puwede nang baliwalain ang oras at pagod ng iba. I hate those people to the core.”Umawang ang labi ni Luigi. Gusto niyang ipaliwanag na ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang siya nagkamali. Ngayon lang siya hindi nakahanda. He wanted to defend himself — pero anong laban niya sa direktor na may malaking punto.Kiko glared at him, almost a

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 21: Dismayado

    Third Person POVHalos isang buwan na ganoon ang naging routine ng mag-asawang Luigi at Nami. Palagi pa rin silang nag-aaway, pero madalas ay nauuwi rin sa matinding lambingan—lalo na sa gabi. Nami thought their relationship was finally getting better. Mas madalas na siyang paboran ni Luigi sa mga desisyon, hinihingan ng opinyon, at minsan pa, siya na ang nasusunod.Nagpapaliban na rin si Luigi sa taping dahil mas gusto nitong manatili sa bahay. May mga araw na bigla siyang mag-absent sa shoot para lang makasama ang asawa. Kapag nasa bahay sila, nagma-movie marathon, nagyayakapan, at nagluluto nang magkasama. Slowly, nagiging tahimik ang buhay nila.“Where the hell are you?” nagisising ang diwa ni Luigi sa malakas na sigaw ng kanyang manager sa kabilang linya. Napamura siya. Nahuli na naman siya ng gising. Paniguradong late na naman siya sa set. He turned his head to look at Nami. Mahimbing ang tulog nito, cheek pressed against the pillow, delicate and peaceful in a way na hindi niya

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 20: Alat

    Nami Ashantelle Santiago’s POVThe words barely left my mouth before I felt it—my chest tightening, stomach twisting, and a small, nagging fear crawling up my spine. Huli na nang mapagtantong tila sumobra ako sa sinabi. Halos tapikin ko ang noo sa takot na baka masira ang mood niya. Luigi didn’t respond immediately. His eyes narrowed slightly, not with anger… but with that unreadable, serious expression he always wore. Kulang nalang tumalon ang puso ko sa kaba. What is he thinking? Ang hirap niyang hulaan.“I… I didn’t mean to—” agap ko, bahagyang nanginig ang aking labi na agad ko rin kinagat. No. Don’t say it. Don’t ruin this moment, Nami!He tilted his head, watching me carefully. The silence between us stretched, heavy and loud, and I felt like I could hear my own heartbeat echoing in the kitchen. Matutumba yata ako sa paraan nang pagtitig niya. “Hmm,” he finally murmured, and I flinched at the sound. “I see.”“K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko! Nadala lang ako, hindi ako g-g

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 19: Breakfast

    Nami Ashantelle Santiago’s POVMasakit ang buong katawan ko. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko, ramdam ko na agad iyon. Memories of last night flooded my mind, at napamura ako nang maisip na kaya ganito kasakit ang katawan ko… ay dahil naka-lima kami.Napabalikwas ako nang bangon nang makitang mataas na ang sinag ng araw. Gosh! I overslept! Nilingon ko ang kabilang kama at wala na si Luigi doon. Agad akong nag-panic. Hindi ko siya napagluto ng almusal. I know he almost never touches the meals I prepare, but I’ve grown used to cooking for him anyway.Para bang routine ko na ‘yon at habang buhay kong gustong gawin. Halos magkandaugaga ako sa pagtitingin ng oras. It’s already 10 a.m. Grabe! Ganito katagal ako natulog? Sabagay, pagod ako sa lakad namin kagabi, tapos idagdag pa ang pagtatalik namin na inabot ng limang rounds.Mabilis akong tumayo upang maghilamos. Itatanong ko nalang kila manang kung anong oras umalis ang asawa ko. “Nami! You’re still sore, napakadumi talaga ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status