เข้าสู่ระบบMatamis niyang nginitian si Priea at tumango rito. “Beautiful…” ani niya at saka inalalayan ang babae. Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae. Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya. “Do you still remember our sweet memories in this restaurant?” masuyong tanong sa kanya ng babae at matamis na ngumiti sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at marahan na tumango. “Yeah, of course. Dito tayo nagkakilala, at dito ka rin nakipaghiwalay sa akin, four years ago,” ani niya at gumuhit sa mata ang lungkot. Muli niyang naalala kung paano siya nagmakaawa noon kay Priea upang huwag lamang siya nitong iwanan. Ngunit sa huli, mas pinili ng babae ang career nito kaysa sa kanya. “I’m sorry for what I did. But I’m here now, Arkin. Pwede ulit tayong magsimula. Pwede na tayong magsama, gaya ng gusto mo noon. Pwede na tayong bumuo ng pangarap nating pamilya.” “And how can I do that? You kn
Magaan siyang ngumiti kay Manang Erma at mariing umiling sa matanda. “Wala po kayong kasalanan, Manang. Nagpapasalamat nga po ako dahil kahit paano, tinutulungan ninyo ako kahit na puwede ninyong ikapahamak iyon.” Mabigat na nagbuntong-hininga si Manang at umiling. “Sa totoo lang, iha, kung ako ang masusunod, matagal ko nang isinumbong yang si Octavia kay Arkin.” Nanlaki ang mata ni Elaina at matigas na umiling sa matandang mayordoma. Kapag ginawa nito iyon ay mapapahamak ito, higit sa lahat ang kanyang pamilya sa Quezon. “Manang, nakikiusap po ako sa inyo, ‘wag na ‘wag n’yo pong sasabihin kay Arkin ang mga ginagawa sa akin ni Mama. Maaaring ikapahamak mo iyon at ng pamilya ko po, Manang.” Napailing na lamang sa kanya si Manang. “Alam ko, Elaina. Ngunit hanggang kailan ka magtitiis kay Donya Octavia? Hanggang kailan ka magtitiis sa mga pananakit niya sa’yo,sa mga pagpapahirap?” Panandalian siyang natigilan sa tanong na iyon ni Manang Erma. Hanggang kailan nga ba siya m
Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din silang hindi nagkita ng asawa. Bakit ganoon, imbes na siya ang unahin nito, hindi—dahil may iba pala itong kasama sa pag-uwi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda sa asawa. May tiwala siya kay Arkin. Isa pa, pinanghahawakan niya ang mga sinabi nito sa kanya. Sunod-sunod na pagbuntong-hininga ang kanyang ginawa at nagdesisyon na muling bumaba upang salubungin ang kanyang asawa. Ngunit nagtaka siya nang pagdating niya sa malawak na sala ay wala na roon ang kanyang asawa, maging ang babaeng kasama nito ay wala din doon. Nagtungo siya sa kusina at doon niya naabutan ang mayordomang si manang Erma. “Ikaw pala, Elaina, may kailangan ka ba?” Nakangi
Mapait siyang napangiti nang maalala kung paano niya nakilala ang asawang si Arkin. Naaksidente ito, at sa kabutihang-palad ay nakita ng kanyang ama at kapatid. Nang gumaling ang lalaki, inakala niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit laking gulat niya nang isang araw ay naging bisita nila ito. Ang pagbisita ni Arkin nang minsan ay nasundan pa ng maraming beses. Kalaunan, naglakas-loob itong magtapat ng damdamin sa kanya. Subalit dahil sa malaking agwat ng kanilang estado at uri ng pamumuhay, tinanggihan ng dalaga ang panliligaw ni Arkin—kahit pa hindi na niya maitatangging may nadarama na rin siya para sa binata. “Kayraming babae riyan na kasing-lebel mo—mayayaman, magaganda, at higit sa lahat, edukada. Bakit ako? Na simula’t sapol alam mong hindi marunong sumulat at bumasa? Bakit ako, na isang anak-mahirap at mangmang?” ani Elaina kay Arkin, lihim na nasasaktan sa pagtanggi sa pag-ibig na buong pusong iniaalay sa kanya ng binata. Buong akala niya ay titigil na sa pan
“Ouch… damn! Please… be careful.” mahinang daing ng lalaki sa matatas nitong English. Napakamot siya sa ulo. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Dahan-dahan niyang inalis ang gasa na nakatakip sa sugat upang palitan iyon. Sa kalagitnaan ng pagtanggal ay napansin niyang may dumikit sa balat ng lalaki. Alam niyang masasaktan ito kapag bigla niyang hinila. Habang dahan-dahan niyang tinatanggal ang nakadikit na gasa, bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Nang tingnan niya, nakapikit ang lalaki at kagat-labi, tila pinipigilan ang sakit. “Mr., pu-puwede bang huwag mong higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko? Paano ko matatanggal itong gasa kung kay higpit mo?” nakaingos niyang reklamo. Halos mapapadaing na siya sa sakit ng pagkakahawak nito. Agad namang binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay. Kaya inayos niya ang tatlong unan, pinagpatong-patong iyon at inilapit sa headboard ng katre. Dahan-dahan niyang isinandal doon ang lalaki na halatang hinang-hina pa rin, dahil sa
“Nay, ako na po diyan. Matulog na po kayo,” alok niya sa inang abala sa paghuhugas ng mga plato. “Ako na. Tingnan mo na lang ’yung lalaki sa kwarto mo. Punasan mo ulit ng basang towel, baka tumaas pa ang lagnat,” utos ni Aling Mercedes na ipinagpatuloy ang paghuhugas. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Ayaw man niyang gawin, wala siyang magagawa—utos iyon ng ina. Ewan ba niya kung bakit, ngunit tuwing napapalapit siya sa estranghero, bigla na lang bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Parang nakukuryente siya kapag nagtatama ang balat nila. Malalim siyang humugot ng hininga bago kinuha ang isang malinis na tuwalya. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig at nilagyan ng kaunting alcohol. Pagkatapos ay marahang idinampi sa noo ng lalaking may mataas na lagnat. Hindi niya namalayang napapatitig na pala siya sa mukha nito. Dahil sa kaba at pagmamadali kanina, hindi niya napansin ang maamong anyo ng lalaki—matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahahaba at nakapirming pilik-mata,







