Home / Romance / Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko! / Chapter 3- S’ya ba Talaga ang Magiging Stepfather Ko?

Share

Chapter 3- S’ya ba Talaga ang Magiging Stepfather Ko?

last update publish date: 2026-11-06 13:24:15

Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.

“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. 

“Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.

“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.

Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”

Bumaling nang tingin si Luna kay Joaquin, naalala n’ya ang nangyari kanina sa may terrace. Ang tono ng boses nito at kung paano s’ya hinahamon nito kanina. Ngunit ngayon, para itong maamong tupa. Tupa na nagbabalat kayo dahil isa talaga itong mabangis na lobo.

Hindi napigilan ni Luna ang pagsulimpat ng kanyang mga mata. Sinaway s’ya ng kanyang ina. 

“Ano bang problem among bata ka. Hindi kita pinalaki ng ganyan. Igalang mo ang Papa---.”

“Hindi ko s’ya Papa,” pagputol ni Luna sa sinasabi ni Ynah. “Kahit kalian hinding hindi ko s’ya magiging Papa!” Nagmartya paakyat sa kwato si Luna at umalingawngaw ang malakas na pagsara n'ya ng p***o.

Binagsak ni Ynah ang kanyang katawan sa sandalan ng sofa at humawak sa sentido. Umupo si Joaquin sa tabi ng asawa at inihilig ang ulo nito sa kanyang dibdib at inakbayan.

“’Wag natin s’yang madaliin. Mahirap ‘to para sa kanya, kaya intindihin na lang natin ang anak natin,” malumanay na sabi ni Joaquin

Nang marinig ito ni Ynah, sa kabila nang matinding sakit na nararamdaman ay tila nakaramdam s’ya nang tuwa. Alaga, at pag-intindi mula kay Joaquin.

“Asawa ko, salamat. Maraming salamat sa pag-intindi mo sa anak ko.” At tuluyan ng tumulo ang luha ni Ynah.

Gamit ang kabilang braso, tuluyan na n’yang niyapos si Ynah. “Anak natin, tandaan mo, mula ngayon anak ko na rin s'ya. Dahil simula nang minahal kita, minahal ko na rin ang anak mo kahit hindi ko pa s’ya nakikita. Kaya bilang tatay n’ya, iintindihin ko s’ya palagi. At walang sawa ko kayong iintindihing mag-ina.”

Halos matunaw ang puso ni Ynah, kaya naman hinalikan n'ya ang asawa sa mga labi at doon nila ginawa ang kanilang unang gabi bilang bagong kasal.

***** 

Kinaumagahan, maagang bumangon si Luna, dumiretso s’ya sa study room ng kanyang Papa. May early meeting kasi s’ya sa isang kliyente bilang isang freelance interior designer and Architect. Sa pagbukas n’ya ng p***o, ang makalumang ayos ng silid ay nagbago. Ang naglalakihang sofa na kahoy ay napalitan ng sofang de foam na kulay cream. Ang antique na center table ay nawala rin at napalitan ng glass center table. Pati na rin ang mesa ng kanyang ama ay nawala, pinalitan ng aesthetic na mesang salamin.

Muntik ng mabagsak ni Luna ang hawak n’yang laptop. Mabuti na lang at kumapit pa s’ya sa kanyang katinuan at tiniis ang itsura ng silid. Kailangan n’ya lang mairaos ang meeting na ‘yun. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting n’ya, wala s’yang paki alam kung anong itsura ng mag-asawa na kanyang madaratnan. Dahil sisitahin n’ya ang mga ito dahil sa ginawa nilang kalapastanganan sa study room ng kanyang mahal na Papa.

***** 

Samantala, nasa sofa ang dalawa, sina Joaquin at Ynah. Magdamag na nag lambingan at pinagod ang isa’t isa sa kanilang nag-aalab na pagmamahalan.

“Good morning, asawa ko,” bati ni Joaquin sa natutulog na si Ynah sa kanyang bisig.

Umingit lang si Ynah, halatang napagod sa kanilang ginawa magdamag. Marahang inalis ni Joaquin ang ulo ni Ynah sa kanyang bisig. Suot lamang ang boxer, pumunta ito sa kusina upang magluto ng agahan.

Ilang sandali pa at narinig ni Joaquin ang sigaw ni Luna.

“Mama! Mama!” sigaw nitong punong puno ng galit.

Sumulpot si Joaquin sa likuran ni Luna habang nakasuot lang ng boxer at nakasabit ang pink na apron sa leeg. Bago pa ito makarating ng sala, tinakpan ang bibig sabay binuhat si Luna habang nakatalikod ito. Nakapulupot ang isang braso n’ya sa bewang ni Luna habang ang isang kamay ay patuloy na tinatakpan ang bibig nito. Nang naka-angat na si Luna dahil sa pagkakabuhat ni Joaquin, wala itong ginawa kung 'di sumipa sa hangin upang makakawala at sugurin ang ina n'yang natutulog sa sala. Nang nasa kusina na sila, saka pa lang ibinaba ni Joaquin si Luna at inalis ang kamay sa bbibig nito.

“Ano ba!” bulyaw ni Luna sabay harap kay Joaquin.

Ang mabait na maskara ni Joaquin ay kanya munang hinubad at ipinakita ang maangas at mapangakit nitong katauhan. “Natutulog ang asawa ko, baka magising s’ya,” wika nito habang lumalapit ng marahan kay Luna.

Napaatras man ay makikita sa mga mata ni Luna ang galit. Nang wala na s’yang maatrasan ay otomatikong sasampalin na ni Luna si Joaquin ngunit napigilan nito ang kanyang kamay sa pamamagitan ng paghawak sa pulsohan n'ya.

“Hindi mo na ako mapapangalawahan. Tandaan mo ‘yan,” matalim ang boses nitong sabi. Akala ni Joaquin ay matatakot si Luna ngunit mas tumapang ang mukha ni Luna at lalong nanlisik ang mga mata ni Luna sa kanya.

“Sino ka para baguhin ang study room ng Papa ko!”

Hindi man nasampal ng mismong kamay ni Luna ang pisngi ni Joaquin, tila ba ang puso naman n’ya ang natapik nito. Ilang segundong lumuwag ang hawak ni Joaquin sa pulsohan nito, ngunit bumalik rin ito sa dati. Ayaw naman n'yang mag-iwan ng marka, kaya hangga't maaari pinipilit n'yang kontrolin ang sarili.

“Mahirap ba para sa’yo na tanggaping hindi lahat ng pagbabago, ang ibig sabihin may gustong pumalit sa Papa mo?”

Nanlambot si Luna, hindi dahil sangayon s'ya sa sinabi ni Joaquin, kundi dahil hindi n’ya inaasahan ang sinabi nito sa kanya.

Hinatak nang pilit ni Luna ang kanyang kamay, at sinadya na rin ‘yung binitawan ni Joaquin. Tumulo na ang mga luha ni Luna. Punong puno ng sakit. Sa totoo lang, nakakapagod ang ganitong sitwasyon, pero hindi n'ya kayang makitang tila ba balewala na lang sa lahat ang kanyang Papa.

“Kahit kailan, hindi mo mapapalitan si Papa. Kahit anong gawin mo, hinding hindi kita matatanggap.” Sabay alis.

Naiwan si Joaquin sa kusina, napangisi na lang ito habang sinusundan nang tingin si Luna papalayo.

“Tsss, hindi man lang n’ya napansing naka-boxer lang ako nang buhat ko s’ya. Dapat pala tinanggal ko 'tong apron ko, para skin to skin kami kanina. Hay nako, mukhang kailangan ko nang mag-work-out, hindi lang dapat pang matrona 'tong katawan ko.” Sabay iling. “Ang tapang talaga n’ya.” At bumalik na s’ya sa kanyang pagluluto.

Nakabalik na si Luna sa kanyang kwarto, humahagulgol, hindi dahil sa ginawa ni Joaquin kanina kung hindi dahil sa pakiramdam n’ya kinalimutan na ng lahat nag kanyang Papa. At tanging s’ya na lang ang nakakaalala rito. 

Ganoon ba ang tao sa mga namayapang mahal nila sa buhay? Araw o buwan lang, pwede nang makalimutan? Ganoon ba sila kabilis mag-move-on? At magpalit ng minamahal?

At si Ynah, walang kaalam alam sa nangyari sa dalawa.

*****

Lumipas ang maghapong hindi lumalabas si Luna sa kanyang kwarto. Kahit katukin s’ya ni Ynah ay padabog itong sumasagot at punong puno ng galit. Kulang na lang ay hagisan n'ya ng anumang bagay ang p***o upang umalis si Ynah sa p***o at 'wag na s'yang kausapin.

Nasa tapat ng kwarto ni Luna sina Joaquin at Ynah. “Asawa ko, nag-aalala na ako sa anak natin. Maghapon s’yang hindi kumain. Alam mo ba kung bakit s’ya nagkakaganyan? Masyado ba tayong maingay kagabi, tapos nakita n’ya ‘yung ginagawa natin. Hindi kaya masyado s’yang nadismaya sa’tin? Dapat talaga hindi ko na pinilit na gawin ‘yung mga fantasies ko,” nanlulumong sabi ni Ynah. "Sobrang nasabik lang kasi ako sa'yo asawa ko."

Niyapos ni Joaquin ang asawa at hindi nagsalita.

Mula sa loob ng kwarto, dinig ni Luna ang drama ng kanyang ina. Muli s’yang kinilabutan at pumatong ito sa galit na kanyang nadarama.

Hindi na nagabala pang pilitin ni Ynah ang anak na kumain ng hapunan, kaya naman sa kalagitnaan ng dis oras ng gabi, nagwawala ang tiyan ni Luna sa gutom.

“Kasalanan mo ‘to Luna, dapat bago ka naginarte, kumuha ka muna ng pagkain sa ref. Ni tubig hindi ka makakuha, ang arte mo ka---.” Nahito si Luna sa pagmo-monologue mag-isa nang maaninaw si Joaquin, gamit ang kanyang mug at may hawak na Fita na biscuit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 5- Talaga, Ma? Nagseselos Ka?

    Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study roo

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 4- Midnight Snack

    Marahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.” Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng ya

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 3- S’ya ba Talaga ang Magiging Stepfather Ko?

    Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. “Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”Bumaling nang tingin si L

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 2- Stop the Wedding?

    “Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 1- The Proposal

    Suot ang itim na bestida, pumasok si Luna sa isang magarang events hall. Bukod tanging s’ya lang ang nakaitim. Karamihan sa mga bisita ay makukulay at elegante ang mga damit. “S’ya ba ang anak ng namayapang si Rolando Del Castillo? Anong nangyari sa kanya! Para s'yang losyang! Anong edad na ba n'yang batang 'yan?” usisa ng isa sa mga bisita.Mugtong mga mata, namumutlang mukha. Nakapusod ang buhok sa likuran, ngunit marami pa ring buhok na nakalaylay sa mukha. Hukot ang likod at sobrang payat ng katawan. Diretso lang ang lakad n'ya, walang binabating bisita. Para s’yang zombie na naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung kailan hihinto sa paglalakad.Nuliligan ‘yun ni Luna, huminto s’ya. Lumingon sa kanyang kanan, nakita n’ya ang repleksyon n’ya sa glass wall ng events hall. “Bakit, ano bang dapat maging itsura ko sa oras na ‘to? Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba ang suot ko, para akong sasagala? Dapat ba naka-loud make-up ako at parang model maglakad! Ganoon ba dapat!” nagngingitn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status