Home / Romance / Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko! / Chapter 5- Talaga, Ma? Nagseselos Ka?

Share

Chapter 5- Talaga, Ma? Nagseselos Ka?

last update publish date: 2026-11-06 13:24:33

Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.

“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina

“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.

Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.

“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study room at doon na maghapon. Tapos, gabi na po ulit lalabas, para bumalik naman sa sarili n'yang kwarto. Ito naman pong si Sir Joaquin, nag-aalala siguro kay Ma'am dahil wala namang dalang pagkain si Ma’am Luna sa loob ng study room, pinapadalhan n’ya si Ma’am ng agahan, tanghalian at hapunan. Alam n’yo Ma’am ang bait talaga ni Sir Joaquin, akalain n’yo kahit halos magkasing edad sila ni Ma’am Luna, anak ang turing ni Sir sa kanya,” siwalat ni Lina.

Hindi alam ni Ynah kung matutuwa s’ya sa mga ginagawa ni Joaquin para kay Luna. Alam n’ya sa kanyang sariling nagmamaldita na naman si Luna sa kanyang bagong asawa at ginawa lang ni Joaquin ang mga bagay na ‘to upang maging maayos ang relasyon nila bilang stepfather ni Luna. Ngunit bakit may kirot sa kanyang puso. Hindi n’ya maiwasang tumaas ang kilay. Lalo na’t walang prenong sinabi ni Lina ang tungkol sa edad ng dalawa.

“Okay na, tumahimik ka na d’yan Lina,” malamig na sabi ni Ynah. “Bumalik ka na sa kusina, magluto ka na ng ulam para sa tanghalian,” utos ni Ynah.

“Ay Ma’am, nakapag luto na po si Sir Joaquin. Iinit ko na lang po ‘yung ulam at dadalhan si Ma’am Luna ng…”

Biglang hinampas ni Ynah ang mesa. “Ang sabi ko tumahimik ka na, hindi ba?” Marahang bumaling si Ynah sa kasambahay na may nanlilisik na mga mata. 

Kinagat ni Lina ang kanyang ibabang labi sa takot. Hindi na rin s’ya nakapagsalita at kumakaripas na bumalik ng kusina.

Ibinagsak ni Ynah ang katawan sa sandalan at humalukipkip. Tumitig sa kawalan at malalim na nag-isip.

***** 

Sumapit na ang tanghalian, hindi namalayan ni Luna ang oras dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Napansin nitong walang padalang tanghalian si Joaquin para sa kanya. Pero balewala naman ito sa kanya. Narinig n’ya rin sa mga kasambahay kanina, bago s’ya pumasok ng study room, na hindi pumasok ang kanyang ina. Kaya naman nagdalawang isip s’yang bumaba at kumuha ng pagkain sa kusina.

“Makapag-order na nga lang. Mamaya makita ko pa si Mama sa baba. Hindi ako pwedeng ma-badtrip ngayon, kailangan kong tapusin ang mga designs ko.” 

Hawak ang cellphone ay nagsisimula na s'yang mag-scroll nang may kumatok.

“Anak, si Mama ‘to, dala ko na ‘yung food mo. Pwede ba akong pumasok?” malumanay ang pagsasalita ni Ynah.

Umikot ang mga mata ni Luna ng marinig ang ina. Hindi naman sa hindi n’ya ito kayang harapan, pero sa tuwing nakikita n’ya ito, kumukulo ang kanyang dugo. 

Tumayo si Luna upang pagbuksan ang ina ng p***o. Dala nga nito ang kanyang tanghalian. Pumasok na rin si Ynah at sinabing kung pwede ba silang magusap.

Pumayag naman si Luna, ngunit halata sa kanyang kilos na napilitan lang itong pumayag.

Nakaupo na ang dalawa sa sofang magkatapat, hinayaan muna ni Luna ang pagkain sa center table upang sila ay makapag-usap.

“Luna, iniiwasan mo ba ako?” diretsong tanong ni Ynah.

“Opo.”

Nanlaki ang mga mata ni Ynah, kasing talim ng kutsilyo ang titig sa kanya ni Luna. 

“Hindi mo na talaga ako ginalang bata ka. Pati stepfather mo handa mong taluhin, mapaghiwalay mo lang kami?” mababa at mapanghusga ang tono ng boses ni Ynah.

Mag-ina sila, kaya alam ni Ynah kung gaano kamadita si Luna. At bilang ina, alam n’ya na mas maldita s’ya kaysa sa kanyang anak.

“Ano pong sinabi n’yo?” nakakunot noo na sabi ni Luna. Hindi n'ya alam kung saan nakuha ni Ynah ang paratang na 'yun sa kanya. At bigla n'yang naalala ang gatas at Fita.

“Alam kong alam mo ang sinasabi ko. Midnight snacks, ‘tong paghatid sa’yo ng lunch ni Joaquin. Pakipot ka rin ano? Bakit hindi mo na lang kasi ako direstahin, gusto mo ba ang asawa ko?”

Kinilabutan si Luna, hindi n’ya akalaing kaya s’yang sabihan ng ganito ng kanyang sariling ina. Nahihibang na talaga ito at nabubulag sa pag-ibig nito kay Joaquin. Bigyan daw ba nang malisya ang mga bagay bagay. At ngayon nalaman na rin ni Lunang minamatyagan pala sila ni Ynah sa tiwang sabay silang kumakain ng gatas at Fita ni Joaquin.

Huminga ng malalim si Luna, hanggat maari, ayaw n’yang makipagtalo sa kanyang ina. Iginagalang pa rin n’ya ito. Alam n'yang marami na silang naging pagtatalo nitong mga nakaraang araw, subalit iba ang usaping ito. Maling paratang ang sinasabi ng kanyang ina sa kanya. Walang patutunguhan kung makikipagtalo s'ya sa babaeng nabubulag sa pagmamahal at pakiramadam ay inaagaw sa kanya ang mahal n'ya. Kahit sa totoo lang ay wala s'yang pakialam kay Joaquin.

At bukod doon ayaw n’yang sa mismong study room sila ng kanyang Papa magtalo. Ayaw n’yang masaksihan ng silid ang talas ng kanilang mga bibig. Espesyal ang silid na ito para kay Luna. Dahil ito na lang ang nakakapag paalala sa kanyang nananatili ang presensya ng kanyang ama sa bahay na ito at sa kanilang pamilya.

“Luna, ano ba kasing problema sa pagpapakasal ko kay Joaquin nagmamahalan kaming dalawa. Mahal n’ya ako at mahal ko---”

“Paano si Papa? Minahal mo ba talaga s’ya?” naiiyak na sabi ni Luna. Hindi na n'ya napigilang magsalita. Lalo na't pagmamahal ang pinag-uusapan. Titig na titig ito sa kanyang ina, nakatikom ang kamao at nangingig. “Sumagot ka!”

Nanigas si Ynah, hindi makapagsalita. 

“Ma, hindi mo ba alam na hanggang sa huling hininga ni Papa, ikaw ang hinahanap n’ya! Ako ang katabi n’ya, pero ikaw ang hinahanap n’ya!” sigaw ni Luna.

Sarado man ang p***o at nasa ikalawang palapag silang dalawa, ang pagtatalo ng mag-ina ay nauuliligan hanggang sala. Hindi man maintindihan nang malinaw ang mga salita, ramdam ng mga kasambahay ang tensyong namamagitan sa mag-ina.

Sakto, at nakauwi na rin si Joaquin, agad na sinabi ni Lina na nagtatalo ang mag-ina. Humahangos na pinuntahan ni Joaquin ang dalawa sa study room at naabutan ang kanilang sagutan.

“Kung hindi ako umalis ng panahong ‘yun, sa tingin mo ba may ipang babayad tayo sa ospital! May gagastusin ka hanggang ngayon! Kung huminto ako, pare-pareho tayong pupulutin sa kangkungan! Palibhasa ikaw, pabigat ka lang sa pamilyang ‘to! Sarili mo lang ang iniisip mo!”

Mas nag-igting ang galit ni Luna sa kanyang ina, tila ba kasalanan pa n’ya ang lahat kaya wala si Ynah ng mga panahong may sakit ang kanyang Papa. Wala s’yang maintindihan sa pinaghuhugutan nito at hindi na mapigilan na mangatwiran.

“Siguro noong namatay si Papa, natuwa ka? Tapos kating kati kang palitan s’ya! Kaya kahit bata pinatulan mo para maging masaya ka!” sumbat ni Luna sabay tayo sa sofa.

Napatayo na rin si Ynah, at sasampalin na dapat ang anak, nakataas na ang mga kamay nito sa ere.

“Sige sampalin mo ako! Hindi ako gaganti, pero ito ang tandaan mo, hanggat nabubuhay ako, pananatilihin ko si Papa sa bahay na ‘to! Hindi mo maangkin lahat ng pinaghirapan n’ya! Hindi ko hahayaang mababoy ang bahay na 'to dahil sa kalandian mo!”

Dahil sa tindi nang pagtatalo ng dalawa, hindi nila napansing nasa loob na ng study room sina Joaquin at ang mga kasambahay. At nang itutuloy na ni Ynah ang pagsampal sa anak, mabilis na humarang si Joaquin at s’ya ang tumanggap nang sampal.

Nagulat si Ynah dahil hindi n’ya ‘yun inaasahan. At imbis na magalit, ngumiti si Joaquin at niyakap si Ynah. 

“Tama na, stressed ka na masyado. Tama na ‘yan,” malumanay nito sabi. 

Habang yakap si Ynah ay itinalikod ni Joaquin si Ynah sa anak. Hindi na napigilan ni Ynah na umiyak hanggang sa humagulgol sa bisig ng asawa. Nagkatitigan sina Joaquin at Luna. Maamo at nangungusap ang mga mata ni Joaquin, tila may gustong sabihin ngunit hindi n’ya maaaring ibuka ang bibig. 

Umiwas ng tingin si Luna sabay sabing, “Hindi mo ako madadala sa pagpapanggap mo, kinamumuhian ko kayong lahat!” sigaw ni Luna.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 5- Talaga, Ma? Nagseselos Ka?

    Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study roo

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 4- Midnight Snack

    Marahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.” Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng ya

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 3- S’ya ba Talaga ang Magiging Stepfather Ko?

    Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. “Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”Bumaling nang tingin si L

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 2- Stop the Wedding?

    “Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 1- The Proposal

    Suot ang itim na bestida, pumasok si Luna sa isang magarang events hall. Bukod tanging s’ya lang ang nakaitim. Karamihan sa mga bisita ay makukulay at elegante ang mga damit. “S’ya ba ang anak ng namayapang si Rolando Del Castillo? Anong nangyari sa kanya! Para s'yang losyang! Anong edad na ba n'yang batang 'yan?” usisa ng isa sa mga bisita.Mugtong mga mata, namumutlang mukha. Nakapusod ang buhok sa likuran, ngunit marami pa ring buhok na nakalaylay sa mukha. Hukot ang likod at sobrang payat ng katawan. Diretso lang ang lakad n'ya, walang binabating bisita. Para s’yang zombie na naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung kailan hihinto sa paglalakad.Nuliligan ‘yun ni Luna, huminto s’ya. Lumingon sa kanyang kanan, nakita n’ya ang repleksyon n’ya sa glass wall ng events hall. “Bakit, ano bang dapat maging itsura ko sa oras na ‘to? Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba ang suot ko, para akong sasagala? Dapat ba naka-loud make-up ako at parang model maglakad! Ganoon ba dapat!” nagngingitn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status