Home / Romance / Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko! / Chapter 2- Stop the Wedding?

Share

Chapter 2- Stop the Wedding?

last update publish date: 2026-11-06 13:24:04

“Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. 

Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?

Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.

Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang matutuwa sa mga nangyayari. Limang taon lang ang pagitan ng edad nila ni Joaquin, at pag kinasal na ito sa kanyang ina, tatawagin n’ya itong Papa? Daddy? 

Napahawak na lang si Luna sa kanyang noo sa sobrang pagkadismaya. Kitang kita n’ya sa mga mata ng kanyang inang desedido na itong magpakasal sa isang lalaking 20 years ang pagitan ng kanilang mga edad. At ang mas masakit, ina n’ya ang mas matanda sa relasyong ito.

“’Wag kang mag-alala, hindi naman kita pipiliting samahan ako sa wedding entourage sa Lingo. Tanggap ko nang naglalakad akong mag-isa sa aisle.”

Nanlaki ang mga mat ani Luna. Bumagsak ang kamay sa gulat. “Teka, anong sabi n’yo Ma? Sa Lingo? Akala ko ba next month pa ang kasal n’yo!”

“Hindi mo ba alam ang salitang rush? Minadali ko ang lahat nang preparations, masyado na akong matanda para sa engrandeng kasal. Intimate wedding lang naman ang magaganap. Sayang lang at ang pinakamamahal ko pang anak ay hindi ako masasmahan sa isa pinaka masayang araw ng buhay ko.” Muli itong bumalik sa pagkain, tila ba naging hangin si Luna sa paningin ni Ynah matapos n'yang magsalita.

Napapikit na lang si Luna, alam n’yang paraan ito ng kanyang ina para s’ya ay makonsensya. Gustuhin man n’yang maging masaya para sa ina ay hindi n’ya magawa. Tutol ang kanyang puso’t isipan sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.

Dahil sa minadali ang kasal, wala nang nagawa si Luna. Wala s’yang magawa kung hindi samahan ang kanyang ina sa aisle na maglakad. Upang ipagkatiwala sa isang estrangherong halos ka edad n’ya upang ganap na maging stepfather sa kanya.

*****

“Salamat anak, alam kong hindi mo ako bibiguin. Alam kong hindi madali pero mabuting tao si Joaquin. Alam ko ring magkakasundo kayong dalawa, hindi man ngayon pero please para sa akin, subukan mo. Kaya sana bigyan mo s’ya nang chance na makilala s’ya. Please anak, kilalanin mo ang lalaking mahal ko,” hiling ni Ynah sa anak habang naglalakad sila sa simbahan.

Tinitigan ni Luna si Joaquin, kitang kita n’ya ang malawak na ngiti ni Joaquin habang hindi mapigilan ang pagluha. Kasama ang dalawa nitong groomsmen at bestman na halatang inaasar si Joaquin habang papalapit sila sa altar.

“Hay naku naman! Ano ba kasing nakita ni Mama sa lalaking ‘to! Okay, tanggap ko nang hindi mabubuhay si Mama ng walang boyfriend, pero sana naman ‘yung kaedad n’ya! ‘Yung mukhang tatay ko! Hindi ‘yung mukha silang mag-ina!” bulong n'ya sa kanyang isipan.

Nasa harap na sila ng altar, iaabot na ni Luna ang kamay ni Ynah kay Joaquin.

“Salamat Luna, dahil pinagbigyan mo ang hiling ng Mama mo. ‘Wag kang mag-alala, ipinapangako kong mamahalin at aalagaan ko ang Mama mo,” seryosong sabi ni Joaquin.

Kinilabutan ang buong katawan ni Luna. Gusto n’yang sumagot nang pabalang, subalit nasa loob sila ng simbahan. At nasa may altar pa. Kaya naman wala s’yang nagawa kung hindi magpakita nang pekeng ngiti sa lahat.

Maraming kinilig sa kasal nina Joaquin at Ynah. Lalo na ang mga kaibigan ni Ynah. Hindi sila makapaniwala na makakahanap si Ynah nang batang-batang mapapangasawa. Kung sa bagay, hindi ‘yun possible dahil ang mukha ni Ynah ay mas bata kaysa sa kanyang edad. Bukod sa mapili ito sa pagkain at araw -araw na nag-exercise, hindi rin ito nagpapabaya sa kanyang katawan at hitik sa botox ang mukha. Banat kung banat, ‘wag lang lumitaw ang mga wrinkles na nakakapagpatanda. Sabi nga ng iba, bagay na bagay ang palayaw ni Ynah dahil kamukha n’ya si Ina Raymundo na para bang hindi tumatanda.

Natapos na ang kasal, sa reception, mas pinili ni Lunang bumukod ng mesa. Parang mas pipiliin pa n’yang makihalubilo sa caterer at mag-serve, kaysa makipag-plastikan sa mga bisita. Subalit ang kagandahan ni Luna ang lumulutang. Tulad ng kanyang ina, may angking ganda si Luna na hindi maitatanggi. Agad s’yang napapansin ng karamihan, at nakakakuha s’ya ng atensyon na ayaw na ayaw n’ya. Kaya naman pumunta s'ya sa terrace ng reception area upang umiwas sa mga mata ng bisita.

“Intimate wedding? Ganito ba ang intimate para sa kanya? Halos lahat ng businessman at partners sa company nandito. Kulang na lang magpa-press con s'ya. Tapos nandito rin ‘yung mga ka-model n’ya noong 19 kopong-kopong. Grabe ka talaga Mama, ikaw na,” sarkastikong sabi ni Luna sa sarli.

Naupo s’ya sa outdoor chair, sumandal at pumukit. Nilalasap ang hangin. Gabi na nang oras na ‘yun at dama ni Luna ang lamig ng simoy ng hangin. Nang isang tikhim ang kanyang narinig. Nakaramdam rin s’yang may tumuon sa hawakan ng upuang kanyang inuupuan. Agad s’yang nagmulat at nakita ang nakatitig na mukha ni Joaquin na malapit sa kanya.

“Sige, lumapit ka pa, hindi kita pipigilan. Hindi na ako tulad ng dati. Gawin mo 'yan, para makita ni Mama ang tunay mong kulay,” hamon ni Luna. 

Hindi umimik si Joaquin at ngumisi. 

*****

Ilang taon na rin ang nakalipas, namasukan si Luna bilang waitress sa isang resto bar. Marangal ang kanyang trabaho, ngunit sadyang mapusok at mapangahas si Joaquin ng mga panahong ‘yun. Kapalit nang malaking halaga, gusto ni Joaquin na i-table si Luna. Makasama buong gabi hanggang kinabukasan. Ngunit tumanggi si Luna, hindi na s’ya bata. Alam n’yang may balak si Joaquin sa kanya. Anong gagawin nila magdamag na magkasama? Magtitigan? Magkukwentuhan?

Nag-init ang tenga ni Joaquin sa pagtanggi ni Luna. Si Luna ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa gusto n'ya. Kaya mas nilakihan pa n’ya ang alok na pera at sinabihang pakipot at makukuha n’ya si Luna sa kahit anong paraan. 

Nainsulto si Luna, isang malutong na sampal ang tugon n’ya sa bastos na si Joaquin at nang dahil doon ay nasisisante si Luna.

Mula ng araw na ‘yun, tumatak sa isipan ni Joaquin ang mukha ni Luna. 

*****

Tumayo ng tuwid si Joaquin. Ang mga mata n’ya ay nakatuon pa rin kay Luna. “Kitang kita ko naman na hindi na ikaw ‘yung waitress na gusto kong i-flirt years ago. Pasalamat ka, hindi ko nakuha ang pangalan mo, dahil kung hindi hinanting kita matagal na. Pero tingnan mo, destiny na ang gumawa ng paraan para magkita tayo ulit. Kaso nga lang hindi na bilang customer at waitress. Kung 'di bilang mag-stepfather at stepdaughter.” Nakakilabot ang tono ng pananalita ni Joaquin. 

Tumayo si Luna, mabilis na pumula ang mukha. “Tantanan mo ako sa pananakot mo. Dahil hindi ako natatakot sa’yo. Sisiguraduhin kong hihiwalayan ka ni Mama. Malalaman ko rin ‘yang agenda mo bakit mo s’ya pinakasalan. Hindi ako naniniwala na mahal n’yo ang isa’t isa, tandaan mo ‘yan!” 

Tinalikuran ni Luna si Joaquin at umalis.

Malakas ngunit marahan na palakpak ang narinig ni Joaquin. Sa kanyang paglingon, nakita n’ya ang kanyang mga groomsmen, sina Jed at Renz.

“Ano ‘yun? ‘Yung mag-ina bibingwitin mo?” alaska ni Jed.

“Hindi ba s’ya ‘yung waitress sa resto bar? ‘Yung sumampal sa’yo year ago?” puna ni Renz.

Halatang napikon si Joaquin ngunit pinigilan n’yang masira ang magandang gabing. Huminga s’ya nang malalim at malumanay na magsalita, “Mali ka Jed, at tama ka Renz,” tugon n’ya sa dalawa. “Nandyan na ‘yan, wala na akong magagawa. Teka, kanina pa ba kayong dalawa? At anong ginagawa n’yo rito?”

“We’re here to congratulate you on the success of your wedding. Hindi naming akalaing ikaw ang unang magpapakasal sa ating tatlo. We’re proud of you,” bait ni Renz.

*****

Natapos ang gabing ‘yun na may ngiti sa kanilang mga labi ang mga bisita. Peka man o tunay, ang mahalaga ay natapos na ang kasal nina Joaquin at Ynah. Sakay ng bridal car, umuwi na ang bagong kasal. Kilig na kilig si Ynah dahil naranasan n’ya muli ang bridal carry. Nasa p***o na sila ng bahay, binuksan ni Joaquin ang p***o gamit ng kanyang kamay na nakasapo sa alak-alakan ni Ynah. Naka-day-off lahat ng kasambahay, solong solo nila ang buong bahay. Papunta na sila sa sala upang doon simulan ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa, tanging liwanag lang ng buwan ang kanilang tanglaw. At ng ilalapag ni Joaquin si Ynah sa sofa habang hinahalikan, may aninong naaninaw si Joaquin.

“Sino ka!” sigaw ni Joaquin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 5- Talaga, Ma? Nagseselos Ka?

    Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study roo

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 4- Midnight Snack

    Marahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.” Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng ya

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 3- S’ya ba Talaga ang Magiging Stepfather Ko?

    Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. “Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”Bumaling nang tingin si L

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 2- Stop the Wedding?

    “Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang

  • Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!   Chapter 1- The Proposal

    Suot ang itim na bestida, pumasok si Luna sa isang magarang events hall. Bukod tanging s’ya lang ang nakaitim. Karamihan sa mga bisita ay makukulay at elegante ang mga damit. “S’ya ba ang anak ng namayapang si Rolando Del Castillo? Anong nangyari sa kanya! Para s'yang losyang! Anong edad na ba n'yang batang 'yan?” usisa ng isa sa mga bisita.Mugtong mga mata, namumutlang mukha. Nakapusod ang buhok sa likuran, ngunit marami pa ring buhok na nakalaylay sa mukha. Hukot ang likod at sobrang payat ng katawan. Diretso lang ang lakad n'ya, walang binabating bisita. Para s’yang zombie na naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung kailan hihinto sa paglalakad.Nuliligan ‘yun ni Luna, huminto s’ya. Lumingon sa kanyang kanan, nakita n’ya ang repleksyon n’ya sa glass wall ng events hall. “Bakit, ano bang dapat maging itsura ko sa oras na ‘to? Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba ang suot ko, para akong sasagala? Dapat ba naka-loud make-up ako at parang model maglakad! Ganoon ba dapat!” nagngingitn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status