
Ang Bilyonaryong Naging Stepfather Ko!
"Pasalamat ka, hindi ko nakuha ang pangalan mo, dahil kung hindi hinanting kita matagal na. Pero tingnan mo, destiny na ang gumawa ng paraan para magkita tayo ulit. Kaso nga lang hindi na bilang customer at waitress. Kung 'di bilang mag-stepfather at stepdaughter.”
Dalawang buwan pa lang ang lumilipas nang pumanaw ang ama ni Luna at inanunsyo na agad ng ina n'yang si Regina ang kasal nito sa binatang si Joaquin. Isang bilyonaryong businessman. 20 years ang agwat ng kanilang edad, ngunit mas ikinagulat ni Luna nang malamang halos hindi nagkakalayo ang edad n’ya sa lalaking napiling pakasalan ng kanyang ina!
Hindi rin basta-bastang estranghero si Joaquin kay Luna.
Minsan nang nakadaupang palad ang dalawa, sa isang eksklusibong resto bar kung saan nagtatrabaho noon si Luna. Kilala si Joaquin bilang arogante at mayabang. At si Luna ang nag-iisang babaeng nagpahiya kay Joaquin noon. Akala nila, ‘yun na ang una’t huli nilang pagkikita. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Muling nagkrus ang kanilang mga landas. Hindi bilang customer at waitress, kungdi bilang mag-stepfather at stepdaughter.
Paano humantong sa ganito ang lahat? Paano nila tatanggapin ang isa’t isa kung umpisa pa lang ay tila digmaan na ang namamagitan sa kanila? Sino sa kanila ang magpapakumbaba? At paano nila matatanggap ang isa’t isa bilang bagong miyembro ng pamilya o hindi kaya sila ang bubuo ng sarili nilang pamilya?
อ่าน
Chapter: Chapter 5- Talaga, Ma? Nagseselos Ka?Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study roo
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: Chapter 4- Midnight SnackMarahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.” Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng ya
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: Chapter 3- S’ya ba Talaga ang Magiging Stepfather Ko?Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. “Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”Bumaling nang tingin si L
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: Chapter 2- Stop the Wedding?“Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: Chapter 1- The ProposalSuot ang itim na bestida, pumasok si Luna sa isang magarang events hall. Bukod tanging s’ya lang ang nakaitim. Karamihan sa mga bisita ay makukulay at elegante ang mga damit. “S’ya ba ang anak ng namayapang si Rolando Del Castillo? Anong nangyari sa kanya! Para s'yang losyang! Anong edad na ba n'yang batang 'yan?” usisa ng isa sa mga bisita.Mugtong mga mata, namumutlang mukha. Nakapusod ang buhok sa likuran, ngunit marami pa ring buhok na nakalaylay sa mukha. Hukot ang likod at sobrang payat ng katawan. Diretso lang ang lakad n'ya, walang binabating bisita. Para s’yang zombie na naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung kailan hihinto sa paglalakad.Nuliligan ‘yun ni Luna, huminto s’ya. Lumingon sa kanyang kanan, nakita n’ya ang repleksyon n’ya sa glass wall ng events hall. “Bakit, ano bang dapat maging itsura ko sa oras na ‘to? Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba ang suot ko, para akong sasagala? Dapat ba naka-loud make-up ako at parang model maglakad! Ganoon ba dapat!” nagngingitn
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06