LOGINMarahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.
“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.
“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.
Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.”
Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng yabang na lalaki. Pero ngayon, isa itong gentleman na binata. Magalang at ramdam n’ya ang pagiging mabait nito sa kanya.
Naglakad si Joaquin papuntang lababo upang hugasan ang mug ni Luna. “Maghapong walang laman ang tiyan mo, gusto mo ba ng gatas? O sabaw? Anong gusto mo ipag---.”
“Okay na ako, kaya ko na ang sarili ko,” pagputol ni Luna sa sinasabi ni Joaquin.
“Okay sige.” Matapos hugasan ang mug ay inabot na n’ya ito kay Luna.
Agad na nag timpla si Luna ng kalahating tasa ng gatas at kumuha ng isang supot ng Fita. Wala s’yang balak na kumain sa kusina, lalo na't makakasama n'ya si Joaquin na hindi n'ya maintindihan ang ugali. Ngunit pagdaan n’ya sa kitchen counter kung saan nandoon si Joaquin, nakita n’ya ang parehong pagkain na kanyang dala. Nagkatinginan silang dalawa at natawa si Joaquin nang makita ang hawak ni Luna.
“Favorite midnight snack mo rin ba ‘yang gatas at Fita?” tanong ni Joaquin na may maaliwalas na mukha. Nakangiti ito kay Luna kaya naman biglang nawala ang pagkasuklam ni Luna sa kausap.
Napatango na lang si Luna, gutom na s'ya at malapit ng mawala sa sarili kaya hindi na n'ya kontrolado ang kanyang mga kilos. Sabay inaya pa s’ya ni Joaquin na samahan n'ya itong kumain sa may kitchen counter. Kusang kumilos ang kanyang katawan at naupo, saka kumain.
Small talk lang ang kanilang ginawa, tungkol lang ito kung paano nila kainin ang Fita na dinudurog sa gatas. Nagawa pa nilang mag-share na dalawa at ipatikim sa isa’t isa ang timpla nilang gatas.
Nawala ang makapal na pader na namamagitan sa kanilang dalawa, nawala ang galit ni Luna sa isang iglap. Nagtagal rin ang kanilang usapan ng kulang isang oras, nag-uumpisa na rin silang magtawanan dahil sa mga corny na jokes ni Joaquin.
Nang isang tikhim ang nagpanumbalik nang makapal na pader sa pagitan ng dalawa.
“Ehem, pwedeng ba akong maki-join usapan n’yo?” Lumitaw si Ynah malapit sa sala, nakasandal sa pader. Hindi man kita nang malinaw ang mukha n'ya, madarama sa tono ng kanyang pagsasalita ang inis at selos.
“Alis na ako,” sabi ni Luna at tumayo bitbit ang tasa at Fita.
Hindi naman ito pinigilan ni Joaquin, sa isang iglap bumalik ang tensyon sa dalawa. Hindi na sila nagpansinan.
“Asawa ko, tara kain tayo?” aya ni Joaquin sa asawa.
Malambing na lumapit si Ynah at nilagpasan ang anak. Hindi n’ya ito tiningnan na para bang hindi n’ya ito na kita. Samantalang si Luna ay ramdam ang madilim na awra ng kanyang ina. Binalewala n’ya na lang ito dahil mas nanaig ang gutom n’ya ng oras na ‘yun.
*****
Biglang bangon si Luna mula sa kama, hinablot ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras. Alas-diyes na ng umaga. “Shocks! ‘Yung meeting ko!” wika nito.
Kahit nahihilo pa dahil sa biglang pagbangon ay tinawagan n’ya si Carla, ang kanyang matalik na kaibigan.
“Chill kumalama ka!” sabi ni Carla na nasa kabilang linya. “Hindi mo ba nabasa ‘yung messages ko?”
“Hindi, bakit? Ano ba ‘yung messages mo?”
“Hindi tuloy ‘yung meeting. Next week na lang daw sabi ni client. May biglaang out of town lang 'yung mismong client natin sabi noong representative na palagi nating ka-meeting. Pero sure ako, okay na tayo sa deal na 'to. Signing of contract na lang naman ang kulang. Kaya nothing ‘to worry.”
Nakahinga ng maluwag si Luna, big client kasi ang kanilang i-meet. Ito rin ang first time na kasama ng representative ang mismong client. At pag nagustuhan nila ang proposal nila ni Carla, sila na ang magiging permanent lay-out designer ng photo studio na ‘yun. Para s’yang pinag sakluban ng langit at lupa kung nagkataong hindi nila ‘yun makukuha dahil sa pagiging late n’ya sa meeting.
Kumalama na si Luna, muli s’yang humiga sa kama matapos nilang mag-usap ni Carla at nakaramdam din s'ya ng gutom. Gatas at Fita lang ang laman ng tyan n’ya mula kahapon. Kaya naisipan n’yang mag pa-deliver. Nasa thirty minutes pa ang nakalipas, dumating na ang delivery. Lumabas s’ya ng kwarto at doon n’ya napansing may mga naghahakot pala ng gamit mula sa study room ng kanyang Papa. Nag-init ang kanyang mukha, nakalimutan ang delivery rider na naghihintay sa labas at humahangos na pumunta sa study room ng kanyang Papa.
Handa na ang kanyang sigaw, ngunit natigilan s'ya nang makita ang itsura ng study room. Bumalik na ito sa dati. Mula sa kahoy na sofa at antique na mga mesa. At ang mga muwebles na nakita n’ya kahapon ay nasa labas ng study room, hinahakot palabas ng kanilang bahay.
“Kuya,” tawag ni Luna sa isa sa mga naghahakot, “Sino pong nagpahakot ng mga gamit?”
“Ay good morning po Ma’am, inutusan po kami ni Sir Joaquin. Sa totoo lang po, bilin na bilin n’ya po sa amin na ‘wag kaming maingay sa paghahakot. At ingatan ‘tong mga gamit. Mga antique daw po kasi 'to at personal na gamit ng may-ari ng bahay. Pasensya na po kung naistorbo po ba naming kayo.”
“Hi…Hindi, hindi po. Hindi ko nga po napansing naghahakot po pala kayo kanina pa. Si…Sige po ituloy n’yo na po ‘yang ginagawa n’yo. Pasensya na po sa abala.”
Habang nakikita ang mga naghahakot, tila hinipo ang puso ni Luna. Kagabi rin kasi ay humingi ng tawad si Joaquin habang sila ay nag-uusap.
“Sorry, kung pinakialaman ko ‘yung study room. Naging insensitive ako, ‘wag kang mag-alala bukod kay Ynah, hihingi muna ako sa’yo ng permiso bago may baguhin o pakialaman dito sa bahay.”
Hindi s’ya sumagot nang sinabi ‘yun ni Joaquin, dahil abala s’ya sa pagkain at wala s’yang lakas magsungit ng oras na ‘yun.
At ngayon, nang muli n’ya itong maalala, isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“Ma’am may delivery po sa labas, sa inyo po ba ‘yun? Kanina pa raw po s’ya tumatawag sa inyo,” tawag nang kausap n’yang naghahakot kanina.
“Ay oo nga pala! Sorry po! Ito na pababa na!”
*****
Work from home base ang trabaho ni Joaquin, mas madalas s’yang sa bahay nagtatrabaho kumpara sa field. Gayun din si Luna. Kaya naman madalas silang magkasama sa bahay. Hindi man nag-uusap, alam na nilang dalawa ang kanilang bounderies sa isa’t isa. Lugar na pagtatrabahuan at distansya.
Si Luna ang namamalagi sa study room ng kanyang Papa, si Joaquin naman ay nasa sala. Umaga pa lang ay naririnig na ang ilang meetings ni Joaquin. Napapansin ito ni Luna tuwing lalabas s’ya ng kanyang silid papunta sa study room ng kanyang Papa. Dadalhan na lang s’ya ng mga kasambahay ng pagkain at sa hindi malamang dahilan, sinasabi pa ng mga ito na si Joaquin ang nagluto at binilinan sila ng oras para ihatid ito sa kanya.
Hindi n’ya makuhang kiligin dahil namumutawi n’ya ang mukha ng kanyang ina nang nakita silang magkasama sa kusina at kumakain ng gatas at Fita. Ang tono nang pagsasalita nito at ang awrang bumabalot dito, kahit nakasandal ito sa pader sa madilim na bahagi ng kusina. Napapailing na lang s’ya at hindi nag sasalita.
Subalit hindi n’ya alam kung nagkakaton lang o sinasdya ni Joaquin ang lahat. Ilang beses na silang magkasabay na mag-midnight snack sa kusina. Noong una ay umiiwas s’ya. Pero kinalaunan, naisip n’ya, sa oras na ‘yun lang silang dalawa nagiging normal.
“Sinubukan ko last time ‘yung sinabi mong walang sugar ‘tong gatas. Tama ka, mas masarap nga,” sabi ni Joaquin.
Nasa kusina sila at nagkataong sabay na nagutom ng dis oras ng gabi.
“See, matamis na kasi ‘yung powdered milk, kaya okay lang na walang sugar,” sabi naman ni Luna.
“Kaya nga, ngayon ko lang na-realize. Paano kaya kung mag-try naman tayo ng ibang biscuit?”
“Sige sige, siguro mas okay kung skyflakes next time. Ako na ang bibili tas isip ka rin ng ibang biscuit, tapos ikaw naman bumili,” suhestiyon ni Luna.
Nagsimula ng magplano ang dalawa para sa susunod nilang mid night snack. Ngunit hindi nila alam, mula sa madilim na bahagi ng kusina, may mga matang nakatitig sa kanilang dalawa.
Kinaumagahan, hindi pumasok sa opisina si Ynah, si Joaquin naman ay may naka-schedule on-site meeting kaya maaga itong umalis ng bahay. At si Luna, tulad ng naging gawi nila ni Joaquin, sa study room ito ng kanyang Papa maghapon.“Yaya, nasaan si Luna? Bakit hindi pa s’ya bumababa? Anong oras na? Tulog pa ba s’ya?” sunod-sunod na tanong ni Ynah sa kasambahay na si Lina“Ay Ma’am, nakakain na po si Ma’am Luna kanina pang alas-sais ng umaga. Dinalhan na po namin s’ya ng agahan sa study room ni Sir. Hindi po ba banggit ni Sir Joaquin ‘yun?” tugon ni Lina.Napatitig si Ynah na may pagtataka, anong kinalaman ng kanyang asawa sa pagkain ni Luna ng agahan. At dahil matagal ng kasambahay si Lina sa bahay, alam na alam ni Ynah na may makukuha s’yang impormasyon dito kahit hindi s’ya direktang magtanong.“Ay ganoon po ba Ma’am, simula po kasi ng bumalik si Ma’am Luna dito sa bahay, hindi po sila nagpapansinan ni Sir Joaquin. Lalabas lang po si Ma’am Luna sa kwarto n’ya para lumipat sa study roo
Marahang lumapit si Luna, gusto n’yang bulyawan si Joaquin ngunit wala s’yang lakas dahil sa maghapong walang laman ang kanyang tiyan. Para tuloy s’yang pulubing nanghihingi ng pagkain nang makita ni Joaquin sa gilid.“Hay! Nand’yan ka pala! Bakit hindi ka nagsasalita d’yan!” gulat na sabi ni Joaquin. Bukas ang ilaw sa kusina ngunit patay ang ilaw sa ibang bahagi ng bahay. At sa kanyang pagbaling, may naaninaw s’yang nakatayo sa hindi kalayuan. 'Yun pala si Luna at mukhang gutom na gutom na.“Akin na ‘yang mug ko,” mahinang sabi ni Luna, nasa dilim pa rin ito at hindi lumalapit kay Joaquin.Hawak ni Joaquin ang isang spiderman na mug. Tiningnan n’ya ito bago tumingin kay Luna. “Ah, sa’yo pala ‘to. Sorry hindi ko alam, teka ililipat ko lang ‘yung laman at huhugasan.” Kumunot ang noo ni Luna, hindi n’ya maintindihan ang kilos ni Joaquin, tuwing kasama nila ang kanyang ina, tila mature at parang tatay ang kilos at pananalita nito. Pagsilang dalawa lang, para itong sanggano at ubod ng ya
Halos tumalon ang puso ni Joaquin, lalo na ni Ynah dahil sa gulat.“Hindi ba na ako pwedeng mag-stay sa sala?” Tumayo si Luna at binuksan ang mga ilaw. Nakahiga si Ynah sa mahabang sofa, si Joaquin naman ay nakatayo dahil sa gulat kanina. Pero bago pa man nila mapansin si Luna, nakapatong na si Joaquin kay Ynah at naghahalikan pa ang dalawa. “Hi…Hindi naman sa ganoon anak.” Umupo si Ynah at humarap sa anak. “Nagulat lang kami, at saka hindi mo naman sinabi na dito ka mag-stay ngayong gabi.” Sabay inaayos ni Ynah ang kanyang pangtaas.“Bakit? Bawal na ba ako rito sa bahay? The last time I checked, bahay ko rin 'to, dahil anak n'yo ako ni Papa. Hindi ko alam restricted area na pa ang bahay ni Papa?” matapang na sabi ni Luna. "At hindi lang ako mag-stay ngayong gabi, babalik na ako dito sa bahay," may paninindigang sabi ni Luna.Pumagitan na si Joaquin. “Luna hindi naman sa ganoon. Wala kaming sinabing ganoon ang Mama mo. You can stay here as long as you want.”Bumaling nang tingin si L
“Ma, talaga po bang papakasalan n'yo 'yang lalaking 'yan! Hindi po ba kayo kinikilabutan na s'ya ang magiging stepfather ko!” Humahangos na pinuntahan ni Luna ang kanyang ina. Kasalukuyan itong kumakain nang matiwasay ng hapunan sa kanilang bahay. Hindi ipinakita ni Ynah ang pagkagulat, ngunit sa kabila nito, hindi n'ya maiwasang magtaka dahil matapos mamatay ng kanyang asawa ay bumukod na ng tirahan si Luna upang mamuhay mag-isa. Tapos ngayon, susugod ito basta-basta para sitahin s'ya sa kanyang nalalapit na kasal?Ipinagpatuloy ni Ynah ang pag nguya, nang malunak na n’ya ang kinakain, marahan s’yang tumingin sa anak na may matatalim na titig. “Luna, ano ba sa salitang magpapakasal ako kay Joaquin ang hindi mo maintindihan? Tagalog na ‘yun hindi ba? Anong lenggwahe ang gusto mong gamitin ko para maging malinaw sa’yo na nagmamahalan kaming dalawa,” malumanay n’yang sabi.Namula sa galit si Luna, alam n’yang sa kanyang ginagawa, s’ya ay nagiging suwail na anak, pero sino ba naman ang
Suot ang itim na bestida, pumasok si Luna sa isang magarang events hall. Bukod tanging s’ya lang ang nakaitim. Karamihan sa mga bisita ay makukulay at elegante ang mga damit. “S’ya ba ang anak ng namayapang si Rolando Del Castillo? Anong nangyari sa kanya! Para s'yang losyang! Anong edad na ba n'yang batang 'yan?” usisa ng isa sa mga bisita.Mugtong mga mata, namumutlang mukha. Nakapusod ang buhok sa likuran, ngunit marami pa ring buhok na nakalaylay sa mukha. Hukot ang likod at sobrang payat ng katawan. Diretso lang ang lakad n'ya, walang binabating bisita. Para s’yang zombie na naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung kailan hihinto sa paglalakad.Nuliligan ‘yun ni Luna, huminto s’ya. Lumingon sa kanyang kanan, nakita n’ya ang repleksyon n’ya sa glass wall ng events hall. “Bakit, ano bang dapat maging itsura ko sa oras na ‘to? Dapat ba akong maging masaya? Dapat ba ang suot ko, para akong sasagala? Dapat ba naka-loud make-up ako at parang model maglakad! Ganoon ba dapat!” nagngingitn







