Share

CHAPTER 11

"Anong ibig mong sabihin na naiintindihan mo ako?" Ano ba talaga ang iniisip ng lalaking ito? Nasanay pa naman ako kay Benny na walang patumpik-tumpik kong magsalita. Ratatat iyong bakletang iyon eh.

Pero bago pa man siya makasagot ay may narinig akong dalawang lalaking nag-u-usap na dumaan sa gilid namin na edad trese siguro. Pareho silang mukhang masaya dahil todo sila ngiti sa isa't isa.

"Ang astig talaga dito sa boulevard, p're!" sabi ng medyo payat pero matangkad.

"Lualhati Park ito, tongeks!" saad naman ng medyo pandak pero mataba.

"Timang ka pala e. Halos lahat ng tao sa Coron boulevard ang tawag sa lugar na 'to."

"Ay, ewan sa'yo..."

Hindi ko napigilang pakinggan ang usapan nila pero agad din bumalik ang atensiyon ko kay Blue nang magsimula na siyang magsalita.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na medyo mahina ka sa Ingles. Bilang kaya ko naman na gumawa ng paraan para mas maintindihan mo ako ay susubukan kong ibigay ang makakaya ko para magkaintindihan tayong dalawa. Bukas din a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status