"Bakit mo ginawa iyon ha?! Lapastangan ka!" inis na sabi ko sa kaniya. Nakatayo na rin ako sa wakas. Hindi pala magandang ideya na mag-high heels dito sa beach dahil nilalapitan ako ng malas. Buti hindi pangit ang pagkakatumba ko dahil baka nabalian na ako ng paa."Are you blind or what?" pangisi-ngisi niyang tanong. Pilosopo pala ito. Hindi nalang sumagot, kung anu-ano pa talaga ang sinasabi. "Are you a manyak or what?!" mataray kong tanong din sa kaniya pero nginitian niya lang ako. Ngiting mapang-asar. Ngiting gugustuhin mo nalang siyang sakalin at ibitin patiwarik! "Tsk. Ikaw na nga ang niligtas, ganiyan ka pa. Hindi ka ba marunong mag-thank you, miss? Ang yabang mo naman." Kainis! Tinititigan niya pa talaga ako. "Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyon! Dapat hinayaan mo nalang akong mabukulan kaysa sa nadaganan mo pa ako! Ang bigat mo kaya!" gigil kong sabi pero ngumisi lang siya. "Tsk! Ang pangit mo na nga tapos mabubukulan ka pa? Ano nalang ipagmamalaki mo 'pag nagkataon
"Hey! Are you deaf? I just told you my name!" nakabusangot ang mukhang sabi niya nang wala man lang akong sinabi nang banggitin niya ang pangalan niya. What did he expect me to say? Meron ba dapat? "Why are you yelling?! Bakla ka ba, huh?" mataray kong tanong sa kaniya. Bakit ba ako nagiging mataray sa kaniya? Hindi naman ako ganito ah. "Bakla? Who's gay here?" inis na tanong niya. "Tsk! Huwag mong sabihin na gusto mong halikan kita dahil baka gawin ko talaga!""Whatever. Bakla ka talaga," walang emosyon kong sabi. Kampante akong hindi niya gagawin ang sinabi niya, takot niya lang sa girlfriend niya. For sure under de saya siya. "Don't you dare to kiss me dahil kapag hinalikan mo ako---""Then, what?" nakangisi niyang tanong. "You'll just prove that you're a manyak! Ganun lang kasimple." "At least hindi bakla!" pambabara niya. Kapal! "Manyak naman!" Hindi siya natinag sa sinabi ko at patuloy pa rin siya sa pagngisi. May sapi ba siya? "Can you just dissapear? Pumapangit ang view d
"Then, mukhang mahihirapan ako." Kung anu-ano talaga ang sinasabi ng lalaking ito. Hindi lang baduy, weird pa. "Umamin ka nga---""Ano namang aaminin ko?""Patapusin mo muna kasi ako! Singit ka nang singit eh!""At ikaw naman, sungit nang sungit!" pang-aasar niya. "Dami mong alam! Umamin ka nga. Nasapian ka ba ng maligno kaya kung anu-ano ang sinasabi mo sa akin ngayon? Naku, baka malala na iyan! Baka kailangan mo na magpagamot sa albularyo. Sasamahan kita. Tara na agad para malunasan ka na!" Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga sinasabi ko o maiinis ako dahil walang sense ang mga pinagsasabi ko sa kaniya. "Of course not. Ikaw lang talaga ang pinili ng puso ko kaya ganito ako magsalita." Corny talaga. Pinili raw ng puso niya. Weird. Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Ba't ba hindi ka pa umaalis? malumanay kong tanong para umalis na siya. Gusto ko na ring bumalik sa kuwarto ko para makapagpahinga at makakabalik lang ako kapag umalis na itong lalaking ito. "Because you're stil
"Hey, you! Don't me!" inis na sabi niya. Pero halatang namula siya. Nagba-blush din ba ang mga lalaki? Ah, hindi ko alam. "You're not funny. Stop fooling around or else I'll kiss you." Sinong tinakot niya? Ang cute na mukhang pusa? Hindi man lang ako natakot sa banta niya. As if naman kaya niyang gawin. Pupusta ako, under de saya siya. "E, sa ikaw nga ang crush ko e." Ako naman ang ngumisi. Akala mo ikaw lang ang marunong ngumisi, Flakes? "Ha! Don't fool me. Gumaganti ka lang," inis pa ring sabi niya. Hindi niya ako magawang tignan. Parang babae na kinikilig na naiirita lang? Baka naiirita lang pala at hindi kinikilig. Pilit akong nagseryoso para hindi niya ako mabuking, tinitigan ko rin siya nang maigi para mas lalo siyang mailang sa akin. "Hindi ah. Seryoso ako," deretso kong sabi. Ang lakas-lakas talaga ng loob ko na asaran siya. Bigla akong nagkalakas ng loob na mang-asar ngayon at dahil iyon sa kaniya. "Ihahatid na kita," mahina niyang sabi. Nahihiya ba siya? Nakukonsensiya
"Ah, sige. Papasok na ako," paalam ko sa kaniya. Kailangan ko nang makapasok kaagad sa kuwarto ko. May gulat pa rin akong nararamdaman dahil magkatabi lang pala ang mga kuwarto namin. Nakisabay lang siguro siya kaya todo pilit na ihatid ako. "Okay." Nang marinig ko ang sinabi niya ay mabilis kong binuksan ang pinto gamit ang hawak kong susi at mabilis pa sa alas-kuwatrong pumasok ako sa kuwarto ko. Agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito. "He seems to know me," bulong ko. Mas lalo pa akong kinutuban nang biglang maalala ko kung paano niya sinabi na mag-iingat ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin nun, seryoso ang boses niya. Seryoso siya. Pero hindi ko iyon pinansin. At ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Bakit pakiramdam ko hindi na ako ligtas? Nasapo ko nalang ang noo ko nang maalala ko pang wala na si Blue sa lugar na ito. Wala na si Blue na puwede sanang magtanggol sa akin kapag nasa panganib ang buhay ko. Pero baka nag-o-overthink na naman ako kaya ganito. Okay,
"I just need to be sure of something.""Sure of something? Ano namang kinalaman ko sa something na iyan?" naguguluhan kong tanong."You'll know it later. Magbihis ka na kung pupunta ka. Kumatok ka sa pinto ng kuwarto ko kapag aalis "Ang demanding mo naman!" "Gawin mo nalang. Baka matagal ka pa kung mag-ayos kaya bilisan mo na. Just knock later. Don't you dare to leave me.""Don't you dare your face. Para kang bakla!" pang-iinis ko sa kaniya. Mukhang hindi kami magkakasundo ni Flakes kapag ganitong"Just knock later," mapakla niyang sabi bago pumasok sa kuwarto niya at iniwan akong nakatayo sa labas ng kuwarto ko. Grabe. Sineryoso niya? "Masiyado naman yatang madamdamin ang lalaking iyon ngayon." Napapailing nalang ako sa tuwing maaalala ko ang mukha niya nang sabihin kong para siyang baklNapabuntong-hininga nalang ako bago nagsimulang maghanap ng isusuot ko. Titignan ko lang naman ang bonfire kaya hindi na kailangan na bongga pa ang isuot kong outfit. Hindi na rin kailangang mag-m
"Masiyado kang maganda kaya hindi imposible na walang humablot sa iyo.""Ang nonsense mo. Tumingin ka nalang sa bonfire, hindi iyong sa akin ka tumitingin. Baka matunaw ako," biro ko sa kaniya. "Okay." Talagang sinunod niya ang sinabi ko dahil sa bonfire nalang talaga siya tumingin. Hindi ko alam kung tama ba na hinahayaan ko siyang lumapit sa akin. May girlfriend siya. Hindi magandang tignan na lumalapit pa siya sa ibang babae. Kaso masiyado siyang mapilit. Parang ayaw niya akong lubayan. "Flakes, pupunta lang akong comfort room," paalam ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako nang deretso bago kumunot ang noo niya. "I'll come with you.""Hindi na. Sa loob naman ng building ang comfort room kaya wala kang dapat ipag-alala. Babalik ako kaagad. Dito ka lang, okay?""Sasamahan kita. Delikado.""Hindi ah. Maliwanag ang daan papunta sa building kaya huwag kang mag-alala. Kahit ngayon lang, hayaan mo akong mag-isa," may diin kong sabi. Masiyado siyang paranoid na kesyo delikado raw. Kinay
"Stop crying," pagpapatahan niya sa akin but I could not help it. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Dito pa ba sa lugar na ito ako mapapahamak? Hindi ko lubos maisip kung bakit ako ang target? "Don't worry. I wouldn't let this to happen again," muli niyang sabi. Nang makaipon na ako ng lakas ay agad akong kumawala sa yakap niya at tumayo na. Pinahid ko rin ang mga luha sa pisngi at mata ko. Ayaw ko nang umiyak pa. Nagmumukha akong kawawa sa harap niya. Ang taas pa rin ng pride ko kahit nagkakaganito na ako. Naiinis din ako sa sarili ko. "Bumalik na tayo sa building natin," malungkot kong sabi. "Let's go," mahina niyang sabi. Pero ang ikinagulat ko ay ang paghablot niya sa kanang kamay ko. "Bakit kailangang hawakan ang kamay ko?" "I just want to," seryoso niyang sabi. Gusto niya lang? Acceptable reason ba iyon? Mabilis kong binawi ang kamay ko na agad niya ring ikinabuntong-hininga. "Why? Hindi ka komportable?" napapahiyang tanong niya. "Hindi sa ganun. Ilawan mo nga kung saan b