Share

CHAPTER 18

"Bakit mo ginawa iyon ha?! Lapastangan ka!" inis na sabi ko sa kaniya. Nakatayo na rin ako sa wakas. Hindi pala magandang ideya na mag-high heels dito sa beach dahil nilalapitan ako ng malas. Buti hindi pangit ang pagkakatumba ko dahil baka nabalian na ako ng paa.

"Are you blind or what?" pangisi-ngisi niyang tanong. Pilosopo pala ito. Hindi nalang sumagot, kung anu-ano pa talaga ang sinasabi.

"Are you a manyak or what?!" mataray kong tanong din sa kaniya pero nginitian niya lang ako. Ngiting mapang-asar. Ngiting gugustuhin mo nalang siyang sakalin at ibitin patiwarik!

"Tsk. Ikaw na nga ang niligtas, ganiyan ka pa. Hindi ka ba marunong mag-thank you, miss? Ang yabang mo naman." Kainis! Tinititigan niya pa talaga ako.

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyon! Dapat hinayaan mo nalang akong mabukulan kaysa sa nadaganan mo pa ako! Ang bigat mo kaya!" gigil kong sabi pero ngumisi lang siya.

"Tsk! Ang pangit mo na nga tapos mabubukulan ka pa? Ano nalang ipagmamalaki mo 'pag nagkataon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status