Share

Chapter 24

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-09-13 23:26:41

Ilang segundo lang yata ay bumalik muli ang liwanag sa buong paligid. Ang higpit ng hawak sa akin ni Lucien.

"Nagkaroon lang ng kaunting aberya at tuloy pa rin ang selebrasyon," paliwanag ng MC na nasa entablado.

"Are you okay?" bulong na tanong sa akin ni Lucien.

Tumango naman ako. Hindi na ako nakapagsalita nang biglang lumapit si Rio at may ibinulong kay Lucien. Nakita kong nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lucien. Mukhang may hindi magandang nangyari.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rechelle Franco Aniceto-Ignacio
haist ang bagal ng usad ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 24

    Ilang segundo lang yata ay bumalik muli ang liwanag sa buong paligid. Ang higpit ng hawak sa akin ni Lucien."Nagkaroon lang ng kaunting aberya at tuloy pa rin ang selebrasyon," paliwanag ng MC na nasa entablado."Are you okay?" bulong na tanong sa akin ni Lucien.Tumango naman ako. Hindi na ako nakapagsalita nang biglang lumapit si Rio at may ibinulong kay Lucien. Nakita kong nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lucien. Mukhang may hindi magandang nangyari.Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Halatang ninerbyos ang ilan sa mga bisita. Lalo pa at halos lahat sa kanila ay mga kilalang tao sa lipunan gayong hindi ko naman sila kilala. Pero dahil si Lolo Alfonso mismo ang nag-imbita at nag-organisa ng selebrasyon na ito ay malamang hindi rin basta-basta ang mga bisita.Bigla kong napansin na wala na si Leon."Huwag kang lalayo rito at kahit saan ka magpunta ay huwag kang aalis sa tabi ni Ellen," paalala ni Lucien sa akin. "May aasikasuhin lang ako.""Sige," sagot ko at tumango.Nakita

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 23

    "Ready?" tanong ni Lucien.Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya. Nasa may hagdan na kami at naghihintay na lang ng hudyat para bumaba.Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko pa nararanasan ang ganito kaya hindi ko alam kung anong gagawin para kumalma.Pinisil ni Lucien ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Kumalma ka, Rain..."Nang may naalala ako. "Bakit nga pala pinalitan mo ang pangalan ko? Ang sabi nila ay kakaiba ang pangalan kong Rania.""Utos ni lolo iyon," sagot niya. "Siya na lang ang tanungin mo dahil wala rin siyang binigay na sagot sa akin."Rain at Rania, magkatunog lang naman.Umalingawngaw ang isang malamyos na musika sa buong paligid. Hindi nagtagal ay nagsalita ang MC sa mikropono."Let us all welcome, Mr. Lucien Del Amore and Mrs. Maria Rain Del Amore!"Napuno ng palakpakan ang pandinig ko. Sa sobrang kaba, pakiramdam ko ay iluluwa ko na ang puso ko.Dahan-dahan akong inalalayan ni Lucien na humakbang pababa ng hagdan. Masyadong engrande

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 22

    Nakaupo ako sa mini sala rito sa hotel room namin. Lumabas muna si Lucien para tingnan kung maayos na ba ang lahat ng preparasyon. Gusto niya kasing kumpleto na ang mahahalagang mga bisita bago umpisahan ang selebrasyon.Mahahalagang mga bisita...Hindi ko naranasan ang maging mahalaga pero dadalo ang mahahalagang mga bisita para kilalanin ako.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na kalayo ang niliko ng buhay ko. Kung sana nandito lang ang mga kapatid ko. Ginagawa na ni Lucien ang lahat para mahanap si Marion. Kapag natukoy na ang eksaktong lokasyon ni Marion ay personal na pupunta si Lucien sa Russia.Nawala na sa akin si Carmelle. Hindi ako papayag na pati si Marion ay mawala rin sa akin.Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay magtiwala kay Lucien. Kahit pa taliwas ang lahat ng sinasabi nina Rachel at Tiya Adella tungkol sa kanya, wala naman akong nararamdamang panganib kapag kasama ko si Lucien.Nang biglang tumunog ang doorbell ng hotel room. Tumayo ako at lu

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 21

    Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Ang alam ko lang, bago ko pa man tuluyang imulat ang mga mata ko, naririnig ko na ang mahinang pagkatok sa pinto ng hotel suite namin ni Lucien.“Ma’am Rain?”Boses ni Ellen iyon. Napabuntong-hininga ako at pilit na iminulat ang mga mata. “Pasok.”Bahagyang bumukas ang pinto. “Good morning, ma’am. Alas-sais na po.”Napapikit akong muli. Bakit parang kahapon lang nang sabihin sa amin ni Lolo Alfonso ang tungkol sa selebrasyon na iyon?Ngayon na ang araw ng selebrasyon. Ang araw na opisyal akong ipakikilala ng pamilya Del Amore sa napakaraming tao bilang asawa ni Lucien.At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Buong buhay ko, hindi ko kailanman maiisip na isang araw ay gigising ako sa isang napakalaking hotel suite, may mga stylist at makeup artist na naghihintay sa akin, at halos buong hotel ay abala sa isang selebrasyon na para sa akin.Napaupo ako sa kama. Hindi ko a

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 20

    Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o kabahan. Mula sa sala ay lumipat kami rito sa study ni Lucien.“Gaganapin natin ang pinakamalaking selebrasyon na mangyayari sa kasaysayan ng pamilya Del Amore,” sabi ni Lolo Alfonso.Napatingin ako sa kanya mula sa kabilang bahagi ng mesa. Sa harapan namin ay nakalatag ang napakaraming dokumento—mga listahan ng bisita, floor plan ng ballroom, menu, mga disenyo ng invitation, at maging ang plano para sa seguridad. Sa dami ng papel na nakikita ko, parang hindi isang simpleng selebrasyon ang pinag-uusapan namin.Napalingon ako kay Lucien. Nakaupo siya sa tabi ko, kalmado gaya ng dati. Binabasa niya na ang mga dokumento, para bang walang anumang bagay sa mundo ang kayang gumambala sa kanya.Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien. “Hindi ba at parang engrande masyado ito, lo?”“Dapat lang dahil ipapakilala natin si Rain,” sagot naman ni Lolo Alfonso. “Bilang asawa ng CEO ng Del Amore Group of Companies, nararapat lang ang engrandeng selebrasyon.”Na

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 19

    Nagising ako kinabukasan na sobrang bigat ng nararamdaman. Naghalo-halo na yata lang mga iniisip ko. Idagdag pang buntis ako.Hindi naman ako nasusuka o nahihilo. Parang gusto ko lang humiga buong araw at matulog nang matulog.Nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nagugutom lang pala ako.Narinig ko ang mahinang tawa sa tabi ko. Nakalimutan kong sabihin na may katabi pala akong lalake.Hinarap ko siya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Nagtagisan yata kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang gustong umiwas ng tingin.Ilang sandali ay inayos niya ang buhok kong nagkalat sa mukha ko. "Mabuti na lang at walang may nangahas na alukin ka ng kasal noon.""Sino namang mag-aalok ng kasal sa tulad kong mahirap, walang pinag-aralan at—""But you're beautiful, inside and out," kaagad niya naman sabi.Ang aga-aga kung ano-anong sinasabi.Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Rachel o ni Tiya Adella. Sabihin na lang nating masama nga siyang tao pero sa twing nakatingin s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status