LOGINTatlong araw pa bago ako nakauwi.Atat na atat akong malaman kung anong nangyari sa paghuli nila sa babaeng bumaril sa akin. Pero sa kada tatanungin ko si Lucien, kung hindi niya sasagutin ay iniiwasan niya namang pag-usapan.Hindi ko rin matyempuhan si Ellen.Kaya sa tingin ko ay si Inday ang dapat kong tanungin.Umalis si Lucien pagkatapos akong maihatid dito sa kwarto namin. Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto. Kaagad akong nabuhayan at dali-daling nagtungo sa pinto at buksan iyon.Akala ko si Inday.Pero si Rachel na naman.Isasara ko na sana ang pinto nang kaagad siyang pumasok. Napakabastos talaga. "Hindi ba tinuro sayo na hindi angkop ang basta na lang pumasok sa kwarto lalo na kung kwarto iyon ng mag-asawa?""Hindi ko rin alam kung saan mo nilagay ang utak mo," sabi niya pa at prenteng umupo sa kama. "Kahit anong sabihin ko tungkol kay Lucien ay para kang isang linta, kumakapit pa rin."Nakakawalang gana ang babaeng ito. "Kung
Nagpalipat-lipat ang tingin ng nurse sa akin na nakaupo sa singlr sofa at kay Lucien na nakahiga sa hospital bed.Naiilang akong ngumiti. "Mukhang mas kailangan niya ng pahinga."Ngumiti na lang at nurse at kinuha na ang mga vital signs ko. Pagkatapos ay sinuri ang dextrose na nakakabit sa akin. Binilin niya kung anong mga gamot ang iinumin ko. Pinaliwanag niya rin na hindi iyon makakaapekto sa pagbubuntis ko.Lumabas din kaagad ang nurse pagkatapos.Kasalukuyan akong kumakain ng dalandan nang biglang bumukas ang pinto. Natatarantang pumasok so Ate Laura na nakasuot pa ng gown niya.Nagtataka siyang napatingin kay Lucien at pagkatapos ay sa akin. Huli na para sabihin kong huwag nang gisingin si Lucien dahil kaagad niya na itong hinampas sa paa.Gulat namang napabangon si Lucien. "Bakit! May nangyari ba!"Gusto kong tumawa pero pinigilan ko dahil mukhang bubuga na ng apoy si Ate Laura."Ikaw ba ang pasyente at ikaw ang nakahiga riyan!" sigaw ni Ate Laura.Mukhang naintindihan naman ni
Akala ko nawala na iyong kaduwagan ko. Akala ko ay matapang na ako. Pero hindi pa pala.Halos maputol ang hininga ko habang nakatingin sa dulo ng baril na nakatutok sa akin.Bigla niya akong hinila papasok at kaagad na isinara ang pinto ng comfort room. Mabuti na lang at hindi ako nawalan ng balanse nang bitawan niya ako, kung hindi ay baka natumba na ako at mapahamak ang batang nasa sinapupunan ko.Hindi naman ako tumakbo pero habol ko na ang hininga ko."Oh, nasaan ang tapang mo, Mrs. Del Amore?"Bigla akong napatingin sa babaeng nakasuot ng itim na tight suit. Hindi lang iyon, nakasuot din siya ng itim na face mask at itim na sumbrero. Kaya imposibleng makita ang mukha niya. Bukod sa hawak niyang baril ay wala na siyang ibang dala."Oh? Bakit nanginginig ang babae na 'yan?" tanong niya habang nilalaro ang baril na hawak niya. "Ang tapang mong nagsalita kanina, hindi ba?"Napahakbang ako ng paatars nang maglakad siya papalapit sa akin. Paano siya nakapasok gayong sobrang higpit ang
Bago pa man makalapit si Lucien sa akin at mahila ako paalis sa mapanghusgang mga tingin ay kaagad akong tumayo.Natigilan si Lucien pero hindi ko siya pinansin at naglakad patungo sa entablado."Rain..." pigil ni Lucien sa akin.Hinarap ko siya. "Nagdesisyon na akong pasukin ang mundo mo kaya hayaan mo akong gawin ang parte ko."Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit biglang nagbago ang takbo ng buhay ko, kung bakit nakilala ko si Lucien, kung bakit ganito, kung bakit ganyan.Para ba makaahon sa kahirapan?Para ba matupad ko ang mga pangarap ko?Siguro...Pero may isang bagay akong napagtanto.Dati, takot akong lumaban sa mga nang-aapi sa akin. Takot akong manlaban sa twing sinasaktan kami ni Tiya Adella. Takot akong magreklamo sa twing kulang ang suhol sa akin ng mga pinagtatrabahuan ko.Isa akong malaking duwag.Dahil sa lipunang ito, kung wala kang pera, wala kang karapatang lumaban. Kung mahirap ka, hindi maririnig ng kahit sino ang boses mong nagmamakaawa.Pagod na akong m
Ilang segundo lang yata ay bumalik muli ang liwanag sa buong paligid. Ang higpit ng hawak sa akin ni Lucien."Nagkaroon lang ng kaunting aberya at tuloy pa rin ang selebrasyon," paliwanag ng MC na nasa entablado."Are you okay?" bulong na tanong sa akin ni Lucien.Tumango naman ako. Hindi na ako nakapagsalita nang biglang lumapit si Rio at may ibinulong kay Lucien. Nakita kong nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lucien. Mukhang may hindi magandang nangyari.Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Halatang ninerbyos ang ilan sa mga bisita. Lalo pa at halos lahat sa kanila ay mga kilalang tao sa lipunan gayong hindi ko naman sila kilala. Pero dahil si Lolo Alfonso mismo ang nag-imbita at nag-organisa ng selebrasyon na ito ay malamang hindi rin basta-basta ang mga bisita.Bigla kong napansin na wala na si Leon."Huwag kang lalayo rito at kahit saan ka magpunta ay huwag kang aalis sa tabi ni Ellen," paalala ni Lucien sa akin. "May aasikasuhin lang ako.""Sige," sagot ko at tumango.Nakita
"Ready?" tanong ni Lucien.Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya. Nasa may hagdan na kami at naghihintay na lang ng hudyat para bumaba.Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko pa nararanasan ang ganito kaya hindi ko alam kung anong gagawin para kumalma.Pinisil ni Lucien ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Kumalma ka, Rain..."Nang may naalala ako. "Bakit nga pala pinalitan mo ang pangalan ko? Ang sabi nila ay kakaiba ang pangalan kong Rania.""Utos ni lolo iyon," sagot niya. "Siya na lang ang tanungin mo dahil wala rin siyang binigay na sagot sa akin."Rain at Rania, magkatunog lang naman.Umalingawngaw ang isang malamyos na musika sa buong paligid. Hindi nagtagal ay nagsalita ang MC sa mikropono."Let us all welcome, Mr. Lucien Del Amore and Mrs. Maria Rain Del Amore!"Napuno ng palakpakan ang pandinig ko. Sa sobrang kaba, pakiramdam ko ay iluluwa ko na ang puso ko.Dahan-dahan akong inalalayan ni Lucien na humakbang pababa ng hagdan. Masyadong engrande







