Share

Chapter 32

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-09-25 23:04:42

Nagulat man ay hindi ako nagpahalata kaya naman ay tinaasan niya ako ng kilay. "Masyado kang mayabang para umasta nang ganyan."

"Kamamatay lang ni Lolo Alfonso pero ang una mong ginawa ay ang personal pa akong puntahan dito at ipagyabang na ikaw na ang bagong CEO at boss ng Apollo. Hindi ka lang mayabang, nagpapahalata ka lang na iyon lang ang mahalaga sayo sa halip na ang asikasuhin ang kaso ni Lolo Alfonso."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Saglit siyang natigilan at hindi alam kung an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 43

    Wala sa sariling naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Hindi pa rin maalis sa akin ang mga huling sinabi ni tatay."Mag-iingat ka sa mga Del Amore."Iyon din ang mga sinabi ni Tiya Adella sa akin.Kung totoo nga ang sinabi ni tatay, ibig bang sabihin ay nagsinungaling si Lolo Alfonso? Hindi niya man sinabing kaaway si Viena pero base sa kanyang pananalita ay ganoon ang pahiwatig niya. Ganoon din sa panig nina Leon, pakiramdam ko ay kaaway ang turing nila sa isa't isa.Kung ganoon ay bakit magkasama sina Lolo Alfonso at Viena nang iwan kami kay tatay? Magkakampi ba talaga sila kaya sinabi ni Lolo Alfonso na magpahuli ako kay Viena?Kung magkakampi man sila, bakit gusto nila akong magalit kay Lucien? Bakit kailangan pang mawala ng anak namin?Wala na akong alam...Litong-lito na ako.Maliliwanagan ba talaga ako sa lahat kapag nanatili ako sa poder ni Viena? Iyon na lang ba ang tanging paraan?Napaupo ako sa magaspang na kalsada. Napapatingin sa akin ang mga taong dumadaan.Hindi rin ako m

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 42

    "Sa rami na ng mga nalaman mo tungkol kay Lucien, ni hindi pa rin natinag ang paniniwala mo tungkol sa kanya," sabi ni Leon habang prenteng nakaupo sa single sofa na narito sa loob ng kwarto.Hindi ko nga alam kung saan ako ngayon."Kaya nagdesisyon kaming dalhin ka sa Russia para makita mismo ng mga mata mo kung paano papatayin ni Lucien ang kapatid mo," dagdag niya pa.Gagawin nila iyon?"Bakit ginagawa ninyo ang lahat para magalit ako kay Lucien?" bigla kong naitanong.Nagkibit-balikat siya. "Sinabi ko naman sayo na hindi mo maiintindihan kahit na ipaliwanag pa namin. Masasagot mo mismo ang tanong na iyan kapag bumalik na ang mga alaala mo."Alaala...Napaisip ako.Ayon sa pagkakaalam ko, maalala mo pa ang mga nangyari noong sampu ka pa, mayroon din namang iba na naalala pa kahit noong pito o walong taong gulang sila.Binalikan ko ang mga alaala noong kasama ko pa ang mga kapatid ko mula noong bata pa kami. Mula noong kasama pa namin si Nanay.Naaalala ko pa naman."Tungkol sa mga

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 41

    Paggising ko ay nasa loob na ako ng isang malinis na kwarto. Mabuti naman at hindi nila ako binalik sa freezer na iyon.Nakahiga ako sa kama at nakatingala sa kisame.Bumuhos ang mga luha mula sa mga mat ako.Ang anak ko...Hindi sa saksak ni Veronica natapos ang pananakit nila sa akin. Bawat isa sa kanila ay nag-iwan ng pasa o sugat sa katawan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang saksak ang ginawa nila sa katawan ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang sampal, suntok, tadyak at pagpapahirap ang ginawa nila sa akin.Tumigil lang sila nang makitang halos hindi na ako makagalaw. Gustuhin ko mang matulog ng mga sandaling iyon o mawalan na lang ng malay, pero parang hindi ko kakampi ang pagkakataon kanina.Nasa hwisyo pa ako ng buhatin nila ako papunta sa kwartong ito. At dinig na dinig ko pa ang sinabi ng isang babae— marahil nurse iyon o doktor."Wala na ang bata."Wala na ang anak ko.Patawad anak at napunta ka sa akin. Patawad at mahina ako. Patawad at naranasan mo ang mga bagay na iyo

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 40

    Naalimpungatan ako nang makaramdam ng lamig sa buong katawan ko. Bigla akong napadilat ng mga mata at bumalikwas ng bangon.Nasa freezer ako?Diyos ko...Bakit nila ginagawa sa akin ito?Akala ko ba ay hindi ako papatayin ni Viena, Lolo Alfonso? Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan ko.Kung kakampi ni Viena si Leon, dapat ay hindi ako sinasaktan nang ganito ni Leon.O baka hindi na nila ako kailangan? Kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangan nila ako.Hindi.Buhay pa ako.Ibig sabihin ay may pag-asa pa.Nasaan ka na ba Lucien?Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa ito halata dahil isang buwan pa lang ito, pero alam kong kumakapit pa siya. Hindi ko na napigilan ang luha kong dumaloy sa pisngi ko. Makakaya pa kaya ng anak ko kapag nagpatuloy pa ang pananakit ni Leon sa akin?Nanginginig na ako dahil sa lamig kaya niyakap ko ang sarili ko. Baka hindi ako mamamatay sa pananakit ni Anto. Baka sa lamig ako mamamatay.Nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam ku

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 39

    Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Mabuti na lang at nakaupo ako sa kama kung hindi ay baka natumba na ako sa sahig.Baka mamatay na ako bago pa man ako mahuli ng mama ni Lucien. Akala ko siya lang ang kalaban na dapat harapin, pero kailangan ko pa palang pagtiisan si Leon.Ang daming kalaban ni Lucien. Ang daming kalaban ng Apollo. Pero nakakalungkot lang isipin na dugo't laman ang mga kalaban na iyon.Hinagis niya sa kung saan ang cellphone ko dahil wala siyang nakuha roon. Lumapit siya sa akin at marahas akong hinila saka kinaladkad palabas ng kwarto."Teka lang naman! Dahan-dahan lang!" pagrereklamo ko.Halos tumatakbo na yata ako sa bilis ng mga hakbang niya. Ano lang ba ang taas ko kumpara sa kanya. Kaya natural na malalaki ang mga hakbang niya.Saka ko lang napansin na parang walang halos tao sa mansyon. Marami namang katulong at dati naman ay nasa paligid lang sila. Pero iba ngayon. Damang-dama ko ang katahimikan.Pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan.Papu

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 38

    "Makinig kang mabuti, Rania..."Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may malaking bagay akong dapat gawin."Hindi kita pipilitin at may pagpipilian ka. Ang una mong pwedeng piliin ay maaari kang mamuhay nang payapa, masaya, at malayo sa lahat. Bibigyan kita ng bagong katauhan para hindi ka mahanap ng kung sino. Magpkalayo ka. Bibigyan din kita ng pera, sobra-sobrang pera."Nakakatukso iyon."Pero hindi mo na malalaman kung nasaan ang kapatid mo at wala ka ng paraan para mahanap siya at higit sa lahat ay hindi rin matatapos ang lahat ng paghihirap ni Lucien."Lahat ng magandang balita ay may kaakibat na masamang balita."At ang huli sa pwede mong piliin ay kailangan mong magpahuli sa nanay ni Lucien— kay Viena Villamor, ito na ang bago niyang pangalan."Nanlaki ang mga mata ko. Halos gawin na ni Lucien ang lahat para lang hindi ako makuha ng kalaban tapos ito at magpapahuli ako?Anong kabaliwan ito?"Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ka niya papatayin. Kapag nakuha ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status