Aviona’s POV
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang salubungin ko ang seryosong mukha ni Stavros habang siya ay nakapamulsa lang na nakatitig din sa akin.
Ilang sandali kaming nagsukatan ng tingin.
“What are you doing here?” pagputol niya sa katahimikang namamagitan sa amin.
Wala sa oras na napalunok ako dahil sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Galit ba siya dahil lumabas ako sa kaniyang mansyon? Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. “A-ahm…” Hindi ko alam kung paano magsisimulang magpaliwanag. Ayaw kong magkamali dahil baka saktan niya ako.
Sa kaniyang itsura ngayon ay hindi malabong ganoon ang mangyari. Ganitong tingin din kasi ang natatanggap ko mula kay Tata Pedro noon bago niya ako umpisahang saktan.
“I’m waiting, Aviona,” muling salita niya.
Ang kanina’y nagtatalon sa saya kong puso ay pinamahayan ng takot at kaba ngayon. Napayuko ako at napatitig sa bermuda. Nakurot ko ang likod ng aking palad. “L-lumabas lang ako p-para magpahangin.” Ang haba ng naiisip kong paliwanag ngunit iyon lang ang namutawing mga kataga sa aking bibig.
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.
Ang akala ko ay lalapit siya sa akin para sampalin ako o sabunutan.
“I’m not mad, wife. I’m just worried,” tila nahihirapan niyang saad.
Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “H-hindi ka galit?” paninigurado ko. Baka kasi ay nabibingi ako.
Totoong hindi ko na siya nakitang nagalit sa akin simula noong maglaslas ako. Ngunit hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa hindi namin pagkikita.
Pero ngayon, lumabas ako nang madaling araw. Dapat ay galit siya sa akin gaya ng kapag nagagalit sina Tata Pedro ay Sister Janet kapag may nagawa akong hindi nila nagustuhan. Pero siya, hindi niya ako sinigawan o pinagalitan man lamang.
“Hindi ako galit. Hindi ko lang nagustuhan na lumabas ka nang madaling araw nang hindi nagpapaalam sa kahit kanino sa bahay,” sagot niya. Naglakad siya papalapit sa akin.
Awtomatikong napaatras ako. Sasaktan niya na ba ako? Nagkunwari lang ba siyang hindi galit tapos bigla niya akong sasaktan?
Nagkamali ako dahil dumaan lang siya sa aking tabi. Nakahinga man ako nang maluwag ay naroon pa rin ang kaba.
“Come here, Aviona.”
Dahan-dahan kong pinihit ang aking katawan paharap sa kaniya.
Nakaupo siya ngayon sa duyan.
“Come.” Nakatinging sabi niya.
Hindi ako agad na nakagalaw sa aking kinatatayuan. Ngunit nang makapag-ipon ako ng lakas ay nagawa kong maglakad patungo sa malapit sa kaniya, isang metro ang layo.
Tiningnan niya ang isang duyan sa kabilang dulo. “Sit there.”
Tatlong duyan kasi bale ang mayroon dito.
Kaagad ko siyang sinunod. Matapos kong umupo ay muli kaming binalot ng katahimikan. Minasahe ko ang aking palad para doon matuon ang aking atensyon.
“Did you have a nightmare?” malumanay na tanong niya.
Napatigil ako sa pagmasahe at napatitig na lang sa aking mga palad.
“Did you have a bad dream, Aviona?” pag-uulit niya.
Muling napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at saka dahan-dahang napatango.
Akala ko ay hindi niya iyon nakita dahil hindi na siya nagsalitang ulit noon.
“Are you alright?”
Nangilid ang luha sa aking mga mata sa kaniyang sinabi. Parang may yumakap sa aking nanlalamig na puso.
Siya ang unang taong nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako mula sa mahabang panahon.
Hindi ko namalayan na napahagulgol na pala ako ako. Dahil ang totoo ay hindi ako ayos. Hindi ako okay. Nasasaktan at nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon. Nakawala nga ako sa hawla na ginawa ni Tata Pedro pero hindi pa rin ako nakawala sa nakaraan na siya ang sumira. Walang isang araw na hindi ko siya naisip at naalala. Kahit pinipilit kong kalimutan siya ay hindi ko magawa. Dahil parte na siya ng buhay ko. Napakalaki ang parte niya sa buhay ko na pati sa aking pagtulog ay wala akong takas sa kaniya.
Siguro nga ay tama ang sabi niya sa aking panaginip kanina.
Hindi ko siya matatakasan. Kahit gaano kalayo, kahit sa dulo pa ng mundo ako pumunta, masusundan at masusundan pa rin ako ng bangungot na ginawa niya.
Madalas nga ay gusto ko na lang na mamahinga na lamang. Lagi kong pinagdarasal na sana bawiin na lamang ng Maylikha ang pinahiram niyang buhay sa akin. Kung hindi naman ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan.
Ang sabi kasi nila, sa kaharian Niya, wala nang sakit. Wala nang takot. Puro kayapayapaan at walang hanggang kasiyahan lamang.
Kaso lang ay hindi naman ako nagtagumpay ni minsan. Nagtataka nga ako kung bakit pa ako ipinanganak gayong itinapon lang din naman ako ng tunay kong mga magulang. May kumupkop nga sa akin ngunit pagkatao ko naman ang naging kabayaran. Sana namatay na lang ako bago pa ako magkamalay sa mundo.
Tinatanong ko Siya lagi kung ano pa bang dahilan at hindi Niya pa binabawi ang hiningang ipinahiram Niya sa akin. Pero nanatili Siyang tahimik at walang sagot.
Bumuhos ang iba’t ibang emosyon kasabay ang pag-agos ng aking luha. Naroon ang galit at poot, lungkot at hinanakit, at ang walang katapusang takot. Takot na ipinanganak lang ako para mamuhay sa hirap at hinagpis.
“I’m no professional. And I don’t know if this can help. But I want you to always remember that I’m just here by your side,” alo ni Stavros sa gitna ng aking pagtangis.
Gusto kong maniwala sa kaniya. May parte naman talaga sa akin na naniniwala sa kaniya. Ngunit mas malaking parte ang may ayaw. “S-sasaktan mo lang din ako.” Nasabi ko sa kaniya ang ibinubulong ng malaking parte ng aking utak. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maniwala at magtiwala sa kaniya. Dahil natatakot ako na baka saktan niya lang ako sa huli.
Napabuntong-hininga siya. “Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo, Aviona. At alam kong ang pinakamahirap para sayo ngayon ay ang magtiwala. Pero sana mayroon pa ring puwang sa puso na bukas para sa ibang tao. Handang-handa akong tulungan ka sa laban mo. Hindi ko sinasabing pagkatiwalaan mo ako agad. I know that it will take time. What I want to say is please don’t close your door for other people who are willing to help you in your pain and burdens. Not all of the people around you are the same as the demons who have wrecked you in your past.”
Napatingin ako sa kaniya.
Nakatingin din siya sa akin. “Maaaring nagkamali ako pero hinding-hindi ko na uulitin iyon. At hinding-hindi ako magiging katulad ng lalaking iniisip mo.”
"Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a
"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
"Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr
"P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man
"That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak
"May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko