Share

Kabanata 29 (Unang Parte)

Stavros’ POV

Naglalakad na kami ni Aviona paakyat sa ikalawang palapag.

Mag-iisang oras ata siyang umiyak nang umiyak bago namin napagpasyahang umakyat.

Gaya ng dati, nagawa ko siyang pigilan dahil sa mga CCTV. Hindi kasi ako natutulog hangga’t hindi ko nakikitang tulog na siya. Pinanood ko siyang bumaba at pumunta sa kusina. Akala ko ay bumaba lang siya para uminom ng tubig o gatas tulad ng kaniyang nakasanayan.

Ngunit napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ko siyang kumuha ng kutsilyo mula sa lalagyan. Nagmamadali akong bumaba noon. Naitulos pa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong nakataas na ang kutsilyo at handa na siyang isaksak iyon sa kaniyang tiyan. Mabuti na lang at agad akong natauhan at nagawa kong pigilan siya.

Parang lalabas ang puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin siya napigilang bulyawan da

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status