MasukHannah's POV:
"Hay naku, Kaius. Palaging ganyan ang batang yan. Palagi na lang palpak!" Bumaling sa akin si nanay at pinandilatan ako. "O, ano, hindi ka pa talaga kikilos? Damputin mo na yan bago pa marumihan!" turo niya sa bigas na nasa sahig. "Ang tanga-tanga mo talaga! Hay naku, ano na lang ba ang silbi mo sa bahay na ito?" "S-sorry po, nay." Dadamputin ko na sana ang natapong bigas nang bigla akong hawakan ni Tito Kaius sa braso. Naramdaman ko na lang na parang may kuryente na bigla na lang dumaloy mula sa kamay n'ya papunta sa katawan ko. Ano bang klaseng pakiramdam ito, kinikilig lang ba ako? "Huwag mo nang pulutin, bibili na lang ako ng bago," sabi niya sa akin. Paalis na sana siya nang pigilan siya ni nanay. "Bakit ikaw pa ang bibili? Hayaan mo yang batang yan." Nang marinig ko iyon ay kinuha ko na ang kalderong pagsasalinan ko at umiskwat na para simulan ang pagpupulot. "Kaius, ano kaya kung sa labas na lang tayo kumain?" suhestiyon ni nanay. Nang tingalain ko siya ay nakita ko ang paghawak niya sa kamay ni Tito Kaius habang sini-swing pa iyon. Parang gusto kong masuya. Ano ba itong nanay ko, 44 anyos na pero nagfi-feeling teenager pa. "Sige." Yumuko sa akin si Tito Kaius. "Hannah, magbibihis ka pa ba, o ganyan ka na lang?" Natigilan ako sa sinabi niya. Isasama nila ako? Matutuwa na sana ako dahil napakadalang na makaranas akong kumain sa labas, dahil sa kawalan namin sa buhay. Ngayon ay makakatikim na rin ako ng masarap na pagkain. Pero bigla namang kumontra si nanay. "Ano? Isasama mo pa ito? Huwag na." "E, ano ang kakainin nitong anak mo, kung hindi natin siya isasama?" "Ayan." Itinuro ni nanay ang nagkalat na bigas sa sahig. "Isaing mo na lang yan Hannah, at kasalanan mo naman kung bakit natapon yan. May natira pang sardinas kagabi, iulam mo na yun bago pa masira." Ang lupit naman. Sila kakain sa labas, tapos ako, sardinas na natira pa kagabi lang ang ulam? Lagpas ala-una na ngayon ng hapon, baka may bula na 'yon? Magsasalita pa sana si Tito Kaius pero hinila na s'ya ni nanay sa labas. Biglang tumahimik ang bahay dahil naiwan akong mag-isa. Bumuntung-hininga na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagpupulot sa bigas. Bibilisan ko na at nang maisaing ko na ito, nagugutom na rin ako dahil wala din akong almusal. Hinintay ko kasing magising si nanay kanina para makakain, pero tanghali na siya bumangon. Paggising naman n'ya ay hindi din siya nag-almusal. Naligo lang siya at nag-make up tapos nagmamadaling umalis. Yun naman pala ay lalaki na naman ang aatupagin niya. Simula ata nang magkaisip ako ay ganito na ang routine ng nanay ko, para siyang dalaga kung mag-aasta. Iba-iba din ang mga lalaking dinadala n'ya dito sa bahay kada buwan, kaya sanay na ako. Pero masasabi kong ngayon lang siya naka-jackpot ng bata-bata pa, dahil mukhang nasa trenta lang si Tito Kaius. Kaya nga hindi ko kaagad naisip na may relasyon sila. Hay... Parang gusto kong mainggit kay nanay, ah. Napakagwapo naman kasi ng bago niya at ang bango-bango pa. Pero nakapanghihinayang lang kung hanggang isang buwan lang sila. Chineck ko muna yung sardinas bago ko kainin. Mabuti na lang at hindi pa naman panis, kung hindi ay baka magdildil na naman ako ng asin. Matapos kumain ay nag-review na ako. Inilatag ko sa lamesa ang mga lukot-lukot at may mantsa pa ng kape na reviewers ko para sa Housekeeping NC II. Kailangan ko itong maisaulo para masigurong makapapasa ako, kung hindi ay masasayang lang ang pagpasok ko ng dalawang buwan. Dito sa pag-aaral ko nakasalalay ang magandang buhay naming mag-ina kaya kailangan kong pag-igihan. Pasasaan ba't makakaraos din kami sa ganitong hirap ng buhay. Gusto ko na rin kasing paalisin si nanay sa pinagtatrabahuhan niyang bar, eh. May mga naririnig kasi akong hindi magaganda tungkol sa kanya dahil sa pagtatrabaho niya doon. Gabi na nang umuwi si nanay, at mukha siyang napagod sa pamamasyal. "Oh." Inihagis n'ya sa mesa ang isang styro ng pagkain. "Uwian daw kita sabi ni Kaius." Pagpasok ni nanay ng kuwarto ay agad kong binulatlat ang styro, at naglaway ako nang makita ko ang nasa loob. Wow! Lechon! Bukod sa lechon ay meron ding shanghai, at pancit. Wow! Birthday ko ba? Parang birthday ko, ah, kasi sa mga handaan lang ako nakakain ng mga ganito. Mabuti na lang at ako lang ang kumain kanina kaya marami pang natirang kanin. Makakain na nga! Bihira akong ganahan at makaramdam ng ganitong kasiyahan sa pagkain, kaya masasabi kong, si Tito Kaius na ata ang pinaka nagustuhan ko sa naging jowa ni nanay. Sana nga lang tlaga ay magtagal sila.Hannah's POV: Hindi ko akalaing si Tito Kaius pa ang maglalaba ng pinagreglahan ko na kahit kailan ay hindi ginawa sa akin ni Nanay. Hindi man lang ba siya nandidiri? Halos gusto ko nang agawin ang panty ko sa kanya pero mukhang patapos na rin siya dahil nagbabanlaw na siya. Nakatalikod siya sa pįntø ng banyo at naka-iskuwat sa sahig, kaya wala siyang kaalam-alam na pinanonood ko siya. Matapos itabi ang plangganang ginamit niya, nagulat siya nang makita niya ako sa likuran niya pagtayo niya. "O, Hannah! Ginulat mo naman ako. Bakit wala ka namang imik diyan?""T-Tito Kaius, ni-nilabhan niyo po ba ang..." Nagkandautal ako at hindi ko na magawa pang tapusin ang aking sasabihin sa hiya. Ni hindi ko ma-imagine kung ano ang hitsura ko ngayon sa harapan niya. "Ah, ito ba? Oo. Pinakialaman ko na kasi nang magbabanyo ako, nakita ko itong nakababad. Kaya lang..." Dinampot niya ang panty sa planggana at nanlaki ang mga mata ko nang inamoy-amoy niya iyon. "Hindi ko lang alam kung maayos
Napatitig na lang ako sa kanya. Hawak ni nanay ang kamay niya habang hinihipan niya ang paso nito. Mukhang nakatagpo ng matinong lalaki ang nanay ko, ah? Pinandilatan ako ni nanay. "Sa susunod ikaw na ang gagawa ng mga gawain dito lalo na kung walang pasok, ha? Dito man lang sana sa bahay, e, mapakinabangan ka." "Heidi, ayos lang naman sa akin ang mag-asikaso dito. Wala naman akong ginagawa, eh. Hayaan mong makapag-aral ang anak mo, balita ko ay naghahanda daw sya para sa exam n'ya." Bumaling sa akin si Tito Kaius. "Tama ba, Hannah?" Yumuko ako. "O-opo." Matapos kumain ay nagkusa akong magligpit ng pinagkainan, at baka matalakan na naman ako ni nanay. Si Tito Kaius na kasi ang nagluto. "Ako na ang bahala dito..." Halos mabitawan ko ang platong hawak ko nang biglang sumulpot sa tabi ko si Tito Kaius, bahagya kasi n'ya akong nabangga. Inagaw n'ya ang platong hawak ko. "Sige na Hannah, mag-review ka na. Galingan mo para makapasa ka, ha?" Halos mapangiti ako sa konsiderasyon n'ya.
Hannah's POV Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang agad pumayag si nanay na sa bahay na namin titira si Tito Kaius. Tama siya, ngayon pa nga lang s’ya magpapatira ng boyfriend n’ya sa bahay, pero siguradong maiilang naman ako. Paano na 'yan? Kapag naiisip ko na araw-araw ko na siyang makakasalamuha, pakiramdam ko ay parang kailangan ko nang mag-ingat sa bawat kilos ko. Hindi niya dapat makita ang pagiging burara at salaula ko sa sarili ko. Feeling ko ay kailangan ko nang ayusin ang bawat pag-upo at pagkain ko. Pinasok ako ni nanay sa kuwarto at kinausap. Pinagbantaan niya ako na huwag ko raw sasabihin kay Tito Kaius na sa bar siya nagtatrabaho. Sabihin ko raw na isa siyang dishwasher sa isang catering. Binantaan din niya ako na huwag ko raw sasabihin ang pag-iiba-iba niya ng jowa buwan-buwan. Malilintikan daw ako sa kanya kapag nagdaldal ako. Ngayong araw nga ang unang beses na makakasama ko sa bahay si Tito Kaius, kaya nga ilang na ilang ako. Hindi ko alam kung p
Kaius' POV: Kinabukasan ay muli akong nagpakita kay Heidi at nagpanggap na nawalan na ako ng trabaho, kaya wala na akong maibabayad pa sa upa ng tinitirhan ko."Ganoon ba? O, eh, dito ka na lang muna sa akin tumira," alok niya. Sinasabi ko na nga ba! Mukhang hindi nga niya ako matitiis. Nakita ko ang kasiyahan kay Heidi pero hindi kay Hannah. Mukha siyang tutol pero hindi niya lang masabi. Bakit kaya? Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala para sa kanya, o baka iniisip niyang aabusuhin ko lang ang nanay niya?Lumapit ako sa kanya. "Um... Hannah, ayos lang ba sa 'yo kung dito muna ako sa inyo titira, habang wala pa akong kakayahang umupa ng matitirhan?"Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla namang pumagitna ang nanay niya sa amin. "Bakit kailangan mo pang hingin ang permiso ng batang 'yan, eh ako naman ang may-ari ng bahay na ito?" Pinandilatan niya ang anak niya. "Hoy Hannah, ngayon lang ako nagpatira ng boyfriend ko dito, ha, kaya wala kang karapatang tumutol. Naiintindihan mo ba?"
Kaius' POV Matapos ang ilang araw nang makilala ko si Heidi ay pumayag na siya na dalhin ako sa kanila. Alam kong masyado kaming naging mabilis, pero siguro nga, dahil in-love kami sa isa't isa kaya wala na kaming pakialam pa sa mga formalities. Inasahan kong ang dadatnan ko sa bahay nila ay isang masaya at medyo magulong pamilya, dahil na rin sa maingay na personalidad niya, pero hindi ko alam na ang dadatnan ko lang pala ay ang nag-iisang anak niya.Sinabi naman niya na may anak siyang babae, pero hindi naman niya sinabi na ganoon pala kaganda. Kung sabagay, hindi naman nakapagtataka. Maganda si Heidi kaya dapat lang na maganda rin ang anak niya.Naaalala ko ang naging reaksyon niya kanina nang makita niya akong nakaupo doon sa bahay nila. Tingin ko ay kagigising lang niya kasi pupungas-pungas pa siya. Pero nang makita niya ako ay nanlaki bigla ang mga mata niya. Ang cute ng naging reaksyon niya kaya hindi ko napigilang matawa, lalo na nang inayos-ayos niya ang sarili niya. Id
Hannah's POV: "Hay naku, Kaius. Palaging ganyan ang batang yan. Palagi na lang palpak!" Bumaling sa akin si nanay at pinandilatan ako. "O, ano, hindi ka pa talaga kikilos? Damputin mo na yan bago pa marumihan!" turo niya sa bigas na nasa sahig. "Ang tanga-tanga mo talaga! Hay naku, ano na lang ba ang silbi mo sa bahay na ito?" "S-sorry po, nay." Dadamputin ko na sana ang natapong bigas nang bigla akong hawakan ni Tito Kaius sa braso. Naramdaman ko na lang na parang may kuryente na bigla na lang dumaloy mula sa kamay n'ya papunta sa katawan ko. Ano bang klaseng pakiramdam ito, kinikilig lang ba ako? "Huwag mo nang pulutin, bibili na lang ako ng bago," sabi niya sa akin. Paalis na sana siya nang pigilan siya ni nanay. "Bakit ikaw pa ang bibili? Hayaan mo yang batang yan." Nang marinig ko iyon ay kinuha ko na ang kalderong pagsasalinan ko at umiskwat na para simulan ang pagpupulot. "Kaius, ano kaya kung sa labas na lang tayo kumain?" suhestiyon ni nanay. Nang tingalain ko siy







