LOGINHannah's POV
"Hannah!" Napabalikwas ako ng gising sa malakas na pagtawag ni nanay sa 'kin. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, ala-una na pala ng hapon. Pupungas-pungas pa ako nang bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Wala akong pakialam kahit nakasabog pa ang buhok ko, o kahit may panis na laway pa ako. Kami lang namang dalawa ni nanay ang nandito sa bahay, eh. Pero natigilan ako nang sumalubong sa paningin ko ang isang guwapong lalaki na nakaupo sa luma naming sofa. Nakangiti siya sa akin. "Hi Hannah," bati niya. Bigla ko na lang naayos ang damit ko, parang kusa na lang umangat ang mga kamay ko para suklayin ang magulo kong buhok. Wala din sa loob kong napunasan ang paligid ng bibig ko dahil baka may panis na laway pa ako. Nakakahiya! Sino ba ang lalaking ito at bigla na lang sumulpot dito sa bahay namin? Ang sarap naman sa mata ng kakisigan niya. Para siyang may lahi, yung parang Mexicano? Para siyang yung mga karakter na nakikita ko sa mga pocketbooks ni nanay. Sa suot nyang brown na polo shirt at relo, mukha s'yang may kaya sa buhay. Napayuko ako. Hindi ko siya nagawang batiin pabalik kasi nahihiya ako. Ang gwapo naman kasi, eh. "Nak ng putsa, bakit walang kanin? Hindi ka nagsaing?!" dinig kong reklamo ni nanay. Nagkakalantugan ang mga kaldero sa paghahalungkat n'ya. Sa tono at lakas ng boses niya, alam kong galit na naman siya. "Bakit walang pagkain?!" aniya paglapit niya. Napasulyap muna ako sa lalaki bago sagutin ang tanong niya. "E, nay, sinabi ko naman po sa inyo na wala na po tayong bigas, eh." Pumamewang siya. "Sinabi mo? Kailan?" "Kanina po, bago kayo umalis. Hindi niyo po siguro narinig kasi nagmamadali kayo," sagot ko. Kung hindi ako mangangatwiran nang ganito at kung hindi ko ipapahiwatig na siya ang may kasalanan, malamang ay makatikim na naman ako ng sabunot sa kanya. "E, bakit hindi mo ako hinabol? Hindi ba't sinabi kong dapat pag-uwi ko ay may pagkain na, dahil dito kami sa bahay kakain ng tito Kaius mo?" Tito Kaius? Napatingin ako sa guwapong lalaki sa sofa. Ngumiti s'ya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Tiyuhin ko ba siya? Kaanu-ano kaya siya ni nanay? Bakit wala naman nababanggit si nanay noon na may nakababata siyang kapatid na lalaki at ganito pa kaguwapo? Inabutan ako ni nanay ng pera. "O, heto. Bumili ka ng isang kilong bigas. Bilisan mo na at iluluto mo pa yan." Nakayuko akong lumabas ng bahay dahil madadaanan ko si "Tito Kaius" daw. Nagpunta ako sa pinakamalapit na tindahan ng bigas sa amin. "Isang kilong bigas nga po, ate Inday," bungad ko sa matandang tindera. "Heto... Huy Hannah, sino yung kasama ng nanay mo? Ang gwapo, ah!" Napangiti ako. Bakit kinikilig ako, paano kung kamag-anak nga namin yun? "Hindi ko po alam, ang sabi lang ni nanay ay si Tito Kaius daw yun." "Kay... Kayos? Ano? Bakit naman ganun ang pangalan niya? Foreigner ba yun? E, kaanu-ano n'yo raw?" "Hindi ko po alam, ate Inday, eh. Baka po tiyuhin ko siya sa malayong dugo?... Sige na po, at baka mapagalitan pa ako. Isasaing ko pa po kasi ito, eh." At nananakbo akong umuwi habang yakap-yakap ko ang binili ko. Nagdire-diretso ako sa kusina at isasalin na sana sa kaldero ang bigas, nang mapasulyap ako sa guwapong bisita namin at kay nanay na nasa sofa. Nanlaki ang mga mata ko at nabitiwan ko pa nang hindi sinasadya ang bigas nang makita kong naghahalikan pala silang dalawa. Nagbalik lang ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pagtapon ng bigas na nasa plastic sa semento. "Ano yan? Anong nangyari, bakit natapon?!" malakas na boses ni nanay. Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin... Heto na. Paglapit n'ya ay agad niyang sinunggaban ang buhok ko at sinabunutan ako. Ramdam ko sa pagwasi-wasiwas niya sa ulo ko ang matinding inis niya sa akin. "Pagsasaing na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa magawa nang tama? Pulutin mo yan at hugasan mong mabuti! Nagsasayang ka ng bigas!" Maya-maya lang ay nakaamoy ako ng pabango ng lalaki. Ang bango-bango, at parang bagong paligo ang amoy. "Heidi, tama na. Hindi naman niya sinasadya, eh." Nakita ko na lang na nasa harapan ko na pala si Tito Kaius at inaawat si nanay. Dahil sa sobrang lapit niya sa akin ay doon ko lang napagmasdan nang malapitan ang kakisigan n'ya. Ang kinis pala ng mukha n'ya. Ang kakapal ng kilay, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi.Hannah's POV Hindi na ako nakakilos nang halos dumikit na ang mukha ni Uncle Kaius sa leeg ko. Parang masyado naman ata kaming intimate nito?Nawala ang atensyon ko sa ginagawa niya nang bigla kong mamataan sa harapan namin yung mukhang mamahaling sasakyan na nabuhusan ng milk tea kanina. Kahit wala nang bubong ang sasakyang yun ay nakilala ko pa rin dahil sa plate number. Tinandaan ko kasi. Ang galing lang dahil puwede palang tanggalan iyon ng bubong.Pinagmasdan kong mabuti ang nagmamaneho para makapag-ingat ako kung masasalubong ko siya dito sa Monteciel. Guwapo siya at may kulay ang buhok. Mukha nga lang hindi maganda ang mood niya dahil nakasimangot siya. Siguro kasi namantsahan ang sasakyan niya.Bigla akong nagbalik sa wisyo. Paano kung makilala niya ako? Hindi niya ako dapat makita! "Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali ko sa kanya.Nakamaang pa siya sa akin nang lingunin ko siya habang nakahawak siya sa mukha niya, kaya inuga-uga ko na siya.Nang
Kaius' POV The more I smelled her, the more I wanted to devour her. How I wanted to kiss her all over... Ano ba itong nangyayari sa akin? Ayokong isipin ni Hannah na pervert ako, pero hindi ko talaga mapigilan. Isa siyang malaking tukso para sa akin. Bakit naman kasi ganito ang amoy n'ya? Ito ba ang pabangong gamit niya ngayon? Siguro ay dapat ko siyang bilhan ng bago, yung may mahinang amoy lang.Nang malapit nang sumayad ang mukha ko sa leeg niya ay bigla na lang siyang pumiglas. Tinamaan ang ilong ko kaya napalayo ako."Uncle Kaius, dali! Patakbuhin mo na ang sasakyan!" Pagmamadali niya sa akin habang inuga-uga pa ako."Bakit?" tanong ko habang nakahawak ako sa ilong ko. Sinulyapan ko ang harapan ng sasakyan dahil sa naging reaksyon n'ya. Parang meron siyang gustong pagtaguan o kinatatakutan."B-basta... dali, magmaneho ka na. Meron kasi ako inaabangang drama, eh."Ah, yun naman pala.Binuhay ko na ang makina at nagmaneho na palabas ng Monteciel. Baka ako pa ang masisi niya kapa
Hannah's POV Parang bigla na lang tumigil ang mundo ko habang napagmamasdan ko silang nagtatawanan sa akin. Ano ang nangyayari? Bakit kailangan nila akong ipahiya nang ganito sa unang araw ko? Wala naman akong ginagawa, ah? Deserve ko ba ito?"Yo, parang welcome ritual lang ito, ha? Na may kahalong prank. Ganito kasi talaga kami dito kapag may ipinakikilala si Nathalie sa amin. You don't want to miss the fun, right?" sabi nung ungas na lalaki.Naikuyom ko ang mga kamao ko. Miss the fun mo mukha mo! Ano ang nakakatuwa dito, e halata namang binu-bully n'yo ako!"Huwag kang magagalit, ha? Joke lang naman. Kapag napikon ka, talo ka," nakangising wika ng isang babae. "You don't want to lose face, do you?"Anong pinagsasabi nito, e napahiya na nga ako sa ginawa nila? Anong lose face, lose face?Bahagya kong pinunasan ang milk tea sa mukha ko. "Alam n'yo, tama naman kayo; ang mapikon ay talo. Pero, di ba dapat ay patas tayo para masaya?"Ngumisi yung lalaking nagbuhos sa akin ng milk tea.
Hannah's POV Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Nathalie. Niyakap niya ang braso ko na para bang close kaming dalawa. Na-awkwardan ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba ito dahil hindi naman naging maganda ang pagtrato niya sa akin noong una kaming magkita.Nang sulyapan ko si Uncle Kaius ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang hindi rin niya ito nagustuhan."Uncle Kaius, kung pag-aaralin mo sa school ko si Hannah, ako na ang bahala sa kanya. Promise, I'll take care of her," pagpiprisinta niya.Seryoso ba siya? Ayoko nga! Ang makasama nga siya saglit dito sa bahay ay para na akong sinisilihan, pati ba naman sa school? Parang ayaw ko na tuloy mag-aral, ah? Pero hindi, once in a lifetime lang ito, ika nga nila. Kaya hindi ko dapat sayangin ang kabutihang-loob ni Uncle Kaius."Hannah, ayos lang ba 'yon sa 'yo? Para meron ka nang kakilala na puwede mong malapitan at mahingan ng tulong doon.""Um..." Ano pa ba ang magagawa ko? Kung tatanggi naman ako, baka masabihan pa ako
Kaius' POV Natigilan ako, pero hindi dahil sa kung ano pa man. Hindi ko lang kasi akalaing makakausap ko kaagad siya matapos naming maghiwalay. Ang kagandahan lang ay wala na akong nararamdaman pang kahit na ano para sa kanya. Wala na ang sakit ng betrayal at panloloko niya sa akin. Prente akong sumandal sa headboard ng kama. "Yes, Heidi?""Kaius, nasaan ang anak ko?" diretsahang tanong niya. "Anak? Sinong anak?" pagmamaang-maangan ko.Bigla siyang nagtaas ng boses. "Pwede ba, Kaius, huwag ka ngang magtanga-tangahan diyan? Sino pa ba ang tinutukoy ko, ha? Edi si Hannah!" "So, aware ka pala na anak mo siya? Pasensya na, ha? Nagtataka lang naman ako." "At ano ang gusto mong palabasin? Hindi kita tinawagan para lang makipaglokohan sa 'yo, ha! Kung tutuusin, kung hindi ko lang hinahanap si Hannah, tingin mo ba ay tatawagan pa kita? Masyadong seloso si Kajoe. Ayaw niyang nasasangkot pa ako sa kung sinu-
Kaius' POV Lumabas ulit ako ng bahay at sumakay sa kotse. Kailangan kong mahanap si Hannah dahil magga-gabi na. Kailangang makita ko siya kaagad dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa labas, wala pa naman siyang alam dito sa Maynila. Huwag naman sana, pero kapag may nangyari sa kanya, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.Sinubukan kong hanapin siya sa loob ng subdibisyon namin, pero wala siya kaya nakarating na ako sa gate. Inilarawan ko siya sa guwardya at tinanong kung nakita ba niya. Sayang lang at hindi ko alam kung ano ang suot niya nung araw na iyon. Nang sabihin n'ya ang oras na may lumabas nga raw na babae katulad ng paglalarawan ko ay agad akong humingi ng tulong sa administration office ng subdibisyon namin para makakuha ng copy ng CCTV footage ng ganung oras, at nakita ko nga si Hannah. Sinundan ko ang bawat bakas niya at sa ilalim ng tulay natagpuan ang huling pinuntahan niya. Parang kinurot ang pu







