LOGINAlas-onse y medya ng gabi.
Balot ng nakakabinging katahimikan ang buong mansyon ng mga Demetrio. Sa labas, unti-unting bumabagsak ang pino ngunit malamig na ambon, tila nakikisimpatiya sa mabigat na atmospera na bumabalot sa buong bahay mula pa kaninang hapon.
Nakatitig lamang ako sa orasan sa gilid ng aking kama. Hindi ako mapakali.
Kanina pa nakabalik ang mag-asawa mula sa ospital. Wala akong nakuhang kahit anong detalye kay Sir Erwin nang dumating sila dahil mabilis nitong inasikaso si Ma'am Victoria at dinala ito sa kanilang kuwarto.
Ang tanging napansin ko lang ay ang namumugto at pagod na pagod na mga mata ng aking among babae, at ang hindi maipaliwanag na lungkot sa matigas na mukha ni Sir Erwin.
Binigyan ko ng gamot si Ma'am Victoria kanina ayon sa reseta ng doktor. Mahimbing na siyang natutulog ngayon.
Ngunit ako? Heto, dilat na dilat at halos hindi mapakali sa dami ng iniisip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Namamasa ang aking mga mata habang binabasa muli ang panibagong mensaheng natanggap ko mula sa aking kapatid sa probinsya.
Ate, nagpunta rito ang mga tauhan ni Don Tomas. Binigyan na lang daw tayo ng tatlong araw. Kapag hindi natin nabayaran 'yung interes na singkwenta mil, kukunin na nila 'yung lupa natin. Ate, takot na takot si Nanay. Ano'ng gagawin natin?
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, pinipigilan ang pagtulo ng mga luhang nagbabadyang bumagsak.
Singkwenta mil para lang sa interes.
Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga sa loob ng tatlong araw? Kabibigay lang sa akin ng trabahong ito. Hindi pa ako puwedeng humingi ng bale, lalo na't sapat na ang eskandalong nagawa ko sa loob ng bahay na ito.
Bumalik sa isip ko ang CCTV footage na nakita ko sa tablet ni Sir Erwin. Alam niyang pinanood ko siya sa library. Alam niyang aksidente kong nasaksihan ang isang pribadong sandali niya.
Siguradong ilang na ilang na siya sa akin.
Sa kabila ng lahat ng problemang pinagdaraanan niya sa asawa niya, dumagdag pa ako sa mga bagay na kailangan niyang harapin.
Dahil sa panunuyo ng aking lalamunan at sa bigat ng nararamdaman ko, dahan-dahan akong bumangon.
Kailangan ko ng malamig na tubig. Kailangan kong palamigin ang utak ko para makapag-isip ng solusyon para sa pamilya ko.
Binuksan ko ang p***o ng aking kuwarto nang walang anumang ingay. Madilim ang pasilyo. Tanging ang liwanag mula sa poste sa labas ng bintana ang nagsisilbing gabay ng aking mga hakbang.
Maingat akong bumaba sa grand staircase ng mansyon, iniiwasang gumawa ng kahit munting kaluskos na maaaring umalingawngaw sa tahimik na bahay.
Ngunit pagdating ko sa ground floor, papunta sana sa direksyon ng kusina, napatigil ako.
May mahinang liwanag na nagmumula sa gawi ng mini-bar, isang bukas na espasyo sa gilid ng malawak na sala na napapalibutan ng mga mamahaling alak at makikintab na babasagin.
Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong humakbang palapit at sumilip mula sa likod ng malaking poste.
At doon, nakita ko siya.
Si Sir Erwin.
Nakatayo siya sa harap ng counter ng mini-bar, ngunit malayong-malayo ang hitsura niya ngayon kumpara sa matipuno, pormal, at makapangyarihang bilyonaryong kilala ng lahat.
Ang kaniyang mamahaling suit jacket ay nakapatong nang walang ayos sa bar stool. Nakalas na rin ang kaniyang kurbata at nakasabit lamang sa kaniyang leeg.
Nakabukas ang unang dalawang butones ng kaniyang puting long-sleeved polo, at magulo ang buhok niyang karaniwang laging maayos.
Ngunit hindi ang kaniyang hitsura ang nagpatigil sa akin.
Kundi ang lungkot na bumabalot sa kaniya.
Hawak niya sa kanang kamay ang isang rock glass na may lamang whiskey.
Ngunit hindi niya ito iniinom.
Nakatitig lamang siya sa baso, tila ba naghahanap ng sagot sa isang problemang hindi niya kayang lutasin. Ang kaliwang kamay niya ay nakasapo sa kaniyang mukha, habang nakayuko siya sa harap ng counter.
Para siyang ibang tao.
Wala ang karaniwang awtoridad sa kaniyang tindig. Wala ang ekspresyong tila laging alam ang dapat gawin sa bawat sitwasyon.
Sa sandaling iyon, isa lamang siyang asawang nahihirapang tanggapin ang nangyayari sa babaeng mahal niya.
Piniga ang puso ko.
Bigla kong nakalimutan ang sarili kong problema.
Akmang aatras na sana ako. Hindi ko dapat siya nakikitang ganito. Isa itong pribadong sandali na hindi dapat panghimasukan ng isang caregiver na katulad ko.
Dahan-dahan kong inangat ang nakayapak kong paa upang umalis.
Ngunit bago ko pa man tuluyang maihakbang iyon, mahinang tumunog ang sahig na kahoy.
Isang napakahinang langitngit.
Ngunit dahil sa sobrang tahimik ng gabi, umalingawngaw iyon sa paligid. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko.
Pero hindi man lang siya lumingon.
Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa baso ng alak. Ibinaba niya ang kamay na nakasapo sa kaniyang mukha at hinawakan ang gilid ng marble counter.
Kapansin-pansin ang paghigpit ng kaniyang pagkakahawak.
At sa isang napakababa, paos, at basag na boses, binasag niya ang katahimikan ng gabi.
“Permanent na ang pagkaparalisa ng ibabang bahagi ng katawan niya, Yara.”
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ang mga salitang iyon ay tila mga yelong itinusok nang direkta sa aking dibdib. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, alam niyang ako iyon.
At sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita siya sa akin hindi bilang isang boss, kundi bilang isang asawang hirap tanggapin ang maaaring maging kinabukasan ng babaeng minamahal niya.
Wala siyang binanggit tungkol sa library. Wala siyang binanggit tungkol sa CCTV o sa nangyari sa pagitan naming dalawa nitong mga nakaraang araw.
Tanging si Ma'am Victoria ang laman ng kaniyang isip. Permanent paralysis.
Ibig sabihin, maaaring tuluyan nang nawala ang kakayahan ni Ma'am Victoria na maglakad at gumalaw nang normal dahil sa paglala ng kaniyang kondisyon.
At wala akong maisip na sasabihin kay Sir Erwin. Nanatili akong tahimik sa dilim. Wala akong mahanap na tamang salita.
Anong sasabihin ko?
Na magiging maayos din ang lahat? Na may himala?
Napakagasgas at napaka-ipokrita kung sasabihin ko iyon sa isang matalinong lalaking katulad niya na alam nang husto ang siyensya sa likod ng walang lunas na sakit ng asawa niya.
Kaya nanatili akong nakatayo roon. Dinadamayan siya sa pamamagitan ng aking tahimik na presensya, ramdam ang bigat ng pighating pilit niyang sinasarili.
Mabilis niyang tinungga ang isang baso ng whiskey bago marahang ibinaba ang baso sa counter.
Bumuntong-hininga siya nang malalim, inayos ang kaniyang postura, at muling ibinalik ang maskara ng isang malamig at matibay na haligi ng Demetrio.
Tumayo siya upang umakyat. Kailangan niyang dumaan sa pasilyo kung saan ako nakatayo para makarating sa hagdan.
Kumabog nang napakalakas ang dibdib ko habang papalapit siya. Sa bawat hakbang ng kaniyang mabibigat na sapatos, tila lumiliit ang espasyo sa pagitan namin.
Idiniin ko ang aking likod sa malamig na pader upang bigyan siya ng daan.
Paglagpas niya sa tabi ko, hindi siya nagsalita.
Ngunit sandali siyang huminto. Isang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. Dahil sa tangkad niya, tila lalo pang dumilim ang bahaging kinatatayuan ko.
Nakatagilid siya sa akin, at hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o manatili na lamang na tahimik.
Naamoy ko ang kaniyang mamahaling pabango na may halong amoy ng whiskey. Rinig ko rin ang malalim niyang paghinga.
Dug-dug. Dug-dug.
Ang puso ko ay nagwawala sa loob ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.
Sa gitna ng katahimikan, dahan-dahang lumingon si Sir Erwin.
Nagtagpo ang aming mga mata.
Saglit siyang napatingin sa akin bago bumaba ang kaniyang tingin sa aking mga labi.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kilos na iyon, pero sapat na iyon para lalo akong mataranta.
Napansin ko ang paghigpit ng kaniyang panga at ang pagkuyom ng kamay niya sa kaniyang tagiliran.
May gusto ba siyang sabihin?
O may bagay ba siyang pilit na pinipigilang ilabas?
Ilang segundo siyang nanatili roon bago humugot ng malalim na hininga at tuluyang tumalikod. Wala siyang sinabi ni isang salita.
Naiwan akong nakasandal sa pader, hindi agad makagalaw. Napahawak ako sa aking dibdib habang pilit na kinakalma ang sarili.
Diyos ko...
Ano ba itong nararamdaman ko?
***
Dalawang araw ang nakalipas mula noong gabing iyon sa library.
Dalawang araw na rin simula nang hindi ko makita ni anino ni Sir Erwin.
Ayon kay Manang, ang head kasambahay, umalis daw ito nang madaling araw kinabukasan para sa isang emergency business conference sa ibang bansa at baka abutin pa ng ilang araw bago makabalik.
Alam ko sa sarili kong baka hindi lang iyon dahil sa negosyo. Marahil ay umiiwas din siya matapos ang nangyari noong gabing iyon at ang hiya dahil sa lihim na aksidenteng nasaksihan ko.
Habang wala siya, mas lalong bumigat ang atmospera sa loob ng master bedroom.
Kasalukuyan kong pinupunasan ng maligamgam na tubig ang likod ni Ma'am Victoria. Nakahiga siya sa kaniyang tagiliran, at tila lalo pang nanghina ang kaniyang katawan mula nang malaman ang tungkol sa permanenteng paralisis ng kaniyang ibabang bahagi.
Tahimik lamang siya. Ang mga mata niya ay nakatitig sa kawalan, sa malaking bintana kung saan tanaw ang makulimlim na kalangitan.
Ang tanging naririnig sa kuwarto ay ang mahinang pag-agos ng tubig sa maliit na palanggana at ang banayad na pagdampi ng bimpo sa kaniyang balat.
“Okay na po ba ang temperatura ng tubig, Ma'am?” malambing kong tanong, sinusubukang basagin ang nakakabinging katahimikan.
Hindi siya agad sumagot. Tila ba nasa napakalayong lugar ang kaniyang isipan. Matapos ang ilang segundo, dahan-dahan siyang tumango.
“Oo, Yara. Salamat.”
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa kaniya. Awa at kalungkutan ang pumupuno sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang kaniyang sitwasyon. Napakabait niyang amo. Sa kabila ng yaman at kapangyarihan nila, ni minsan ay hindi niya ako itinuring na mababa.
“Erwin is a good man, Yara,” biglang sabi ni Victoria, binabasag ang katahimikan.
Basag at mahina ang kaniyang boses, ngunit ramdam ko ang malalim na lungkot na tila matagal na niyang kinikimkim.
Napatigil ako sa pagpupunas. Tiningnan ko siya, ngunit nanatili ang kaniyang paningin sa bintana.
“Opo, Ma'am. Nakikita ko po kung gaano niya kayo inaalagaan at pinapahalagahan,” sagot ko, pinipilit na maging kaswal ang boses kahit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagbanggit niya sa asawa.
Mapait siyang ngumiti. Isang ngiti na hindi umabot sa kaniyang mga mata.
“Mahal na mahal niya ako... at dahil doon, mas pipiliin niyang tiisin ang sarili niyang nararamdaman kaysa magtaksil sa akin.”
Bumigat ang paghinga ko. Ibinaba ko ang bimpo sa palanggana.
“Ma'am...”
“But he is a man in his physical peak, Yara,” pagpapatuloy niya, unti-unting nanginginig ang boses. “Isang lalaking nasa kasagsagan ng kaniyang lakas. At nakikita ko... araw-araw kong nakikita kung gaano siya nagsisikap na maging matatag para sa akin. Alam kong marami na ang nagbago sa buhay naming mag-asawa. May mga bagay na hindi ko na kayang ibigay sa kaniya, kahit gustuhin ko pa.”
Tuluyan siyang lumingon sa akin. Humarap siya nang may matinding hirap. Ang kaniyang mga mata ay puno ng luha, ngunit sa likod ng mga iyon ay may determinasyong hindi ko maipaliwanag.
“Alam ko ang nangyari sa library noong isang gabi, Yara.”
“I was handling it,” dugtong niya, mas mahina na ang boses. “I wanted to make sure that when I brought you back to the mansion, there wouldn't be another threat waiting outside the gate. I wanted to settle everything before asking you to trust me again.”Napahawak ako sa bibig ko.Hindi ko na napigilang umiyak nang tuluyan.“Erwin…”Agad niya akong hinila palapit at niyakap. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili sa dibdib niya, pero sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pinigilang kumapit sa polo niya.Nanginginig ang mga daliri ko habang sinasapo ang likod niya, at paulit-ulit kong sinusubukang huminga nang maayos.Hindi ko maintindihan.Hindi ko maintindihan kung paano ako nakarating sa puntong muntik ko nang takasan ang isang bagay na hindi naman pala niya balak gawin.Pero hindi rin naman kasalanan ko kung bakit ako natakot.Ako ang nagdala kay Yami. Ako ang nag-alaga sa kaniya sa bawat gabing halos hindi ako makatulog. At matapos ang lahat ng pinagdaanan ko noon, hindi ko
Lumabas siya mula sa isang bahagi ng property na natatakpan ng mga halaman at ilaw. Wala na ang coat niya, at nakasuot na lamang siya ng itim na long-sleeved polo na nakatiklop hanggang sa kaniyang mga bisig. Maayos pa rin ang kaniyang buhok, pero kapansin-pansin ang bahagyang pagkakalas ng ilang hibla nito sa noo.Nakatitig siya sa akin. Hindi siya ngumiti agad.Sa halip, ilang segundo lamang siyang nanatili sa kinatatayuan habang pinag-aaralan ang mukha ko, lalo na ang mga luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang niya ay mas nararamdaman ko ang kakaibang bigat sa aking dibdib.“Yara.”Napapikit ako.Ang boses niya ay hindi na katulad ng ginamit niya kanina sa inuupahan naming bahay. Wala na iyong matinding diin at galit. Mas mababa ito, mas maingat, ngunit ramdam ko pa rin ang emosyon na pilit niyang pinipigilan.“W-Where is my son?” tanong ko, halos hindi ko maayos ang paghinga.Agad siyang lumapit at marahang hinawakan ang magkabilang bra
Mga ilaw.Iyon ang una kong napansin.Hindi iyong karaniwang mga ilaw na nakikita sa loob ng mga mansyon o mamahaling establisimyento, kundi maliliit na warm lights na nakahilera sa magkabilang panig ng isang mahabang daanan.May mga puting bulaklak na nakapalibot sa mga ito, at sa gitna ay isang maayos na inilatag na pulang carpet na tila umaabot hanggang sa pinakadulong bahagi ng property.Napakurap ako.Hindi ko agad naunawaan ang nakikita ko. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan, hawak si Yami habang unti-unting pinag-aaralan ang bawat detalye sa harapan ko.May mga kandilang nakalagay sa maliliit na glass holders, mga bulaklak na nakasabit sa ilang arko, at mga ilaw na nakatago sa mga puno upang magbigay ng malambot na liwanag sa buong lugar.Parang hindi ako nasa isang ordinaryong private property.Parang may inihandang espesyal na okasyon.“Erwin…”Mahina kong tawag sa kaniya.Ngunit nang lingunin ko siya, wala na siya sa tabi ko.Bahagya akong napakunot-
“My baby…”Marahan kong idinikit ang pisngi ko sa kaniyang buhok. Amoy baby lotion pa rin siya, at may maliit na kamay na kusang kumapit sa daliri ko kahit tulog pa rin. Ilang segundo akong nanatiling ganoon, pilit na pinapakalma ang dibdib kong kanina pa tila gustong sumabog.“Anak…” mahinang tawag ni Nanay habang hinahaplos ang likod ko. “Wala namang masamang nangyari kay Yami.”Napatingin ako sa kaniya. May halong pagkalito at lungkot ang ekspresyon niya, at agad kong napansin na hindi rin siya komportableng makita akong ganoon.“Bakit kayo sumama, Nay?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. “Paano kung…”Napabuntong-hininga siya.“Hindi niya naman kami pinilit, anak. Kinausap niya ako. Sinabi niyang kailangan ka niyang makausap at may gusto siyang ipakita sa iyo. Sabi ko, basta kasama ko si Yami at hindi niya kami paghihiwalayin, maaari kaming sumama.”Napayuko ako.Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit dahil hindi muna niya ako natawagan o kung dapat akong magpas
YARA'S POINT OF VIEW“What?”Hindi agad gumalaw si Erwin na tila sobrang nabigla.Nakita kong bahagya muling bumuka ang mga labi niya, habang nanatilinmg nakapako sa akin ang mga matang kanina lamang ay puno ng pag-aalala. Ngunit sa halip na gumaan ang pakiramdam ko sa reaksiyon niya, lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.“Alam ko na ang lahat, Erwin,” ulit ko, mas mariing hinawakan ang strap ng bag ko. “Huwag mo nang piliting itanggi. Narinig ko at nakita ko mismo ang mga dokumento sa study mo.”Bahagya siyang napaatras. Napahawak siya sa batok at mariing ipinikit ang mga mata, tila sinusubukang intindihin kung paano ako nakarating sa ganoong konklusyon.Samantalang ako ay halos hindi na makontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Ang tanging nasa isip ko ay ang posibilidad na ilang hakbang na lamang ang layo ng araw na tuluyan nang mawala sa akin si Yami.“What documents are you talking about?” tanong niya, at mabilis na bumalik sa akin ang ma
YARA'S POINT OF VIEWSi Erwin.Nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ako halos makagalaw habang nakatayo sa may pintuan, hawak pa rin ang susi at bag na dala ko mula sa trabaho. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid at ang tanging nakikita ko ay ang lalaking nakaupo sa harapan ko, tila ilang oras nang naghihintay sa pagbabalik ko.Hindi ko alam kung paano niya kami natagpuan, ngunit ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan nina Nanay at Yami.Agad kong hinanap sa paningin ang dalawang iyon.Walang tao sa sala maliban kay Erwin.Akmang iiwan ko ang bag at mabilis na dadaan patungo sa kabilang silid nang bigla siyang magsalita.Bahagya niyang iniangat ang mukha at mas tumalim ang kaniyang titig, habang unti-unting nawawala ang anumang bahid ng pagpipigil sa kaniyang ekspresyon.“Where are you going, Yara? Why are you doing this? Why did you run away with my son?”Napahinto ako.Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at nakita kong nakatayo na siya mula sa sofa. Mab







