공유

4: Langitngit!

작가: Hiraya_23
last update 게시일: 2026-10-08 19:32:22

Alas-onse y media ng gabi.

Balot ng nakakabinging katahimikan ang buong mansyon ng mga Demetrio. Sa labas, unti-unting bumabagsak ang pino ngunit malamig na ambon, tila nakikisimpatiya sa napakabigat na awra na bumabalot sa buong bahay mula pa kaninang hapon.

Nakatitig lamang ako sa orasan sa gilid ng aking kama. Hindi ako mapakali.

Kanina pa nakabalik ang mag-asawa mula sa ospital. Wala akong nakuhang kahit anong detalye mula kay Sir Erwin nang dumating sila, dahil mabilis nitong binuhat si Ma’am Victoria paakyat sa kanilang kwarto.

Ang tanging napansin ko lang ay ang namumugto at pagod na pagod na mga mata ng aking among babae, at ang hindi maipaliwanag na dilim na nakabalandra sa matigas na mukha ni Sir Erwin.

Binigyan ko ng pampatulog si Ma'am Victoria kanina base sa reseta ng doktor. Mahimbing na siyang natutulog ngayon dahil sa epekto ng matapang na sedatives.

Ngunit ako? Heto, dilat na dilat at halos hindi makahinga sa tindi ng bigat ng aking dibdib.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Namamasa ang aking mga mata habang binabasa muli ang panibagong mensahe na natanggap ko mula sa aking kapatid sa probinsya.

“Ate, nagpunta rito ang mga tauhan ni Don Tomas. Binigyan na lang daw tayo ng tatlong araw. Kapag hindi natin nabayaran ‘yung interes na singkwenta mil, kukunin na nila ‘yung lupa natin. Ate, takot na takot si Nanay. Ano'ng gagawin natin?”

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, pinipigilan ang pagtulo ng luhang nagbabadyang bumagsak.

Singkwenta mil para lang sa interes.

Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga sa loob ng tatlong araw? Kabibigay lang sa akin ng trabahong ito, hindi pa ako pwedeng humingi ng bale, lalo na't sapat na ang eskandalong ginawa ko sa loob ng bahay na ito.

Bumalik sa isip ko ang CCTV footage na nakita ko sa tablet ni Sir Erwin kaninang umaga. Alam niyang pinanood ko siya sa library. Alam niyang nakita ko ang pagpapaligaya niya sa kaniyang sarili. Siguradong nandidiri na siya sa akin.

Sa kabila ng lahat ng problemang pasan-pasan niya sa asawa niya, dumagdag pa ang isang presensyang tulad ko na nagdala ng hiya at ilang sa pagitan naming dalawa.

Dahil sa panunuyo ng aking lalamunan at sa matinding bigat na nararamdaman, dahan-dahan akong bumangon. Kailangan ko ng malamig na tubig. Kailangan kong palamigin ang utak ko para makapag-isip ng solusyon para sa pamilya ko.

Binuksan ko ang p***o ng aking kwarto nang walang anumang ingay. Madilim ang pasilyo. Tanging ang liwanag mula sa poste sa labas ng bintana ang nagsisilbing gabay ng aking mga hakbang.

Maingat akong bumaba sa grand staircase ng mansyon, iniiwasang gumawa ng kahit munting kaluskos na maaaring umalingawngaw sa tahimik na bahay.

Ngunit pagdating ko sa ground floor, papunta sana sa direksyon ng kusina, napatigil ako.

May mahinang liwanag na nagmumula sa gawi ng mini-bar, isang bukas na espasyo sa gilid ng malawak na sala na napapalibutan ng mga mamahaling alak at makikintab na babasagin.

Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong humakbang papalapit, nagtatago sa likod ng malaking poste. At nang sumilip ako, tila biglang huminto ang pag-ikot ng aking mundo.

Si Sir Erwin.

Nakatayo siya sa harap ng counter ng mini-bar, ngunit malayong-malayo ang hitsura niya ngayon kumpara sa matipuno, pormal, at makapangyarihang bilyonaryo na kilala ng lahat.

Ang kaniyang suot na mamahaling suit jacket ay nakapatong lang nang walang ayos sa bar stool. Ang kaniyang kurbata ay tuluyan nang nakalas at nakasabit na lang sa kaniyang leeg.

Nakabukas ang unang dalawang butones ng kaniyang puting long-sleeved polo, na nagpapakita ng bahagyang tanawin ng kaniyang maskuladong dibdib na noo'y nakita kong kumikinang sa pawis.

Ngunit hindi ang kakisigan niya ang nagpatigil sa akin. Kundi ang aura ng matinding pagkawasak na bumabalot sa kaniya ngayon.

Hawak niya sa kaniyang kanang kamay ang isang rock glass na may lamang amber na likido—whiskey.

Ngunit hindi niya ito iniinom.

Nakatitig lang siya sa baso, tila ba nasa loob niyon ang lahat ng sagot sa kaniyang mga katanungan. Ang kaniyang kaliwang kamay ay mariing nakasapo sa kaniyang mukha, ang malalaki niyang mga daliri ay nakabaon sa magulo niyang buhok.

He looked completely broken. Stripped of his corporate power. Stripped of his authority.

Piniga ang puso ko. Bigla kong nakalimutan ang sarili kong problema.

Akmang aatras na sana ako. Hindi ko dapat siya nakikitang ganito. Isa itong pribadong sandali na hindi dapat panghimasukan ng isang hamak na caregiver na katulad ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking nakayapak na paa upang umalis.

Ngunit bago ko pa man maibaba ang paa ko paatras, mahinang tumunog ang sahig na kahoy.

Isang napakahinang 'langitngit', ngunit sa sobrang tahimik ng gabi, umalingawngaw iyon.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Halos tumigil ang pagtibok ng aking puso.

Pero hindi man lang siya lumingon. Hindi niya ako tiningnan.

Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa baso ng alak. Ibinaba niya ang kamay na nakasapo sa kaniyang mukha at hinawakan nang mahigpit ang gilid ng marble counter.

Kapansin-pansin ang paglabas ng mga ugat sa kaniyang braso dahil sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

At sa isang napakababa, paos, at basag na boses, binasag niya ang katahimikan ng gabi.

“Permanent na ang pagkaparalisa ng ibabang bahagi ng katawan niya, Yara.”

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ang mga salitang iyon ay tila mga yelong itinusok nang direkta sa aking dibdib.

Kahit hindi siya nakatingin sa akin, alam niyang ako iyon. At sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita siya sa akin hindi bilang isang boss, kundi bilang isang asawang nagluluksa sa unti-unting pagkawala ng kaniyang minamahal.

Wala siyang binanggit tungkol sa library. Wala siyang binanggit tungkol sa sarili niya o sa CCTV. Tanging si Ma'am Victoria lang ang laman ng kaniyang isip at ang masalimuot na katotohanang kinakaharap nila.

Permanent paralysis. Ibig sabihin, tuluyan nang kinuha ng Multiple Sclerosis ang kakayahan ni Ma'am Victoria na maglakad, gumalaw nang normal, at makaramdam sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

Nanatili akong tahimik sa dilim. Wala akong mahanap na tamang salita. Anong sasabihin ko? Na magiging maayos din ang lahat? Na may himala? Napakagasgas at napaka-ipokrita kung sasabihin ko iyon sa isang matalinong lalaking katulad niya na alam nang husto ang siyensya sa likod ng walang lunas na sakit ng asawa niya.

Kaya nanatili akong nakatayo doon. Dinadamayan siya sa pamamagitan ng aking tahimik na presensya, ramdam na ramdam ang bigat ng pighating pilit niyang sinasarili.

Mabilis niyang tinungga ang isang baso ng matapang na whiskey, tila pinapatay ang anumang emosyong nagbabadyang sumabog sa kaniyang lalamunan. Ibinagsak niya nang mahina ang baso sa counter.

Bumuntong-hininga siya nang malalim, inayos ang kaniyang postura, at muling ibinalik ang maskara ng isang malamig at matibay na haligi ng Demetrio.

Tumayo siya upang umakyat. Kailangan niyang dumaan sa pasilyo kung saan ako nakatayo para makapunta sa hagdan.

Kumabog nang napakalakas ang dibdib ko habang papalapit siya. Sa bawat hakbang ng kaniyang mabibigat na sapatos, tila lumiliit ang espasyo sa pagitan namin. Ipinagdikit ko ang aking mga likod sa malamig na pader, binibigyan siya ng daan.

Sa paglagpas niya sa gilid ko, hindi na siya muling nagsalita.

Ngunit sandali siyang huminto.

Isang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. Ang kaniyang matangkad at maskuladong bulto ay tila humaharang sa anumang liwanag na pwedeng tumama sa akin. Nakatagilid siya sa akin, ang kaniyang braso ay halos dumampi na sa aking balikat.

Sa sobrang lapit namin, sapat na upang malanghap ko ang halimuyak ng kaniyang mamahaling pabango na nahaluan ng pait ng whiskey at ng natural, mainit na amoy ng kaniyang katawan. Rinig na rinig ko ang kaniyang mabigat, pinipigilan, at nanginginig na paghinga.

Dug-dug. Dug-dug.

Ang puso ko ay nagwawala sa loob ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makalunok.

Sa sandaling iyon ng napakabigat na katahimikan, dahan-dahang bumaba ang tingin ni Sir Erwin. Mula sa aking mga matang nanlalaki sa pinaghalong kaba at awa, bumaba ang kaniyang madilim na paningin patungo sa aking mga labi.

Tumigil ang mundo ko.

Nakaramdam ako ng matinding kuryente na gumapang mula sa aking batok pababa sa aking gulugod. Ang mga labi ko ay awtomatikong bahagyang umawang dahil sa kakapusan ng hininga.

Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Ang kaniyang malaking kamay na nasa kaniyang gilid ay dahan-dahang kumuyom nang napakahigpit hanggang sa pumuti ang kaniyang mga buko.

Tila isang maling galaw lang, isang maling hininga ko lang, ay bibigay siya sa kung anumang demonyong bumubulong sa kaniyang isipan ngayon.

Ngunit ilang saglit lang. Isang matinding paghinga ang pinakawalan niya. Tinalikuran niya ako nang walang isang salita.

Naiwan akong nakasandal sa pader, nanginginig sa tindi ng hindi binigkas na tensyon. Napahawak ako sa aking dibdib, pilit na hinahabol ang aking hininga sa gitna ng madilim at malamig na pasilyo ng mansyon.

Diyos ko... ano ba itong nararamdam ko? Ano itong pinasok ko?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   18: Galit!

    Napatingin ako kay Erwin.Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa doktor, ngunit halatang wala roon ang kaniyang paningin. Ang kaniyang mukha ay tuluyan nang nawalan ng kulay, putlang-putla.Ang kaniyang malalapad na balikat na karaniwang sumisigaw ng kapangyarihan ay dahan-dahang bumagsak, tila ba dinala niya ang buong bigat ng langit at lupa sa kaniyang likuran.“Less than a year...” bulong niya, halos walang tunog na lumabas sa kaniyang bibig.“I'm sorry, Erwin. We did our best. Pwede mo na siyang bisitahin sa loob kapag nailipat na siya sa private room,” huling bilin ng doktor bago tuluyang naglakad palayo.Naiwan kami ni Erwin sa tahimik na hallway. Walang ibang tao. Tanging ang mahinang tunog ng aircon ng ospital ang naririnig.Tumingin ako sa kaniya nang may matinding awa. Gusto ko siyang lapitan.Gusto ko siyang hawakan sa braso upang ibahagi ang bigat na nararamdaman niya.Gusto kong sabihin na narito ako para sa kaniya... dahil sa loob ng

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   17: Result!

    It was there as evidence... sariwa, mapula, sumisigaw ng kataksilan, bakat na bakat sa harap mismo ng kaniyang nag-aagaw-buhay at namamatay na asawa.Napatingin ako kay Erwin. Nakita ko ang biglaang pagbaba ng kaniyang tingin sa akin.Nagtagpo ang aming mga mata sa gitna ng pagbubuhat kay Victoria.Ang kaniyang mga mata ay nanlaki nang bahagya, nakita niya kung saan nakapako ang aking paningin.Alam kong pareho kami ng nararamdaman sa mga oras na ito. Isang matinding hiya, pait, at guilt.Mabilis niyang hinila ang kaniyang polo shirt upang takpan ang marka.“Let's go! Ipantay ang stretcher! Bilisan niyo!” sigaw ng medic.Isinakay si Victoria sa ambulansya. Sumakay si Erwin sa tabi nito, habang ako naman ay sumama sa unahan kasama ang driver.Sa buong biyahe patungo sa ospital, ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng sirena... at ang nakatutulig na boses ng aking konsensya na sumisigaw na ako ay isang maruming babae.Sa ospital. ICU Waiting Room.Alas-otso na ng umaga.Dalawang oras n

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   16: Marka ng Kasalanan!

    “Khhh... ugh... khhh...”Gumagawa siya ng isang nakakapangilabot na tunog mula sa kaniyang lalamunan.Nahihirapan siyang huminga na parang nalulunod siya sa sarili niyang laway.Ang kaniyang mga kamay na paralisado ay pilit na nanginginig, sinusubukang abutin ang kaniyang dibdib na mabilis na bumababa ngunit hindi na umaangat.Jusko po! Sinusumpong siya! Inaatake ng sakit niya si Ma’am Victoria!“Diyos ko! Ma'am! Ma'am Victoria!”Nawala lahat ng pananakit ng katawan ko. Kumaripas ako ng takbo papalapit sa gilid ng kama. Nanginginig ang buong sistema ko sa tindi ng panic.Agad ko siyang binuhat nang bahagya, iniharap sa aking tagiliran upang hindi siya tuluyang mabilaukan sa sarili niyang likido.“Khhh... Ya... ra...” Ang kaniyang mga labi ay nangingitim na, walang hangin na lumalabas. Ang kaniyang matitigas na mata ay nakatitig sa akin, puno ng pagsusumamo, puno ng banta ng kamatayan.“Manang! Manang Celina! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan niyo po!” sigaw ko sa pinakamalakas na bo

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   15: Sumpong!

    Kinabukasan.May kakaibang lamig ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakaawang na bintana ng aking silid, ngunit taliwas sa lamig na iyon, ang buong katawan ko ay tila pinapakuluan sa nagbabagang apoy.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang sumalubong sa akin ay ang nakatutulig na tibok ng sarili kong dibdib at ang nakasakal na amoy sa loob ng silid.Ang amoy ng kasalanan.Ito ang pinaghalong halimuyak ng mamahaling pabango ni Erwin Demetrio, ang pait ng kaniyang pagnanasa, at ang malapot, malinamnam, at nanunuot na amoy ng aming mga katas na natuyo na sa ibabaw ng aking nagusot na kumot.“Ugh...” Isang mahinang daing ang kumawala sa aking tuyong lalamunan nang subukan kong ikilos ang aking katawan.Awtomatikong napapikit ako nang mariin habang mabilis na humawak sa gilid ng kutson.Ang aking balakang ay tila ba nabiyak, ang aking mga hita ay nanginginig sa matinding panghihina, at ang aking ibabang bahagi ay nag-iiwan ng isang mahapdi ngunit nakatutunaw na alaa

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   14: SSPG! MABAGSIK!

    “AHHH—! MMMMPH!”Napasigaw ako nang malalim dahil sa biglaang pagkapuno at kirot, ngunit mabilis na isinubsob ni Erwin ang kaniyang mukha sa aking leeg, nilunok ang hiyaw ko habang ang kaniyang balakang ay nagsimulang gumalaw nang mabilis at pabalik-balik.Napakasikip!Pakiramdam ko ay mapupunit ako sa tindi ng kaniyang laki. Nagsimula siyang bumayo nang sunod-sunod.Malalim. Marahas. Mabilis. Parang magkakalasog-lasog ang bawat bahagi ng katawan ko sa sobrang bagsik niya.Pilit kong kinakagat ang sarili kong mga daliri upang hindi makagawa ng ingay, habang si Erwin naman ay walang-awang humahampas, tila walang pakialam kung marinig ng kabilang kwarto ang tunog ng kaniyang marahas na pag-k*dyot.Ang kaniyang bawat ulos ay tumatama sa aking kaibuturan, nagpapadala ng matinding kiliti na unt-unting gumapang sa sistema ko.Hindi pa ako nakakabawi sa tindi ng unang sensasyon nang bigla niya akong iwanang bitin.Humugot ako ng malalim na hininga, nanginginig ang mga binti habang pinapanood

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   13: Kiliti!

    Bago pa ako makatugon, marahas na niyang sinunggaban ang mga labi ko sa isang halik na walang pasubali—mas agresibo, mas mabigat, at puno ng kakaibang pagkauhaw na parang hindi siya nabusog sa ginawa namin kagabi sa study room.Ang mga kamay niya ay mabilis na gumapang sa ibaba. Walang kahirap-hirap niyang itinaas ang manipis na tela ng suot kong pantulog hanggang sa malantad ang aking mga hita. Ang mga magaspang at mainit niyang palad ay dumampi at humaplos pataas, direktang sumalubong sa gitna ng aking pagkababae na agad namang nagrehistro ng matinding basa at init.“F*ck… you’re wet, Yara,” garalgal niyang usal sa pagitan ng aming mga halik.Ang mababa, paos, at nanginginig na boses ni Sir Erwin ay parang malamig na hanging humaplos sa aking balat, ngunit kabaligtaran nito ang nag-aapoy na init na biglang sumabog sa aking dibdib.Ang kaniyang mga salita ay may bigat ng kaniyang pagpipigil, parang isang utos na nagmula sa pinakamalalim na bahagi ng kaniyang nagwawalang sistema.Bago

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status