LOGINBukas po ulit
“Victoria was barely breathing, Yara! I watched them rush her into the emergency room, and I had no fucking idea what was going to happen to my wife!” Napasinghap siya, tila hirap na hirap lunukin ang bigat ng mga salitang iyon. “I was terrified. I was furious. I couldn't even think straight because I kept seeing her face when she could barely breathe!”Sandali siyang natigil. Napayuko siya at mariing napahawak sa kaniyang batok.“And then I come back here...” Muli niyang itinaas ang mukha. “And what do I see? Another man holding you. Touching you. Kissing you like he has every right to do it!”Napatingin ako sa kaniya. Doon ko nakita ang isang bagay na hindi ko inaasahang maririnig mula sa kaniya—hindi lamang galit, kundi isang matinding pagkadismaya sa sarili.“I'm going insane,” mariin niyang sambit. “Do you understand that? I'm fucking losing my mind!”“Sir...”“I don't even know what I'm supposed to feel anymore!” Napasinghap siya at muling kinuyom ang kaniyang mga kamay. “My wife
“Come here.”Hindi ako agad nakagalaw. Hindi dahil hindi ko narinig ang utos niya, kundi dahil sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin.Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mas nangingibabaw sa mukha niya—galit, selos, o isang matinding pagkadismaya na pilit niyang kinokontrol. Ngunit nang hindi ako agad tumayo, mabilis siyang lumapit at hinablot ang aking braso.“Sir!”Hindi niya hinawakan ang sugatan kong kamay, pero napakahigpit ng pagkakahawak niya sa aking braso. Halos mawalan ako ng balanse nang hilahin niya ako palayo sa sofa. Mabilis akong napalingon kay Carlos, ngunit bago pa ito makakilos ay nagsalita na si Erwin.“Don't.”“Sir, she's still injured—”“I said don't, Carlos!”Napahinto si Carlos. Samantalang ako, halos hindi makasabay sa mabilis na paghakbang ni Erwin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero ramdam na ramdam ko ang init ng galit niya sa bawat paghila sa akin.“Sir, masakit po! Wait!”Tila saka lamang niya naalala ang mga sugat ko. Bahagya siyang huminto,
“I know there's something between you and Sir Erwin.”Parang biglang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gusto kong tanggihan ang sinabi niya, pero hindi ko rin magawang salubungin ang kaniyang mga mata.Sa dami ng nangyari, sa mga paratang ni Krizzy, at sa paraan ng pagtrato sa akin ni Sir Erwin, marahil hindi na rin talaga iyon kayang itago sa mga taong palaging nasa paligid namin.“Carlos...”“You don't have to explain anything to me, Yara.”Napayuko ako. Hindi ko alam kung gaano karami ang alam niya o kung ano mismo ang iniisip niya tungkol sa aming dalawa. Pero hindi siya nagtanong pa. Hindi niya ako pinilit na magsalita, at sa halip ay hinayaan niya lamang akong manahimik.“I just want you to know that I won't judge you.”Lalo akong nahiya. Hindi ko alam kung bakit mas mabigat iyon kaysa sa anumang tanong na maaari niyang ibato sa akin.Hindi ko naman gustong mapunta siya sa ganitong sitwasyon. Hindi ko gustong masangkot siya sa isang bagay na hi
“Pero, Sir—”“I said no, Yara!” Umalingawngaw ang boses ni Sir Erwin sa silid. “Look at your hand. You can barely stand!”Napaatras ako nang bahagya. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng boses niya o sa nakikita kong matinding pag-aalala sa mukha niya.Gusto ko pa ring igiit na kaya kong sumama, pero nang mapatingin ako sa duguan kong palad at sa sugat sa tuhod ko, napagtanto kong hindi rin ako makakatulong nang maayos sa kalagayan ko ngayon.“Pero si Ma'am po...”“She has me. Her brother is coming with us, and the medical team is waiting. You need to have those wounds treated.”“Pero ako po ang nag-aalaga sa kaniya, Sir. Kailangan niya—”“Yara!” Napahigpit ang pagkakahawak niya kay Ma'am Victoria. “Don't make this harder than it already is!”Napahinto ako. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Gusto kong sumama sa kanila, pero nang maalala ko ang mga reporter sa labas at ang eskandalong ipinakakalat ni Krizzy, kusa akong napayuko.Kapag nakita nila akong sumunod kay Sir Erwin
“Carlos, tell Santos to call an ambulance! Sabihin mong emergency! Now!” sigaw ko habang inaayos ang pagkakaupo ni Ma'am Victoria.Sinigurado kong naka-lock ang wheelchair at nanatiling nakataas ang kaniyang likod para hindi mas lalong mahirapan ang paghinga niya.Maingat kong niluwagan ang shawl sa kaniyang leeg at inalis ang anumang maaaring makasagabal sa dibdib niya.Hindi ko siya pinilit uminom ng tubig o uminom ng kahit anong gamot. Ang mahalaga ngayon ay mapanatili siyang responsive at mabantayan ang bawat paghinga niya hanggang sa dumating ang medical team.“Victoria, stay with me!” narinig kong sigaw ng kaniyang kapatid habang pilit na lumalapit.“Sir, please, give us some space!” mariin kong utos nang makita kong halos natatakpan na niya ang paligid ng wheelchair. Hindi ko na inisip kung paano siya magre-react. Wala akong oras para makipagtalo. “Kailangan ko siyang ma-assess. Carlos, keep him back!”Agad na pumagitna si Carlos kay Arturo habang hawak pa rin ang radio unit. “S
“Kuya Arturo?”Doon ko lamang nalaman kung sino ang lalaki. Kapatid pala siya ni Ma'am Victoria. Hindi ko siya nakilala at ngayon ko lamang siya nakita sa buong panahon ng pagtatrabaho ko sa mansyon. Ngunit sa halip na magpakita ng tuwa, tila nabigla pa ang among babae ko sa biglaang pagdating nito.“Why are you here?” tanong ni Ma'am Victoria.“That's the first thing you're going to ask me?” Mabilis na napatingin ang lalaki sa kaniya. “Your name is all over the news, Victoria. Do you have any idea how humiliating this is?”“Kuya, not now.”“Not now? When, then? When the whole country has seen what your husband has been doing behind your back?”Napayuko ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit kay Ma'am Victoria o manatili na lamang sa tabi ng tray. Hindi ko rin alam kung gaano karami ang nalaman ng kapatid niya tungkol sa mga nangyayari. Pero sa paraan ng pagsasalita nito, halatang hindi siya pumunta rito para lamang mangamusta.“Those are accusations,” mahinahong sagot ni Ma'a







