Share

Kabanata 2596

Author: Lord Leaf
Habang nagsasalita siya, pabirong sinabi ni Yolden, “Siya nga pala, Mr. Wilson, mukhang nasa limampung taon ka na, tama?”

“Oo. 50 years na ako.” Sumagot si Jacob habang tumango.

Ngumiti si Yolden bago sinabi, “Kung gano’n, hindi mo ako matatawag na binata. Ilang taon akong mas matanda sa iyo. 50 years old na ako ngayong taon.”

“Ano?!” Tinanong ni Jacob dahil nagulantang siya. “55 years old ka na ngayon?!”

“Oo.” Ngumiti si Yolden habang sinabi, “Ipinagdiwang ko ang 55th birthday ko sa January ngayong taon.”

Biglang medyo naging pangit ang ekspresyon sa mukha ni Jacob.

Hindi ito dahil sa galit, ngunit dahil sa inferiority complex ni Jacob.

Sa una ay akala ni Jacob na nasa 45 years old pa lang si Yolden. Pero, hindi niya talaga inaasahan na mas matanda ng limang taon ang lalaking ito sa kanya!

Sa sandaling ito, tumingin si Yolden kay Matilda bago siya tinanong, “Siya nga pala, Matilda, dahil kailangan mauna ni Mr. Wilson dahil nagmamadali siya, ikaw naman? Nagmamadali ka rin bang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6433

    Samantala, walang kaalam-alam si Raymond na siya ay pinagtutuunan na ng pansin mula nang makabalik siya sa Antique Street.Nakarating na siya sa gitnang bahagi kung saan nakahanay ang mga tatlong-palapag na gusali, ang pinakamalaki sa buong kalsada, at kung nasaan ang Vintage Deluxe.Hindi pa ito sarado dahil tradisyon sa Antique Street na maaga nagbubukas ang mga stall sa umaga at nagsasara sa hapon. Sa kabilang banda, mas huli namang nagbubukas at nagsasara ang mga shop.Sa dalawa o tatlong oras na agwat, napupunta muna sa mga panlabas na stall ang mga customer na mas mababa ang kakayahang bumili o ang mga tumitingin lang. Pag-alis nila, saka naman dumarating ang mga tunay na mamimili na may totoong pambili.Pagdating ni Raymond sa harap ng Vintage Deluxe, katatapos lang ni Mick sa pagpupulong nila ng mga empleyado, at tinapos niya ito sa tanong na, “May gagawin ba ang kahit sino ngayong gabi?”Sabay-sabay silang umiling at sumagot, “Wala!!!”Tumango si Mick. “Kung ganoon, mag-

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6432

    Pero, natapos na ni Raymond ang utos na ibinigay sa kanya ni Curtis noon pa, kaya wala siyang balak na manatili sa Aurous Hill at hindi siya nagsisisi kahit pinipilit siya ni Jasmine. Kaya naman nasabi niya agad na magbibitiw siya, at hinikayat pa niya si Jasmine na palayain siya kahit masakit para sa kanila.Kaya ngayon natatakot si Mick na baka bumalik si Raymond para bawiin ang posisyon niya bilang manager.“Bantayan mo siya para sa akin,” sinabi niya kay Trippy. “Sabihin mo agad sa akin kung may mangyari—babayaran kita.”“Sige!” agad na sumagot si Trippy. “Huwag kang mag-alala—tatawagan kita agad kung may mangyari.”Nang matapos ang tawag ni Trippy, tinipon ni Mick ang iilang empleyado ng Vintage Deluxe.Lahat sila ay malalapit niyang kakampi na inihanda niya mula noong siya ang pumalit sa Vintage Deluxe. Kahit hindi nagtagumpay si Mick sa negosyo, nagtagumpay siya sa pagbuo ng sariling puwersa niya.Tinanggal na ang sinumang hindi sumusunod sa utos niya, at ang mga natira ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6431

    Matagal na palang sinasabi ng mga accountant ng Moore Group na dapat nang isara ni Jasmine ang Deluxe Vintage at iba pang negosyo na may kinalaman sa mga antique.Dahil, ang Aurous Hill ay hindi naman sentro ng negosyo ng mga antique sa bansa—ni hindi nga ito itinuturing na hub, kaya imposible talagang umunlad doon ang Vintage Deluxe.Bukod pa roon, hindi rin maganda ang kita ng kumpanya.Kahit hindi naman tuluyang bumagsak ang negosyo mula nang pamunuan ito ni Mick, hirap pa rin silang kumita dahil sa kakulangan ng karanasan ng buong management team.Para naman sa mga accountant, ang pagpapatuloy ng Vintage Deluxe ay walang ibang kahulugan kundi kawalan ng kita—o mas malala pa, pagkalugi. Sa ngayon, pwede pa nila itong ibenta nang maayos at kumita dahil sa kombinasyon ng asset at brand value. Pero kapag nagsimula na itong malugi at bumaba ang reputasyon ng tatak, mawawala na rin ang kabuuang halaga nito.Sa madaling salita, nasa alanganin na ang halaga ng Vintage Deluxe—kung ibeb

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6430

    Ang tinutukoy na Mr. Crane sa kabilang linya ay si Mick Crane—ang kasalukuyang manager ng Vintage Deluxe, at isang taong gustong lapitan ng lahat sa Antique Street.Noon ay assistant manager lang ni Raymond si Mick, at masasabi na katamtaman lang ang galing niya sa pagbebenta ng mga antique. Pero dahil sa palakaibigan niyang ugali, marami siyang naging kakilala at koneksyon sa Antique Street.Kaya noong tinanggal ni Jasmine si Raymond, si Mick ang pumalit bilang pansamantalang manager. Alam din ni Jasmine na hindi ganoon kagaling si Mick bilang isang manager, kaya balak lang talaga niyang maging tagapangalaga si Mick hanggang makahanap si Jasmine ng mas mahusay.Nang mas lumakas ang koneksyon niya kay Charlie at nagsimula siyang tumulong sa kanya, biglang tumaas ang posisyon ni Jasmine sa pamilya nila. Pero dahil doon, hindi na niya natututukan ang karamihan ng operasyon sa Vintage Deluxe.Ngayong siya na ang pinuno ng pamilya Moore at namumuno sa isang dinastiyang bilyon ang halag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6429

    Bukod pa roon, may iba’t ibang trabahong konektado sa mga antique ang dating pagkakakilanlan ni Raymond.Kaya ang plano niya ngayon ay pumunta sa Antique Street, maghanap ng lugar para makapagpahinga, at pagkatapos ay kumuha ng tindahang katamtaman ang laki at mura ang renta para makapagsimula ng negosyo sa Aurous Hill.Pumunta siya sa precinct sa Antique Street para iparehistro ang mukha niya at iba pang detalye niya sa database, bilang patibay sa legal na dokumento niya. Pagkatapos, binigyan siya ng visa ng precinct para makapanatili muna siya sa isang hotel.Karamihan sa mga tindahan sa Antique Street ay nagsasara na nang lumabas siya sa perecinct, pero kinuha niya ang kanyang backpack at naglakad-lakad muna.Hindi naman gaanong nagbago ang lugar kumpara noon, kahit akala niya noon ay hindi na siya makakabalik pa rito…Pero, hindi pa siya gaanong nagtatagal doon nang may isang tindero na nakapansin sa kanya at nagulat. “Uy! Hindi ba ikaw si Mr. Cole? Mula sa Vintage Deluxe? Kai

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6428

    Nagkibit-balikat si Jacob. “Kung bayad na ang utang ni Hannah, ayos na siya ngayon, hindi ba?”“Oo,” sagot ni Elaine. “May nabalitaan ako mula sa dating kaibigan mga dalawang araw na ang nakalipas. Sabi niya, naipasa na raw ang dokumento ng non-arrest… o non-prosecution, kung ano man tawag doon. Kapag naaprubahan iyon, makakauwi na siya.”“Siguro ay non-prosecution,” sinabi ni Charlie.“Tama, iyon ata!” tumango nang paulit-ulit si Elaine sabay buntong-hininga na may inis. “Sobrang gaan ng naging kaparusahan niya. Dapat ikulong siya ng kahit sampung taon.”Napabuntong-hininga si Jacob. “Sige na, mahal—mali nga sina Mama at Chris, pero grabe na rin ang pinagdaanan nila ngayon. Wala namang dahilan para ipanlangin na mas lalo silang maghirap dahil hindi pa rin makapagtrabho sina Harold at Chris dahil sa mga sugat nila. Nabubuhay pa sila dahil sa kinikita ni Wendy, kung hindi, hindi sila mabubuhay.”Pero dahil natatakot siya na magagalit si Elaine at isipin niya na kumakampi siya sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status