Share

Chapter 2

DAMN! Galit na sabi ni Zak sabay balibag ng pinto ng kanyang silid. Marahas na hininga ang kanyang pinawalan dahil bumabalik na naman ang sakit na naramdaman niya. Pagkaraan ay napatingin siya sa wedding portrait nila ni Irene, na kahit na inamin nito sa sulat na pinagtaksilan siya ay hindi pa rin niya magawang ialis iyon.

Ganoon ba ito kamahal?

Ang sagot sa katanungan niya ay kitang-kita niya sa kanilang larawan. Ang mga mata niya roon ay parang Christmas light na nag-iilaw at ang pagkakangiti niya ay mas matamis pa sa honey. Katulad din ng ngiting nakikita niyang kislap sa mga mata ni Irene at sa lapad ng pagkakangiti nito.

Perfect couple.

Alam niyang ang salitang ‘perfect couple’ ay hindi lang tumutukoy sa panlabas nilang anyo kundi sa tunay na nararamdaman nila para sa isa’t isa. Ngunit, bakit bigla na lang naglaho ang pag-ibig sa kanya ni Irene gayung lahat naman ay ibinigay niya rito? Hindi rin naman siya nagkulang sa sex para maghanap ito ng iba.

Shit! Bakit mo nagawa sa akin ito, Irene? Nanggigigil niyang tanong habang binabalikan sa isip ang kanilang nakaraan.

HINDI man ito ang unang pagkakataon ni Zak makakita ng pagkaganda-gandang babae, pero ngayon lang siya nakaramdam ng pagkatulala dahil tumatakbo ito patungo sa kanyang direksyon at huminto sa kanyang harapan. Hindi niya tuloy napigilang itanong sa sarili, isa ba itong diyosa o anghel? Mahaba ang itim na itim nitong buhok na tumatabing sa maliit at hugis puso nitong mukha na binagayan ng mala-diyamanteng mga mata na may mahahabang pilik, matangos na ilong at manipis na mapupulang mga labi. Tantiya niya’y nasa 5’8” ang height nito at balingkinitan ang katawan.

"Irene.."

Pamilyar sa kanya ang boses ng tumatawag pero hindi niya magawang balingan iyon dahil hinawakan ng babae ang kanyang mukha at sinabing, "Pasensya ka na sa gagawin ko pero kailangang-kailangan talaga, eh," tapos naramdaman na lang niyang nag-landing ang labi nito sa kanyang labi.

Damn, inis niyang sabi.

Magkalapat lang ang kanilang mga labi pero hindi niya mapigilan ang naglalagabgab na apoy na lumukob sa kanyang katawan, Kaya naman, hindi niya napigilan na tugunin ang halik nito at alam niyang labis na ikinabigla iyon ng estranghera kaya nanlalaki ang mga mata nito ngayon at bahagya pang nakaharang ang mga kamay nito sa kanyang dibdib.

"Anong ibig sabihin nito, Zak?" malamig na tanong.

Bago niya balingan ang kapatid ay tiningnan muna niya ang babae. Ang tingin nito ay puno ng pakiusap kaya naman bumaba ang kamay niya sa baywang nito. "She's my girlfriend."

"Really?" parang hindi makapaniwalang sabi ni Benjamin pero nandoon ang galit.

"Siguro naman ngayon ay maniniwala ka na?" wika ng babae. "Hindi na ako available kaya hindi mo na ako pwedeng ligawan."

Hindi kumibo si Benjamin. Bigla na lang tumalikod at umalis. Nang mawala na sa paningin nila si Benjamin ay bigla naman kumalas ang babae sa kanya. Napangiti siya dahil para itong napaso sa pagkakadikit sa kanya. Naisip niya kasi na pareho lang sila ng naramdaman. Iyon nga lang, sa panig niya ay parang ayaw na niya itong bitawan pa

"I'm sorry kung ginamit kita, ah. Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa maiiwasan si Dok Benjamin. Masyado na lasi siyang makulit na para bang ako lang ang babae sa mundong ito," wika nito sabay hagikgik.

Lumapad ang ngiti niya. "Alam ko kung gaano kakulit ang utol ko kapag talagang nagustuhan niya ang isang tao o bagay,"

Nanlaki ang mga mata nito sa sobrang pagkabigla. Natutop din nito ang bibig kaya naman hindi niya nasilip kung napanganga pa ito o nanlaki ang butas ng ilong. Basta ang alam niya kahit na biglang-bigla ang hitsura nito ay magandang-maganda pa rin ito sa kanyang paningin. Weakness din naman kasi niya ang babaeng may tuwid at mahabang buhok.

"Utol? Kapatid mo siya? Si Benjamin?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Mas matanda siya at mas guwapo ka." wika nito saka biglang napangiwi. Parang bigla itong nahiya kaya iniwas ang tingin sa kanya.

Kahit naman maraming babae ang nagkakagusto sa kanya ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang kasiyahan sa papuri ng isang babae. At alam niya ang dahilan. May nararamdaman din siya rito. Napakaganda naman kasi nitong talaga kaya naman nakalimutan niya na nagpunta siya sa clinic  ng kapatid dahil gusto niyang i-treat man lang ito ng lunch.

Hindi man sila magkapatid na buo ay iisa pa rin ang kanilang pinanggalinggan -- ang kanilang ina. Para sa kanya ay sapat na iyon para maging close sila. Kaya nga lang, dama niyang kaagaw ang tingin sa kanya ng nakatatanda niyang kapatid at alam niyang mas madadagdagan pa ang hinanakit nito sa kanya dahil sa babaeng kanyang kaharap.

"Yes, I'm Zacharias Zapanta. Zak for short." wika niya sabay lahad ng kamay.

Inabot naman nito ang palad ngunit salubong ang kilay. "Zapanta. Ginu-good time mo naman ako. Iba naman ang apelyido mo."

"Half brother ko si Benjamin. Magkapatid kami sa ina."

"Ah."

"Can I invite you for lunch, Irene?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. Habang hinihintay niya ang sagot nito ay parang ayaw niyang huminga Bukod sa hindi siya sanay na tinatanggihan ay ayaw niyang mabigo. Masyadong malakas ang dating sa kanya ng babae kaya ayaw niyang makatanggap ng rejection mula rito.

"Alam mo na pangalan ko?"

"Narinig kong tinawag ka ni Benjamin ng Irene."

"Okay. By the way, Santos ang apelyido ko."

"Irene Santos," bulalas niya sa parraang kinakabisado ng maigi ang pangalan nito.

"Yes."

"So, is it yes? Almost 12 na rin."

Saglit itong nag-isip. "Since my utang na loob akong dapat na tanawin sa'yo, I will say yes."

"ANG dami mo namang in-order."

Matamis na matamis ang ngiti ni Zak habang inilalagay ng service crew ng Greenwich ang mga pagkain sa kanilang harapan -- dalawang family size na pizza, lasagna, chicken with rice at large softdrinks. "Para matagal tayong makapagkwentuhan Hindi tayo pwedeng umalis dahil bawal magsayang ng pagkain. Maraming nagugutom."

"Baka naman abutin tayo ng gabi dito," humahagikgik nitong sabi.

Oh, God! Parang gusto niya itong dukwangin at bigyan ng mabilis na halik sa labi. Ngunit, kinailangan niyang magpigil sapagkat baka bigla na lamang itong mag-walkout at hindi na magpakita sa kanya. Sa kaisipang iyon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot.

Si Zacharias Zapanta makakaramdam ng takot?

Kung malalaman lamang ng Papa niya ngayon ang nararamdaman niya siguradong nabulyawan na siya nito. Ayon kasi rito, wala siyang dapat na katakutan dahil kahit ang buhay ng iba ay kayang-kaya niyang bilhin dahil isa siyang Zapanta. Ngunit, hindi ganoon ang kanyang paniniwala. Alam niyang ang emosyon ng tao ay hindi mabibili ng salapi.

"Puwede naman hanggang magsara itong restaurant." Nakangiti niyang sabi dito. Talagang ipinakita pa niya rito ang pinaka-charming niyang ngiti. Nais niyang ang maging impresyon nito sa kanya ay isa siyang mabuting tao.

"Hindi naman tayo aabutin ng alas-diyes. Paborito ko rin naman kasi itong pizza," wika nito sabay subo.

Sa ginawi nito ay hindi niya napigilan ang mapangiti.Karamihan kasi sa mga babaeng idini-date niya ay sobrang kimi. Ginagamitan pa ng kutsilyo at tinidor ang pizza kahit fingerfood naman ang pagkain ngunit ang kaharap niya ay ngayon ay balewala kung maglagay ng hot sauce sa pizza at sumubo.

Hindi tuloy niya napigilan ang mapalunok. Bigla kasi niyang naisip na ang mga babaeng mahihilig sa maaanghang ay mainit din sa sex. Kaya naman hindi niya maiwasan na itanong sa sarili kung paano kaya itong makipag-sex. Sa kaisipang iyon,hindi napigilan ni Zak na muling mapalunok. Talaga naman kasing nakapag-iinit ng pakiramdam na maangkin niya ito -- buong puso't kaluluwa.

Kung nasa ibang pagkakataon lang siya ay tiyak niyang pagtatawanan niya ang sarili dahil nga hindi siya ang tipo ng tao na hindi naniniwala sa pag-ibig. Para nga sa kanya ay isang kalokohan lang iyon na pinaniniwalaan ng marami dahil ayaw lang nilang maamin sa sarili nila na libog lang ang nararamdaman nila sa taong kanilang nagugustuhan. Kaya lang, nag-iba ang nadarama niya ngayon sa kaharap. Hindi lang sex ang gusto niyang makuha rito.

Ibig niya itong makasama.

Ibig niya itong makilala.

Ibig niyang alagaan ito.

Ibig niyang protektahan.

At ibig niyang ibigin siya.

Ang baduy mo, Zacharias Zapanta!

"Di oorder tayo ulit," nakangiting sabi niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito. Marahil hindi makapaniwala sa kanyang sinabi o dahil sa hindi makapagsalita dahil puno ng pizza ang bibig. . "Mukha ba akong matakaw? Well, totoo naman lalo na kung may kasama akong kumakain, Mas masarap naman kasi talagang kumain ng may kasama. Iyong parang may may kaagaw ka," wika nito sabay hagikgik taos sumubo naman ng lasagna.

She's so cute!

"Ang sarap naman pakinggan ng tawa mo." Nakangiti niyang sabi. Hindi niya magawang alisin dito ang kanyang tingin. Weird, pero, pakiramdam niya ay ayaw na niyang mawalay pa rito.

"Para bang hagikgik ng mangkukulam?"

Natawa siya hindi lang dahil sa sinabi nito kundi dahil arang gusto niya itong alukin ng kasal ng mga sandaling iyon. "Ang ganda mo namang mangkukulam."

"Bolero ka talaga." nakairap nitong sabi pero abot tenga naman ang ngiti.

"So, ayaw mo talaga sa kapatid ko?" tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Alam niyang magagalit na naman si Benjamin sa kanya dahil isa na naman sa gustung-gusto nito ang napasakanya.

Hey, hindi kayo totoong magkarelasyon, paalala niya sa sarili.

"He's nice." Nakangiwi nitong sabi na para bang may gustong itago sa kanya, naging mailap din ang tingin nito sa kanya.

Napakunot tuloy ang kanyang noo dahil para bigla itong kinabahan."Hindi naman 'yan ang tanong ko."

Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. "Okay, hindi ko talaga siya type."

"Kasi mas matanda siya sa'yo?"

"Hindi lang iyon. Talagang wala akong feelings sa kanya."

"Good."

“Bakit good?" nagtatakang tanong niya rito.

"Kasi I like you. Gusto kong maging boyfriend mo...talaga," mariin niyang sabi sa huling kataga para makita nito ang kanyang kaseryosohan.

"Ang bilis mo naman."

"Honest lang ako. Sana pareho lang tayo ng nararamdaman," aniyang hindi halos humihinga. Para kasing hindi niya gugustuhing mabigo sa babaeng ito.

"Hindi mo naman siguro hihilingin na maging tayo na, ano?"

"Hindi naman syempre gusto ko sigurado ka kapag sinagot mo na ako para siguradong hindi mo na ako hihiwalayan kahit kailan.”

"Lahat ba ng nagugustuhan mong babae ay ganyan ang sinasabi mo?" maang nitong tanong sa kanya.

"Hindi. Ikaw lang," seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

"Bakit?"

"Na-adik yata ako sa halik mo."

"May gayuma ba ang halik ko?"

Hindi niya nagawang sagutin ang tanong ni Irene nang mapatuon ang tingin niya sa labas ng restaurant. Nakita niya kasing nakatayo si Benjamin doon habang matiim na nakatingin sa kanya. Masyado niya itong kilala kaya alam niya ang klase ng emosyon na ipinapakita nito sa kanya -- pagkapoot at pagbabanta.

Hindi naman siya natatakot dito dahil alam niyang wala itong gagawin sa kanya ngunit masyado niyang kilala ang pag-uugali nito para hindi siya makaramdam ng takot para kay Irene.

"Why?" nagtatakang tanong sa kanya ni Irene nang hagilapin niya ang kamay nito saka pisilin niya ng mariin.

Gusto niyang sabihin dito na hindi niya ito pababayaan kahit na anong mangyari pero parang nalulon niya ang kanyang dila. "Benjamin is here," halos pabulong niyang sabi,

"Oh my God," gilalas nitong sabi matapos lumingon at ibalik ang tingin sa kanya.

"Natatakot ka ba sa kanya?" kunot-noong tanong niya rito kahit alam na niya ang sagot.

"Para na kasi siyang stalker kung umasta. Lagi siyang nakasunod sa akin. Kapag naman sinabihan ko siya aalis lang sandali pero maya-maya nandyan na naman. Parang walang kapaguran. Ayaw din niyang intindihin ang sinasabi ko na tigilan na niya ang panliligaw sa akin dahil hindi ko siya magugustuhan kahit anong gawin niya."

"Hindi talaga kita pwedeng pabayaan." nahagilap niyang sabihin pagkaraan."Lalo na ngayong alam niya na ako ang karelasyon mo."

"Para naman sinasabi mong delikadong tao ang kapatid mo."

Mataman niyang tinitigan ito. Ayaw naman niya itong mas takutin kaya hindi niya masabing may ugali si Benjamin na hindi tumitigil kapag na-obsess sa isang tao. Sa palagay kasi niya’y obsesyon na rin ni Benjamin na mapabagsak siya. "Kahit sinong tao, kahit pa mistulang anghel, napipigtal din ang katinuan."

Ayaw naman niyang siraan dito si Benjamin pero kilala niya ang kanyang kapatid. Gugusuhin nitong makuha ang lahat ng bagay na maibigan nito. Iyon nga lang, hindi nito magagawa ang mga iyon kung gusto rin niya. Siya naman kasi ang tipo ng taong hindi gugustuhing pawalan ang mga bagay na nagustuhan din niya kaya lalo siyang hindi magpaparaya kung ito ang taong una niyang nagustuhan.

"Tinatakot mo naman ako."

"Kaya nga andito ako para lagi kitang protektahan."

"Nag-a-apply ka ba bilang bodyguard  ko?" humahagikgik nitong tanong sa kanya.

God, ang sarap pakinggan ng kanyang tawa. Parang gusto na niyang marinig iyon araw-araw.

"Totohanin natin ang pagiging pag-boyfriend girlfriend," wika niya matapos niyang hagilapin ang palad nito.

"KAKAKILALA lang natin."

Lumapad lalo ang ngiti niya sa isinagot nito. Ngayon niya nakumpirma na pareho lang lang sila ng nararamdaman. Kung wala kasi ito ni kapiranggot na pagtingin sa kanya ay magiging nadali lang lang dito na bastedin siya. Saka malinaw na pag-aalala lang ang naaaninag niya sa boses nito.

"Sa tingin mo ba masamang tao ako?" tanong na lang niya.

"No. Alam kong mabait at mapagkakatiwalaan ka. Hindi ko naman sinasabi sa'yo ito dahil nagawan mo ako ng pabor pero I know you are. Siguro dahil sa writer ako kaya nasasabi ko kung ano siyang klaseng tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanyang mga mata."

"Writer ka pala."

"Romance writer."

Nang ngumiti ito, napangiti rin siya. Ewan niya kung bakit bigla siyang nahawa. "Anong pen name mo?"

"Irene Santos."

"Hindi masyadong bagay."

"Gusto ko kasing real name ang ilagay ko."

"Alam mo kung ano ang mas bagay?" nakangiting tanong nito.

"Ano?"

"Irene Zapanta," wika niya sabay kindat. Nang araw na iyon ay ipinangako niya sa sarili na di niya ito kailanman pawawalan pa.

"SI Irene ba ang dahilan ng pag-inom mo?"

Malinaw na malinaw na narinig marinig ni Zak ang tanong na iyon ng kanyang Mama pero binalewala niya. Ayaw sana niya itong sagutin at ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pag-inom ngunit narinig niya ang malakas nitong pagbuntunghininga na para bang sobrang nasaktan sa pambabalewala niya. Bigla tuloy siyang nakonsensiya kaya hinarap niya ito. After all, kailangan din naman talaga niya nang makakausap. Dahil kahit ubusin pa niya ang alak sa kanyang mini bar ay hindi pa rin mawawala ang sakit na nararamdaman niyang ilang taon ng namamahay sa kanyang dibdib

"Bakit ba hindi ko siya makalimutan?" naiinis niyang tanong.

"May anak kayo. Kapag tinititigan mo si Red, siguradong si Irene ang naaalala mo."

Uminom siya. Hindi na niya kailangang sabihin sa ina na mas naalala niya si Irene dahil sa asawa ng kanyang kaibigang si Nathaniel.

"Wala ka bang planong hanapin siya?"

"Mahirap hanapin ang taong ayaw na magpakita. Sa sobrang pagtatago nga niya kinalimutan na rin niya ang pagsusulat niya. O baka naman nagtago siya sa ibang pen name para hindi ko na siya mahanap pa."

"Hinahanap mo pa ba siya?" marahang tanong nito sa kanya.

"Mula ng matanggap ko ang sulat niya, hindi ko na siya hinanap. Huwag na huwag lang siyang babalik para kunin ang anak namin dahil hindi ako papayag. Sabihin man ng korte na siya ang ina at nasa kanya ang karapatan wala akong pakialam dahil hindi siya naging mabuting ina." Sa sobrang galit na nararamdaman niya ay hindi niya namalayang napahigpit na hawak niya sa wine glass.

"Alam mong hindi totoo 'yan."

Gilalas siyang napatingin sa kanyang ina. Hindi niya mapaniwalaan ang mga salitang lumabas sa bibig nito pero sa isipan niya ay parang tuksong lumitaw sa kanyang alaala kung paanong inalagaan ni Irene si Red. Kung paano ito nanalangin na masundan agad si Red dahil gustong magkaroon ng kalaro si Red at mapagbigyan siyang magkaroon ng anak na babae.

"May mabuti bang ina na kayang iwanan ang anak dahil sa ibang lalaki?" gigil na lang niyang tanong. Nangangamba kasi siyang kapag naalala niya kung gaano ito kabuting asawa at ina noon sa kanya ay baka tuluyan ng matabunan ang galit na itinanim niya sa kanyang dibdib para rito.

"Sinong lalaki? Sana inalam mo."

"Ma please..." naiinis niyang sabi. Ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nilang iyon dahil bumabangon na naman ang sakit na kanyang nararamdaman. Para sa kanya, sapat na ang sulat na iniwan nito dahil baka kung malalaman pa niya kung sino ang sinamahan nito'y baka makagawa pa siya ng kasalanang pagsisisihan niya pagkatapos. Ayaw niyang makapatay! Ang kailangan niyang isipin palagi ay mayroon siyang anak na kailangan ng kanyang gabay, pag-aaruga at pagmamahal.

"Bakit hindi mo siya hanapin?"

"Para, ano?"

"Para sa kalayaan ninyong pareho. Bakit hindi ka mag-file ng annulment?" parang walang anumang tanong nito.

"No way!"

"Dahil mahal mo pa siya."

"Dahil ayaw ko siyang bigyan ng kalayaan." Hindi ko gugustuhing bigyan siya ng kaligayahan habang ako'y nagdurusa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status