LOGINIlang segundo ring nanatili ang mga mata niya sa akin bago bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Bahagyang umangat ang mga kilay niya, na para bang nagulat siyang huminto ako sa harap niya.
“Serena,” mahinahon niyang sambit sa pangalan ko.
Mas malalim na ang boses niya kumpara sa huling beses na narinig ko iyon. Napalunok ako bago siya tinawag.
“Lucian?” Halos pabulong ko iyong sinabi, na para bang sinusubukan ko kung tama ba talaga ang pagkakakilala ko sa kanya. Bahagyang gumalaw ang gilid ng labi niya at bumuo iyon ng isang maliit na ngiti.
“Yeah.” Ibinaba niya ang cellphone na hawak niya at ipinasok iyon sa bulsa ng pantalon niya. “It’s me.”
Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero nang marinig ko siyang kumpirmahin iyon, may kakaibang pakiramdam na gumalaw sa dibdib ko. Para bang may kung anong biglang nagbago sa loob ko, kahit wala naman siyang sinabing kakaiba. Ilang hakbang akong lumapit para mas makita siya.
“So, ikaw talaga ’yung nakita ko kanina?” tanong ko. Mas naging curious ang tono ko kaysa sa inaasahan ko. Bahagya kong pinagkrus ang mga braso ko, pilit na kumikilos nang normal kahit bigla kong naging conscious ang sarili ko sa harap niya.
Bahagya siyang tumango. “I figured you didn't recognize me.”
May bahid ng amusement sa boses niya kaya bahagya akong napakunot-noo.
“Obviously.” Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa bago muling ibinalik ang tingin sa mukha niya. “Last time I saw you, bata pa ako.”
“I know.” Nanatili ang mga mata niya sa akin habang bahagyang ngumingiti. “You were seven.”
Napakurap ako. “Seven?”
“Yeah.” Muli siyang tumango, at saglit na lumambot ang ekspresyon niya. “You were still running around everywhere.”
Napatawa ako nang mahina. “Oh..owkay, that's embarrassing, hahaha.”
“You were a kid,” simpleng sagot niya, kasabay ng mahinang ngiti.
Sandali akong umiwas ng tingin. “Still embarrassing.”
Mahina siyang natawa, at hindi ko alam kung bakit pero napatingin ulit ako sa kanya. Siguro dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganoon. Mas hindi siya nakakatakot tingnan kapag nakangiti, kahit hindi naman nawawala ang dating niya. Attractive pa rin siya, definitely. At kahit ganoon, may kung anong nakaka-intimidate pa rin sa kanya. Pero hindi na siya kasing lamig ng unang tingin ko sa kanya.
Naglinis ako ng lalamunan bago muling nagsalita. “So... you've been here for how long?”
“Since the funeral.”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Napansin ko agad iyon.
“Right.” Ibinaba ko ang tingin ko.
Sa simpleng pagbanggit niya sa funeral, bumalik agad sa isip ko ang bigat na ilang araw ko nang pilit iniiwasan. Parang may malamig na hanging dumaan sa pagitan namin, at biglang nawala ang gaan ng usapan. Ilang sandali kaming parehong hindi nagsalita. Hindi naman awkward ang katahimikan, pero ramdam ko ang bigat nito, na para bang pareho naming alam na may mga bagay na hindi madaling pag-usapan.
Maingat niya akong pinagmasdan bago nagtanong, “You okay?”
Halos matawa ako sa tanong niya, pero hindi dahil nakakatawa iyon.
“Hindi,” tapat kong sagot.
Bahagyang lumambot ang mga mata niya. “I'm sorry.”
Umangat ang balikat ko, kunwari ay wala lang sa akin ang lahat. “Okay lang.”
Pero kahit anong pilit kong gawing normal ang boses ko, hindi ko maitago ang totoo. Hindi ako okay. Malayo sa pagiging okay. Para akong taong pilit na naglalakad kahit pagod na pagod na, dahil wala naman akong ibang pagpipilian kundi magpatuloy.
Bahagya siyang lumapit, pero huminto rin siya bago tuluyang makalapit sa akin.
“You don't have to pretend.”
Tumingin ako sa kanya. “I-i... know.”
Hindi ko namalayang hinihigpitan ko na pala ang hawak ko sa laylayan ng manggas ko. Ilang beses ko nang narinig ang tanong na iyon mula sa mga taong dumalaw sa amin, at halos pare-pareho na rin ang sagot ko sa kanila. Nakakapagod palang paulit-ulit na sabihing okay ka lang kahit alam mong hindi naman.
“Pero nakakapagod din kasi na lahat nagtatanong kung okay lang ako.”
Dahan-dahan siyang tumango. “I understand.”
“You don't,” bigla kong nasabi bago ko pa napigilan ang sarili ko.
Bahagyang umangat ang mga kilay niya. Agad akong umiwas ng tingin nang mapagtanto ko ang sinabi ko.
“Sorry.”
“No.” Malumanay ang boses niya. “You don't have to apologize.”
Muli akong tumingin sa kanya. Seryoso na ang mukha niya, at may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi iyon awa o iyong karaniwang pag-aalalang ipinapakita ng mga taong nakapaligid sa akin simula nang mawala ang mga magulang ko. Mas tahimik ang paraan niya ng pagtingin, pero parang mas personal. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas lalo akong naging alanganin dahil doon. O baka kinakabahan lang ako. Hindi ko rin alam.
“Why were you looking at me earlier?”
Hindi ko namalayang nakalabas na pala sa bibig ko ang tanong. Biglang natahimik si Lucian, at agad kong pinagsisihan kung bakit ko pa iyon tinanong.
“Never mind.” Bahagya akong pumihit para umalis, pero bago pa ako tuluyang makatalikod ay narinig ko ang boses niya.
“Serena.”
Napahinto ako at muling humarap sa kanya. Nakatingin siya sa akin, pero hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
“I was just surprised.”
“Surprised about what?”
Sandali siyang nagdalawang-isip bago bahagyang huminga sa ilong.
“You grew up.”
Napakurap ako. Iyon lang?
“You were expecting me to stay seven?”
Bahagya siyang ngumiti. “No.”
Saglit na gumalaw ang mga mata niya sa mukha ko bago muling bumalik sa mga mata ko.
“But it's different seeing you now.”
Biglang kumabog ang dibdib ko. Isang kakaibang tibok na hindi ko naman inaasahan, at hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong pansinin iyon. Hindi ko nagustuhan ang epekto ng simpleng sinabi niya. O baka naman nagustuhan ko nang sobra kaya hindi ko alam kung paano magre-react.
Mas mahigpit kong pinagkrus ang mga braso ko. “Well, you're different too.”
“Yeah?”
Tumango ako. “Very.”
Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya. “Is that a good thing?”
Muli ko siyang tiningnan. Ilang talampakan na lang ang layo niya sa akin, at kahit kalmado lang ang mukha niya, kapansin-pansin ang paraan ng pagtutok ng mga mata niya sa akin. May tahimik siyang kumpiyansa sa kilos, iyong tipong hindi kailangang magpakitang-gilas para mapansin ng mga taong nasa paligid niya. Para bang alam na alam niya ang presensiyang dala niya kahit hindi niya kailangang ipaalam iyon sa iba.
Naplunok ako bago sumagot.
“I haven't decided yet.”
Mahina siyang natawa. “Fair enough.”
Hindi ko napigilang mapangiti rin, kahit kaunti. At sa unang pagkakataon mula nang mawala ang mga magulang ko, may naramdaman akong hindi lungkot. Maliit lang iyon, halos hindi ko nga masabing saya, pero kahit paano ay may ibang emosyon na pansamantalang pumalit sa bigat na matagal ko nang pasan.
At siguro iyon ang mas nakakatakot.
Dapat ay pamilyar sa akin si Lucian. Isa siya sa mga taong nakilala ko noong bata pa ako, isang taong pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko at naging bahagi ng buhay namin noon. Dapat ay kaya ko siyang kausapin nang walang kung anong kakaibang nararamdaman sa dibdib ko. Pero habang nakatayo ako sa harap niya, parang hindi sapat ang mga alaala ko para maintindihan kung sino talaga siya ngayon.
Alam ko na ang pangalan niya. Alam ko kung saan siya nanggaling. Alam kong minsan na siyang naging bahagi ng buhay ko.
Pero ang lalaking nakatayo sa harap ko ngayon? Hindi ko na siya kilala. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, gusto ko siyang makilala.
Ilang linggo matapos ang consultation, naging mas maayos ang takbo ng aming mga araw.Hindi ibig sabihin noon na wala nang problema. Nananatiling komplikado ang Northstar review, at hindi pa rin namin natatanggap ang lahat ng governance records na hinihingi ng legal team. May mga meeting na kailangang ulitin at mga tanong na hindi pa nasasagot.Pero hindi na ako nakakaramdam na kailangan kong mamili sa pagitan ng trabaho at ng oras ko kay Lucian.Nang imbitahan niya akong maghapunan sa bahay, sinigurado niyang wala kaming ibang commitment sa gabing iyon. Walang business dinner, walang biglaang meeting, at walang tawag na kailangang sagutin maliban kung talagang emergency.Simple lamang ang hapunan. Tahimik ang paligid, at ang mga ilaw sa dining area ay nagbibigay ng mainit na pakiramdam sa buong silid.“You planned all this?” tanong ko habang tinitingnan ang mesa.“Is that surprising?”“Considering how busy we've both
Sa mga sumunod na araw, napansin kong mas maingat si Lucian sa pag-aayos ng schedule niya.Hindi naman biglang nagbago ang buong routine niya. May mga meeting pa rin siyang kailangang daluhan, mga dokumentong kailangang pirmahan, at mga desisyong hindi maaaring ipagpaliban. Pero mas malinaw na ngayon ang mga limitasyong dati ay madalas niyang balewalain.May mga pagkakataong tinatanggihan niya ang late-night meetings. Kapag sunod-sunod ang appointments, sinisigurado niyang may oras siyang magpahinga sa pagitan ng mga iyon. Hindi rin niya ipinagpapaliban ang mga personal na commitment na may kinalaman sa follow-up care niya.Isang gabi, nadatnan ko siyang nasa study room. Nakatayo siya sa harap ng malaking desk, nagbabasa ng mga papeles habang nakabukas ang laptop.“It's almost midnight,” sabi ko mula sa may pintuan.Hindi siya agad tumingin. “I'm finishing this.”“That's what you said an hour ago.”Napangiti siya
Hindi agad kami umuwi pagkatapos ng appointment.Hiniling ni Lucian na dumaan muna kami sa isang tahimik na café malapit sa ospital. Wala siyang ibang sinabi habang naglalakad kami papunta roon. Hawak niya ang folder na naglalaman ng medical report, samantalang ako naman ay abala pa rin sa pag-iisip sa mga salitang narinig namin sa consultation room.Meningioma.Ilang beses ko iyong binasa sa report. Isang salita na dati ay wala sa bokabularyo ko, pero ngayon ay bahagi na ng buhay namin.Umupo kami sa isang mesa sa may bintana. Nag-order si Lucian ng kape at tubig para sa akin. Nang dumating ang mga iyon, inilapag niya ang folder sa pagitan namin.“You've been staring at that report since we left,” puna niya.“I'm trying to understand everything.”“You heard the doctor explain it.”“I did. I just want to make sure I remember it correctly.”Kinuha niya ang isang pahina at tiningnan ang
Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan ako ngayon kaysa noong una naming nalaman na may abnormality sa scan ni Lucian.Marahil dahil sa pagkakataong ito, mas malinaw na ang dahilan ng aming pagpunta sa ospital. Hindi na kami naghihintay lamang ng paunang interpretasyon. May bago nang imaging results, at inaasahan naming mabibigyan kami ng mas tiyak na paliwanag tungkol sa kondisyon niya.Tahimik si Lucian habang magkatabi kaming nakaupo sa waiting area. Nakapatong ang isang kamay niya sa ibabaw ng akin, at paminsan-minsan ay marahan niya akong hinahaplos gamit ang hinlalaki niya.“Are you nervous?” tanong niya.Tiningnan ko siya. “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Bahagya siyang ngumiti. “I'm asking you first.”“Of course I am.” Huminga ako nang malalim. “I just want us to know what we're dealing with.”“Whatever it is, we'll deal with it.”Madali para sa kanya ang sa
Dumating ang unang batch ng karagdagang archived records dalawang araw matapos ang special review committee meeting.Agad kong ipinatawag ang legal team at ang records coordinator para sabay-sabay naming suriin ang mga dokumento. Nasa meeting room kami nang buksan ang archive package.May mga lumang feasibility reports, working notes, preliminary recommendations, at ilang internal summaries.Isa-isa naming inayos ang mga ito ayon sa petsa.“Can we confirm that these are the complete files released under the archive request?” tanong ko sa records coordinator.“These are all the documents currently available under the approved request,” sagot niya.“Currently available?”“Yes. There may be separate records under the governance archive.”Napatingin ako sa kanya.“Then we need to request that archive as well.”Habang sinusuri namin ang mga dokumento, nakita k
Maaga akong dumating sa headquarters ng Horizon Initiative para sa special review committee meeting.Nasa folder ko ang formal comparison ng original scope at revised framework, kasama ang mga notes mula sa legal team at ang mga naunang dokumentong nakuha ko mula sa archive.Hindi ko gustong umasa lamang sa paliwanag ko. Gusto kong makita ng committee ang mismong mga pagkakaiba sa dalawang dokumento.Pagpasok ko sa conference room, naroon na sina Adrian Cross, Isabelle Grant, at ilang senior representatives ng board. May iba pang miyembro na sumali sa pamamagitan ng secure video conference.Umupo ako sa nakatalagang puwesto at inayos ang mga papel.“Ms. Vale,” sabi ng chairperson, “thank you for preparing the comparison.”“Thank you for giving me the opportunity to present it.”Sinimulan ko ang presentation sa original scope.Ipinaliwanag ko na ang unang layunin ng Northstar ay







