Share

CHAPTER 10

CHAPTER 10

Mabilis na dumaan ang araw. Masakit man pero kailangan kong iwaglit si Dindo sa utak ko. Kung wala akong ginagawa, naiisip ko siya at nalulungkot ako. Kung naglalaro kami ng computer kasama ng mga tropa ko, ni kahit isang saglit hindi siya pumapasok sa utak ko. Kaya para hindi ko siya maisip, naging regular na ang paglalaro ko ng computer kasama ng mga kaklase ko at kapitbahay.

First year high school na ako noon nang tuluyan na akong nawili sa paglalaro sa computer. Iba kasi ang naibibigay sa akin na excitement ng paglalaro. Lalo na kung nananalo na ako. Pagkatapos ng klase ay diretso na agad kami sa computer shop para maglaro kasama ng mga kaibigan kong lalaki at tomboy. Sa paraang gano'n ay nawawala si Dindo sa isip ko.

Dumating ang December at muli kaming dumalaw kina Lola at Lolo. Kakaiba ang nararamdaman kong saya noong binabagtas namin ang daan pauwi. Nagkakantahan pa nga kami nina Mommy at Claire samantalang si Daddy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status