Share

Part 21 - Platito

Tarantang pinihit ni Minggay ang doorknob pero hindi niya magawang buksan ang pinto dahil panay ang dulas ng kanyang mga kamay dala ng pawis. Napaka-init ng silid na tila ba may nag-iihaw ng barbecue sa harap niya.

"Minggay! Sandali lang. Anong problema?" Pagtataka ni Father Tonyo.

"Father, gusto ko na pong lumabas. Please po, Father. Parang awa niyo na po," pakiusap ni Minggay na gusto ng umiyak.

"Bakit? Alin? Dahil ba sa istatwa? Anong... Hindi kita maintindihan," sinusubukan ng pari na maging mahinahon. Ayaw na niyang dumagdag sa panic ni Minggay.

"Kamukha po niya 'yung pumapasok sa kuwarto namin ni Lila. Siya po 'yun. Ayan po. Tingnan niyo po 'yung sapatos. Katulad na katulad nu'ng nakita namin." Huminto muna si Minggay sa ginagawa at hinarap si Father Tonyo.

"Ano bang sinasabi mo? Alin? 'Eto ba?" Pinuntahan ng pari ang istatwa at kinatok-katok ang paa ng rebulto. Nagtunog kahon ito na walang laman sa loob. "Paano makakapasok or better yet, pa'no gagalaw 'to Minggay? Eh kahoy 'to.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status