공유

Part 20 - Mga Lampara

Wala ng pakialam si Minggay kahit pagtinginan pa siya ng mga tao habang umiiyak. Nakaupo siya sa pinakalikod ng simbahan habang nakatingin sa Birheng Maria Ng Villapureza at sa makislap nitong korona. Nagdarasal siya sa mahal na ina na sana tulungan siya nito sa kanyang problema. Ayaw niyang magnakaw at umalis sa simbahan, pero kung hindi naman siya susunod sa utos ng ina-inahan, gano'n din ang kalalabasan. Siguradong makukulong din siya at ang mga kapatid niya ay magkakawatak-watak.

"Mama Mary, tulungan mo po ako. Litong-lito na ako kung ano ba ang dapat kong gawin," pagsusumamo ni Minggay. Bumalik siya sa simbahan pagkatapos niyang itago ang mga pang-linis sa lagayan nito.

Nag-uumpisa nang mag-alisan ang mga maninimba. Tapos na ang misa na pinamunuan ni Father Eman. Wala naman talagang pakialam si Minggay sa mga naging sermon at pangaral ng pari. Masyadong nang magulo ang utak ni Minggay para intindihan pa ang mga ito.

"Kanina pa kita pinagmamasdan. Bakit ka umiiyak? Puwede kang mag
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status