登入Chapter 124Samantha's POVIlang araw pa ang lumipas.Unti-unti akong bumabalik sa dati kong lakas. Sinusunod ko ang mga payo ng mga doktor at sinisikap na huwag masyadong mag-isip. Malapit nang dumating ang mama ni Bastien, at alam kong marami rin siyang inaasikaso para sa pagbabalik nito.Kahit marami siyang pinagkakaabalahan, hindi nawawala ang kanyang atensyon sa akin.Sinisigurado niyang nasa mabuti akong kalagayan. Hindi niya hinahayaang mapagod ako at palagi niyang tinatanong kung may nararamdaman akong kakaiba.Hanggang sa isang araw, muli na naman akong hinimatay.Hindi naman ako napagod. Wala rin akong ginawang mabigat na trabaho. Pero pakiramdam ko ay hapong-hapo talaga ako. Para bang biglang naubos ang lakas ko at hindi ko na kayang panatilihing nakadilat ang mga mata ko.Nag-alala na naman ang lahat.Agad akong pinatingnan at sinigurado nilang wala akong anumang komplikasyon mula sa nangyari sa akin.Pagkatapos ay may itinanong si Nanay.“Anak, nag-pregnancy test ka na ba
Chapter 123Samantha’s POV“Anak!”Napahigpit ang yakap ko sa anak kong si Ezee. Akala ko hindi ko na siya makikitang muli. Akala ko tuluyan na akong mawawala sa piling niya at hindi ko na mararanasan pang yakapin siya nang ganito.Akala ko matatapos na ang buhay ko sa kamay ni Mark Spencer. Ilang beses kong inisip na baka iyon na ang huling araw ko. Ilang beses akong nawalan ng pag-asa habang nakakulong at nakagapos sa lugar na iyon.Pero heto ako ngayon. Buhay. Nakayakap sa anak ko at kasama ang lalaking pinili kong makasama habang-buhay.“Mom, your hands.”Napansin niya kasi ang mga marka ng mga gapos sa aking mga kamay. Hinawakan niya iyon nang marahan, para bang natatakot siyang masaktan ako kahit wala na naman akong nararamdamang sakit.“Wala ito, anak.”“But it looks painful, Mom.”“It's okay. I'm fine now.”Nangingilid ang luha niya habang nakatingin sa akin.“I thought we are going to lose you.”Napahaplos ako sa pisngi niya. Napakalaki na talaga ng anak ko, pero sa mga ganit
Chapter 122Bastiens's POVPero huli na ang lahat sa kanya.Dahil nakaresponde agad ang mga pulis sa akin nang makita nilang akmang babarilin ako ng lalaki.Nabaril na nila siya bago pa niya tuluyang maiputok ang baril. Ngunit nang tangkain pa niyang gumanti at abutin muli ang sandata, nabaril siyang muli para tuluyan siyang mapabagsak.Nanghina ang mga tuhod ko nang tuluyang bumagsak ang lalaki.Hindi dahil sa takot para sa sarili kong buhay, kundi dahil sa iisang bagay na patuloy na gumugulo sa isip ko.Si Samantha.“Si Samantha?” agad kong tanong sa mga pulis na papalapit sa akin.“Sir, narecover na po namin si Mrs. Montclair. Ligtas na po siya.”Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib.“Where is she?”“Sa labas po, Sir. Kasalukuyan na pong inaasikaso ng medical team.”Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong lumabas ng lugar na iyon.At doon ko nakita si Samantha na nakasilong sa isang ambulansiya. Ginagamot ang mga sugat niya sa kanyang mga pulsuhan dulot ng
Chapter 121Bastien’s POVDahil sa Bounty Money na ipinangako namin sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Samantha, mas maraming tao ang tumulong sa paghahanap sa kanya. May mga nagbigay ng impormasyon, may mga nagbahagi ng mga posibleng lokasyon, at may ilan ding personal na nakipagtulungan sa mga awtoridad.Mas mabilis na natunton ang kinaroroonan niya. At nang makumpirma iyon, agad na kumilos ang buong kapulisan para maisagawa ang rescue operation.Hindi na ako mapakali habang papalapit kami sa lugar kung saan umano ikinulong ang asawa ko.“Mr. Montclair, huwag na po kayong sumama sa loob. Kami na po ang bahala,” paalala sa akin ng isang pulis.Pero hindi ako tatayo lang sa isang tabi at maghihintay. Hindi ko kayang gawin iyon habang alam kong nasa loob ng gusaling iyon ang babaeng pinakamamahal ko. Kailangan kong masigurado na ligtas na ligtas si Samantha. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikita at nayayakap.“I understand, Officer, but
Chapter 120Bastien’s POV“Where is my wife?”Iyon ang unang tanong na paulit-ulit kong ibinato sa mga taong nasa paligid ko. Halos mabingi na ako sa sarili kong boses, pero wala akong pakialam. Ang tanging gusto kong malaman ay kung nasaan si Samantha.Nagkakagulo na kami sa bahay. Nandoon na rin si Nanay Stella. Umiiyak na siya habang hindi mapakali sa kakahintay ng anumang balita tungkol sa kanyang anak.“Please, Bastien, hanapin mo ang anak ko!”Halos hindi na rin ako makatingin sa kanya. Hindi ko kayang makita ang pagluha niya dahil alam kong pareho lang kami ng nararamdaman. Pareho kaming takot. Pareho kaming nag-aalala. At pareho naming hindi alam kung ano ang nangyayari kay Samantha sa mga sandaling iyon.“Don't worry, Nay. I will find her. I promise.”Pero kahit ako, hindi ko alam kung paano ko tutuparin ang pangakong iyon.Kausap ko na ang mga pulis at imbestigador. May nakuha na silang CCTV footages sa parking area. Nakita sa mga kuha na may dumukot kay Samantha nang makaba
Chapter 119Samantha’s POV“Akin ka lang, Samantha. Akin ka lang.”Iyon ang mga salitang patuloy na umaalingawngaw sa isip ko. Ang pagbabalik ni Mark Spencer Espiritu ay tila nagbukas ng panibagong kabanata ng mga problemang akala ko ay tuluyan ko nang nalampasan. Hindi ko alam kung ano ang tunay niyang pakay, pero alam kong hindi magiging maganda ang lahat.Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Parang naulit na naman ito. Isang bangungot na pilit kong tinatakasan, pero sa tuwing akala kong nakalaya na ako, muli na naman akong hinihila pabalik ng nakaraan.Kailan ba niya ako talaga titigilan?Marahil kapag patay na ako.“Mark, kailan ka ba titigil?”“Why, Samantha? Hindi mo ba nagustuhan ang drama natin ngayon?”“Pakawalan mo ako, palayain mo ako!”Lumapit siya nang buong dahas. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na lapitan ako habang nakangisi, na para bang nasisiyahan siya sa takot na nakikita sa mukha ko.Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kitang-kita ko kung paano nanli
Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni
Chapter 3Samantha's POV“ I don't like this proposal, scrap it! “ sigaw ni Enrico sa board“We think na hindi ganyan ang sasabihin ni Chairman” Sabi ni Mr. Bagatsing“You want to bet?” Sabi ni RicoTinawagan niya ang kanyang ina at pagkatapos ay niloudspeaker niya ito. “Mom, I have here a piece o
Chapter 1:Samantha Gomez POVNautusan ako ni Ninang Amanda na pumunta sa kanilang bahay para makuha ang ilang dokumentong naiwan niya sa kanyang home office.Umakyat na ako sa hagdan nang marinig kong parang may nagkakarambola sa isang silid na naroon. Bahagyang nakabukas ang isang pinto, kaya da







