LOGINChapter 59Samantha’s POVDahil sa batang dinadala ko alam kong magiiba na ang buhay ko. Mag-isa ko siyang bubuhayin, mag-isa ko siyang mamahalin. Dahil wala na ang kanyang ama na pinakamamahal ko. Papaano ko ipapaliwanag sa kanya na namatay na ito?At naiwan na kami.Dalawa na lamang kami na maghahawak-kamay sa buhay na hindi ko kailanman hiniling. Dalawa na lamang kami na haharap sa mga araw na wala na si Enrico.Minsan, naiisip ko kung paano ko haharapin ang bawat umaga na hindi ko na maririnig ang boses niya. Kung paano ko matitiis ang mga gabing gugustuhin kong tawagin ang pangalan niya, ngunit walang sasagot sa akin.Hindi ko alam kung kakayanin ko.Pero kailangan.Dahil may isang buhay na umaasa sa akin.Na hindi ko man nakita ang katawan ni Enrico noong pumanaw na siya.Sana nabigyan ako ng pagkakataon na maihatid man lang siya sa kanyang hantungan. Sana kahit sa huling pagkakataon ay nakita ko siya. Sana nahawakan ko man lang ang kamay niya, nahalikan ang kanyang noo, at nasa
Chapter 58Samantha’s POVHinang-hina ako.Hindi ko alam kung papaano ko kakayanin ito.Biglang umalis sila Ninang na iniwan ang lahat.At pati ang asawa ko.Wala na rin siya.Pag-uwi ko sa bahay ay ikinuwento ko ang lahat.Hindi agad nakapagsalita si Nanay.Tinitigan lamang niya ako na parang gusto niyang hanapan ng sagot ang mga mata ko. Ngunit kahit siya, alam kong wala siyang maibibigay na kasagutan.Hanggang sa tuluyan siyang lumuha.“Anak, baka kailangan mo nang kalimutan si Enrico. Baka hindi na siya makakabalik.”“Hindi, Nay. Maghihintay ako. Alam kong gigising siya.”Niyakap ako ni Nanay na dala-dala ang bigat na nararamdaman ko.Mahigpit ang yakap niya, pero ramdam kong nanginginig din ang kanyang katawan.Kahit siya na kaibigan ni Ninang ay wala ring alam.Wala kaming alam kung nasaan si Enrico.Wala kaming alam kung ano ang tunay na nangyari.Ang tanging alam ko ay nasa hospital siya noon, walang malay, at araw-araw kong hinihintay na dumilat ang kanyang mga mata.Kaya paa
Chapter 57Samantha’s POVBuwan na ang lumipas ay hindi pa rin nagigising si Enrico.Kaya sobra na ang takot at pag-aalala namin lahat.Araw-araw ay pareho pa rin ang eksena. Nakahiga siya sa hospital bed, tahimik, walang anumang senyales na magigising siya. Nakakabit sa kanya ang mga medical equipment na patuloy na sumusubaybay sa kanyang kondisyon.“Wake up, son.”Paghimok pa ni Ninang Amanda sa kanya.Madalas ko siyang makita na nakaupo sa tabi ni Enrico, hawak ang kamay nito at pilit na nakikipag-usap na parang naririnig pa rin siya ng kanyang anak.Samantalang ako…Nagdurusa ng tahimik.Araw-araw akong nasa hospital na nagbabakasaling kapag gumising si Enrico ay naroroon ako.Ayokong may isang araw na magising siya at hindi niya ako makita.Ayokong isipin niya na iniwan ko siya.Ayon sa mga doctor, ayos naman ang kanyang mga injuries na unti-unting gumagaling. Mula sa kanyang mga paa, kamay at maging ang kanyang likod ay unti-unti nang nagpapakita ng improvement.Pero sa ulo siya
Chapter 55Enrico’s POVPagdating ko sa bahay ay naroroon uli si Dad.Noong una ay kalmado na silang nag-uusap ni Mom sa kanilang silid. Halos hindi ko nga marinig. Akala ko ay maayos na ang lahat. Akala ko ay kahit papaano ay nagkausap na sila nang mahinahon at natapos na ang mga pagtatalo nila.Pero maya-maya pa ay narinig ko na namang umiiyak si Mom.“Arthur, hindi siya sasama sa iyo. At kahit kailan hindi ka niya babalikan.”Napahinto ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko.“Huwag mong pakialaman ang damdamin niya. Alam kong mahal niya ako.”Bakit parang alam na alam ni Mom kung ano ang mangyayari?Na sa intindi ko ay kilalang-kilala niya ang babae ni Dad.Nakapag-usap na ba sila?O baka nagmakaawa pa si Mom sa babae?Hindi ko alam.Pero sa tono ng boses ni Mom, parang matagal na niyang alam ang lahat.“You are obsessed with her. Matagal ka na niyang iniwanan. Pero heto ka, lumuluhod ka pa sa kanya at ipinipilit mo ang sarili mo.”“Mahal niya
Chapter 54Samantha’s POV“Nay, alam nyo na po ba?”“Gusto na raw makapaghiwalay ni Tito Art kay Ninang.”Tahimik lang si Nanay at parang hindi niya ako pinansin sa tanong ko. Nakatingin lamang siya sa kawalan habang patuloy na gumagalaw ang kanyang mga kamay sa ginagawa niya.“Nay, alam ninyo po ba kung sino?”“Anak, mas mabuting huwag na tayong makialam sa isyu ng Ninang mo at Tito Art mo. Buhay nila iyan.”“Pero kawawa naman po si Ninang.”“Oo nga, kawawa siya. Mahal na mahal niya si Art.”Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Nanay.Napakatagal na nilang magkaibigan at kahit kailan ay hindi sila nag-away. Mas higit pa sa magkapatid ang turingan nila. Magkasama sila sa maraming pagsubok, maraming saya at maraming problema. Kaya hindi ko rin maipaliwanag kung gaano kasakit para kay Nanay na makita si Ninang Amanda na dumaranas ngayon ng ganito.Mahal na mahal ni Nanay si Ninang at ayaw na ayaw niyang nasasaktan ito.Nakita ko kung paano siya napabuntong-hininga bago tuluyang tumayo.“An
Chapter 53Enrico’s POV“Mom.”“Enrico.”“Ang Dad mo, andiyan na ba?”“Wala siya. Hindi pa siya umuuwi.”“Saan siya nagpunta?”“Hindi ba ang sabi ko sa iyo, hanapin mo siya?”“Yes, I did. I have been looking for him sa mga posible niyang puntahan.”“Pero wala siya, Mom.”Napatingin ako sa kanya.Sa unang pagkakataon, nakita kong hindi lamang pag-aalala ang nasa mga mata niya. May takot.Takot na parang may malaking bagay na mawawala sa kanya at wala siyang kakayahang pigilan iyon.“Tell me, Mom, what is really happening?”Hindi siya agad sumagot.“May ibang babae ba si Dad o pamilya?”Nanatiling tahimik si Mom.At ang katahimikan niya ang siyang naging sagot sa tanong ko.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Galit?Pagtataka?Pangamba?Hindi ko kailanman naisip na maaaring magkaroon ng ibang babae si Dad. Sa lahat ng taon na nakikita ko sila bilang mag-asawa, inakala kong kahit hindi perpekto ang pagsasama nila, nananatili pa rin ang pagmamahalan sa pagitan nila.Pero nga
Chapter 1:Samantha Gomez POVNautusan ako ni Ninang Amanda na pumunta sa kanilang bahay para makuha ang ilang dokumentong naiwan niya sa kanyang home office.Umakyat na ako sa hagdan nang marinig kong parang may nagkakarambola sa isang silid na naroon. Bahagyang nakabukas ang isang pinto, kaya da
Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni
Chapter 6Samantha's POVPagdating ko sa opisina, may nakalagay na bulaklak sa table ko. Nakalagay sa card. “Would you like to have dinner with me? - James”Muntik na akong mapasigaw sa kilig. Totoo ba itong nangyayari?“Samantha, kalma” sabi ko sa sarili ko.Ang sweet talaga ni James. Boyfriend







