เข้าสู่ระบบChapter 5
Samantha’s POV
Biglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico.
“Si Papa”
Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado.
“Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba magbabago? Habang tumatagal, masama ka nang masama,” sabi ni Papa sa akin.
Ayoko nang magpaliwanag; hindi naman niya ako pinaniniwalaan.
Naalala ko noong nakatira ako sa bahay nila. Nagkaroon kasi si Nanay noon ng breast cancer. Wala na akong mahihingian ng tulong. Kailangan kong mangatulong sa bahay ng aking ama para matuloy ang pag-aaral ko at may pantustos sa chemotherapy ni Nanay noon.
Kapag kaharap si Papa, mabait kunwari ang pakikitungo ng mag-ina sa akin. Pero kapag nakaalis na siya, kung ano-anong pagpapahirap ang ginagawa nila.
Ang isang di ko makakalimutan ay noong nagkulang ako ng pambili ng gamot ni Nanay noon. Nakahingi ako kay Papa, pero hinarang ng madrasta kong si Trish. Walang araw na hindi ako hinamak ni Trish, sinasabihan ng masasakit na salita gaya ng bastarda, anak ng p****k at oportunista. Kung tutuusin, bawat perang naibibigay naman sa akin ay pinaghihirapan ko iyon lahat. Wala ako dapat na tanawing utang na loob sa kanila.
Dahil sa galit sa akin. Dumating sa puntong ibinenta nila ako sa isang matanda para magkapera. Kung gusto ko daw ng pera, kailangang pagsilbihan ko ang matanda at paluguran siya.
“50,000 pesos, Samantha, malaking pera na ito para mapagamot mo ang nanay mo,” sabi ni Trish.
Tinanggihan ko ang alok kaya lalo silang nagalit sa akin. Nagbigay na raw kasi ng paunang bayad ang matanda, kaya dapat sumunod ako sa usapan.
Ikinulong nila ako sa isang silid na napakadilim na walang makita at walang kapag-pagasa. Nagmamakaawa ako noon sa kanila na palayain nila ako, pero pinagtatawanan lang nila ako.
Akala ko noon, katapusan ko na at mapagsasamantalahan ako ng matandang bumili ng puri ko. Mabuti na lamang ay dumating si Ninang at nailigtas ako. At nang kinompronta ni Ninang si Papa, sinabi niyang wala siyang alam, na lagi niyang sinasabi kapag nasusukol na siya. At pagkatapos ay pinalayas ako.
Pinaratangan ako ni Trish na marumi akong babae at ako mismo ang may gustong ibigay ang sarili ko kapalit ng malaking pera para sa kapritso ko.
Pinaniwalaan naman ng aking ama. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko para gawin nila sa akin iyon. Masaya sila na nakikita akong nagdurusa.
At ngayon, sa tuwing nababagot sila, gumagawa sila ng paraan para i-torture ako emotionally. Kaya daw may sakit si Nanay ay dahil sa napakasamang babae nito at pumapatol sa may asawa. Ako daw ay bunga ng kasalanan at walang karapatang magreklamo. Dapat ko rin daw bayaran ang mga kasalanan ng nanay ko at hindi pa sapat ang mismong buhay ko
Sa restaurant
“Kamusta pala ang deal?” tanong ni Rico sa akin
Ipinakita ko sa kanya ang signed contract and reservation payment para sa property.
“Wow, you did it!” sabi ni Rico. Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap at nahalikan niya ako sa labi.
May kung ano akong naramdaman sa ginawa ni Rico kung kaya’t nag-umpisa nang namula ang mukha ko. Pero nang tiningnan ko siya, parang walang anuman naman sa kanya iyon. Kaya ipinagpag ko na lamang ang nararamdaman kong biglang kilig.
Tinawagan niya ang ina.
“Mom, Sam got the deal.” kuwento pa niya.
“Oh, really, that's great. Balik na kayo dito sa bahay.” sabi ni Ninang
“Okay, po see you in a while,” sabi ni Rico.
Pumunta na kami sa bahay nila Ninang.
Yumakap si Rico sa mommy niya, parang matagal nang hindi nagkita. Napakasweet naman kasi talaga ni Rico sa kanyang ina, kaya kahit anong kasutilan ang ginagawa niya, sa isang halik at yakap lang ay nawawala ang lahat ng galit ni Ninang. Ibinaling ni Ninang ang atensiyon niya sa akin dahil nahalata niya malungkot ako.
“What happened, Sam? Nagaalalang tanong niya sa akin.
Tiningnan ko si Rico sa mata para senyasan na huwag magkuwento, na siya namang ginawa niya.
“Masakit tiyan niya, Mom, inaacid,” pagsisinungaling ni Rico.
“Ganun ba? Oh, sige, magpahinga na muna kayo at mamaya magpa-ready na ako ng dinner,”sabi nito.
“Magpalit na kayo ng damit” utos ni Ninang
Para kaming bata pa rin kapag naguutos si Ninang. Pangalawang bahay ko na ito. Kaya may mga damit na rin ako sa inilaang silid para sa akin. Inakbayan ako ni Rico patungo sa kuwarto, pagkatapos ay pumasok na ako.
Habang naliligo, bumalik sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Di ko mapigilang maiyak, kaya ibinuhos ko na lang lahat ng luha ko para paglabas ko sa banyo ay okay na ako.
Pagkatapos kong maligo, nagulat ako dahil nasa loob si Rico. Nakatapis lang ako ng tuwalya. Bahagya akong na-conscious dahil nakatingin siya sa akin na nakangisi.
“Hoy, bakit ka nandito?” sigaw ko.
Hindi naman siya nagpatinag, humiga lang sa kama ang walang hiya.
“
Paano ako makakapagbihis niyan? Lumabas ka muna, Rico, please!”pakiusap ko.
“Sam, ano pa ba ang hindi ko nakita? Puwede ka namang magdamit kahit nandito ako, promise walang malisya,” pang-aasar niya.
“Rico naman eh, tsaka bakit ambilis mong maligo?” tanong ko.
“Binilisan ko talaga para manood ng special preview,” dagdag pang-iinis niya.
“Siraulo ka talaga, bahala ka” sumuko na ako dahil hindi ko talaga siya mapipilit na umalis, kabisadong kabisado ko na siya. Kaya kumuha na lamang ako ng underwear sa drawer at bestida at pumasok uli sa banyo para magbihis.
Paglabas ko, nandoon pa rin siya sa kama at nakapikit. Mukhang napagod at napuyat. Nakatulog kaya siya nang nakulong siya? “Kawawa naman” sa isip isip ko.
Umupo na ako sa kama. At pinagmasdan siya. Sa lahat ng tao bukod kina Nanay at Ninang, si Rico ang pinakamalapit sa puso ko. Kakampi ko siya sa lahat ng oras, kahit madalas kaming nag-aaway dahil sa kalokohan at pagka-childish niya. Hindi ko naman siya natitiis at ganoon din siya.
Biglang hinatak niya ako. Inihiga niya ako sa kama at niyakap niya ako.
“Sam, dito na lang muna tayo, please,” sabi niya.
Hindi na ako nagpumilas dahil madalas naman niya itong ginagawa sa akin. Kapag yakap-yakap niya ako, napapayapa talaga ako at halos nawawala na ang mga problema ko.
Ilang minuto pa lang ay kumatok na ang katulong at sinabing bumaba na raw kami para kumain.
“Halika na, Rico, pinapatawag na tayo,” pag-aya ko.
“Kung ikaw na lang kaya ang kainin ko,” seryoso niyang sinabi.
“Araaay!” sigaw niya dahil sa pinong pagkakurot ko sa kanya.
Tumayo na ako.
“Ang pervert talaga nito,” naiinis na sinabi ko.
Nauna na akong lumabas ng kuwarto, pero humabol naman siya.
Nang nasa dining na kami, nandoon na ang papa ni Enrico.
“Hi. Tito Arthur,” bati ko at humalik na sa kanya.
“Hi Paps!”bati naman ni Rico sa Dad niya
“Upo na kayo”sabi ni Tito Arthur
Pero parang may hinihintay pa sila. Kaya nagtaka ako.
Narinig ko na lang ang boses ng nanay ko.
“Wow, anong ulam?” sabi ni Nanay
“Puede ba sa iyo yan?” tanong ni Ninang.
“Lahat puwede! Napakaikli ng buhay para madeprive.” sagot ni Nanay
Nagkatinginan kami ni Nanay at sinagot niya ang tanong ko sa isip.
“Niyaya kasi ako ng Ninang mo, kaya here I am.”sagot niya.
Matalik silang magkaibigan ni Nanay. Mulat sapol na nagkaisip sila. Kaya pamilya na talaga ang turing nila sa amin. Marami na silang pinagsamahan. Nagkataon lang na nang dumating ang pinakamadalim na pangyayari sa buhay namin dahil nagka-cancer si Nanay at naratay ay nasa Europe sila. Kaya napagdaanan ko ang pagdurusa sa kamay ng pamilya ng tatay ko. Pero nang nakabalik na sila kinuha na nila ako mula sa aking ama
Pagkatapos naming kumain, gaya ng dati, walang katapusang kuwentuhan. Narinig kong humahalak si Ninang sa mga kuwento ni Nanay. Gustong-gusto niya si Nanay dahil sa kabila ng dinanas na paghihirap ay nanatili itong napakamasayahin pa rin, hindi katulad ko.
Nagkukuwento si Nanay tungkol sa bago niyang libangan, ang pagsasayaw. Nang nakarecover siya sa cancer. Ginawa na ni Nanay ang lahat ng gusto niya. Lagi niyang sinasabi sa akin.
“Bakit ako magmumukmok sa isang tabi? Kailangan na mabuhay pa rin ako”, dahil buhay pa naman ako”
Napapangiti ako sa dalawang nanay ko. Sila ang tahanan ko.
Habang nagkukuwentuhan sila, napansin ko. Sa isang bahagi ng sala, nag-uusap nang seryoso sina Tito Art at Rico. Nacurious ako.
“Ano kaya ang pinag-uusapan nila?” Dahil napakaseryoso ng mga mukha nila.
Nalaman na ba ni Tito Art ang nangyari kay Rico? Kung kaya’t sinesermunan niya ito.
Chapter 55Enrico’s POVPagdating ko sa bahay ay naroroon uli si Dad.Noong una ay kalmado na silang nag-uusap ni Mom sa kanilang silid. Halos hindi ko nga marinig. Akala ko ay maayos na ang lahat. Akala ko ay kahit papaano ay nagkausap na sila nang mahinahon at natapos na ang mga pagtatalo nila.Pero maya-maya pa ay narinig ko na namang umiiyak si Mom.“Arthur, hindi siya sasama sa iyo. At kahit kailan hindi ka niya babalikan.”Napahinto ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko.“Huwag mong pakialaman ang damdamin niya. Alam kong mahal niya ako.”Bakit parang alam na alam ni Mom kung ano ang mangyayari?Na sa intindi ko ay kilalang-kilala niya ang babae ni Dad.Nakapag-usap na ba sila?O baka nagmakaawa pa si Mom sa babae?Hindi ko alam.Pero sa tono ng boses ni Mom, parang matagal na niyang alam ang lahat.“You are obsessed with her. Matagal ka na niyang iniwanan. Pero heto ka, lumuluhod ka pa sa kanya at ipinipilit mo ang sarili mo.”“Mahal niya
Chapter 54Samantha’s POV“Nay, alam nyo na po ba?”“Gusto na raw makapaghiwalay ni Tito Art kay Ninang.”Tahimik lang si Nanay at parang hindi niya ako pinansin sa tanong ko. Nakatingin lamang siya sa kawalan habang patuloy na gumagalaw ang kanyang mga kamay sa ginagawa niya.“Nay, alam ninyo po ba kung sino?”“Anak, mas mabuting huwag na tayong makialam sa isyu ng Ninang mo at Tito Art mo. Buhay nila iyan.”“Pero kawawa naman po si Ninang.”“Oo nga, kawawa siya. Mahal na mahal niya si Art.”Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Nanay.Napakatagal na nilang magkaibigan at kahit kailan ay hindi sila nag-away. Mas higit pa sa magkapatid ang turingan nila. Magkasama sila sa maraming pagsubok, maraming saya at maraming problema. Kaya hindi ko rin maipaliwanag kung gaano kasakit para kay Nanay na makita si Ninang Amanda na dumaranas ngayon ng ganito.Mahal na mahal ni Nanay si Ninang at ayaw na ayaw niyang nasasaktan ito.Nakita ko kung paano siya napabuntong-hininga bago tuluyang tumayo.“An
Chapter 53Enrico’s POV“Mom.”“Enrico.”“Ang Dad mo, andiyan na ba?”“Wala siya. Hindi pa siya umuuwi.”“Saan siya nagpunta?”“Hindi ba ang sabi ko sa iyo, hanapin mo siya?”“Yes, I did. I have been looking for him sa mga posible niyang puntahan.”“Pero wala siya, Mom.”Napatingin ako sa kanya.Sa unang pagkakataon, nakita kong hindi lamang pag-aalala ang nasa mga mata niya. May takot.Takot na parang may malaking bagay na mawawala sa kanya at wala siyang kakayahang pigilan iyon.“Tell me, Mom, what is really happening?”Hindi siya agad sumagot.“May ibang babae ba si Dad o pamilya?”Nanatiling tahimik si Mom.At ang katahimikan niya ang siyang naging sagot sa tanong ko.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Galit?Pagtataka?Pangamba?Hindi ko kailanman naisip na maaaring magkaroon ng ibang babae si Dad. Sa lahat ng taon na nakikita ko sila bilang mag-asawa, inakala kong kahit hindi perpekto ang pagsasama nila, nananatili pa rin ang pagmamahalan sa pagitan nila.Pero nga
Chapter 52Samantha’s POVAgh, Ugh, Uhmm…Hindi ko alam kung paanong nagagawang mapahinto ni Enrico ang mundo ko.Kahit ulit-ulitin niya yata akong angkinin, hindi ko kailanman siya kayang pigilin.Ang mga maiinit niyang palad na dumadampi sa buo kong katawan, at ang mga labi niyang dumidikit sa aking balat.Siguro nga napaeksperto niyang magpaligaya. “Malapit na ako, honey, Ikaw ba?”Ni hindi ko na kaya pang sumagot sa kanya. Napapapikit na lang ako, tanging ang tunog ng ungol ko na lang ang pumuno sa kanyang silid na may kasamang paghalinhing.Nakikita kong nasisiyahan naman siya habang paulit-ulit na pag-angking sa aking sensitibong bahagi at sa dibdib ko na siya lamang ang nakahawak. Hanggang sa umabot kami sa rurok ng ligaya.“You are mine,” bulong pa ni Enrico“Sulit pala itong bagong kama natin, honey, eh.”“Sira ka talaga. Hindi kaya magtaka si Ninang at napakalaki nitong playground mo.”“Hindi iyan. Sa kagustuhan na niyang magkaapo, baka matuwa pa siya.”Natatawa na lamang
Chapter 51Samantha’s POV“Nasaan sila Ninang at Tito Arthur?”Umagang-umaga pa lang kasi ng Linggo ay nasa bahay na si Enrico. Hindi ko nga alam kung bakit napakaaga niyang dumating. Sanay ako na kapag Linggo ay gusto niya sanang matulog nang mahaba, lalo na kapag wala naman kaming importanteng lakad. Pero ngayong araw, parang may kakaiba sa kilos niya.“Ewan ko ba sa mga iyon. Bigla-bigla na lang umaalis nang walang pasabi, sabi ng mga katulong, may mga dalang maleta daw.”“Ha? Out of town or out of the country?”Itinaas lang ni Enrico ang kanyang mga balikat.“Hindi ko rin alam.”Napatingin ako sa kanya. Mukhang hindi rin niya talaga alam kung saan nagpunta ang mga iyon. Pero may kung anong kutob ako na parang may alam siya na hindi niya sinasabi sa akin.“Oh, Enrico, ang aga mo ah.”Napalingon kami nang marinig ang boses ni Nanay na papalapit sa amin.“Hello Nay, susunduin ko lang si Sam, isasama ko po sa bahay.”“Ha? Bakit anong meron?”Biglang nataranta si Enrico dahil hindi niy
Chapter 50Samantha’s POVSinundo ako ni Enrico sa opisina para pumasok sa opisina. At gaya ng inaasahan ay naging mapusok siya.“Enrico, napakaaga pa,” natatawa na lang ako sa asawa ko.“Ikaw kasi, kung hinayaan mo akong iuwi kita, dapat wala tayong problemang ganito.”“Hay naku, mukhang tatlumpung araw tayong ganito,” pagrereklamo ko pa.“Magtiis ka muna ngayon, mamaya babawi ako sa iyo.”“Hindi ba puwedeng mag-advance muna?”“Ikaw talaga, wala ka talagang kapaguran, noh?”“Ganito talaga ako kapag na-suppress, lalong nanggigigil.”“Hay naku!”Napailing na lang ako habang natatawa.Ganito talaga ang asawa ko.Kapag may gusto siya, gusto niya agad.At kapag hindi naman puwede, lalo siyang nagiging makulit.Kaya minsan iniisip ko kung paano ko siya mapagtitiisan sa loob ng maraming taon.Pero sa totoo lang, kahit madalas niya akong inisin, gusto ko rin ang pagiging mapagmahal at malambing niya.Hindi ko lang ipinapakita palagi.Pagdating namin sa opisina, agad kaming naging abala sa is
Chapter 6Samantha's POVPagdating ko sa opisina, may nakalagay na bulaklak sa table ko. Nakalagay sa card. “Would you like to have dinner with me? - James”Muntik na akong mapasigaw sa kilig. Totoo ba itong nangyayari?“Samantha, kalma” sabi ko sa sarili ko.Ang sweet talaga ni James. Boyfriend
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni
Chapter 3Samantha's POV“ I don't like this proposal, scrap it! “ sigaw ni Enrico sa board“We think na hindi ganyan ang sasabihin ni Chairman” Sabi ni Mr. Bagatsing“You want to bet?” Sabi ni RicoTinawagan niya ang kanyang ina at pagkatapos ay niloudspeaker niya ito. “Mom, I have here a piece o
Chapter 2Samantha’s POVHabang abalang-abala ako sa pag-type ng memo na ipapadala ko sa opisina ng mga executives, biglang dumaan ang napakakisig kong crush na si James Lucas. Nakasuot siya ng kulay blue long-sleeved polo, pagkatapos ay nakaputing slacks. Ang neat niyang tingnan at mukhang ang ba







