ログインCielo Arcega POV
Pagpasok ko pa lang sa mansyon ng pamilya ko, agad akong sinalubong ng nakabibinging katahimikan. Kahit gaano karangya ang disenyo ng bahay na ito, laging malamig ang hangin dito. Pinalitan ko ang aking rugged clothes mula sa construction site ng isang simpleng beige color slip dress, bahagyang inayusan ang aking buhok, at bumaba na patungo sa dining area. Nakahain na ang hapunan sa mahabang lamesa na gawa sa solid mahogany. Sa dulo nito, nakaupo si Dad habang seryosong nagbabasa sa kaniyang tablet. Sa kabilang dulo naman ay si Mom. Nakatingin lang si Mom sa kawalan, dahan-dahang pinapaikot ang wine glass sa kaniyang kamay. Wala man lang usapan sa pagitan nilang dalawa. Ang tanging maririnig mo lang ay ang marahang tunog ng mga kubyertos na inaayos ng mga kasambahay sa gilid. This has been their setup for as long as I can remember. Isang kasal na walang pag-ibig, isang malamig na transaksyon na binuo para sa pera at impluwensya. It made me promise myself that I would never end up like them. Ayokong maging bilanggo sa sarili kong tahanan. "You're late, Cielo," malamig na puna ni Dad nang hindi man lang tinatanggal ang tingin sa hawak niyang tablet. "I'm sorry, Dad. Medyo traffic sa C5," sagot ko habang umuupo sa tabi ni Mom. Tumingin ako kay Mom at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Hi, Mom." Tumingin sa akin si Mom, pilit ang kaniyang ngiti. May matinding lungkot at pagod sa kaniyang mga mata na matagal ko nang gustong intindihin pero hindi niya kailanman hinayaang pasukin ko. "Hi, sweetheart. How was your day?" "It was good. We had some issues with the port clearance, but I'm handling it," sagot ko habang dahan-dahang naglalagay ng pagkain sa aking plato. "You shouldn't be wasting your time on site, Cielo," biglang sumabat si Dad habang ibinababa ang tablet niya sa lamesa. "You are an Arcega. Hindi ka binabayaran para maging supervisor sa gitna ng putikan at maalikabok na kalsada. You should be managing the big picture, making deals in the boardroom, and preparing to lead the entire Arcega Group." "Dad, I'm an architect," mahinahon pero may paninindigang sagot ko. "Being on site is part of my job. Gusto kong makita kung paano nabubuo ang mga designs ko. That's how I learn to protect our legacy." "An Arcega doesn't need to get their hands dirty to protect a legacy," seryosong sabi ni Dad habang nakatitig sa akin. "Your name alone should do the work. Ngunit sa hirap ng kompetisyon sa industriya ngayon, hindi sapat ang pangalan lang. You need strategic alliances. We need to expand, and you have to understand your responsibility as the sole heir of this family." Ang bigat sa aking dibdib ay tila nadagdagan pa. Ito na naman kami sa paulit-ulit na sermon tungkol sa pamilya. Mula bata pa ako, laging ipinapaalala sa akin na ang buhay ko ay hindi sa akin. Bawat galaw ko, bawat desisyon, kailangang para sa ikalalaki ng negosyo. I am being raised to be a perfect trophy successor, not a human being. Walang puwang ang sarili kong pangarap kung hindi ito magdadala ng bilyon-bilyong kita para sa pamilya. It was truly suffocating. "I am doing my best, Dad. Ang Solace Residences is on track to be our biggest project this year," depensa ko sa aking sarili. Napa-smirk si Dad, isang ekspresyon na palaging nagpaparamdam sa akin na kulang pa rin ang ginagawa ko. "That condo project is small change compared to what we are building next." Tumingin ako kay Mom, umaasang tutulungan niya ako sa usapang ito, ngunit uminom lang siya ng kaniyang wine at iniwas ang tingin. Walang pakialam. O baka naman ayaw lang niyang makialam dahil alam niyang walang saysay ang makipagtalo kay Ramon Arcega. "What do you mean, Dad?" tanong ko habang dahan-dahang ibinababa ang tinidor ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Umayos ng upo si Dad at sumandal sa kaniyang upuan. "We are bidding for the government’s new mega-port infrastructure project. It's a multi-billion peso joint venture that will secure our family's dominance in the real estate and logistics sector for the next fifty years." "Mega-port?" napa-kunot ang noo ko. "We are a real estate development firm, Dad. Hindi natin linya ang port management. Wala tayong sapat na logistics capability para doon." "That is why we are partnering with the best in the industry," sagot ni Dad, may ngiti ng tagumpay sa kaniyang mga labi. "We secured a partnership with Voss International Shipping." Napatigil ako. Voss International Shipping. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanila? Sila ang pinakamalaking shipping empire sa buong bansa, pinapatakbo ng pamilyang kilala sa pagiging napakamakapangyarihan at mailap. "The Voss family?" tanong ko, dahan-dahang sumasagi sa aking isip ang mga balita tungkol sa kanila. "I heard their current CEO is ruthless." "Aelion Voss is a brilliant businessman," seryosong sagot ni Dad. "He is highly efficient. At katulad natin, pinoprotektahan niya rin ang legacy ng kaniyang pamilya. This partnership will make both of our companies untouchable." Binalot ako ng malamig na pakiramdam habang nakatitig kay Dad. May kakaiba sa paraan ng pagkukuwento niya ngayon. Napansin ko rin na biglang humigpit ang hawak ni Mom sa baso ng wine niya. Namutla ang kaniyang mukha at tila biglang naging hindi komportable sa kaniyang upuan. Tumingin ako sa kaniya, ngunit mabilis niyang iniwas ang kaniyang mga mata. "Is there something wrong, Mom?" bulong ko, ngunit hindi niya ako sinagot. "The deal is almost finalized, Cielo," patuloy ni Dad, muling kinuha ang kaniyang baso ng tubig. "The board of both companies have already agreed on the preliminary terms. This is a massive step for us." "Then why do I need to be here, Dad?" tanong ko, pilit pinapakalma ang aking boses kahit na bumibilis na ang tibok ng puso ko. "Kung okay naman pala ang board, at business deal naman ito, bakit kailangan ko pang umalis sa site nang maaga para lang sa dinner na ito? Hindi naman ako kasama sa logistics operations." Umayos muli ng upo si Dad. Tumingin siya sa akin nang napakaseryoso, walang kaabog-abog ang kaniyang mga mata habang binibigkas ang mga susunod niyang salita. "Because the partnership is not just about a signed contract on a piece of paper, Cielo. Old families like ours and the Vosses build trust through tighter connections." "What do you mean by tighter connections?" tanong ko. Ang boses ko ay halos pabulong na lang dahil sa lumalalang kaba. "Aelion's father and I have agreed on an arrangement to seal this alliance permanently," malamig na paliwanag ni Dad, tila ba napakasimpleng bagay lang ng kaniyang sinasabi. "Part of the agreement for this mega-port project is your marriage to Aelion Voss." Nanigas ang buong katawan ko sa aking narinig. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa gitna ng taglamig. Tumingin ako kay Mom, umaasang sasabihin niyang nagbibiro lang si Dad, ngunit nanatili lang siyang nakatungo, walang kibo, at patuloy na umiiwas sa aking tingin. "Marriage?" nanginginig ang aking boses habang binabanggit ang salita. "Dad, this is crazy! You are selling me out for a business deal?!" "It is not selling you out, Cielo. It is securing your future and our family's empire," matigas na sagot ni Dad. "You will marry Aelion Voss. Whether you like it or not." Sa sobrang gulat at panginginig ng aking kamay, nawalan ako ng lakas sa hawak kong baso ng tubig na nasa aking harapan. Crash! Nabasag ang kristal na baso sa sahig, at kasabay ng pagkalat ng tubig ay ang tuluyang pagguho ng aking mundo.Cielo Arcega POV Dinala ko ang aking baso ng tubig sa harap ng laptop ko na nakapatong sa dining table. Kahit gabi na at pagod na ako sa buong araw na pag-aasikaso sa construction site at sa matinding sagutan namin ni Dad, hindi ko pa rin magawang matulog. Ang isip ko ay tuluyang nilamon ng imbitasyong natanggap ko. Voss International Annual Charity Gala. At ako ang magiging date ng tinaguriang pinakamabangis na businessman sa bansa. Inilapag ko ang aking baso at mabilis na binuksan ang search browser ng aking laptop. I typed his name on the search bar. Aelion Voss. Sa isang segundo lang, bumaha ang libo-libong search results sa screen ko. Halos lahat ng nangungunang business magazines, financial news websites, at lifestyle blogs ay may artikulo o litrato niya. Mukhang tama nga si Bea tungkol sa kaniya. Hindi lang siya basta mayaman, he is practically a celebrity in the corporate world. I clicked on one of the top results, a digital cover of a prominent business magazine. A
Cielo Arcega POV Pagpasok ko sa loob ng condo unit ko sa BGC, agad kong naramdaman ang kaunting ginhawa. I threw my car keys on the kitchen counter at humiga nang pabalabag sa malambot kong couch. Sobrang sakit ng ulo ko. Ang bigat ng dibdib ko na tila ba may nakadagan doon pagkatapos ng marahas na pag-uusap namin ni Dad kanina. Inalis ko ang aking sapatos at tinitigan ang kisame ng tahimik kong sala. Dito, walang sumisigaw. Dito, ako si Cielo, ang arkitekto, hindi si Cielo na isang piraso ng ari-arian na pwedeng ipamigay para sa isang multi-billion peso contract. Pero kahit anong pilit kong mag-relax, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang banta ni Dad. Kaya ba niyang sirain ang career ko? Yes, he could. Ramon Arcega is powerful enough to pull strings and block my licenses or projects if he wanted to make my life a living hell. Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, pangalan ng best friend kong si Bea ang nakarehistro sa screen. Bea
Cielo Arcega POVAng tunog ng nabasag na kristal ay umalingawngaw sa buong dining room, ngunit tila mas malakas pa rin ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa aking dibdib. Nakatitig lang ako sa mga bubog sa sahig, basang-basa ang mamahaling carpet, bago ko dahan-dahang inangat ang aking tingin kay Dad."You can't be serious," pabulong kong sabi, ramdam ko ang panginginig sa sarili kong boses. "Dad, tell me you're joking. Kasal? In this day and age, magpapakasal ako sa taong hindi ko man lang kilala para lang sa isang port project?""I am never serious when it comes to business, Cielo," walang kagat-gatol na sagot ni Dad habang pinupunasan ang kaniyang bibig gamit ang table napkin. "Aelion Voss is the most eligible bachelor in the country. His family runs the largest shipping line. This marriage is the perfect synergy for our raw land assets and their logistics empire.""Synergy? God, Dad! Ikakasal ako, hindi magmemerge ng dalawang department!" tuluyan nang tumaas ang boses
Cielo Arcega POV Pagpasok ko pa lang sa mansyon ng pamilya ko, agad akong sinalubong ng nakabibinging katahimikan. Kahit gaano karangya ang disenyo ng bahay na ito, laging malamig ang hangin dito. Pinalitan ko ang aking rugged clothes mula sa construction site ng isang simpleng beige color slip dress, bahagyang inayusan ang aking buhok, at bumaba na patungo sa dining area. Nakahain na ang hapunan sa mahabang lamesa na gawa sa solid mahogany. Sa dulo nito, nakaupo si Dad habang seryosong nagbabasa sa kaniyang tablet. Sa kabilang dulo naman ay si Mom. Nakatingin lang si Mom sa kawalan, dahan-dahang pinapaikot ang wine glass sa kaniyang kamay. Wala man lang usapan sa pagitan nilang dalawa. Ang tanging maririnig mo lang ay ang marahang tunog ng mga kubyertos na inaayos ng mga kasambahay sa gilid. This has been their setup for as long as I can remember. Isang kasal na walang pag-ibig, isang malamig na transaksyon na binuo para sa pera at impluwensya. It made me promise myself that I wou
Cielo Arcega POV Maingay ang construction site, pero para sa akin, ito ang pinakamagandang symphony sa mundo. Ang tunog ng mga welding machine, ang sigaw ng mga foreman, at ang mabigat na huni ng mga dambuhalang yellow cranes sa ere at lahat ng ito ay tila isang musika sa pandinig ko. Nakatayo ako sa gitna ng ginagawang engrandeng lobby ng Solace Residences, ang pinakabagong luxury condominium project ng Arcega Group. Hawak ko ang aking iPad na naglalaman ng 3D rendering ng structural layout, habang suot ang puting hard hat at safety vest. "Engineer Santos, we need to adjust the concrete pouring schedule for the penthouse level," sabi ko habang tinuturo ang section ng screen. "Masyadong mabilis ang semento kung hindi natin i-adjust ang mixture para sa humidity ngayong linggo. Ayokong magkaroon ng hairline cracks sa ceiling pagkatapos ng tatlong buwan." Tumingin si Engineer Santos sa screen, tapos sa akin. Kilala siyang veteran engineer, halos dalawang dekada na sa industriya,







