ログインElisse’s POV Dalawang buwan. Dalawang buwan na ang lumipas mula noong itinaboy niya ako na parang isang basura sa labas ng buhay niya. Dalawang buwan na wala siyang sagot sa mga tawag ko, wala siyang tugon sa mga mensaheng pinadala ko sa kanya. Sa loob ng dalawang buwang iyon, pinilit kong sabihin sa sarili ko na ayos lang, na makakayanan ko, na makaka-move on din ako balang araw. Pero paano ko gagawin iyon kung sa loob-loob ko, ilang buwan na akong hindi dinadatnan. Nakatayo ako sa harap ng salamin sa banyo, hawak-hawak ko ang maliit na puting plastik na lalagyan. Dalawang linya. Paulit-ulit kong tinitignan ang resulta kahit alam ko naman kung ano ang sasabihin nito. Tatlong beses akong nag-test. Pare-pareho ang sagot. Hindi na ito pagdudahan pa. Buntis ako. Napalapat ko ang kamay ko sa tiyan ko, dahan-dahan, parang may takot na hawakan ito nang masyadong mahigpit. Wala pang halong pagbabago ang katawan ko sa paningin ng iba, pero alam ko. Nararamdaman ko. May puso na tumitibok sa
Elara’s POV Nanginginig ang buong katawan ko habang binabasa ko nang paulit-ulit ang mensahe sa screen. Parang bawat salita ay kutsilyong tumutusok sa dibdib ko. “Iwan mo na ang asawa mo…” Parang ganoon lang kadali sa kaniya ang lahat? Parang wala lang ang kasal namin, wala lang ang lahat ng pinagdaanan namin? Anong klase siyang babae? Bigla akong napabugtong-hininga, at bago ko pa mapigilan, tumulo na ang luha ko. Tahimik lang yung pag iyak ko noong una, pero habang tumatagal, lalong bumubuhos. Hindi ko na kinaya. Ang sakit-sakit isipin na habang nandito kami, may ibang babae na naghihintay na palayain ko siya.Ilang sandali pa, sa gitna ng paghagulgol ko, ramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Nagising siya dahil sa ingay ko. "Elara? Babe? Bakit? Why are you crying? Anong nangyari?" boses niya, paos pa sa pagkagising, pero puno ng pag-aalala. Agad siyang umupo at hinawakan ako sa balikat. "Tell me, what's wrong? Did I do something?" Humarap ako sa kaniya, halos hindi ma
Wala nang hawak na posisyon si Elisse sa kumpanya, pero sa halip na maputol ang ugnayan nila ni Kelly, lalo lang siyang naging desidido. Mas malaya na siya ngayon—hindi na kailangang magtago sa loob ng opisina, hindi na kailangang magpanggap na simpleng empleyada lang. Ang tanging layunin niya ngayon: bawiin si Kelly, kahit anong paraan.Araw-araw, hindi siya pinapagod magpadala ng mensahe. Mga litratong sadyang kinuha para pukawin ang atensyon ni Kelly—mga sexy photos na ipinapadala niya sa oras na alam niyang gising pa ito, nagpapahinga, o kaya ay kasama ang asawa. She knows his weakness. At siya ang kahinaan ni kelly kahit may asawa na ito. Minsan sa madaling araw, minsan sa tanghali. Palaging may kasamang maikling mensahe na puno ng pang-aakit, paalala na nandiyan pa rin siya, naghihintay, handang ibigay ang lahat ng hindi marahil nararanasan ni Elara.“Namimiss mo ba ako? Alam kong iniisip mo pa rin ako kahit katabi mo siya…”“I wish you were here. I badly needed you now.”Paulit
Elara’s POV Hindi ko alam kung tama ba talaga ang ginawa ko, o kung naging makasarili lang ako. Pero sa puntong 'to, wala na akong ibang iniisip kundi ang pagsasama namin ni Kelly. Ang kasal namin. Ang pamilyang sinusubukan naming buuin. Ginawa ko lang 'yung tingin ko ay tama—'yung tingin ko ay kailangan para protektahan kami. Nang makita ko si Elisse kanina, nakangiti pa sa harap ko, parang walang milagrong tinatago, parang may karapatan siyang maging masaya sa loob ng opisina ng asawa ko... hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hindi ako ganung klase ng babae na maghihintay lang na unti-unting sirain ang buhay niya nang tahimik. May pinaglaban ako. May ipinagtatanggol ako. At kailangan kong alisin ang anay dito sa opisina ng asawa ko. Alam kong siguro sa paningin ng iba—sa paningin ni Kelly, o kahit sa kaniya—masama ako. Ako 'yung kontrabida na humahadlang sa kanila. Pero bakit? Bakit kailangang ako pa ang magmukhang mali? Ako ang asawa. Ako ang pinakasalan niya sa harap ng Diy
ELARA’S POV Sa mga yakap niya, unti-unting humupa ang luha at galit ko. Pero alam ko—hindi pa talaga buo ang tiwala ko. Kahit sabihin kong maniniwala na ako, nandoon pa rin 'yung kaba sa dibdib ko, 'yung takot na baka pinapaniwala lang niya ako para tumahimik ako. "Love, please, ayoko ng ganito tayo. kalakasal pa lang natin, eh. Ako, gusto ko, masaya lang tayo palagi. Hindi ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa 'yo," Parang nababasa niya 'yung isip ko, kaya naman dahan-dahan niya akong hinila palapit, papunta sa kwarto. Hindi siya nagsalita nang kung anu-ano pa, pero ramdam ko sa bawat hawak niya na gusto niyang iparamdam sa akin na akin lang siya—na sa akin lang siya bumabalik. Nang makarating kami sa kwarto, dahan-dahan niya akong hinalikan. Sa umpisa malambing lang, parang sinusubukan kung okay lang ba sa akin. Totoo namang yung mga halik niya, hindi ko kayang tanggihan yon. Nang sumagot ako sa halik niya, doon niya mas hinigpitan ang yakap at naging mas mainit ang bawat
ELARA’S POVNakaupo pa rin ako sa sahig, masakit pa rin ang likod ko pero mas masakit yung dibdib ko—parang pinipiga. Paulit-ulit siyang humihingi ng sorry, pero hanggang ngayon, wala pa ring direktang sagot. Alam ko naman na, eh. Alam kong si Elisse yung babae niya at doon siya galing. Ang masakit lang is yung wala akong magawa. kakakasal lang namin."Sorry na, Elara. Hindi ko talaga sinasadya 'yung pagtulak sa'yo. Patawad," sabi niya, parang totoo 'yung lungkot sa boses niya.Tumingin ako sa kanya, pagod na pagod na. "Sorry lang? 'Yan lang ba? Sapat na ba 'yan para sa lahat ng panloloko mo? Para sa lahat ng gabi na naghihintay ako dito? Kelly… aminin mo na lang. Sige, palalayain kita. Hindi kita pipigilan. Kasi nakita ko na kayo sa ospital, narinig ko na ang lahat. Bakit kailangan pa nating patagalin 'to? Aminin mo na, para matapos na 'yung paghihirap nating dalawa."Umiling siya agad, mariin ang pagtanggi. "Wala kaming relasyon ni Elisse. Trabaho lang talaga 'yon. Bakit ba ang hir
Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na sala
Umuwi ako sa bahay at suwerte na walang tao maliban kay kuya na kanina pa ako hinihintay. "Saan ka galing? Anong oras na, ha? uwi pa ba yan ng estudyante?" sita niya sa akin. Dito sa bahay, kami lang ng Kuya ko ang magkakampi palibhasa ay pareho kaming sampid dito pero this time, kailangan kong mag
Dumating na ang oras ng uwian. Gaya ng napag-usapan namin kanina, sasama ako sa kanya sa bahay nila Artur. Sabi niya gusto daw akong makilala ng mga magulang niya, gusto raw nilang makilala ang babaeng mahal niya.Kahit kinakabahan ako at parang gusto ko nang umatras dahil sa takot, sumama pa rin a
Ako si Alexandra De Vera, labing-walong taong gulang, pangalawa sa apat na magkakapatid. Mula noong bata pa ako, alam ko na ang puwesto ko sa buhay—isa lang akong anak sa labas, walang karapatang humingi ng ano man, lalo na ng respeto at pagmamahal. Kami ng kuya ko ang nakatira sa bahay ng tata







