LOGINRamdam ni Alexandra ang matinding hiya habang nakatayo sa pintuan. Sa likuran niya ay ang kaniyang ina at mga nakababatang kapatid, na nakatingin sa dumating na estranghero. Namula ang kaniyang pisngi at hindi alam ang gagawin—naisip niyang magpaliwanag agad, ngunit bago pa man siya makabuka ng bibig, nagsalita na si Hitoshi nang may kumpyansa at paggalang. Humarap ito sa ina ni Alexandra at yumuko nang bahagya bilang pagbati. “Good morning, Ma’am. I am Hitoshi Osaida,” panimula nito nang malinaw at magalang. “I know this visit is sudden, and I apologize for coming unannounced. But I have come to be honest with you.” Nagkatinginan ang mag-ina. Nanatiling nakayuko si Alexandra, puno ng kaba at hiya. “I have grown very fond of your daughter,” patuloy ni Hitoshi, diretso ang tingin sa matanda. “I respect her greatly, and I care about her well-being. Seeing how hard she works and the life she is trying to provide for all of you… I want to help, not just with money, but in a way that
Tumingin si Hitoshi sa kaniyang mga mata, naghihintay ng sagot. Nakita ni Alexandra ang sinseridad at pagnanasa sa mga ito, at sa gitna ng kaniyang pag-aalinlangan, naalala niya ang dahilan kung bakit siya naroon—ang pangangailangan, ang pangarap, at ang pangako sa kaniyang dinadala. Huminga siya nang malalim, dahan-dahang tumango, at bahagyang itinaas ang kaniyang mukha bilang pagsang-ayon.“Okay… you can,” bulong niya nang mahina, halos pabulong lang, ngunit sapat na upang marinig ito ng lalaki.Isang ngiting puno ng kasiyahan at pagnanasa ang gumuhit sa mga labi ni Hitoshi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mukha, at muling dinampian ng halik ang kaniyang leeg bago unti-unting bumaba pa lalo. Marahan niyang ibinaba ang laylayan ng blouse ni Alexandra at nang malantad na ang balat, doon niya idinampi ang kaniyang mainit na hininga.“You have no idea how long I’ve wanted this,” bulong ni Hitoshi sa pagitan ng mga halik, habang ang kaniyang mga kamay ay marahang humahaplos sa ka
Umalis na si Hitoshi, ngunit hanggang sa makalabas siya ng pinto ng club, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang itsura ni Alexandra. Patuloy niyang iniisip kung ano ba talaga ang bumabagabag sa dalaga. Ramdam niyang may tinatago ito, at naisip niya kung paano niya ito matutulungan nang maayos. Totoong tumimo na ito sa puso at isipan ni Alexandra. Handang ibigay ni Hitoshi ang halos lahat ng makakaya niya, basta’t lamang makuha ang tiwala at loob ng dalaga. Samantala, agad na nilapitan at sinita ni Lala si Alexandra nang makaalis na ang lalaki. Tinanong nito kung umamin na ba ito sa katotohanan at kung bakit tila may lungkot din sa mukha ni Hitoshi bago umalis. “Bakit umuwi na agad siya? Sinabi mo na ba sa kaniya na buntis ka? Naku, huwag kang magpapadala sa emosyon! Huwag kang aamin kahit kailan, habang hindi ka pa financially stable!” mariing paalala ni Lala. Umiling agad si Alexandra upang pakalmahin ang manager. “Hindi po. Wala akong binanggit tungkol doon. Napansin la
Aminin man niya o hindi, malaking stress sa kaniya ang nangyari sa unibersidad kanina. Hanggang pag-uwi ay dala-dala pa rin niya ang mga narinig—ang mga bulungan, ang mga tinging puno ng panghuhusga, at ang mga salitang tila patalim na tumusok sa kaniyang pagkatao. Kahit anong sabihin niya sa sarili na kaya niyang tiisin at balewalain ang lahat, hindi niya mapigilang isipin at dibdibin ang nga ito. Kinagabihan, oras na para pumasok siya sa club. Malungkot at mabigat ang kalooban, ngunit pumasok pa rin siya. Kitang-kita sa kaniyang mga mata—malayo ang tingin, halos hindi makangiti—na may mabigat siyang dinadala. Ramdam ito agad ni Lala, ang kanilang manager, na matagal nang nakakakilala sa mga ugali at kalagayan ng mga babaeng nagtatrabaho sa ilalim niya. “Bakit parang ang lungkot mo? Sa lahat naman ng nakatanggap ng malaking tip nitong mga nakaraang araw, ikaw pa ang mukhang may mabigat na dinadala,” tanong ni Lala habang pinagmamasdan siya. Mabigat ang loob at mahina ang boses na
Alexandra POV Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang umalis na si Hitoshi. Parang nabunutan ako ng tinik na matagal nang nakasabit sa lalamunan ko. Ang bigat na naramdaman ko kanina habang kasama siya ay unti-unting nawala, napalitan ng ginhawa at tuwa na mahirap ilarawan. Agad akong umuwi habang yakap nang mahigpit ang sobreng naglalaman ng malaking halaga. Hindi ko mapigilan ang malawak na ngiti sa aking mga labi, na parang ayaw nang mawala kahit anong gawin ko. Ang bawat hakbang ko ay magaan, parang lumulutang ako sa tuwa. Hindi na ako nag-aalala, hindi na ako natatakot. Alam kong ligtas kami ngayon. Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasang pag-isipan ang trabahong ginampanan ko ngayong gabi. “Hindi naman pala talaga karumihan ang pagiging entertainer,” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa buwan sa langit. “Mali lang pala ang iniisip ng ibang tao. Hindi naman porke’t tumatanggap ka ng pera kapalit ng pakikipag-usap at pagpapasaya sa iba, ay marumi na agad ang
Alexandra POV Nanatili ang kamay niya sa hita ko—mainit, mabigat, at parang hindi na ninais pang umalis doon. Sa bawat paghaplos niya ng dahan, parang kinikilabutan ako at gusto kong umilag, pero pilit kong pinanatili ang sarili ko sa pwesto. Isiniksik ko sa isip ko ang pangako ng pera na kailangang-kailangan namin. “Tiisin mo lang, Alexandra. Isang gabi lang ito. Para sa gamot mo, para sa pagkain nila,” bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Tinitigan niya ako nang maigi, ang mga mata niya ay puno ng paghanga at pagnanasa na tila ba tumatagos hanggang sa kaibuturan ng pagkatao ko. Pagkatapos ay ngumiti siya nang mas malapad at nagsalita. “You really are beautiful, Alex. You know what? You are the most beautiful woman I have ever met in this country. There is a light in your face—something genuine. Not painted on like the others. It shines from within.” Parang dinurog ako ng mga salita niya. Matatamis, oo, pero para sa akin, parang







