Share

Chapter Six : Love Triangle

Hindi na nakasagot si Arianne dahil may biglang may mas maawtoridad na boses ang bumasag sa katahimikan ng lahat. Lahat din ay kapwa nagulat at maang na napatingin sa may-ari ng boses na iyon.

“Haven’t you heard me? I said, what is going on here!” dagdag nito sa mas mataas at mabagsik na boses.

Saka pa lamang nahimasmasan ang lahat.

“Sir Blake John, Kayo pala.” Puno ng paggalang na wika ni Grace.

“Ang tanong ko ang sagutin mo. What is going on here? Mahirap ba sagutin ang tanong ko?” asik nitong pahayag at nasa mukha nito ang pagkainis. Dahan-dahang tumayo si Jake mula sa pagkakaluhod. “Jake Domingo. What’s bring you here?” anito ng mapansin si Jake.

“I was here because it’s my girlfriend’s day!” pormal na tugon ni Jake. Hinapit nito sa beywang si Arianne bago nagsalitang muli. “I’m here to support and celebrate the 24th birthday of my girlfriend.” Natural na kilos lang ang galaw ni Jake. Hindi nasisindak o hindi rin nangangailangang magpaliwanag ng higit pa doon. “Did we bother you, Mr. Blake John Del Fuego?”.

Nagtama ang mga mata ng dalawa. Waring nagniningas na apoy at nagmistulang mga bull ang dalawa na anumang sandali ay pwedeng daluhungin ang isa’t-isa.

Nagulat din si Arianne at hindi makatingin sa lalaki. Matapos banggitin ang apelyido ng lalaki ay parang nanlamig ang mga tuhod niya at kalamnan. Napahawak pa siya kay Jake dahil medyo na-imbalanse ang kaniyang pakiramdam. Mabuti na lang at mabilis siyang nasalo ng lalaki. Agad nitong kinalong si Arianne at buong pag-alalang tinanong ang babae.

“Arianne? Hey! Babe, are you okay?” anitong h******n ang pisngi ng babae. Nanlalamig ito at namamawis. Maaring nahilo ang babae sa alak o na-tense sa inasta ng kanilang CEO. Dinaluhan na rin ng iba pang kasama si Arianne na alalang-alala din.

Sa tumitinding tensiyon ng dalawang maawtoridad na binata ay pumagitna si Grace.

“Sir, please just calm down.” Pagpakalma nito sa amo. “Natatakot si Arianne sa klase ng pagtanong at sagot niyo po. Hope you understand.”

Kilalang matapat at maasahang Head Staff ng F and B Department si Grace Blanco. Isa ito sa mga great contributor sa lahat ng success ng Hotel Uno. Makakasira sa kaniyang emahe kung pati ito ay pakikisamahan niya gaya ng pakikisama niya kay Jake Domingo. Noon pa man, ay may lihim na siyang inggit dito at pagkainis. Lagi kasi itong napapansin ng lahat pagdating sa decision-making at board meetings nial. Maging sa Planning Department ay lagi itong bida. Siya na heredero , CEO at anak ni Arthur Del Fuego, lagi lang nasa likuran nito. And for this reason, he couldn’t forgive Jake Domingo for taking everything he deserves! That asshole ruined his reputation, his image and his possessions!

Medyo nahimasmasan din si Blake John sa mga ikinilos niya. Nakaramdam ito ng pag-alala sa babaeng nalinsad. Batid niyang naging mataas ang boses niya at naging marahas ang pag-entertain ng kanilang mga staff. Isang ugali na hindi dapat ipinapakita ng isang kagaya niya.

“Is she’s okay? May pag-alalang tanong niya na akmang lalapitan si Arianne.

“Stay there!” pigil ni Jake. “Don’t you even come. Kapag may nangyaring masama kay Arianne, I won’t forgive you and I will make sure, you will pay for this!” nasa boses na ni Jake ang bangis. Maging si Arianne at iba pa ay nagulat sa nakakatakot na chemistry ng dalawa kapag nagkaharap.

Nagpapigil naman si Blake John lalo na’t naisip nitong wala ito sa posisyon para daluhan ang babae. Nagkuyom na lang ang mga kamao nito at tahimik na umalis. Nasundan pa ito ng tingin ni Grace.

“Jake...” Medyo paanas na tawag ni Arianne sa pangalan niya. Nataranta naman si Jake sa gagawin kaya una nitong ginagap ang kaniyang mga palad.

“Yes babe, how’s do you feel?” punong puno ng pag-alalang usisa nito sa kaniya. “Wait! Dadalhin kita sa ospital.”

“No... I mean hindi na kaylangan”. Pigil niya sa lalaki. “Okay na ako. Maayos na ulit ang pakiramdam ko. Medyo nahilo lang ako siguro sa alak.” Pinilit niyang itayo ang sarili ngunit sinaway siya nito.

“Easy. Make yourself comfortable.” Saway nito. “Magpahinga ka na muna at bumawi ng lakas.” Iginiya nito siya at pina-upo sa naroong bench.

Nagkatinginan pa sila pareho dahil walang available na unan.

“It’s okay. You can sleep at my lap.” Alok nito sa kaniya at masuyo nitong isinandal ang ulo niya sa lap nito.

“Oo nga naman Arianne.” Segunda ni Grace. “Don’t force yourself para tumayo. Baka mapano ka na lalo.” Dagdag pa nito inayos ang kaniyang pagkakahiga.

Nilingon niya ito.Tiningnan niya ang mata nitong parang nagsusumamo.

Sumingit si Celine na alalang-alala din. “Kasi naman Arianne. Bakit hindi mo sinabing di ka pala umiinom? Yan tuloy.” Bagamat naninisi ito ay di rin naman mawala -wala ang pag-aalala nito.

“Hey. Noong una palang, sinabi na niyang hindi siya umiinom.” Pagtatanggol ni Lorna kay Arianne.”Ayaw niyo lang talaga siyang pakinggan.”

“I’m sorry ladies, it’s all my fault.” Hinging despensa ni Jake dahil sa batuhan ng sisi ng mga ito.

“No sir.” Giit ni Grace. “Nobody’s need to blame. I think, kaylangan na nating magligpit. It’s around 4:00 in the afternoon. We need to fix this right away.” Dagdag pa nito at nagsimulang magligpit ng mga gamit. “Sir Jake, maiiwan na muna naming sa inyo si Arianne, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Magliligpit lang po kami.”

Hindi na nito hinintay ang sagot pa ni Jake dahil nakatitig lang ito kay Arianne na noo’y natutulog sa isang bench at nakaunan sa kaniyang mga hita. Mahina pa niyang hinahaplos ang buhok ng mahimbing na natutulog na si Arianne.

MULING nagtagis ang mga bagang ni Jake matapos matiyak na ayos na ulit ang lagay ni Arianne. Oras na may nangyaring masama kay Arianne, hindi niya mapapatawad si Blake John. Matagal nang may pagkimkim siya sa lalaki. Kahit alam niyang madalas na talo ito dahil mas higit siyang matalino kumpara sa tagapagmana ng Hotel Uno. Mas di hamak na strategic siya, resourceful at productive kesa sa heredero ng Del Fuego.

Kaya wala siyang bagay na dapat ikainggit sa binata. Alam niyang walang pagkakataong nalugi siya lalo na kung quality ang pag-uusapan. Kayang-kaya niyang itaob ang pangalan at performance ni Blake John kung tutuusin. Gayunman, mataas pa rin ang respeto niya sa tagapagmana ng Hotel Uno.

Saglit niyang hinamig ang sarili at ibinaling ang tingin sa natutulog na si Arianne. Muli niyang pinagsawa ang tingin sa mahimbing na natutulog. Wala siyang nilaktawang bahagi ng mukha nito pababa sa mga paa nito. Hindi iyon masasabing pagnanasa bagkus ay isang matatawag na pagsamba sa babae. Naputol ang pagkakataon para sa kaniya ng biglang nagsalita si Grace.

“Sir, okay na po ang lahat.” Sabi nito na hindi na niya napansing naroon na pala. “Mukhang matutunaw naman ang kaibigan naming sa mga titig mo Sir.”

Medyo napahiya siya sa sinabi ng babae pero hindi naman niya itinanggi. “I know. I can’t help myself especially my eyes to ignore her, every time I see her, I touch her, I thought everything is possible. Everything is her.”

“Peace.” Sabi ni Grace na gusto sanang bawiin ang mga sinabi lalo na at isa siya sa mga nererespetong tao at kinikilala sa Hotel uno.

Tipid siyang ngumiti rito. “It’s fine. I understand.” Wika niya na tinanggal sa kaniyang lap ang ulo ni Arianne inayos ang nagusot na suot na maong itim.” By the way, let me take Arrianne to her home safe. Don’t you worry of me, I …”

Pinutol na ni Grace ang mga sasabihin pa niya. “I know Sir Jake. I trust you completely.” Pahayag ni Grace na tumango pa. “Pa’no po Sir, mauna na kami. Ikaw na po ang bahalang maghatid kay Arianne.”

“Thank you.” Ang tanging naisagot niya at tumango lang si grace. Nagpaalam na rin ang iba pa at isa-isang lumabas. Naiwan siyang binuhat si Arianne palabas ng lugar na iyon. Medyo may kabigatan pa ang babae kung kayat lihim siyang napangiti. Nasamyo niya rin ang mabangong buhok ng babae maging ang gamit nitong pabango. Lalo siyang humanga sa babae. Bago pa lumikot ang kaniyang imahinasyon, lumabas na siyang buhat-buhat ang babae gaya sa isang bagong kasal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status