LOGINBumalik si Mateo sa silid ng asawa kung saan mahimbing itong natutulog. Napansin niyang may bahid ng dugo ang isa sa mga benda nito. “Anong nangyari?”“May sugat na bumuka, pero nasa gilid lang naman. Huwag kang mag-alala,” sabi ni Nilly na nadatnan niya doon. “Ngayon, mahaba-habang tulog na ang aabutin niya, mga ilang oras siguro. Baka mas mabuti kung samantalahin mo na ‘yan para umuwi o tumawag ng kapalit muna. Mukhang pagod na pagod ka na; ilang araw ka na rin dito.”Ilang araw ng walang malay si Natalie dahil sa tinamo nitong aksidente.“Siguro nga ay tama ka, Nilly. At tsaka, wala namang saysay kung nandito ako o hindi. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ‘to, at siguradong ayaw niya akong makita pag nagising siya.”“Huwag mong sabihin ‘yan. Hindi naman siguro ganoon kabigat ang problema niyong mag-asawa. Kilala mo naman si Natalie, hindi ba? Maayos na kayo. Maayos na ang lahat. Minsan kasi pinalalaki lang natin ang mga bagay, pero ipinapakita rin ng panahon ang totoo. Kung maha
Tinikom ni Rallyn Vicente ang labi pagkatapos ay ngumiti ng matamis, puno ng kasiyahan ang puso niya. Tuluyan niyang ibinagsak ang katawan sa bisig ni Mateo at inangat ang makinis na mukha para tingnan ito.“Alam ko naman na hindi mo ako kayang tiisin. Hindi mo ako kayang iwanan,” banayad niyang bulong.Tinitigan ni Mateo ang babae, si Rallyn ang bagong EA niya. Nagresign ang dati niyang executive assistant dahil gusto nitong magfocus sa pamilya. Dumating si Rallyn sa buhay ni Mateo sa panahong nagkakalabuan sila ni Natalie.“Hmm…salamat at dumating ka sa buhay ko, Rallyn. Minsan iniisip ko na napakaswerte ko.”Ilang linggo na rin silang nagkikita sa labas ng opisina ng palihim. Nanigas si Rallyn at nagkaroon ng bakas ng guilt sa kanyang mga mata. Agad niyang iniba ang usapan. “Magkatabi ba kayong matulog ni Natalie?”Muling ibinaling ni Mateo ang tingin sa babae. “Kung hindi kami magkatabing matulog, ikaw ba ang dapat kong katabi?”Alam na ni Rallyn ang sagot sa sariling tanong–hindi
Hindi lahat ng love story ay happy ending. Iyan ang napatunayan ni Natalie. Muli silang nag-away na mag-asawa. Sa unang pagkakataon, pinagmasdan ni Mateo nang malapitan si Natalie. Napansin niyang palagi itong nakasuot ng itim at puting damit, may malalaking itim na salamin, at parang binabalot ang sarili tulad ng isang matanda."Hindi ko akalaing ang kagalang-galang na Mr. Garcia pala ay ganito kapusok. Sabik na sabik sa babae, ha?" saad ni Natalie, kasabay ang paglipad ng kamay.Pak!Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Natalie sa gwapong mukha ng asawa. Napalingon ang mukha ni Mateo sa ibang direksyon, habang nanginginig ang mga daliri ni Natalie sa galit. Nakumpirma niya na nambababae ang asawa. At tama nga siya. Kapag masyadong nagpapakababa sa pag-ibig, mauuwi lang sa pagtapak sa iyong pagkatao.May lakas pa ng loob ang lalaki na alipustain siya ng ganito."Alam kong ang bagong EA lang ang laman ng utak mo. Sige, pagbibigyan kita. Gusto mo bang ibigay ko sa kanya pati
Ang mga sumunod na buwan ay puno ng kasiyahan, pagmamahal at katuwaan. Pagkatapos manganak ni Natalie, muling niyaya ni Mateo ang asawa na mag-renew ng vows. Nang sumunod na linggo, naganap ang pinaka-engrandeng binyagan sa buong bansa.“Mukhang maligayang-maligaya ka, Mrs. Garcia, ha?” Tukso ni Mateo sa asawa ng mapag-isa na sila sa kwarto. “Opisyal ng katoliko si Junior. Pwede na siguro nating sundan?”“Ano ka?!” Kunwari ay nagalit si Natalie pero ‘yon naman talaga ang gusto niya. Pareho nilang gusto ng malaking pamilya dahil pareho silang galing sa maliit na pamilya at ngayon ay magkakaroon na sila ng pagkakataon na tuparin ‘yon.**KasalukuyanSa Villa ng mga Garcia.Pagsapit ng gabi, nakadamit pantulog na si Natalie habang nakaupo sa sofa sa malawak na sala. Hinihintay niya ang asawa. Tulog na si Junior kanina pa. Bumukas ang malaking pintuan ng villa at inihayag ng isang katulong ang pagdating ni Mateo Agad na ngumiti si Natalie at masayang sinalubong ang asawa at tinulungan it
Napanis ang ngiti ng ina at nahabag siya sa itsura ng anak. Hindi pa rin naibabalik ang dati nitong ganda at mukhang nakakaligtaan nitong ipahid ang mga creams na dindala niya para maghilom ang mga peklat. “Kaawa-awa ka anak, pero ito ang pinili mong landas. Sa ngayon, ito na lang muna ang pwede kong gawin para sayo. Alam kong hindi mo mauunawaan kung bakit ko nagawa iyon–malamang ay iniisip mong tinraydor kita–pero ‘yon lang ang tanging paraan para maprotektahan kita.” “Bakit pa ba ako umaasa na may gagawin ka para sa akin, hindi ba mas pinili mo sila?” Punong-puno ng sarkasmo ang tinig nito. “Ano masaya ka na? Masaya na ba sila? Ang akala ko nga ay nandito ka para ibalita sa akin na namatay na ang magaling kong ama. Kasalanan niya ang lahat ng ito, eh. Kung hindi sana siya madaldal, sana ay natuloy ang plano ko at nasa mansyon ako ng mga Garcia…pero nasaan ako? Nasaan ako dahil tinubuan ng lintek na konsensya ang asawa mo?” “Anak, may pag-asa pa.” Tumayo na si Irene. “Pwe! Ano, r
Pagkatapos ng isang linggo, natuloy din ang baby shower ni Natalie. Sa pagkakataong ito, kumpirmado na na ang batang dinadala ni Natalie ay kay Mateo. Nag-usap na din sila na susubukan nilang muli at dahil may matibay na silang rason para magsimula muli ng wala ng gagambala sa kanila, nagpasya sina Natalie at Mateo na magrenew ng vows nila. Naging abala ang mga sumunod na linggo para sa kanilang lahat at sa dami ng magagandang nangyayari–nabaon sa limot si Irene Natividad. Nakasuhan at nakulong ito at dahil sa lakas ng kaso laban sa kanya, idagdag pa na ang naghain ng kaso sa kanya ay hindi basta-bastang tao at kayang kumuha ng mga magagaling na abogado. Naging usap-usapan ang naging kapalaran ni Irene Natividad sa buong bansa. Mula sa pagiging isang promising star ng henerasyon niya–hanggang sa pagbagsak niya. Mula sa libo-libong fans hanggang sa nawala na silang lahat. ** Kung may maligayang-maligaya sa magagandang bagay na nangyari kay Natalie, si Nilly ‘yon. Bumalik na s
[Sir, sabi po ni Alex,” pagpapatuloy ni Ivan, [nasa private room niyo po si Miss Irene kanina. Pinapasok na niya, pero hindi naman daw po nagtagal. Nainip daw yata dahil natagalan kayo.] Naging mas malinaw kay Mateo ang lahat----nakita ni Irene ang damit kanina. Iyon ang dahilan kung bakit hinila ni
Kinubukasan ng umaga.Masayang-masaya si Antonio habang nag-aalmusal sila. Manaka-naka ang pagsilip nito sa leeg ni Natalie, pagkatapos ay hahagalpak ng tawa. “Hija, kumain ka pa. Malamang ay pagod na pagod ka.” Pagkatapos ay si Mateo naman ang binalingan nito, nakangiti ito at nanunukso. “Mateo, huw
May taping para sa isang commercial advertisement si Irene sa loob ng mismong mall. Dinalaw siya ni Mateo sa set. Dahil may bakanteng oras siya, minabuti niyang yayain ang lalaki na maglakad-lakad sa mall. “Ang tagal na noong huling shopping ko. Sayang naman kasi nandito na tayo. Baka may mga new ar
Nakahawak pa din si Mateo sa kamay ni Natalie. Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. “'yong kamay ko…pwede pakibitawan tsaka, pwede na ba akong umalis? May lakad ako.” “Saan?” Nakasimangot na ang lalaki at hindi nagustuhan ni Natalie ang tono ng pananalita nito. Hindi niya maitago sa mukha







