Naunang natapos ang pag-install ng air conditioner sa Room 502, at unti-unting lumipat ang ingay ng mga manggagawa sa mga katabing silid habang ipinagpapatuloy nila ang trabaho. Pagkatapos palayasin ang mga usisero, isinara ni Marie ang pinto at binuksan ang kurtina ng kama ni Natalie. Nakangiting masigla, tinanong niya ang kaibigan. “Gusto mo ng honey water? Nagpadala si Mr. Garcia ng imported, additive-free honey. Gagawa ako ng isa para sa’yo.” “Sige, salamat,” mahina ngunit maayos na sagot ni Natalie. Inihanda na ni Marie ang honey water at iniabot ito kay Natalie. Habang iniinom ito, napabuntong-hininga si Marie at napatingin sa kwarto at medyo nanginig pa ito. “Ang lamig na rito ngayon. Ang sarap!” Walang sinabi si Natalie at nanatiling nakatuon sa kanyang iniinom. “Nat,” simula ulit ni Marie, ang tono nito ay naging seryoso. “Talagang mabait si Mr. Garcia sayo. Ang swerte mo. Tingnan mo na lang lahat ng ginawa niya.” Matapos ang sandaling pag-aalinlangan nagpasya na s
“S-sir Ivan? Ano kasi…” nanginginig ang boses ni Marie habang nagsasalita. “Pakisabi kay Mr. Garcia na sobrang sama ng pakiramdam ni Natalie. Kailangan siyang dalhin sa ospital, pero hindi ko siya kayang buhatin!” [Papunta na kami,] agad na sagot ni Ivan, halatang nag-aalala din ito. [Salamat sa pag-abiso.] “Pakibilisan po!” Pagkatapos ibaba ang tawag, nagbukas si Marie ng isang kendi at maingat na nilagay ito sa bibig ni Natalie. “Heto, lagay mo lang ito sa bibig mo. Makakatulong ‘yan kahit papaano. Darating agad sina Mr. Garcia, Nat!” Hindi makakilos si Natalie, kaya tumango lang siya ng mahina. Nanatili si Marie sa tabi niya, habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo gamit ang isang tuwalya, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito. ** Samantala… Kaagad na iniulat ni Ivan ang tawag kay Mateo na kasalukuyang tumatanggap ulit ng IV dahil sa naantalang gamutan bunsod ng kanyang punong iskedyul. Nasa ospital sila ulit. “Sir,” maingat na simula ni Ivan “ako na ang p
Dahil sa takot na baka umalis muli si Natalie, dinala siya ni Mateo sa sariling hospital suite at tinawagan ang doktor ng internal medicine upang doon na ito suriin. “Wala namang seryosong problema,” sabi ng doktor matapos ang pagsusuri, habang sinusulat ang reseta para sa intravenous fluids. “Ang episode na ito ay dulot ng naputol na gamutan niya. Ilang araw na tuloy-tuloy na IV fluid intake ang kailangan niya para maging okay ang pakiramdam niya.” Bahagyang yumuko si Mateo na tila nag-iisip, bago muling nagtanong, “Kailangan ba niyang sumailalim sa regular na gamutan sa hinaharap? May posibilidad bang lumala ito?” “Sa ngayon, mahirap sabihin,” matapat na sagot ng doktor. “Pero kung maingat na babantayan at aalagaan si Natalie, hindi naman dapat magkaroon ng malaking komplikasyon sa kalusugan niya at ng sanggol.” “Salamat,” malamig na tugon ni Mateo at nagpapahiwatig na tapos na ang usapan. Pagkaalis ng doktor, naupo siya sa tabi ng kama ni Natalie. Tahimik niyang pinagmamas
“Nat, gusto kong humingi ng tawad.” Ang mga salitang iyon ay payak at alam ni Mateo na kailan man ay hindi iyon sasapat para sa lahat ng nagawa niya. Gayunpaman, hindi niya maaring hayaan na hindi iyon masabi. Napatingin lang si Natalie sa kanya. Nakaawang ang bibig ngunit walang boses na lumalabas. Marahil ay nagulat sa biglaang sinseridad ni Mateo. Hindi sigurado si Natalie kung ang hinihingi ng tawad nito ay tungkol sa huling insidente nila. Hindi niya masabing ayos lang siya dahil hindi. Ang alaala ng ginawa ni Mateo sa kanya ay nananatili pa rin at nagdudulot ng galit kahit ngayon. Nakasimangot siya, ang boses ay puno ng hinanakit at sakit. Kailangan din ni Natalie na magtanong. “Bakit mo ako kailangang tratuhin ng ganoon?” Isa itong tanong at reklamo na may halong pagkadismaya. “Dahil isa akong masamang tao,” amin ni Mateo, ang mga mata ay malalim na nakatingin sa kausap, habang ang dibdib niya ay tila pinipiga sa sakit. Walang nakakaalam kung gaano kahirap para sa ka
Nanatiling matigas si Natalie sa yakap ni Mateo, ang kanyang mga kamay nakalaylay lamang sa kanyang tagiliran. Hindi niya tinutugunan ang yakap, ngunit mahina siyang tumawa. Mahinahon niyang sinabi na, “sige. Tinatanggap ko na ang paghingi mo ng tawad.” Kahit labag sa kanyang kalooban, pinilit ni Mateo na bitawan siya. Iyon na ang huling yakap nila. Pagkatapos ay hindi na muling mangyayari iyon. “Nat,” muling simula niya, ang boses niya ay kalmado ngunit ang kanyang puso’y hindi mapakali. “Tungkol sa alimony… Ang bahay sa Antipolo ay ililipat sa pangalan mo. May kasamang pera at iba pang mga ari-arian—” “Haha!” Natawa ulit si Natalie. Si Mateo naman ngayon ang nagtaka. “Ano’ng nakakatawa?” “Pasensya na,” sabi niya. Pinipigilan nitong huwag tumawa. “Hindi ko lang inaasahan na magkakaroon ng alimony. Hindi mo kailangan ibigay sa akin ang kahit ano. Tutal, tayo…” Bigla siyang tumigil, balak sanang sabihin na ang kasal nila ay hindi kailanman nag-ugat sa pagmamahal, kundi sa
Umiling si Natalie. “Hindi, hindi pwede.” Natigilan si Mateo, para bang tinusok ang kanyang puso ng karayom. Hindi niya matanggap ang sagot nito sa kanya. “Galit ka ba talaga sa akin?” tanong niya, ang boses niya ay puno ng sakit. “Hindi naman,” mahinang sagot nito at bahagyang tumawa ng mapait. Ang tono niya ay magaan, tila nagpapaliwanag. “Alam mo naman—hindi kami magkasundo ni Irene. Para na rin sa kapakanan mo, mas mabuti kung hindi tayo magkaibigan. Sa totoo lang, mas okay kung hindi na tayo magkikita pa.” Saglit tumigil si Natalie, tsaka nagdagdag, “Kung magkita man tayo, magpanggap na lang tayong hindi magkakilala.” Mahinang kumaway siya. “Paalam, Mateo.” “...s-sige,” sagot ni Mateo, bagama’t tila nakabara sa kanyang lalamunan ang salitang iyon. Nanatili siyang nakatayo, nakatanaw habang umaalis si Natalie ng walang alinlangan. Inasahan niyang ganito ang kalalabasan, ngunit hindi niya inakala na aalis siya ng ganoon kabilis, ganoon katatag. May bahagi sa kanya na gusto
Mabilis na lumapit si Natalie sa kanyang ama, ngunit huminto siya para may sadyang agwat sa pagitan nila. “Ano ang kailangan mo?” malamig niyang tanong. “Wala, wala…” natatawang sagot ni Rigor, halatang kinakabahan. Inabot niya ang dalang bag sa anak. “Bumili ako ng mga paborito mong meryenda. Tanggapin mo sana.” Ayaw sanang kunin ni Natalie, ngunit mapilit si Rigor. Ipinilit nito ang bag sa kanyang mga kamay. Maraming taong abala sa paligid, kaya’t ayaw ni Natalie ng eksena. Sa huli, napilitan siyang tanggapin ito. “Mga meryenda lang naman, bulong niya sa sarili. “Wala naman sigurong masama.” Kitang-kita ang ginhawa sa mukha ni Rigor ng tanggapin niya ang bag. Ngumiti ito nang malapad habang mabusising tinitigan si Natalie. “Ang payat mo na. Kailangan mong kumain ng maayos. Nag-aaral ka pa para sa mga pagsusulit, tama? Huwag kang magpapagod—” “Tama na.” Hindi na kinaya ni Natalie. Pinutol niya ang sinasabi nito sa mabagsik na tono, ang ngiti sa kanyang mukha’y puno ng pang
Nagkibit-balikat si Natalie. Namangha siya sa reaksyon ng kaibigan. “Wala namang nakakagulat. Tulad ng inaasahan ko, pinili niya si Irene." Ikinuwento niya ng maikli kay Nilly ang naging pag-uusap nila ni Mateo at kung paano ito kakalmado at walang emosyon ang tono. “Iyon nga ang nangyari…tapos na ang lahat.” “Anong karapatan niya?!” biglang sigaw ni Nilly, namumula ang mukha sa galit. “Akala ba niya pwede ka niyang kunin kapag gusto niya at itapon kapag ayaw na? Paano nagagawa ng isang tao na maging ganito kasama?” “Okay lang, Nilly. Tanggap ko naman.” Habang iniisip niya ito, lalo siyang nagagalit. “Hindi ito katanggap-tanggap! Sobra na ito!” “Teka. Saan ka pupunta?” Hinawakan ni Natalie ang braso ni Nilly nang makita niyang papalabas ito. “Para komprontahin siya, syempre!” sagot ni Nilly na para bang ito ang pinaka-normal na bagay na pwede niyang gawin sa mundo. “Akala ba niya, dahil mayaman siya, may karapatan siyang paglaruan ang mga tao ng ganito?” “Hayaan mo na…”
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r
“Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just
Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo
Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust