Share

KABANATA 281

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-03-31 18:21:37

Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.

Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.

Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”

Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”

Imbes na maging ok
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (249)
goodnovel comment avatar
Joyce C. Rualez
🥲🥲🥲🥲🥲
goodnovel comment avatar
Pickles Wong Henry
Bobo nasa Canada nag tagalog taga village!! Utak mo author asan.
goodnovel comment avatar
Anna Aldamar
nxt episode pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 385

    “Ha? Tama ba ang nakikita ng mga mata ko? Si Mateo ba talaga ‘yan?” Mahinang bulong ni Nilly habang naniningkit ang mga mata. “Nag-invest ba siya sa pelikulang ‘to? Ito ba ‘ang dahilan kung bakit hindi ka niya nasamahan sa check-up mo? Bakit hindi na lang niya sinabi sayo?”“Siguro… ewan ko. Hindi ko alam.” Malabo ang sagot ni Natalie.Hindi niya kailanman inalam ang mga negosyo ng asawa, kaya noong sinabi nitong may ‘importanteng lakad’ ito ngayon at hindi na matutuloy sa pagsundo sa kanya sa ospital, hindi na siya nagtanong. Ganoon naman talaga siya, kapag trabaho na ang pinag-uusapan dahil alam ni Natalie na gaya niya, importante din kay Mateo ang trabaho nito.Pero ang katotohanan ay dumapo sa kanya—at hindi niya ito nagustuhan. Dahil kasunod ni Mateo ay walang iba kundi si Irene.“Hala!” Awtomatikong napalingon si Nilly kay Natalie. “Si Irene? Kasama siya sa pelikulang ‘to? Parang may hindi tama—hindi ko sinasabing may hindi tama sa ginawa ni Mateo…pero…Nat? Okay ka lang?” Biglan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 384

    Kung maayos ang lahat, baka hindi na rin niya kailangan pang ituloy ang IV treatments. Ang pagpayag niya ngayon ay hindi naman nangangahulugan na buong pagbubuntis niya ay nakadepende siya doon. Maaring dalawa o tatlong beses lang hanggang sa maging stable ang nutrition level niya.“Oh.” Lumambot ang ekspresyon ng doktora. “Mukhang nagkamali ako. Mabuti kung napag-usapan niyo na pala. Sige, irereseta ko muna ang tatlong sessions. Tingnan natin kung may improvement ka.”“Salamat po.” Magalang na sagot ni Natalie.Habang nagsusulat ito ng reseta, nagpatuloy ito sa pangaral. “Sa susunod, isama mo na si Mr. Garcia, okay? Huwag mong isipin na porke’t nasa sinapupunan mo pa ang bata, wala siyang nararamdaman. Mas magiging malusog siya kung matibay ang relasyon ng mga magulang niya. Alam kong marami ang magtataas ng kilay sa sinasabi ko dahil isa akong doktor, pero sa mas maraming pagkakataon—lumalabas na may maayos ang mga bata na may mga magulang na maayos ang relasyon.”“Opo, makikinig ak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 383

    [Irene, pwede ba?] Matalim ang boses ni Ed habang pilit na kinakalma ang babae. [Wala akong magagawa! Sa tingin mo ba, gagawin ko ‘to dahil gusto ko? Si Direk mismo ang nag-utos! Baka nakakalimutan mong nagsponsor ang Garcia Group of Companies para sa pelikula? Ikaw pa rin ang artista niya, at kakailanganin mo pa rin ang suporta niya sa hinaharap! Kaya huwag mong kokontrahin ang utos niya!]Hindi pinansin ni Ed ang pagtutol ni Irene. Alam niyang narinig na ni Mateo ang lahat, kaya minabuti niyang ituloy na lang ang pag-uusap. [Mr. Garcia, ikaw ang nagpakilala kay Irene kay direk para sa huling project niya. Alam mo naman ang kalakaran sa industriyang ito—ang walang matibay na koneksyon at mahina ay tinatapakan ng malalakas—at ang mga malakas ang kapit, sila ang palaging nabibiyayayaan. Ngayon na kalat na sabuong entertainment circle na kasal ka na, nawalan na ng ‘backer’ si Irene. Sa premiere ng pelikula ni Direk ngayong gabi, gusto niyang makita na naroon ka—hindi lang para magpakita

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 382

    Hindi alam ni Mateo kung ano ang dapat niyang maramdaman—kung mas magugulat siya o matutuwa sa ginawang pag-amin ni Natalie ng totoong nararamdaman nito para sa kanya. Hindi naman kasi kagaya ng ibang relasyon ang naging sitwasyon nila. Madalas sa mga relasyon, nagkakagustuhan muna ang dalawang tao bago lumagay sa tahimik—taliwas ng sitwasyon nila ni Natalie na matapos ng napakaraming pinagdaanan at dalawang kasalan—ngayon pa lang sila magkakaaminan.Sa gulat niya, napatanong siya, “t-talaga?”Pero nang pagmasdan niya ang magandang mukha ng asawa, tila wala na itong alinlangan. Ngumiti lang ito—isang tahimik, magaan na ngiti, tila nabunutan ng tinik. “Talaga. Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Ngayon pa ba? Ikaw ang asawa ko—ang magkagusto sayo, mali ba ‘yon? O bawal?”Walang butas ang kanyang katwiran. At gayunman, may bahagi pa rin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, nagtanong siya, “Gaano mo ako kamahal kumpara kay Drake?”Malinaw na m

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 381

    Pagsapit ng alas-sais ng gabi, natapos na rin ni Natalie na asikasuhin ang lahat ng pasyente niya. Limitado lang ang konsultasyon na ginagawa ni Doctor Norman Tolentino--may takdang bilang lang ng pasyente kada araw dahil hindi lang siya basta doktor sa ospital na iyon, direktor din siya at head ng research department. Kung tutuusin, hindi na dapat kumukuha ng shift ang doktor pero ipinagpilitan ito mismo ni Norman.Matapos maghugas ng kamay at magpalit ng damit, nakita niyang pumasok si Alex sa opisina niya. “Pasensya ka na, Alex. Maghapon ka ng naghihintay. Pwede na tayong umalis.”Ngumiti lang si Alex at nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. “Okay lang. Trabaho ko ‘yon. Tsaka, walang nagmamadali, Nat. Paparating na rin si sir dito.”“Ano kamo?” Saglit na natigilan si Natalie. At nang maunawaan ang sinabi ni Alex, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Paparating siya dito?”“Oo, ‘yon ang sabi niya.”Umupo siyang muli, banayad at magaan ang boses niya. “Kung ganoon,

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 380

    Matapos maligo at ayusin ang sarili, pinagsabay na lang ni Natalie ang agahan at tanghalian bago kinuha ang bag niya at lumabas. Pagdating niya sa bungad ng mansyon, isang nakangiting mukha ang bumungad sa kanya.“Magandang umaga, Nat!” Masiglang bati ni Alex sa kanya. “Ang sabi ni sir, simula ngayon, ako na ang sasama sayo tuwing lalabas ka.” At para hindi isipin ni Natalie na magiging anino siya nito, agad itong nagdagdag, “huwag kang mag-alala, hindi ako magiging istorbo. Ituring mo na lang akong driver mo—karamihan ng oras, hindi mo man lang mapapansin na nariyan ako. Promise.”Alam na ni Natalie ang tungkol dito dahil nabanggit na ito sa kanya noong nakaraan at pumayag siya dahil para din naman iyon sa kaligtasan niya. Pero hindi siya sanay na may umaali-aligid sa kanya at hindi rin magandang tingnan sa ospital na may bodyguard siya.“Maaasahan kita, ha?” sagot niya dito ng may ngiti.“Walang problema. Sige, sakay na.”“Okay.”**Sa Ospital.Pagdating sa outpatient department, ag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status