Share

KABANATA 357

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-29 18:48:33

“Irene,” mabilis na hinawakan ni Mateo ang braso ng babae, sa ganoong paraan, napigilan niya ang tuluyang pagbagsak nito sa kanya. Mahigpit ngunit maingat ang pagkakahawak niya—isang tahimik na paraan ng pagguhit ng linya at distansya sa pagitan nila. Hanggang maari ay may malinaw siyang pag-iisip at ayaw naman niyang lapastanganin ang karapatan ni Natalie.

Inakala niyang magiging mahirap itong pakiusapan pero kabaligtaran ang nangyari. Tila walang pakialam si Natalie. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang lagyan ng limitasyon ang pagkakalapit nila ni Irene bilang respeto kay Natalie.

“Mateo?” Napatingin si Irene sa kanya. Ang mga matang basa ng luha ay puno ng sakit at kalituhan. “Tinutulak mo ba ako palayo? Bakit? Hindi ba mahal mo ako? Muntik mo pa nga akong gawing Mrs. Garcia, eh.”

Nagbuga ng hangin si Mateo. Pinipigilan niya ang sariling emosyon. Lasing ang kausap niya at kahit saang anggulo tingnan, siya ang matino at siya ang kailangang maging matino. “Irene, ang suite na ito ay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (41)
goodnovel comment avatar
Mseilirpa B Zeavran
Sana matigok ka na author kasama ang bwesit mong kwento
goodnovel comment avatar
Lorellin Gonzales Oliveros
mas magandang basahin ang mga stories sa Dashtoon...ilang kwento na ang natapos ko doon, wala pa rin sa kalagitnaan ang kwento mo author
goodnovel comment avatar
Lorellin Gonzales Oliveros
Napakaboooring! Mas gusto ko pang magbasa ng comments kaysa sa kwento....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 360

    Itinagilid ni Natalie ang mukha at sa ganoong paraan, kumawala siya sa hawak ni Mateo. Kinuha niya ang kumot ay mahigpit na binalot ang sarili, pagkatapos ay tumalikod.Hindi niya pinaalis si Mateo, pero hindi rin nito sinabi na pwede siyang manatili. Walang sinabing direkta si Natalie kung pinapayagan niya ang pananatili ni Mateo sa kwarto.Para kay Mateo, kahit ano pa ang iniisip ni Natalie sa kanya—wala siyang balak umalis sa tabi nito. Sa halip na umalis, inangat niya ang dulo ng kumot at pumasok sa ilalim nito para muling yakapin si Natalie.Agad nag-alab ang inis ni Natalie.Mabilis siyang bumalikwas at umupo at bumangon mula sa kama.“Huwag kang gagalaw!” Alam na ni Mateo ang gagawin niya kaya mabilis niyang napigilan si Natalie sa pamamagitan ng paghawak sa pulso nito ng mahigpit pero hindi masakit. “Saan ka na naman pupunta?”Kung ang isasagot nito ay sa sofa ito matutulog, gustong makita iyon ni Mateo. Pero nagkamali siya dahil wala namang planong matulog sa sofa si Natalie.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 359

    Sa lahat ng pwedeng itanong, iyon pa ang napiling itanong ni Natalie. Nanigas ang mga daliri ni Mateo habang hawak ang mug, ngunit makalipas ang ilang segundo, tumango siya. Tahasan na siyang nagsinungaling kanina ng umalis siya para tingnan ang kalagayan ni Irene at nalaman pa rin iyon ni Natalie. May paraan si Natalie at nalalaman niya. Kaya sa pagkakataong ito, pinili ni Mateo na maging totoo. Wala naman sigurong masama sa isang tasa ng ginger tea.“Oo, may magdadala rin sa kanya.”“Alam ko.” Ngumiti si Natalie, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. Halata naman na hindi talaga para sa kanya ang ginger tea na iyon dahil ang totoong nabasa ng ulan kanina—literal na nakikihati lang siya sa kung ano man ang natira.Ngunit may problema, hindi mahilig si Natalie sa mga tira-tira. Umiling siya. “Dalhin mo na lang ‘yan sa kanya. Hindi ko naman ‘yan kailangan. Hindi naman ako nabasa ng ulan.”Hinila niya ang kumot at babalik na sana sa paghiga. Pero bago pa siya makagalaw, mabilis siy

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 358

    Natigilan si Mateo, sa pangatlong beses ay lumipad ang tingin niya papunta kay Natalie. Parang umaasang may sabihin siya.Bilang tugon, tumaas ang kilay ni Natalie at sinabayan ng paglaki ng mga mata dahil sa pagtataka. “Bakit mo ako tinitingnan? Huwag mong sabihing gusto mong ako ang magpaligo sa kanya? Ikaw ang may gustong dito siya manatili kaya trabaho mo ‘yan.” Itinaas pa nito ang mga kamay bilang pagpapakita na wala siyang gagawin sa pagkakataong iyon.Ang bahagyang ngiti sa labi ni Natalie ay lalong nagpadilim ng ekspresyon ni Mateo. “Pwede bang tigilan mo ang pagsasalita ng mga walang kwentang bagay?” Iritado na ito. “Wala akong iniisip na ganyan. Ang dumi ng isip mo.”“Tsk,” mahinang tumawa si Natalie. Sumandal siya sa pader na parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. “Sinong tanga ang maniniwala sa kanya?”Noong maayos pa silang nagsasama, kahit na sandali lamang iyon, maraming beses siyang hinila nito sa shower. At dahil mas matagal silang magkarelasyon ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 357

    “Irene,” mabilis na hinawakan ni Mateo ang braso ng babae, sa ganoong paraan, napigilan niya ang tuluyang pagbagsak nito sa kanya. Mahigpit ngunit maingat ang pagkakahawak niya—isang tahimik na paraan ng pagguhit ng linya at distansya sa pagitan nila. Hanggang maari ay may malinaw siyang pag-iisip at ayaw naman niyang lapastanganin ang karapatan ni Natalie.Inakala niyang magiging mahirap itong pakiusapan pero kabaligtaran ang nangyari. Tila walang pakialam si Natalie. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang lagyan ng limitasyon ang pagkakalapit nila ni Irene bilang respeto kay Natalie.“Mateo?” Napatingin si Irene sa kanya. Ang mga matang basa ng luha ay puno ng sakit at kalituhan. “Tinutulak mo ba ako palayo? Bakit? Hindi ba mahal mo ako? Muntik mo pa nga akong gawing Mrs. Garcia, eh.”Nagbuga ng hangin si Mateo. Pinipigilan niya ang sariling emosyon. Lasing ang kausap niya at kahit saang anggulo tingnan, siya ang matino at siya ang kailangang maging matino. “Irene, ang suite na ito ay

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 356

    Ang Isla Verde ay isang kilalang destinasyon ng mga lokal at banyagang turista. Puno ito ng mga mararangyang resort, hotel at boutiques ng mga kilalang luxury brands. Maraming pwedeng puntahan doon. May naisip na siyang maliit na hotel sa dulo ng isla. Kilala niya ang may-ari ng hotel na iyon at pwede niyang tawagan habang papunta doon. Kung magtatagal pa sila sa labas, tiyak na may makakakita na sa kanila at kapag umabot ang pangyayaring ito sa pandinig ng lolo niya, tiyak niyang mag-aaway na naman sila ay iniiwasan niyang mangyari iyon.Hindi na nagdalawang isip si Mateo, inabot niya ang susi ng kotse sa isang security guard. “Kunin mo ang sasakyan ko. Bilisan mo.”“Yes, sir.” Mabilis na tumango ang gwardya at tumakbo patungo sa parking area. Pero pagkalipas ng ilang hakbang, bigla itong huminto at nagbago ang ekspresyon, halatang nagulat dahil sa taong nakasalubong niya. “Mrs. Garcia…”Biglang bumigat ang dati ng may tahimik na tensyon sa hangin. Narinig ni Mateo ang pangalang sina

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 355

    Natigilan si Natalie. “Narito nga si Irene…”Nagpatuloy si Rigor. Ang kanyang tinig ay puno ng pangamba, na para bang natatakot siyang hindi siya seseryosohin ni Natalie. [Siguradong pumunta ang kapatid mo dyan para hanapin si Mateo. Magkasama kayong dalawa hindi ba? Bantayan mo siya—huwag mong hahayaan na mawala si Mateo sa paningin mo.]Tahimik pa rin si Natalie, mariing pinipigilan ang kanyang emosyon. Ni minsan, hindi niya na-imagine na si Rigor mismo ang magbibigay sa kanya ng babala.Pero huli na…Pinagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari. Walang duda, kaya umalis si Mateo ay para puntahan si Irene.Ang tanong ay bakit?“Natalie, seryoso? Tinatanong mo pa bakit? Hindi ba si Irene ang pinakamahalagang babae sa buhay niya at hindi kailanman hahayaan ni Mateo na magdusa ito. Ito rin ang babaeng pinoprotektahan ni Mateo sa lahat ng pagkakataon. B-baka nagsisisi na siya? Baka hinihiling na rin ngayon ni Mateo na nagkapalit sana kami ng posisyon ni Irene. At si Irene ang pakakasalan n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status