Share

KABANATA 399

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-07-01 11:52:25

“Sandali lang...” iwinasiwas ni Natalie ang mga kamay, hindi niya mapigilan ang pagtawa bago tuluyang huminto. “Sorry, hindi ko makontrol…sandali lang…kailangan kong huminga.” Hinihingal siya sa kakatawa at kinailangan niyang tumigil sandali para habulin ang hininga.

Samantala, nakatingin lang sa kanya si Mateo ng may makahulugang titig, may bahagyang kunot sa noo. “Ano ba kasi ang tinatawanan mo?”

“Naisip mo na ba kung anong gagawin mo kung bumalik siya?”

“Ha?” Bahagyang nagulat si Mateo bago umiling at tumawa ng mahina. Ang tanong na ‘yon ni Natalie ay matagal ng hindi sumasagi sa isipan niya. “Imposible. Hindi na siya babalik.”

"Hindi mo masasabi ‘yan ng sigurado. Ibang klase kung magbiro ang tadhana, alam mo ba ‘yon?” Itinaas ni Natalie ang isang daliri at marahang itinulak ang dibdib nito. “Mr. Garcia, bente-sais o bente-siyete ka na, hindi ba? Ibig sabihin, mas bata pa sayo ang ‘little butterfly’ mo. Mahaba pa ang buhay—paano mo nasisiguro na hindi siya babalik?”

Unti-unting kum
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Cristina Abalos Olite
C nathalie ang little butter fly
goodnovel comment avatar
Mary Grace Nacional
naq eextra ulit yan c irene......... siya ang lalabas na may-ari nun..kakaumay na,lagi may kontrabida,wala katapusan..
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
magkano Kya un laman Ng bank card.. n binigay n rigor KY Nathalie at Justin..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 434

    “Huh?” Nanlaki ang mata ni Janet sa narinig. “Anong pinagsasabi mo dyan? Akala ko ba hiwalay na kayo? Ibig mong sabihin… may pag-asa pa na maging bongga ang kinabukasan natin? May pag-asa pang maging Garcia ka?”“Mhm.” Hindi malinaw ang naging sagot ni Irene dahil napakaaga pa para magsalita ng tapos.“Talaga?” Lalong lumiwanag ang mukha ni Janet. Agad niyang hinawakan ang kamay ng anak, puno ng kasabikan. “Dali, ikwento mo sa akin lahat! Paano mo nagawa ‘yan?”“Mommy…”**Matagal ng hindi lumalapit si Natalie sa dating pamilya. Alam niyang matagal nang pinalitan ang mga kandado at security codes sa buong lugar at walang ibang paraan kundi ang pumasok sa mismong gate. Habang papunta siya doon, naisip na niyang kahit kumatok siya, hinding-hindi siya papapasukin ng mga katulong kahit pa kilala siya ng mga ito.Pero hindi na niya kailangan mag-alala—dahil kasama niya si Alex.Pagdating sa harapan ng bahay, inutusan niyang iparada ang sasakyan sa tapat ng gate. Pagkatapos ay bumaba sila p

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 433

    “Sino pa nga ba? Kundi ang sarili kong pamilya!” Parang isang matinding dagok na pumasok sa isipan ni Natalie iyon at hindi ito nawala.Habang pinag-iisipan niya ito, lalong naging malinaw na posible nga. Ang alitan niya sa dati niyang pamilya ay hindi simpleng away na maaaring kalimutan. Sa paglipas ng mga taon, ito ay naging isang malalim na sugat na walang lunas—patuloy lang itong nabubulok.Naalala niya si Rigor sa ospital—ang kanyang matamlay at desperadong mukha. At si Irene, na paulit-ulit siyang pinipilit na i-donate ang kanyang atay, hanggang sa nagawa nitong ipagkanulo siya sa lalaking umatake sa kanya para mapahamak siya at magkaroon sila ng pagkakataon sa atay niya.“Hindi. Posible kayang, dahil hindi nila siya mapilit, si Justin naman ang napagdiskitahan nila? Sumosobra na talaga sila!”Agad na tumayo si Natalie, hindi siya pwedeng maupo lang at maghintay sa ospital ng balita tungkol sa kapatid. Kailangan niyang pumunta sa dating bahay. Kahit na maliit lang ang posibilida

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 432

    Alas-onse na ng umaga, abala si Natalie sa surgery department. Dahil sa nalalapit na operasyon ni Antonio—napakarami niyang kailangang gawin—bukod sa siya ang magiging assistant surgeon ni Dr. Tolentino, hindi na siya naiiba sa matanda. Hanggang maari, gusto niyang maging maayos ang takbo ng lahat.Halos tapos na niyang ayusin ang surgery schedule para sa susunod na araw ng makatanggap siya ng tawag mula sa rehabilitation center. Hindi pa man niya nasasagot, may kakaibang kaba na bumangon sa dibdib niya. Hindi madalas tumawag ang center, pwera na lang kung isa itong emerhensya.“H-hello…?”[Miss Natalie…] sa kabilang linya, ramdam ang matinding pag-aalala sa boses ng nurse na lalong nagpakaba sa kanya. [May masamang nangyari! Nawawala si Justin!]“Ano?!” Agad na napasandal si Natalie sa upuan niya at mahigpit na hinawakan ang gilid ng mesa para sa suporta, nagsimulang manginginig ang kanyang mga daliri. “Sandali…anong ibig mong sabihin, ‘nawawala’?”[Ngayon ang field trip ng mga bata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 431

    “Doc, anong ibig mong sabihin?” Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Sa araw na ito ay halos puro na lang kaba ang nakukuha niya. “Linawin mo, Doc. Gusto ko, ‘yung sa paraang naiintindihan ko.”“Mr. Garcia, hindi mo kailangang maging masyadong tensyonado.” Habang binubuklat ni Dr. Cases ang medical report ni Natalie na nasa desk niya bago siya nagpatuloy, “base sa resulta, parehong nasa maayos na kondisyon si Mrs. Garcia at ang sanggol. Epektibo ang mga nutritional IVs, at ang paglaki ng bata ay tama sa kanyang gestational age ngayon. Kung noon pa sana niya ito naumpisahan, matagal na sanang maganda ang takbo ng pagbubuntis niya.”Inilihim ni Natalie ang nutritional IV niya sa kanya dahil sa pag-aakala nito na wala siyang magiging pakialam. Ngunit, nakaraan na ‘yon. Hindi na nila maibabalik pa ang mga nasayang na panahon. Ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kasalukuyan.Bahagyang tinaas ni Mateo ang isang kila

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 430

    “Ganoon ba?” Nagulat si Natalie—hindi niya iyon alam at hindi iyon nabanggit ni Mateo sa kanya. Hindi siya sigurado kung nakaligtaan lang nito o wala talagang intensyon na sabihin sa kanya. Pero kahit na ano pa man ang dahilan nito—malinaw ang intensyon ng asawa at kahit na naglihim ito sa kanya, hindi niya makapa ang galit.“Alam mo kung ano ang nakikita ko? Halata naman na mahalaga ka sa kanya, at masaya ako dahil gusto ko ‘yon para sayo. Wala pa ring nagbago, hangad ko pa rin ang kaligayahan mo.” May banayad na ngiti si Drake. “Nat, pahalagahan mo ang meron ka at mabuhay ka ng maayos.”“Ikaw rin, salamat sa pagliligtas sa amin.” Biglang may naalala si Natalie. “Oo nga pala, nasa ospital ka na bago pa mangyari ang insidente kahapon. May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?”Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Drake. Pero mabilis din siyang ngumiti na parang wala lang. “Hindi, maayos naman ako. Kumuha lang ako ng vitamins ko. Naubusan na kasi ako at hindi siya nabibili over the

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 429

    “Oh… okay.”Hindi makapaniwala si Nilly sa sinabi nito. Hindi lang simpleng pagkain ang dala nito—ang sabi niya pagkaing galing sa bahay ang dala niya—ibig sabihin, hindi lang ito basta binili sa kung saan kundi galing pa ng Antipolo. Hindi imposibleng gawin ‘yon ni Mateo dahil mas marami na itong ginawa na higit pa sa pagdadala ng almusal.Pero may isang bagay na gumugulo sa isipan ni Nilly, kaya hindi na niya napigilan pang magtanong. “Mateo…pwede bang magtanong?”“Hmm?”“Nandito ka ba sa labas buong gabi?”“Oo.” Agad na tumango si Mateo, seryoso ang tingin. “Siguraduhin mong mababanggit mo ‘yan kay Natalie.”“Ano?” Nagtatakang tanong niya.“Kaibigan ka niya, mas maniniwala siya kung sayo galing ang katotohanang ‘yon. Kaya gusto kong sabihin mo sa kanya ang nakita mo.”“Tama nga si Natalie. Napakawalanghiya ng taong ‘to.” Bulong ni Nilly sa sarili.**Sa loob ng apartment, nakaupo na sa kama si Natalie, antok na antok pa siya. Napakarami nilang pinag-usapan kagabi ng kaibigan kaya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status