Share

KABANATA 402

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-07-02 20:45:53

Sa loob ng study, kinuha ni Mateo ang isang sigarilyo mula sa drawer at handa na sanang sindihan ito. Pero sa huling sandali, pinigilan niya ang sarili. Buntis si Natalie at hindi niya gusto ang amoy ng usok. Minsan na siyang sinabihan nito na kung gusto niyang manigarilyo, sa balkonahe o sa labas na lang at lalong hindi maganda ang epekto ng second-hand smoke sa batang nasa sinapupunan nito.

Lalong lumalim ang iritasyon niya sa sarili dahil kahit na nagpupuyos siya sa galit ay ang kapakanan pa rin nito ang inaalala niya. Napabuntong-hininga siya bago tinapon ang sigarilyo. Alam niyang tama ang ginagawa niya dahil madalas na nasa study ang babae at air conditioned ang kwarto—kung magsisigarilyo siya doon ay mananatili ang amoy sa loob.

Biglang tumunog ang Cellphone niya. Si Isaac ang tumatawag kaya sinagot niya. “Ano ‘yon?”

[Sir,] may pag-aalinlangan sa boses ni Isaac, kahit halatang excited ito. [Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sayo…]

“Tsk.” Bad trip na siya kanina pa ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (331)
goodnovel comment avatar
Christina Ybañez
ang bobo mo Nathalie bakit hi di mo pakasi sabihin na anak ka ni rigor..Para hindi kana palagi Hinalaan ni Matteo..ayy pahabain pa talaga ang ang kwento..
goodnovel comment avatar
Aqua Rius
eto na un continues nyan,c Irene nagbenta nyan nkita nya sa mga gamit ni Natalie.........Halatang c Author mas pabor sa kontrabida
goodnovel comment avatar
Minerva Teraza
o baka naman my dear author palabasin mo na si irene naman ang may ari ng hairpain na yun.pag nangyari yun,at naku dadami na naman ang bashers mo.dapat si irene na lang ang ginawa mong bida...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 418

    Pinikit ni Natalie ang mga mata at umiling. Pero hindi pa rin siya tiningnan nito. Ramdam ni Mateo ang bigat ng kanyang kasalanan. Pinaghintay niya ito buong gabi ng walang dahilan. At kahit na may dahilan pa—hindi niya rin magagawang sabihin ang nangyari sa asawa dahil hindi nito magugustuhan ang kinalabasan ng paghahanap niya.“Paano kung bukas ng gabi? Ako ang pipili ng lugar. Pangako, mauuna akong dumating.” Alok niya.“Hindi na kailangan.” Umiling muli si Natalie. Kinuha niya ang huling piraso ng maanghang na labanos at tsaka bumulong, “huling piraso na ito.”“Ako na, ikukuha kita ng mas marami.” Mabilis na tumayo si Mateo, halatang gusto niyang bumawi.Ngunit noong hawakan niya ang walang lamang pinggan—napagtanto niya ang isang importanteng bagay. Wala siyang ideya kung saan nakalagay ang mga side dish. Pero hindi siya tumigil—binuksan niya ang ref, pero wala siyang nakita doon. Pati mga cupboard ay binuksan niya.Nanatiling tahimik lang si Natalie. Ni hindi siya tinulungan o n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 417

    Kaagad napansin ni Irene ang pagbabago sa ekspresyon ng lalaki. “May problema ba?”Tumayo si Mateo at tumango. “Oo. Irene, pasensya na. Kailangan kong umalis agad.”“Bakit ka humihingi ng paumanhin? Ayos lang. Salamat sa pagbabalik mo ng hairpin ko at higit sa lahat…salamat dahil bumalik ka.” Ngumiti si Irene ng maunawain, walang balak pigilan siya. “Isa pa, matagal na tayong magkaibigan—hindi na kailangan ng pormalidad. Kung may mahalaga kang dapat gawin, sige lang.”Mabilis na dumaan sa mata ni Mateo ang pasasalamat. “Mag-uusap tayo ulit.”“Sige, mag-ingat ka sa byahe.” Tumayo si Irene at tahimik na pinagmamasdan ang mabilis niyang pag-alis.Dahan-dahang lumitaw ang isang ngiti sa kanyang labi. Tumingin siya sa butterfly hairpin na nasa kanyang palad—at mahigpit na hinawakan ito.**Sa loob ng kotse, mabilis na tinawagan ni Isaac si Alex. "Utos ni sir, huwag mong hayaang umalis si Natalie dyan. Papunta na kami.”Mabigat ang buntong-hininga ni Alex. Sa totoo lang, kanina pa siya naha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 416

    Ganoong panahon din nagsimulang manilbihan sa kanya si Isaac. Galing ito sa mga tauhan ng lolo niya. Dahil sa ito ang pinakabata—minabuti ng lolo niya na ibigay sa kanya bilang personal bodyguard at PA niya. Tinanggap niya si Isaac dahil nagkasundo naman sila kaagad—doon din nagsimula ang pagsasama nila ni Isaac—halos kasabay ng pagtatapos ng kabanata nila ng dalagitang madaldal.Matapos tapusin ang utos ng araw na iyon, bumalik si Isaac at nag-ulat. “Tapos na. Ako mismo ang nag-abot sa kanya.”Saka lang nakahinga ng maluwag si Mateo. Naniwala siyang wala na siyang anumang alalahanin, kaya lumipad siya papuntang ibang bansa para sa kanyang gamutan.**Halos anim na buwan ng bulag si Mateo bago magsimula ang kanyang paggamot sa ibang bansa. At inabot pa siya ng anim na buwan ulit bago niya muling nabawi ang kanyang paningin. Hindi naging madali ang naging proseso ng kanyang operasyon. Marami siyang mga pinagdaanan bago niya nakamit ang positibong resulta.Pero sa huli—nagtagumpay ito.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 415

    Bumalik sa isipan ni Mateo ang mga alaala ng kahapon—parang isang pelikulang mabilis na pinapatakbo pabalik. Malinaw na malinaw iyon sa kanyang isipan. Kahit kailan ay hindi nawala sa kanya ang mga alaalang ‘yon dahil lagi niyang binabalikan ang mga alaalang ‘yon sa tuwing naiisip niya ang babaeng binigyan niya ng butterfly hairpin.Noong bata pa siya—nagkaroon siya ng isang matinding aksidente sa sasakyan na nagdulot ng pagkabulag niya ng tuluyan. Literal na naging madilim ang mundo niya at nalugmok siya sa matinding depresyon.Naghanap ang Lolo Antonio niya ng pinakamagagaling na doktor sa buong bansa, ngunit wala ni isa ang makapagsabi kung maibabalik pa ang paningin niya. May malaking posibilidad na hindi na niya muling makikita ang liwanag—na mananatili siyang nakakulong sa kadiliman magpakailanman.Para sa isang tulad niya, na lumaking matapang, mayabang, at hindi natitinag, isa itong malupit na dagok. Habang hindi siya makakita ng anuman, naging mabangis at mainitin ang ulo ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 414

    “Ayos lang.” Mabilis na sumagot si Isaac bago pa man makapagsalita si Mateo. Matigas ang kanyang tono. “Hindi namin hahayaang malugi ka. Magbabayad kami ng tama. Huwag kang mag-alala.”Alam ni Isaac ang pinansyal na kapasidad ng boss nila kaya niya nasabi iyon—para sa estado ni Mateo, barya lang ang halagang iyon at hindi mababawasan ang savings nito sa bangko.Sandaling nag-alinlangan si Ed bago kumislap ang kanyang mga mata sa kuryosidad. Higit sa pera, nanaig din ang kagustuhan niyang makalikom ng impormasyon tungkol sa butterfly hairpin. “Hindi naman sa pangingialam, maaari ba kitang tanungin, Mateo? Bakit mo gustong makuha ang hairpin? Bakit parang interesadong-interesado ka?”Hindi sumagot si Mateo. Hindi siya obligadong ikwento ang istorya sa likod ng hairpin sa kahit sino. Sa halip, tumayo siya. “Hindi mo na kailangang malaman. Tanggapin mo na lang ang kabayaran.” Desidido ng umalis sa lugar na iyon.“Teka lang!” Agad siyang tinawag ni Ed. “Pakiusap, sandali lang!”Huminto si

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 413

    Matagal na nanatiling tahimik si Mateo. Iniisip niya kung ano ang tama niyang gawin. Makalipas ang ilang saglit, sa wakas ay nagsalita siya. “Hindi na, ako na mismo ang pupunta.”Kung ito man ay sa babaeng pinagbigyan niya o hindi, kailangan niyang makumpirma mismo. Dumaan ang kanyang daliri sa wedding ring sa kaliwang kamay at sumagi sa isipan niya ang paanyaya ni Natalie sa kanya mamaya. Gusto niyang harapin ito mamaya ng alam niyang may isang kabanata ng buhay niya na nagtapos na.Pero--kung siya nga iyon, matatapos na ang matagal ng paghahanap.Kung hindi, tatapusin na niya ang paghahanap ng tuluyan.**Kahit na sinabi niyang siya mismo ang pupunta, hindi iyon nangangahulugan na papayagan siya nina Isaac at Tomas na lumakad mag-isa. Kasama sila ni Mateo kahit saan. Ang lokasyon na ibinigay kay Isaac ay nasa kanlurang bahagi ng lungsod, sa isang district na may magandang tanawin at kadalasang pinupuntahan ng mga young professionals at mga kabataan kapag wala silang ginagawa.Ang me

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status